#BYAHBook3_ThisTime
EPISODE 7
“Oh! My! Gas!!! What a beautiful scenery!!!” halos pasigaw na sabi ni Monique ng makababa ito ng puting van na kanilang sinakyan papunta rito. Nirentahan lamang nila ang sasakyan kaya may kasama rin silang driver na siyang nagmaneho ng sasakyan papunta rito. Nanlalaki ang mga mata nito habang inililibot ang mga paningin sa magandang lugar na ito. Hangang-hanga siya.
Lumukot naman ang mukha ni Cheska. Natatawa rin ito sa nakikitang reaksyon ng kaibigan.
“Ang O.A mo naman Baks…” natatawang sabi ni Cheska na tuluyan na ring lumabas at bumaba ng van.
Napatingin naman sa kanya si Monique. “Anong O.A ka diyan? Tignan mo nga ang paligid… Napakaganda! Breathtaking!” sabi ni Monique. Muling napatingin si Monique paligid. Napapangiti.
Napatango na lamang si Cheska. Actually, sang-ayon naman siya sa mga sinabi ni Monique. Maganda naman talaga ang lugar. O.A lang talaga para sa kanya ang pagkamangha ng kaibigan.
Sumunod naman na bumaba sa puting van sila Khievo kasama ang dalawang bata na sila Migo at Haygin. Bitbit ni Khievo ang isang bagpack na siyang pagmamay-ari nila ni Cheska habang ang isang maleta naman na ngayon ay hinihila niya ay pagmamay-ari nila Monique at Haygin.
Napatingin-tingin si Khievo sa paligid. Napangiti siya. Napakaganda ng lugar na ito. Nasa bungad pa lamang sila pero masasabi mong sulit ang ibinayad mo dahil busog na kaagad ang mga mata mo sa ganda ng mga makikita mo at busog na rin sa hangin ang baga mo dahil sa sarap ng may kalakasan na simoy ng malamig na hangin na humahampas at dumadampi pa sa kanyang balat.
Nasa bungad sila ngayon ng isang exclusive resort. Sa pagbaba pa lamang nila ay nakita na kaagad nila ang ganda ng lugar. Puno ng mga puno’t-halaman sa magkabilang gilid ng dadaanan mo na ang mga sanga at dahon ay malayang tumubo mula sa itaas na siyang nagsisilbing bubong papasok mo sa pinakaloob ng resort. Tumatagos roon ang sinag ng araw na siyang nagdadagdag sa ganda ng lugar.
Napapikit ng mga mata si Monique. Suminghot-singhot. Nakita naman siya ni Cheska. Nangunot ang noo at nagsalubong ang magkabilang kilay nito.
“Kailan ka pa naging pusa Baks? Pasinghot-singhot ka diyan?” tanong ni Cheska. Natawa naman si Khievo sa narinig na tanong ng asawa sa kaibigan nito.
Napatigil naman si Monique. Napadilat ang mga mata at napatingin kay Cheska.
“Masama na bang amuyin ang hangin aber? Ang bango kaya! Fresh na fresh!” sabi ni Monique.
Natawa naman si Cheska. Natatawa sa kabaliwan ng kaibigan. “Ewan ko sayo…” sabi ni Cheska.
Binuhat na ni Cheska si Migo habang hinawakan naman ni Monique ang kamay ng kanyang anak. Nagsimula ng maglakad papasok ang lahat. Nakasunod naman sa kanila si Khievo na patingin-tingin sa buong lugar. Manghang-mangha ang lahat sa ganda ng lugar lalo na sa pagpasok nila sa loob ng resort.
- - - -- - - - - - - - - - -
“Hindi kaya masyadong mahal ang binayaran ni Monique para sa kwartong ito? Masyadong malaki para sa ating tatlo…” tanong at sabi ni Khievo. Nasa loob na sila ngayon ng isang malaking kwarto dito sa resort na nasa ikatlong palapag ng malaking gusali. Sa tingin nila, deluxe room ang tawag sa kwartong ito. Malaki ang nasabing kwarto, kumpleto sa gamit at amenities. Nasa kabilang kwarto naman katabi ng kwarto nila ang mag-ina na sila Monique at Haygin na parehong kwarto ang inokupa.
Napatigil naman sa pag-aayos ng gamit si Cheska. Napatingin sa asawa habang nakaupo sa gilid ng kama.
“Hayaan mo siya… Eto ang gusto eh…” sabi ni Cheska.
“Pero kasi… Nakakahiya naman sa kanya…” sabi ni Khievo.
Tipid na napangiti si Cheska.
“Hayaan mo… Hahati tayo sa lahat ng mga gastos rito… Hindi naman pwedeng siya lang ang gagastos… Napag-usapan na iyon di ba?” sabi ni Cheska.
Napatango na lamang si Khievo.
Tinungo ni Khievo ang terrace na meron rin sa kwartong tutuluyan nila for one week. Oo, isang linggo silang magbabakasyon sa Tagaytay.
Lumawak ang ngiti sa labi ni Khievo ng masilayan ng kanyang mga mata ang ganda ng tanawin sa labas. Maaliwalas ang panahon, bagay na bagay sa tanawin. Kitang-kita mula rito sa kanyang kinatatayuan ang kabuuan ng resort. Mula sa mala-paraiso nitong garden, sa mga malalawak at malalaki na swimming pools na ang bilang niya ay lagpas lima at magkakaiba ang sukat, laki at hugis. Kitang-kita rin rito ang iba pang mga magagandang katangian na meron ang resort.
Hindi naman naging hadlang ang layo ng distansya para hindi rin niya masilayan ang ganda ng Taal Volcano. May kalayuan ito mula sa resort pero kitang kita pa rin ito. Nakapalibot sa bulkang iyon ang asul na tubig ng Taal Lake. Napakagandang pagmasdan.
Hindi lamang iyon ang kanyang nakita, halos makita na rin kasi niya ang kabuuan ng Tagaytay. Talagang busog na busog ang kanyang mga mata sa kanyang mga nakikita.
Naramdaman na lamang ni Khievo na may yumakap sa kanya mula sa likuran. Napangiti siya.
“Napakaganda…” sabi ni Cheska habang nakatingin na rin ang mga mata sa tinitingnan ni Khievo. Namamangha katulad ng asawa. “Napakaperfect…”
“Parang tayo… Perfect…” dugtong kaagad ni Kheivo sa sinabi ng asawa.
Napatingin naman si Cheska sa asawa. Napangiti. Humigpit ang yakap nito sa bewang ng asawa.
“Tulog pa rin ba si Migo?” tanong ni Khievo kay Cheska.
Napatango si Cheska. “Oo… ayun at ang sarap pa rin ng tulog… ang lambot at ang laki ba naman kasi ng kama…” sabi nito. Napagod kasi si Migo kanina kakatalon at kakagulong sa kama kaya ayun, napagod at nakatulog.
Napatango na lamang si Khievo.
Sabay na muling pinagmasdan ang ganda ng tanawin.
- - - - - - - -- - - - - - -
“Welcome to Villa Escudero Resort Sir…” nakangiting sabi ng babaeng receptionist kay Kameon. Nasa reception area siya ngayon.
“Kameon Ace Del Castillo… Nagpareserve ako rito ng kwarto few days ago…” sabi ni Kameon.
“Ah… Sige po… wait lang po…” sabi ng receptionist at tumingin na ito sa computer na nasa gilid lamang ng mesa nito. Nagpipindot roon at naghanap.
Muling tumingin ang receptionist kay Kameon. Nakangiti.
“Deluxe room for one right Sir?” tanong ng babae. Napatango si Kameon.
“7 days and 6 nights…” sabi ng babae. Napatango muli si Kameon.
May kinuha mula sa kaha ang babae. Isang susi. Ibinigay iyon kay Kameon.
“Room 341… Welcome again Sir… Enjoy your stay here…” sabi ng babae.
Tipid na napangiti na lamang si Kameon. Kinuha mula sa babae ang susi saka tumalikod na rito.
Napatingin-tingin si Kameon sa paligid. Napabuntong-hininga.
“Memories… Memories…” bulong na sabi nito. Biglang umagos na parang tubig ang mga alaala sa kanyang isipan.
Muling napabuntong-hininga si Kameon bago nagsimulang maglakad papuntang elevator. Pupunta na siya sa kanyang inokupang kwarto.
-END OF EPISODE 7-
#BYAHBook2_ThisTime
EPISODE 8
Nakatayo sa terrace ng hotel room si Khievo. Nakatingin sa madilim na kalangitan na may nagkalat na mga nagkikislapang mga bituin. Nakikisabay sa pagkislap ng mga bituin ang mga liwanag na nanggagaling naman sa mga ilaw na nasa ibaba.
Damang-dama ni Khievo ang lamig ng simoy ng hangin. Nakakagaan sa kanyang pakiramdam ang hangin dahil ramdam na ramdam mo ang pagkapuro nito. ‘Yung tipong halos wala itong kahalong polusyon.
Napabuntong-hininga si Khievo. Hindi siya makatulog kahit na ramdam pa rin niya hanggang ngayon ang pagod ng ginawa nilang paglilibot at pamamasyal kanina. Ewan ba niya pero pakiramdam niya kasi, kahit saan siyang parte ng lugar tumingin, parang may kakaiba siyang nararamdaman. Feeling niya, nakita na niya ang mga ito. Feeling niya, napuntahan na niya iyon at ang mas nakakapagtaka pa sa kakaiba niyang nararamdaman, pakiramdam niya, may kasama siya sa mga lugar na iyon.
Napailing na lamang si nKhievo. He dismissed that thought. Ngayon lang siya nakapunta sa Tagaytay at ang kasama niya ay ang mag-ina niya at ang kaibigan at ang anak nito. Hindi pa siya nakapunta rito kailanman. Ngayon lang.
Pinagsalikop ni Khievo ang magkabilang braso sa tapat ng kanyang maumbok at nagtitigasang dibdib na natatakpan ng suot niyang puting sando.
“Bakit hindi ka pa natutulog?”
Kaagad na napatingin si Khievo sa nagsalita. Nakita niyang nasa tabi na pala niya ang asawang si Cheska na nagtatakang nakatingin sa kanya.
“Hindi ka ba napagod sa pamamasyal natin kanina? Dapat nagpapahinga ka na ngayon dahil bukas… mamamasyal pa tayo...” dugtong pa nito sa sinabi.
Tipid na napangiti si Khievo.
“Medyo napagod… Pero kasi, hindi pa ako makatulog… Parang hindi pa ako nakakaramdam ng antok...” dahilan na sabi ni Khievo.
Napatango na lamang si Cheska.
Namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. Kapwa nakatingin na ngayon sila sa madilim at malawak na kalangitang puno ng nagkalat at nagkikislapang mga bituin.
Pamaya-maya, naramdaman na lamang ni Khievo na yumakap sa kanya si Cheska. Nasa gilid pa rin niya ito at nakayakap ang kaliwang braso sa kanyang baywang.
Napangiti ng tipid si Khievo. Inakbayan naman niya ang asawa.
Walang nagsalita sa kanila pero ramdam naman nila ang init ng kanilang pagmamahal na kapwa ipinaparamdam sa bawat isa.
Sa kabilang dako…
Nakaupo sa isang upuan si Kameon. Nasa terrace ng hotel room niya ito at kasalukuyang nakatulalang nakatingin sa madilim na kalangitang puno ng nagkalat at nagkikislapang mga bituin. Napakagandang pagmasdan.
Malalim ang kanyang iniisip.
Pamaya-maya, tipid siyang napangiti. May naalala kasi siya…
Kapwa magkatabing nakahiga sa malinis na damuhan sila Kameon at Khiro. Naka-unan ang ulunan ng huli sa kanang braso ng una. Kapwa pinagmamasdan ang mga nagkalat na bituin sa madilim at malawak na kalangitan. Nasa Tagaytay sila ng mga panahong ito. Particular, sa Park.
“You know what… You’re like a star to me…” out of nowhere ay sabi ni Kameon.
Napatingala at napatingin naman si Khiro kay Kameon na ngayo’y nakatingin na rin pala sa kanya. Nangunot ang noo at nagsalubong ang magkabilang kilay.
“Huh? Ako? Parang bituin?” pagtatakang tanong nito.
Tumango si Kameon.
“Bakit mo naman nasabi ‘yan?” pagtatakang tanong pa ni Khiro.
“Because you made my night and day even more beautiful as always…” sabi ni Kameon.
“Huh?” nagtataka pa rin si Khiro.
Napangiti si Kameon. “Kasi… Kahit na sa kabila ng kadiliman… Kumikislap ka… Sa mga panahong nasa madilim na parte ang buhay ko… nandyan ka at pinapaganda mo ang madilim ng parteng iyon kaya naman pagdating ng umaga… Nakikita pa rin kita kaya lalo itong gumaganda at mas lalong gumaganda ang araw ko...” sabi nito.
Kinilig si Khiro sa sinabi ni Kameon. Pero pamaya-maya ay bigla itong napaisip.
“Teka nga lang… Wala namang bituin sa araw huh…”
“Meron…” sabi ni kaagad ni Kameon.
“Huh? Wala kaya…”
“Meron nga…” sabi kaagad muli ni Kameon.
“Wala…”
“Meron…”
“Wala…”
“Meron…”
“Wa…”
Napatigil si Khiro sa pagsasalita ng maramdaman na lamang niyang hinalikan siya ni Kameon sa labi. Smack lamang iyon pero pakiramdam niya, tagos na tagos iyon hanggang kaluluwa.
Kaagad ring humiwalay ang labi at mukha ni Kameon kay Khiro.
“Sinabi kong meron… Ang araw… di ba isa rin siyang bituin… Malaking bituin at masasabi kong ikaw ang malaking bituin na iyon…” sabi ni Kameon nang nakangiti.
Sandaling napatanga si Khiro. Pamaya-maya ay na-gets na niya. Oo nga noh… Bakit hindi niya iyon naisip kaagad. Hay! Paano naman kasing hindi niya iyon maiisip kaagad eh laging si Kameon ang nasa utak niya.
Natawa na lamang si Khiro na may halong kilig.
“Ikaw rin naman… Isa ka ring bituin para sa akin… pinakamakislap at nag-iisang bituin na lagi kong nakikita…” sabi ni Khiro.
Napabuntong-hininga si Kameon. Kaysarap sa pakiramdam niya na mabalikan ang bawat masasayang sandali nila ni Khiro. Pero hinihiling niya… Kahit imposible… Na sana… madugtungan pa ang kanilang mga masasayang sandali… ay mali… masayang pagsasamahan.
-END OF EPISODE 8-