#BYAHBook3_ThisTime
EPISODE 5
Diretsong nakatingin ang mga mata sa daan habang seryosong nagmamaneho ng kanyang kotse si Kameon. Papunta siya ngayon sa isang restaurant kung saan doon niya imi-meet ang bago niyang kasosyo sa bagong branch ng itatayong bar.
So far so good ang takbo ng negosyo ni Kameon. Mula sa isang bar na kanyang itinayo at pinatakbo few years ago, lumago ito at nagkaroon pa ng iba pang mga branches na matatagpuan sa iba’t-ibang panig ng bansa. Bukod kasi sa pag-iisip at pagmamahal kay Khiro, tinutukan rin nito ang pagpapatakbo sa negosyo kaya ito’y lumago. Tanging ang pagmamahal kay Khiro at pagpapatakbo sa negosyo ang siyang naging buhay ni Kameon.
Halos maputol na ni Kameon ang preno ng kanyang sasakyan dahil sa bigla niyang matinding pag-apak at pagpreno ng todo rito. Nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin at nakasunod sa lalaking nasa labas na ngayo’y naglalakad sa pedestrian lane.
Nagsimulang dagain sa kaba ang kanyang dibdib. Nakatulala na nakasunod ang tingin sa lalaki.
“Khiro...” pagsambit niya sa pangalan ng lalaking iniibig.
Pamaya-maya pa… Wala sa sariling bumaba si Kameon ng kanyang sasakyan. Wala itong pakiealam sa mga motoristang nasa likod na todo ang busina at naiinis dahil sa biglaan niyang paghinto ng sasakyan sa daan.
Mabilis na naglakad si Kameon. Sinusundan ang lalaki.
Kaagad na hinawakan ni Kameon ang kanang braso ng lalaki.
“Khiro…” sambit ni Kameon.
Pero halos manlumo si Kameon ng tumingin sa kanya ang lalaki. Nagtataka ang ekspresyon ng mukha nito na nakatingin kay Kameon.
“Ah… Sorry...” kaagad na sabi ni Kameon at binitawan ang pagkakahawak sa braso ng lalaki. Kaagad itong tumalikod at naglakad palayo.
Hindi si Khiro ang kanyang nakita. Pareho ang bulto ng katawan pero hindi kamukha ni Khiro ang lalaki. Bakit ba hindi niya napansin ang itsura ng mukha nito? Marahil ay dahil sa naglalakad nga ito at hindi nakatingin sa kanyang kinapepwestuhan kanina. Nagmukha tuloy siyang tanga. Akala kasi talaga niya… Si Khiro.
Bumalik at sumakay muli si Kameon sa kanyang sasakyan. Pagkaupong-pagkaupo niya sa driver’s seat ng kotse ay kaagad niyang pinalo ng malakas ang manibela at napasubsob ang mukha doon.
- - - - - - - - -- - - - - -
Kasalukuyang kumukuha ng underwear si Khievo sa cabinet. Nakatapis lamang ng puting tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito kaya naman litaw na litaw mula sa repleksyon sa salamin na nasa gilid lamang ng kanilang kwarto at nakatapat sa kinatatayuan niya ang maganda nitong pangangatawan. Kakaligo lamang kasi nito kaya medyo basa pa ang buhok at katawan nito. Gabi na ng mga panahong iyon.
Nahugot na niya ang isang puting boxer brief ng biglang masama naman sa nahugot niya ang isang puting envelope at nahulog sa sahig.
Nangunot ang noo at nagkasalubong ang magkabilang kilay ni Khievo dahil sa pagtataka. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng pagtataka sa pagtingin sa envelope na iyon. Hindi rin niya maintindihan sa sarili kung bakit parang itinutulak siya ng envelope na iyon na pulutin niya ito at buksan at alamin ang nilalaman.
Napabuntong-hininga si Khievo. Pupulutin na sana niya ang envelope ng bigla na lamang bumukas ang pintuan ng kwarto, napatigil siya sa pagpulot sa envelope at napatingin siya roon at nakita niyang iniluwa ng pintong iyon si Cheska. Namamalikmata ba siya? Bakit parang nagulat ang asawa niya? Bakit parang kinabahan ito.
“Hon… Kakain na…” sabi ni Cheska na kaagad na lumapit sa asawa. Kaagad na naitago ang gulat at kaba na naramdaman ng makita si Khievo at ang dapat ay gagawin nito.
Tumayo naman ng tuwid si Khievo. Hindi na nito napulot ang envelope.
“Ah ganun ba… Sige, magbibihis lang ako...” sabi ni Khievo. “Oo nga pala, pakipulot nga iyong envelope na nalaglag...” sabi pa nito.
Kaagad naman iyong pinulot ni Cheska.
“Ano ba iyan?” pagtatakang tanong ni Khievo.
“Ah… Ito… wala lang ito… lalagyan ko ng mga papel… ah oo ganun na nga… lalagyan ng mga papel na scratch… oo iyon nga… lalagyan…” parang wala sa sariling sabi ni Cheska. Sa totoo lang kasi, sobrang kinakabahan siya. Mabuti na nga lang at magaling siyang magtago sa kabang nararamdaman niya.
Napatango-tango si Khievo. “Ganun ba...” sabi na lamang ni Khievo kahit na may bahagi sa loob niya na parang hindi naniniwala sa sinabi ng asawa. He dismissed that thought.
“Sige… sumunod ka na lang sa kusina kapag natapos ka na diyan...” sabi ni Cheska. Napatango naman si Khievo.
Kaagad na naglakad palabas ng kwarto si Cheska. Pagkasarado niya ng pintuan, marahas siyang napabuntong-hininga.
Napatingin siya sa envelope na hawak-hawak. Muli siyang napabuntong-hininga at itinago iyon sa bulsa ng suot na short-short.
-END OF EPISODE 5-
#BYAHBook3_ThisTime
EPISODE 6
“BAKS!!!!” sigaw ng isang may kaliitan ang height na babae habang papasok ito ng bahay nila Cheska. Buhat-buhat nito ang isang payat na batang lalaki na mga kasing edad lamang ni Migo. Nakatakip pa nga ang magkabila nitong kamay sa magkabilang tenga dahil sa parang nabingi ito sa sigaw ng babae.
Nagulat naman sila Cheska at Migo ng marinig ang sigaw ng babae. Kasalukuyang nasa living room ang mag-ina at nanunuod ng cartoons. Naputol nga ang panunuod ng mga ito dahil sa bigla silang napatingin sa entrada ng bahay kung saan nakita nilang pumasok ang babae kasama ang batang lalaki.
“Makasigaw ka naman diyan Baks...” medyo naiinis na natatawa na sabi ni Cheska.
Napangiti naman sa kanya ang babae habang nakatingin na rin siya kay Cheska.
“Siyempre! Alam mo naman na ganito ako kapag excited di ba?” sabi ng babae.
Kaagad namang nagpababa ang batang lalaki mula sa pagkakabuhat sa kanya ng babae. Nang makababa ito ay kaagad na nilapitan si Migo at tumabi ito sa pagkakaupo sa sofa at sabay na nanuod ang dalawang bata ng cartoons.
Kaagad namang umupo ang babae sa single sofa na malapit lang sa kinauupuan ni Cheska. Ngiting-ngiti.
“Bakit ka nga ba excited? Anong meron at napasugod ka rito sa bahay?” nakataas ang kaliwang kilay na tanong ni Cheska.
Lalong napangiti ang babae.
“Kasi naman baks!... Pinayagan ako ng boss ko na magbakasyon ng halos isang buwan!!!” sigaw na sabi ng babae. Baks ang tawagan ng dalawa, short for bakla. Hindi naman sila bakla, pareho silang babae pero iyon na talaga ang tawagan nila imbes na bestie, best etc.
“Eh ano naman ngayon kung pinayagan ka ng boss mo magbakasyon?” nanatiling nakataas ang kaliwang kilay ni Cheska. “Mabuti at pinayagan ka niya, if I know, may something sayo ang boss mong iyon at hindi nabubuhay kapag hindi ka nakikita…” dugtong pa ni Cheska. Pakiramdam kasi talaga nito, may gusto ang boss nito sa kaibigan niya kasi ayon sa mga kwento nito sa kanya, lagi na lamang nitong pinagbibigyan ang kaibigan sa mga gusto nito gaya na lamang nitong kagustuhan ng kaibigan niya na pagbabakasyon ng mahabang panahon.
“Ano ka ba naman Baks! Wala kaya...” sabi ng babae pero deep inside, nakakaramdam ng kilig. Gwapo at makisig kasi ang boss niyang iyon, isa pa, mayaman at walang sabit. Kaya nga hindi siya nagreresign sa pagiging secretary nito kasi nga, sa araw-araw na pumapasok siya, nakukumpleto ang araw niya kapag nakikita niya ito. Ramdam rin naman niya na may lihim rin itong pagtingin sa kanya pero hindi lamang niya iyon pinapansin. Ayaw rin kasi niyang mag-assume lalo na’t wala naman itong sinasabi at hindi naman ito umaamin. Saka hindi naman siya umaasa na aamin ito o di kaya ay magtatapat ng damdamin sa kanya. Isa pa, hindi naman niya ito ganun kagusto. Hindi naman masama na kiligin siya sa ibang lalaki. Hindi naman masama na magkaroon siya ng crush. Babae lang siya. Humahanga ika nga. Saka hanggang crush lang naman at hindi na hihigit pa roon ang nararamdaman niya dahil hanggang ngayon, may isang lalaking nag-iisa pa ring sumasakop sa puso niya at alam niyang kailanman, hindi na ito mawawala at makakalimutan ng puso’t-isipan niya.
“Wala…” hindi naniniwalang sabi ni Cheska. Niloloko niya ang kaibigan.
“Wala nga! Eto talaga kung ano-anong pinag-iisip....” medyo naiinis ng sabi ng babae. “Anyway, change topic tayo, ‘yun na nga, pinayagan ako magbakasyon for 1 month and then, may plano ako na sulitin ang bakasyon sa Tagaytay… di ba exciting?” natutuwang sabi nito.
“Eh bakit mo pa sa akin sinasabi ‘yan?” tanong ni Cheska.
“Siyempre baks… Gusto ko na kasama ka… kasama kayo ng pamilya mo… alangan namang kami lang ni Haygin ang pumunta roon… parang ang lungkot naman yata nun… Naniniwala kasi ako sa kasabihang “the more, the merrier…” kaya gusto ko, kasama kayo…” sabi ng babae na ngumuso pa.
“Huwag ka ngang ngumuso, nagmumukha kang bibe…” sabi ni Cheska na nangasim ang mukha ng makita ang pagnguso ng kaibigan. Joke lang naman niya iyon kaya sanay na ito. “Saka… hindi rin kami makakasama… marami pa kaming kailangan gawin rito…”
“Pero Baks… Sige na… Minsan na nga lang tayo magbonding… Aayaw ka pa?” may halong tampo na sabi ng babae.
Napabuntong-hininga si Cheska. “Baks kasi… Baka kasi hindi pumayag si Khievo… alam mo naman iyon…”
“Payag ako…”
Kaagad na napatingin ang dalawa sa nagsalita. Nakita nilang nakangiti si Khievo na nakatingin sa kanila. Kanina pa ito nakatayo malapit sa kanila at nakikinig sa pinag-uusapan nila.
Tipid namang napangiti ang babae.
Hindi nagsalita si Cheska, nanatiling nakatingin ito sa asawa.
Lumapit naman si Khievo sa kanila. Naupo ito katabi ni Cheska. Hinapit niya sa bewang ang asawa.
“Payag ako… Tama siya… Minsan na nga lang kayo makapag-bonding… Saka isa pa, it’s time for us para magkaroon rin ng out of town trip na matagal na rin nating hindi nagagawa…” sabi ni Khievo.
Nanatiling nakatingin lamang ang mga mata ng babae sa mag-asawa. Imbes na makaramdam ng kilig sa dalawa, pag-aalala at pangamba ang nararamdaman niya.
Siya si Monique Ramirez, 27 years old. Nagtatrabaho sa isang real-state company bilang secretary.
Maganda at sexy si Monique kahit na may kaliitan ang height nito sa tangkad na 5 flat. Mestisa ang kulay ng makinis na balat at talaga namang kahit sinong lalaki ay magkakagusto pa rin sa kanya. Pilipinang-pilipina kasi ang dating nito.
Byuda na ito. Namatay kasi ang asawa nito ilang taon na rin ang nakakaraan dahil sa isang sakit na hindi malaman kung ano. Mga nasa 24 anyos siya ng maging byuda at 25 naman ang lalaki ng iwan niya ang kanyang maybahay. Malungkot at nakakapanghinayang. Ganyan isasalarawan ni Monique ang buhay simula ng mawala sa kanila ang asawa. Nakakahinayang kasi naputol ng ganun-ganun na lang ang masayang pagsasama nilang pamilya na akala niya’y magtatagal ng panghabang panahon at malungkot dahil biglaang nawala ang kahati ng kanyang puso pero dahil na rin sa anak nila, kaya masasabi niyang kahit papaano’y sumasaya siya. Ito ang dahilan para maging malakas siya na harapin ang bawat araw kahit na wala na sa piling nila ang asawa.
Alam naman niyang walang may kasalanan sa nangyari. Hindi niya sinisi ang Diyos. Siguro, sadyang tadhana at oras na lang talaga ng kanyang asawa na mawala ito at kunin na ng nasa itaas ang buhay nito.
Biniyayaan ang dalawa ng isang anak na Haygin ang pangalan. Hawig ito sa tatay na si Haime. Si Haime ay masasabi nating malakas ang karisma. Hindi ito kagwapuhan at ganun katipuno ang katawan pero napakalakas ng s*x appeal kaya isa rin iyon sa bumihag sa puso ni Monique. Nagkakilala ang dalawa sa isang sayawan sa fiesta at doon nagsimula ang lahat. Bukod pa sa pagiging mabait at mabuting asawa at ama nito na siyang lalong bumihag sa puso niya. Kaya nga mahal na mahal niya ito at simula ng mawala ito sa kanila, hindi na siya umasa pa na magmamahal muli. Hindi na siya umasa na may muling magpapatibok ng kanyang puso kahit na maraming lalaki ang nagpaparamdam sa kanya. Sapat na sa kanya ang kung anumang meron siya ngayon. Sapat na si Haygin at ang buhay na meron siya ngayon. Sinasabi man ng iba na malungkot ang mag-isa ay hindi naman siya naniniwala roon dahil napatunayan na niya na hindi naman totoo ang kasabihang iyon dahil na rin sa nandyan ang kanyang anak na siyang nagbibigay lakas at nagpapasaya sa kanya sa gitna ng mga pagsubok, kalungkutan at pagkabigo.
Masayahin si Monique. Makulit at palabiro. Taklesa. Mukhang bakla kumilos kaya nga tinagurian rin ito ni Cheska na Pambansang Babaeng bakla.
Ilang taon na rin ang nakalipas simula ng magkakilala at maging magkaibigan sila Cheska at Monique. Simula nung tumira sila Cheska rito sa bayan ng Tanay. Ito kasi ang unang-una na nagwelcome sa kanila. Kapitbahay lamang kasi nila ito.
Alam ng dalawa ang lahat sa isa’t-isa dahil walang nilihim ang mga ito sa isa’t-isa.
“So ano? Payag ka na ba?” tanong ni Monique kay Cheska.
Napatingin si Cheska sa kaibigan. Napabuntong-hininga.
“Ok… Pero may kondisyon ako...” sabi ni Cheska.
Nangunot ang noo at nagkasalubong ang magkabilang kilay ni Monique.
“At ano namang kondisyon ‘yan aber?” pagtatakang tanong nito.
“Uhm… Hindi lang ikaw ang gagastos sa trip… Hati tayo...” sabi ni Cheska.
Napangiti naman si Monique.
“Yun lang ba? Eh di ok… Pero gusto ko pa namang manlibre kasi nakakuha ako ng malaking bonus eh kaso ayaw mo kaya sige na nga, wag na lang…” sabi ni Monique. “Anyway, highway… maghanda lang kayo huh kasi the other day na ang trip natin…” sabi pa nito.
Natawa naman si Cheska sa sinabi ng kaibigan. Napatango ito.
“Oo nga pala… Di ba sinabi mo kanina na sa Tagaytay tayo pupunta?” tanong ni Khievo.
“Oo… Bakit? Nakapunta ka na ba doon?” tanong ni Monique.
Napailing si Khievo. “Hindi pa...” sabi nito pero parang hindi sigurado sa sagot. ‘Pero Parang… Oo…’ sabi pa nito sa isipan. Para kasing pakiramdam niya, nakarating na siya sa lugar na iyon.
- - - - - - - - - - - -- - -
“Ikaw na munang bahala rito at sa iba pang mga branches habang wala ako...” sabi ni Kameon sa kanyang lalaking assistant s***h secretary. Tumayo ito mula sa kanyang inupuang swivel chair at nag-inat-inat. Nasa loob sila ngayon ng office ng bar.
“Bakit Sir? Saan ho ba kayo pupunta?” tanong nito.
Napatingin sa kanya si Kameon. Seryoso.
“It’s none of your business…” masungit at seryosong sabi nito saka tumalikod sa kanyang secretary na animo’y napahiya sa kanyang inasal kaya napayuko na lang.
Kinuha ni Kameon mula sa swivel chair ang nakapatong niyang coat saka iyon sinuot at walang sali-salitang lumabas sa lugar na iyon.
He need space… He need peace… He need to… unwind…
-END OF EPISODE 6-