EPISODE 9 AND 10

2144 Words
#BYAHBook3_ThisTime EPISODE 9     Damang-dama ni Khievo ang lamig at sarap ng simoy ng hangin habang siya’y naglalakad sa garden ng resort. Suot ang puting sando at jersey short ay mag-isa niyang nililibot ang nasabing lugar.     Ibang-iba talaga ang hangin sa lugar na iyon.     Hindi naman madilim sa lugar na iyon kahit na gabi na ng mga panahong iyon. Nagkalat rin kasi sa lugar ang mga lamp post na siyang nagbibigay liwanag.     As usual, hindi pa rin makatulog si Khievo. Kaninang inaya siya ni Cheska na matulog na ay sumunod lamang siya. Humiga sa kama at pinilit matulog ngunit hindi siya nagtagumpay. Nanatiling gising ang diwa niya kaya naman ng makita niyang nakatulog na si Cheska, nagpasya na lamang siyang lumabas mula sa hotel room nila at maglibot.     Napapangiti si Khievo habang nililibot ang paningin sa kabuuan ng lugar. Napakaraming iba’t-ibang klase ng puno’t halaman kaya naman hindi maikakaila na napakaganda talaga rito. Maaapakan rin ng mga paa mo ang Bermuda grass na siyang nagsisilbing sahig ng garden. Napakaganda talaga…  Parang paraiso ika nga. Isa pa sa nagdagdag sa ganda ng lugar ay ang anghel na fountain na nakapwesto sa bandang gitna ng garden kung saan, may nakapalibot roon na parang bilog kung saan sa tingin niya ay pwedeng maupo ang mga taong nagagawi sa lugar na iyon. Hindi lang rin naman iyon ang pwedeng maupuan, marami ring bench na may sandalan na gawa sa marmol ang nagkalat sa iba’t-ibang lugar ng malawak na garden.     Napahinto sa paglalakad si Khievo. Nakaramdam ng pagod ang kanyang mga paa dahil sa kanina pa siya naglalakad. Nagpasya siyang pumunta sa fountain at doon ay naupo sa upuan. Sa bandang harapan. Nagdekwatro pa ito at tumingin sa itaas. Hindi niya makita ang kalangitan dahil na rin sa natatabingan ito ng malalagong dahon at sanga ng mga nagtatayugang mga puno. Sumusunod sa bawat hampas ng hangin ang mga sanga at dahon.   Napangiti si Khievo.       Sa kabilang side naman ng fountain, sa likod ng anghel. Nakaupo naman si Kameon. Nakatulala. Hindi namalayan na may kasama siya… na sa kabilang side lamang ng kanyang inuupuan ay mayroon ring taong nakaupo.     Patuloy na dumadaloy sa isipan ni Kameon ang mga alaala nila ni Khiro. Ang mga malulungkot at masasayang alaala. Napabuntong-hininga siya.   Pamaya-maya ay kinuha niya mula sa bulsa ng suot niyang cargo short ang kanyang cellphone. Binuksan iyon at pumunta sa gallery.     Napapangiti ito na parang tanga habang tinitingnan isa-isa ang mga litrato nila ni Khiro. Mga litratong isa pa sa nagpapaalala sa kanya kung gaano sila kasaya at nagmamahalan.         Muling tumayo si Khievo sa kanyang inuupuan. Kahit papaano’y napahinga ang kanyang mga paa. Muli niyang ipinagpatuloy ang paglalakad papunta sa likod ng fountain.       Napatigil sa pagtingin ng litrato si Kameon. Kaagad na napatingala dahil namalayan na niya na may kasama pala siya ngayon sa garden.     Pero halos manlaki ang mga mata ni Kameon sa kanyang nakita. Nagsimulang dumagundong sa kaba ang kanyang dibdib. Nanginginig ang kanyang mga kamay.     Hindi niya inaasahan na makikita niya itong muli. Hindi niya inaasahang makikita niyang buhay na buhay ang taong pinakamamahal niya. Tama siya, buhay si Khiro.       Nagpatuloy lamang sa paglalakad si Khievo. Hindi napansin si Kameon na tulala at nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa kanya.       Wala sa sariling tumayo si Kameon mula sa kinauupuan at sinundan ang naglalakad na si Khievo. Malawak ang ngiti sa labi pero naluluha ang mga mata.       Nangunot ang noo at nagkasalubong ang magkabilang kilay ni Khievo ng maramdaman niya na mula sa likuran niya ay may sumusunod sa kanya. Huminto siya sa paglalakad at tumingin sa kanyang likod. Lalong nangunot ang noo at nagkasalubong ang magkabilang kilay nito ng makita niya ang isang lalaking sa tingin niya ay sumusunod sa kanya. Gwapo ito, sa tantya niya ay mga nasa early 30s na ito, matipuno ang katawan na hubog na hubog sa suot nitong t-shirt at cargo short. Mukha naman itong disente sa paningin niya pero parang napapansin rin niya sa mga mata nito ang namumuong luha na nagbabadyang tumulo. Isa pa, pansin rin niya ang malawak na ngiti ng labi nito.     Nakahinto rin si Kameon. Nanatili ang tingin kay Khievo. Titig na titig siya sa gwapong mukha ng minamahal. Walang pinagbago ang gwapong mukha nito, ‘yun nga lang, medyo naging matured na ang itsura nito, medyo lumaki rin ang katawan.Maganda pa rin ang kulay ng makinis nitong balat. At napansin rin niya ang medyo may kahabaang peklat nito sa bandang kanan ng noo na sa tingin niya ay lalong nagpagwapo rito… ngayon.     Ramdam na ramdam ni Kameon ang bilis at lakas ng t***k ng kanyang puso… na tanging si Khiro lamang ang nakakagawa.     Hindi alam ni Khievo kung bakit ganito ang kanyang nararamdaman towards sa lalaking hindi naman niya kilala o kahit kailan ay hindi naman niya nakita. Pakiramdam niya kasi, Nakita na niya ito at kilala. Isa pa sa ipinagtataka niya sa sarili ay kung bakit ang bilis ng t***k ng kanyang puso ng makita niya ito.     Nagulat na lamang si Khievo ng biglaang lumapit sa kanya ang lalaki. Hinawakan ng magkabilang palad nito ang kanyang mukha at titig na titig sa kanya. Nanlalaki ang mga mata niya na lumayo kaagad sa lalaki.     “Teka lang Sir… Ano bang ginagawa ninyo…”     Napatigil sa pagsasalita si Khievo ng bigla na lamang muling lumapit sa kanya ang lalaki at halos manlaki pa lalo ang kanyang mga mata sa gulat ng halikan siya nito sa… labi. Halos matulala siya at manigas sa kinatatayuan. Hindi niya inaasahan ang ginawa nito. Halo-halo ang kanyang nararamdaman na hindi niya maintindihan.     Patuloy lamang sa paghalik si Kameon sa labi ni Khievo kahit na hindi ito gumagalaw. Sa halik niyang iyon, ibinuhos niya ang lahat ng pananabik at pagmamahal para kay Khiro. Habang hinahalikan niya rin ito, doon tumulo ang kanina pa’y nagbabadyang tumulo na luha niya.     Ramdam na ramdam naman ni Khievo ang halik ni Kameon. Ang pagmamahal at pananabik at hindi niya maintindihan kung bakit gusto niyang tumugon sa halik na iyon. Parang pati siya ay nananabik sa halik nito.     Damang-dama ng dalawa ang magkadikit na katawan ng bawat isa at ang init na nanggagaling sa kanilang mga katawan kahit na nakadamit pa sila.     Bumalik sa katinuan si Khievo, Hindi nagpadaig sa kagustuhan, kaagad niyang itinulak si Kameon palayo sa kanya na halos ikatumba naman ng huli dahil sa lakas ng tulak niya.     Galit na tiningnan ni Khievo si Kameon.     “Gago ka huh!” galit na sambit ni Khievo habang nagtatagis ang ngipin nito.     Nanatiling nakatingin si Kameon kay Khievo. Wala na ang ngiti nito sa labi at napalitan ng kaba at pangamba.     “Khiro...” sambit ni Kameon habang lumuluha. Mukhang may mali ngayon sa nangyayari, lalo na kay Khiro.     ‘Khiro…’ sabi ni Khievo sa kanyang isipan. Sino si Khiro? Bakit parang narinig na niya somewhere ang pangalang iyon? Hindi na lamang niya pinansin ang mga tanong sa isipan niya. Galit na tiningnan na lamang niya ang lalaki.     “Kung bakla ka at natitigang ka sa lalaki… pwede ba, iba na lang ang pagbalingan mo nang lib*g mo! Huwag ako!” galit pang sambit ni Khievo. Pinapakalma ang sarili.     “Khiro…”     “Hindi Khiro ang pangalan ko…” sabi kaagad ni Khievo.     “Khiro…”     Galit na tiningnan na lamang ni Khievo ang lalaki. Hindi ito nagsalita.     “Khiro… Mahal na mahal kita...” bulong na sabi ni Kameon na narinig ni Khievo na nagpatulala rito. Hindi niya alam kung bakit pero mas lalong lumakas ang t***k ng kanyang puso ng marinig iyon.     Patuloy lamang sa pagluha si Kameon habang nakatingin kay Khievo.     “Khiro…”     “Hindi nga ako si Khiro…”     “Hindi mo ba ako matandaan? Ako ito… Si Kameon…” sabi kaagad ni Kameon.     ‘Kameon…’ sabi ni Khievo sa kanyang isipan. Parang narinig na rin niya ang pangalan na iyon hindi lamang niya alam kung saan. Matinding pagtataka at pagkalito ang bumanaag sa kanya.     Kitang-kita naman ni Kameon ang rumehistro na pagtataka sa mukha ni Khievo. Mukhang alam na niya kung bakit hindi siya kilala ng taong minamahal.     “Hindi mo ba ako kilala? Wala ka bang natatandaan tungkol sa akin?” tanong ni Kameon.     “Paano kita makikilala kung ngayon lang naman kita nakita? Paano kita matatandaan kung wala naman akong alam tungkol sayo kasi nga ngayon pa lang naman kita nakita?” sabi ni Khievo.     Napapikit ng mga mata si Kameon. Masakit. Masaki tang pakiramdam niya. Hindi siya makapaniwala na muling makikita si Khiro. Hindi niya inaasahan na matutupad ang hiling niya na muling masilayan ang mukha nito. Pero hindi rin niya inaasahan na ganito ang kahahantungan ng muli niyang pagkita rito. Hindi siya makapaniwala na hindi na siya kilala ng taong minamahal. Hindi na siya nito maalala.     Muling iminulat ni Kameon ang kanyang mga mata. Tumitig kay Khievo.     “Khiro…”     “Hindi nga Khiro ang pangalan ko… Khievo… Kung sino mang Khiro ‘yan Sir… Pwes nagkakamali kayo dahil hindi ako ‘yun kaya huwag ako ang pagkamalan ninyo...” diretsong pahayag ni Khievo. Diretso ang mga matang nakatingin kay Kameon. “Sige Sir… mauna na ako baka kung ano pa ang magawa ninyo sa akin at hindi ko magustuhan…” sabi pa nito.     Tumalikod na si Khievo mula kay Kameon at nagsimulang maglakad palayo. Bawat hakbang ng kanyang mga paa ay pakiramdam niya ay ang bigat-bigat nito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganito ang mga nararamdaman niya. Halo-halo.     Napaluhod naman si Kameon. Naghihina siya. Napahilamos ang magkabilang palad sa mukha. Doon ay mas ibinuhos niya ang luha.  Luha ng kaligayahan at sakit.     Inalis ni Kameon ang kanyang magkabilang palad sa mukha. Tiningnan ang nakatalikod at naglalakad palayo na si Khievo.     “Sapat na muna sa akin ngayon na makita ka… at least, nagkaroon ako ng pag-asa… Mahal na mahal kita at alam kung kahit na ilang beses mong sabihin sa akin na hindi ikaw si Khiro… ramdam na ramdam ng puso ko na ikaw iyon… at alam kong hindi ako nagkakamali…” sabi ni Kameon. “Hindi mo man ako matandaan at maalala ngayon, sisiguraduhin ko na darating ang araw… na maaalala mo rin ako… Maghihintay ako pero habang naghihintay ako, gagawa ako ng mga paraan para maalala mo rin ako…” sabi pa nito.   -END OF EPISODE 9-   #BYAHBook3_ThisTime EPISODE 10     Nakahiga sa kama si Khievo. Nakaunan ang kaliwa nitong kamay at braso sa ulunan habang titig na titig ang mga mata sa puting kisame. Tulala.     ‘Sino ba siya? Sino si Khiro? Bakit niya ako napagkamalan? Bakit ganito ang mga nararamdaman ko?’ maraming tanong ni Khievo sa kanyang isipan. Patuloy lamang na dumadaloy rito ang napakaraming tanong.     Hindi maintindihan ni Khievo ngayon ang sarili. Pakiramdam niya, naging bahagi ng buhay niya ang taong kanina’y nakaharap niya. Hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit parang gustong-gusto niya na makita muli ang lalaking iyon.     Biglang sumagi sa kanyang isipan ang nangyari kanina. Ang paghalik nito sa kanyang labi. Alam niya sa kanyang sarili na ‘yun ang unang beses na may isang kapwa lalaki na humalik sa kanyang labi pero bakit pakiramdam niya, hindi? Hindi iyon ang unang beses? At hindi rin niya maintindihan sa sarili kung bakit niya nagustuhan iyon.     Sumagi rin sa kanyang isipan ang itsura ng lalaking iyon nang sabihin niyang hindi niya ito kilala at kung ano-anong masasakit na salita. Kitang-kita niya ang sakit na nagre-reflect sa mga mata nito.     At hindi niya maintindihan kung bakit kagaya ng lalaki iyon ay…     ‘Bakit ako nasasaktan?’ tanong nito sa kanyang isipan.     Napabuntong-hininga si Khievo. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. Pakiramdam niya, sa pagtatagpo nila ng lalaking iyon na nagngangalang Kameon, may magbabago, hindi lamang sa buhay niya kundi sa buhay ng pamilyang meron siya.     Inilagay ni Khievo ang kanyang kanang kamay sa kanyang dibdib, sa tapat ng puso. Ramdam na ramdam ng kanyang palad ang malakas at mabilis na pagtibok nito kanina pa… simula ng makita niya si Kameon.     Alam niya sa kanyang sarili na mahal niya ang asawa… Mahal niya si Cheska. Pero hindi rin niya maitatanggi na kahit kailan, hindi napabilis at napalakas ng kanyang asawa ang pagtibok ng kanyang puso… na tanging ang lalaking iyon lamang ngayon ang nakakagawa.     Napapikit ng mga mata si Khievo. Sa pagpikit niyang iyon, nakita niya ang gwapong mukha ni Kameon. Kaagad siyang napadilat at napailing-iling.     ‘Hindi maaari… Hindi maaaring makaramdam ako ng kakaiba sa kanya… Alam ko sa sarili kong lalaki ako at si Cheska lamang ang dapat ay nakikita at naiisip ko… Si Cheska lamang ang babaeng dapat sa buhay ko… Si Cheska lamang at ang aming anak ang mahal ko at nasa puso ko… Wala lang siya… isa lamang siyang estranghero at wala siyang kaugnayan sa akin… Hindi ako ang sinasabi niyang si Khiro…’ sabi ni Khievo sa kanyang isipan. Pilit na iyon ang sinasabi ngunit iba ang sinasabi ng kanyang puso. Hindi na lamang niya iyon pinansin.     Naramdaman na lamang na may yumakap sa kanyang katawan. Bahagya siyang napangiti ng makitang ang anak na mahimbing na natutulog rin sa gitna at pagitan nila ni Cheska ang yumakap sa kanya.     Ipinikit na lamang niya muli ang kanyang mga mata. Pinilit na makatulog.   -END OF EPISODE 10-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD