PROLOGUE
Between You and Him Book 3: THIS TIME(BOYXBOY)
DISCLAIMER:
No part of this story maybe reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical including photocopying, printing, or by any information storage and retrieval system without the permission of the author. Please do not re-copy, re-edit, and re- publish this story without asking the writer's permission.
All of the characters in this story are fictitious, and any resemblance to actual persons, living or dead, is purely coincidental.
Copyright (c) 2020
All Rights Reserve 2020
GENRE: ROMANCE, BOYXBOY
PROLOGUE…
Tulalang nakatingin sa madilim na kalangitan si KHIEVO HERNANDEZ habang nakatayo ito sa terrace ng may kaliitan nilang bahay. Malalim ang iniisip na animo’y pilit niyang iniisip kung ilan ba talaga ang mga bituin ngayon na nakakalat sa kalangitan.
Pamaya-maya ay napabuntong-hininga ito.
‘Walang buwan ngayon sa kalangitan… Nakalimutan na naman siguro niya lumitaw… pero mabuti pa ang buwan… pagkalipas ng isang araw… maaalala niyang lumitaw muli at magpakita mula sa kalangitan… ako kaya? Kailan ko maaalala ang lahat?’ tanong nito sa isipan.
Hindi naman nito namamalayan na mula sa hindi kalayuan, nakatingin naman sa kanya mula sa likod ang asawang si CHESKA GUMABAO-HERNANDEZ. May kalungkutan na mababanaag sa mukha nito. Pati ito rin ay napabuntong-hininga.
‘Nag-iisip na naman siya…’ sabi ni Cheska sa kanyang isipan.
Naputol na lamang ang pagkakatulala ni Khievo at bahagyang napalingon ang ulo ng maramdaman na lamang niyang may yumakap sa kanyang baywang mula sa likod. Bahagya na lamang itong napangiti dahil asawa niya ang siyang yumakap sa kanya. Ang maganda at sexy niyang asawa.
“Bakit hindi ka pa natutulog?” malambing ang boses na tanong ni Cheska sa asawa.
“Hindi ako makatulog eh…” sagot ni Khievo. Napabuntong-hininga ito.
Napabuntong-hininga rin si Cheska. Hindi pa man kasi sabihin sa kanya ni Khievo, alam naman na niya na hindi ang hindi pa makatulog ang dahilan kung bakit ito gising pa kundi dahil na naman sa pag-iisip sa isang bagay na matagal nang bumabagabag kay Khievo.
“Hindi ka lang ba talaga makatulog o nag-iisip ka na naman? Di ba sinabi ko na sayo na huwag mo ng masyadong isipin pa iyon?” sabi ni Cheska na humiwalay na sa pagkakayakap sa asawa at tumabi sa pagkakatayo nito. Nakatingin na siya ngayon sa asawa.
Napatingin rin si Khievo kay Cheska. Napabuntong-hininga. “Hindi ko maiwasan eh…” sabi nito. Muling napabuntong-hininga.
“It’s been three years… Three years na simula nang magising ako mula sa aksidente… Naikwento mo man na sa akin ang lahat pero bakit ganun… Pakiramdam ko, para akong isang puzzle na marami pa ring kulang na piraso… pakiramdam ko, hindi pa rin ako buo…” sabi ni Khievo. Muling napabuntong-hininga. “It’s been three years pero hanggang ngayon, wala pa rin akong maalala tungkol sa sarili ko, sa naging buhay ko noon, tungkol sayo at sa anak natin… sa lahat… Pilitin ko mang ibalik ang mga alaala sa pamamagitan ng pag-iisip sa mga nasabi mo na sa aking tungkol sa sarili ko at sa mga nangyari sa ating dalawa… wala… Hindi ko pa rin iyon maalala...” sabi pa nito. “Pakiramdam ko… Daig ko pa ang mga disabled eh… ang kaibahan nga lang, sila, parte ng katawan nila ang kulang samantalang ako, alaala...” sabi pa nito.
Nakaramdam ng pagkahabag at lungkot si Cheska. Kasabay ng pakiramdam niyang iyon ay ang mumunting kaba na namamayani sa kanyang dibdib.
“Hindi mo naman na kasi kailangang alalahanin pa ang lahat… Huwag kang mag-isip masyado… Kung gusto mo naman na maalala ang lahat, it’s takes time… katulad ng sugat na may tamang panahon para gumaling… ganun rin ang pagbalik sa alaala… it’s also takes time para manumbalik iyon…”
“Pero napakatagal na siguro ng three years… Three years na… Sapat naman na siguro iyon para…”
“Sa tamang panahon… Babalik rin lahat ng alaala mo… Siguro, maikli pa ang tatlong taon kaya hindi pa hinahayaan ng utak mo na ibalik sayo ang lahat ng nawala mong alaala… You need to wait… malay mo, paggising mo isang araw… naaalala mo na ang lahat…” sabi kaagad ni Cheska na hindi maiwasang hindi kabahan sa mga huling salitang sinabi niya. Alam at sigurado naman kasi siyang mangyayari ang mga sinabi niya at katulad ni Khievo, baka magulat rin siya kung mangyayari man iyon. Kailangan niyang paghandaan ang panahon na iyon. Pero napaghahandaan ba talaga iyon?
Napabuntong-hininga si Cheska. Hinawakan ang kanang kamay ng gwapong asawa.
“Huwag kang mag-alala… Hangga’t hindi pa bumabalik ang mga alaala mo, patuloy lang tayong gagawa ng mga alaalang magpapasaya sa atin… mga alaalang tayong tatlo na pamilya ang bubuo… ikaw, ako at si Migo… just the three of us…” sabi ni Cheska. “Masaya naman tayo di ba? Sa three years na wala kang maalala, naging masaya ka naman di ba?” tanong pa nito.
“Oo naman... Napakasaya ko dahil wala man akong maalala, kulang man ang nilalaman ng utak ko ngayon… Kinukumpleto niyo naman ni Migo ang buhay ko…” sabi ni Khievo.
Napangiti si Cheska. “Iyon naman pala eh… Ang ibig sabihin lang niyan… Hindi lang ang mga nawala mong alaala ang magiging dahilan para maging masaya… Marami pang ibang bagay na pwedeng magpasaya sa atin… Gaya na lamang ng isa’t-isa…” nakangiting sabi ni Cheska.
Napatango si Khievo. Pilit na napangiti ito. Mahigpit niyang hinawakan at pinisil ang kamay ni Cheska na nakahawak sa kanya.
“I’m sorry…” sabi ni Khievo.
Nangunot ang noo at nagkasalubong ang magkabilang kilay ni Cheska.
“Bakit ka nagsosorry?” pagtatakang tanong ni Cheska.
Napabuntong-hininga si Khievo.
“Alam at ramdam ko na nasasaktan kita dahil sa hindi ko sinasadyang paglimot ng utak ko sayo at sa anak nating dalawa… Ang pinaka-ayoko sa lahat ay iyong nasasaktan ko ang mga damdamin…”
Hindi na naituloy ni Khievo ang iba pang sasabihin dahil bigla siyang hinalikan ni Cheska sa labi. Smack lamang iyon pero kapwa nagbigay sa kanila iyon ng kakaibang saya at ligaya. Kaagad ring humiwalay sa halik si Cheska at tinitigan sa mata ang kanyang asawa.
“You don’t need to say sorry… Oo, masakit para sa amin na makalimutan kami ng utak mo… na hindi mo maalala ang lahat… Pero sabi mo nga, hindi mo sinasadya na malimutan mo ang lahat… na malimutan mo pati kami ng anak mo kaya kahit papaano’y naiibsan ang sakit… Hindi naman masyadong mahalaga ang alaala eh… it’s just a simple memories of yourself and a happy us…Kumbaga, ang mga alaala ay isang parte… isang bahagi lamang ng buhay… ang mas at pinakamahalaga para sa akin at sa tingin ko’y sayo na rin ay ‘yung magkakasama tayo ngayon… na buo tayong pamilya… na nasa tabi kita at ni Migo… sapat na iyon para bumuo tayo ng mga bagong alaala na kukumpleto sa kakulangan na sinasabi mo…” sabi ni Cheska.
Napangiti si Khievo. Napakaswerte niya na nagkaroon siya ng isang asawa na bukod sa maganda, napakabuti pa ng kalooban at naiintindihan siya.
“Thank you… Thank you for loving me… Thank you for understanding me despite of what happened…” sincere na sabi ni Khievo.
Tipid na napangiti si Cheska. “Thank you also because you complete me… you complete my life…” sabi nito.
Napangiti pa lalo si Khievo. Aminado siyang nakakalunod ang tingin ni Cheska. Iyong tipong para kang nahulog sa isang balon ngunit ayaw mong umahon kasi masaya kang nandoon. Ang mga chinita nitong mga mata na kaysarap ring titigan.
“You also complete me… hindi man sa utak ko kundi sa buong pagkatao ko…” sabi ni Khievo.
Muling naglapit ang kanilang mga mukha. Hanggang sa muling nagdampi ang kanilang mga labi at nagsimulang maghinang. Hanggang sa ito’y lumalim na humantong sa kanilang maiinit na pag-iisa. Kapwa ipinaramdam sa isa’t-isa at dinama ang init ng kanilang pagmamahalan.