Chapter 8
Ellie
“Saan mo dinala ang anak ko?!” I screamed my lungs and my whole body stiffened as I was shouting on his disgusting face. He was looking at his back tracing if people are noticing us. And he has the guts to be ashamed? With my shaking hands, I grabbed his shirt and crumpled it knowing that he’s talker than me. Bigger than me. But I don’t f*****g care! He just—sold my child!
Tinabig niya ang mga kamay ko. Dahilan para mas lalo kong maramdaman ang mga matang nakatunghay sa amin. I cried louder. I shouted louder. Mamamatay ako kung pati ang anak ko ay mawawala na rin sa akin.
“Wag ka ngang madrama d’yan! Pabaya ka namang ina! Walang kwenta!” sigaw niya pabalik. Hinagis niya iyong pera sa mukha ko.
“Jowell saan mo dinala ’yung bata?” Reah asked him.
He glared at her. “Isa ka pa! ’Wag kang makielam,” muli niyang nilingon ang mga taong nagsisimulang palibutan kami sa kalsada. Pati ang ibang nagkakainan sa lugawan at unti-unti na ring lumalabas para panoorin lang kami.
Hanggang sa may isang tricycle driver ang nagmalasakit at nilapitan ako.
“Nando’n pa sa kabilang kanto iyong matandang babaeng pinagbentahan sa bata,” tinuro niya ang deretsong tinutukoy.
A potent rush gushed into me. Agad akong tumakbo at pinuntahan ang sinasabi niya. Hindi ko na alam kung may nakasunod pa ba sa akin. All I knew was to get back my son.
Tumakbo ako nang mabilis. Walang pakielam sa mga nakakasalubong na kotse, jeep o kahit ang mga de-padyak na tricycle man. My chest pounded so rapidly at halos lagutan ako ng hininga.
Sa pagliko ko ay naabutan ko ang isang matandang babaeng may kalong na baby—it’s my son! “Shane!!” sigaw ko. Halos maramdaman ko ang init at hapdi sa aking lalamunan pagkatapos. She look at me and her eyes grew wider. Hindi ako maaaring magkamali. Ang baby ko ang buhat-buhat niya. Tumakbo ako nang mas mabilis pa. Mabilis itong pumara ng Taxi at nasa kilos niya ang pagmamadali. “Sandali lang po!!” That’s my son!
Huminto ang puting taxi sa harapan niya at nagmadaling binuksan ang pinto sa likuran. Nahihirapan siyang kumilos dahil sa hawak na baby at sa bag sa kabilang kamay.
I run faster that I can’t imagine. Tiningnan ako ng traffic enforcer at ang taxi. Basang-basa na ang mukha ko dahil sa luha. She closes the door nang halos mahawakan ko na ang buntot ng Taxi. With all the power that I have, kinalampag ko ang salamin. Agad na huminto ang Taxi. “Sandali lang po! Anak ko po ’yan! Ibalik niyo po sa akin ang anak ko!” paulit-ulit kong sinasabi sa labas.
I saw her telling the driver to move. Nilalayo niya ang baby sa bintana ay sumesenyas sa driver na umalis na.
Hindi ako tumigil. Kung kailangan kong magpasagasa ay gagawin ko. Kaya pumunta ako sa harapan ng Taxi at sinisigaw ang anak ko. “Ibalik niyo sa akin ang baby ko!!” I was crying. Hands shaking uncontrollably. Panting mercily. All my life, I naver wanted anything as much as I wanted my son back. Handa kong harapin ang lahat ng hirap wag lang mawala sa akin ng anak ko. I will trade my life for him.
“Miss ano’ng nangyayari?”
Nilapitan kami no’ng traffic enforcer. Ayokong umalis sa pwesto ko sa takot na biglang patakbuhin ng mabilis ang Taxi’ng iyon.
“Iyong anak mo nasa loob?” he asked.
I shakingly nodded at him. Kinatok niya iyong bintana ng driver at sumenyas na ibaba ito. Napakamot sa ulo ang driver at tinuro ang pasahero niya.
“Wala akong kinalaman, Ser,” tanggi nito nang tanungin.
Umikot ako at binuksan ang pinto. Mas niyakap pa noong matanda si Shane na para bang siya ang ina nito.
“Anak ko po ’yan,” umiiyak kong sabi sa kanya. Pero nang tangkain kong kunin ang bata ay malakas niyang pinalo ang kamay ko.
“Hinde! Anak ko ’to!” sigaw niya.
Gusto ko siyang sabunutan kahit na mas may edad siya sa akin pero natatakot din akong gawin at baka masaktan ang anak ko na hawak pa rin niya.
“Kanino ba talagang anak ’yan?” the enforcer asked.
“Baby ko po.” Umiiyak kong sagot.
“Anak ko ’to, Miss!” she exclaimed.
Hindi ko alam kung may problema ba siya sa pag-iisip. “Akin na po ang anak ko, ninakaw po siya sa akin ng amo ko.” I begged.
Pero hindi siya nakikinig sa kahit na anong paliwanag ko. Hanggang sa magtalo kami. Naghisterya iyong matanda nang dumating ang mga pulis at barangay tanod. She cried na para bang siya ang pa biktima.
Dinala kami sa istasyon ng pulis para kwestyunin. Hawak ng babaeng pulis si Shane, nang magising at umiyak nang malakas ang anak ko kaya nahihirapan na siyang patahanin ito. Tumayo ako lumapit sa kanila. She thought twice at nilingon muna ang ilang kasamahan bago ibigay sa akin ang anak ko. I am not going anywhere kung iyon ang inaalala nila. I immediately kissed and hug my son na para bang matagal siyang nawalay sa akin. I know that I look a mess right but it doesn’t matter. I whispered on his ear, doon ay unti-unting tumahan ang anak ko. He knew that it was already me.
Pinagmasdan ako ng ilang tao doon at hinayaan na ihele ang anak ko. Iyong matandang babae ay patuloy pa rin sa pag-iiyak at pilit na inaangkin ang anak ko.
When Reah and Lily came, sila ang nagpatunay na akin ang anak ko. Dinali rin ng mga rumespondeng pulis si Jowell sa istasyon at tinanong. Kasa-kasama niya ang Mama niya at talak-talak sa mga pulis na humuli sa anak niya. When she saw me, muntik na niya akong sugurin at maabutan kung hindi lang humarang ang mga pulis doon.
“Ang kapal ng mukha mong babae ka! pagkatapos kitang tanggapin at bigyan ng trabaho—ganito pa ang isusukli mo sa akin! Ang kapal-kapal ng mukha mo!” sigaw niya habang pilit akong inaabot. Sa sobrang galit niya at halos hindi ko na siya makilala sa ayos. Tumataas ang damit dahil sa pangahas na kilos.
Nagkagulo sa loob ng istasyon. Kamuntik na rin na magsabunutan ang amo ko at ang babaeng kumuha sa baby ko. Iyong tricycle driver na nagturo sa anak ko sa akin ay pumunta rin at tumayong testigo.
Halos mapahagulgol ako habang pinapanood ang paligid ko. Hindi umalis sa tabi ko sina Reah at Lily para aluin ako.
“Tahan na, Ellie. Nandito lang kami,” Reah told me.
I look up at her. Gusto kong ngumiti at sagutin na kakayanin ko. Kakayanin ko hangga’t kasama ko ang anak ko. As long as he’s with me, I’ll be alright. This seems to be a nightmare but I will be okay. Hinding-hindi ako bibitaw.
Pagkatapos ng ilang bangayan, sigawan at pagtanggi. Tinanong nila ako kung magsasampa ako ng kaso laban kay Jowell at sa matandang babae. Kahit hindi ko alam kung susunod na hakbang ay pinakulong ko sina Jowell. At bago siya ipasok sa selda ay madilim niya akong tiningnan at dinuro nang walang sinasabi. But his Mother cursed me to die.
***
Ni isang minuto ay hindi ko na nagawang ibaba pa si Shane. Kahit nang natutulog na siya ay buhat-buhat ko pa rin. Pakiramdam ko ay mawawala na naman siya sa akin kapag binaba ko kahit sa kuna lamang niya.
Hinatid kami nina Reah sa bahay at nagpaiwan ng ilang oras bago umuwi. I don’t have a job anymore. Ang dasal ko na lang ay hindi madamay ang mga kaibigan ko.
I almost called Rica. But I refused to do so. Gabi na rin at baka nagpapahinga na siya.
Tumayo ako at inabot ang bag ko at wallet. Binilang ko kung magkano pa ang natitira sa akin. At walang pang isang libo ang pera ko. Bukas ay alam kong magpapadala si Rica sa akin ng pera. Kung titipirin ko iyon, makakabili pa ako ng isang kahon na gatas ni Shane at tubig na mineral. Pero ang problema ko ay ang pambabayad sa apartment, kuryente at tubig. Naubusan na rin ako ng gas para sa pagpapakulo ng mga bote niya.
Halos hindi ako nakatulog ng gabing iyon kakaisip sa panibago kong problema.
***
Sa paghahanap ko ng trabaho ay kasa-kasama ko si Shane. Sinubukan kong mag-apply sa ibang eatery pero dahil sa anak ko ay hindi nila ako tinatanggap. Iyong iba ay nagpapasa lang ako ng biodata at makita ang baby ko ay hindi na ako ini-interview at pinapaalis na lang.
Inabutan na kaming mag-ina ng tanghalian at hapunan, sa kalsada na lang kami kumain sa baon kong tinapay. Sa waiting shed ay nagpahinga kami ng kaunti at pagkatapos ay mag-iikot ulit. Hanggang sa makita ko ang signage na naghahanap ng ‘All-around kasambahay’ sa poste ng kuryente. Kinuha ko iyon at hinanap ang address. Sa loob ng subdivision ang malaking bahay. Pinatuloy naman ako ng babaeng may-ari at kinausap. I saw the thin line of hope nang tanggapin niya ako pati ang baby ko. Stay-in iyon kaya kailangan naming doon na matulog.
Hindi ko alam kung biyaya ba iyon pero makakabawas iyon sa iintindihin ko sa bahay. Natanggap ako at umalis na sa apartment. Pwede ko naman daw alagaan ang anak ko basta hindi nakakasagabal sa trabaho ko.
Noong una ay naging mabait sa akin ang babaeng amo ko. Ang asawa naman niya ay nasa abroad at doon nagtatrabaho. Ang dalawang anak na babae ay may mga sariling condo unit daw at mga propesyonal na rin. But when nights came, palagi kong nakikita na may dumarating na lalaki sa bahay. Minsan ko silang nakitang naghahalikan sa sala bago pumasok sa loob ng kwarto niya. Alam ko ang ganitong pakiramdam. At hindi ako makapaniwalang nakasaksi na naman ako.
A month has passed at naging bugnutin na ang amo kong babae. Sinisigawan na niya ako at minsan na ring napagbuhatan ng kamay dahil sa sunog sinaing. Pinatatahan ko noon si Shane nang sugurin niya ako sa headquarter at hagisan ang sandok. Hinarang ko ang katawan para sa anak ko. She looked so angry at that time. Kaya sa bago pa matapos ang ikalawang buwan ay nag-resign ako.
Bumalik ako sa dating tinutuluyang apartment and I was so thankful nang ibigay ulit sa akin iyon ng may-ari.
“Saan ka ba nanggaling? Pabalik-balik kami dito pero parati kang wala,” Lily asked nang dalawin nila ako.
Tinanggal na rin pala sila sa lugawan nina Reah. Her boyfriend resigned too. Nanlumo ako pagkatapos kong malaman. Mabuti na lang ay may nahanap din silang trabaho kaagad.
I didn’t even tell Rica too.
Kinuwento ko sa kanila iyong naging trabaho ko at ang naging trato sa akin. They were furious. Pero sinabi ko na lang na kalimutan. Mabuti na nga’t binigay pa sa akin ang huling sahod ko.
Naghanap ulit ako ng trabaho. At first, ang hirap pa rin. hanggang sa i-suggest sa akin ni Reah na mag-apply ako sa convenience store, doon sa agency niya. Sila muna ang mag-aalaga kay Shane habang nag-aapply ako. At nang matanggap ay palaging sa pang-gabi ako nagpapa-schedule. Isang kasamahan ko lang ang nakakaalam na sinasama ko doon si Shane, pinapatulog sa office room habang nasa cashier ako. There were CCTVs kaya nababantayan ko rin kung nagigising. Hindi iyon alam ng area manager namin.
Maganda ang sweldo ko doon at malaki ang naitutulong sa akin kaya pinagbutihan ko. Napabinyagan ko rin si Shane pagkatapos ng ilang buwan. Kapag walang customer at gising siya at nilalabas ko siya sa counter, pati ang kasamahan kong lalaki ay tuwang-tuwa sa kanya. I’m so thankful that he understand my situation. Nakabili na rin ako ng carrier kaya kapag naglalagay ako ng mga item sa shelves ay kasa-kasama ko siya. I sometimes singing to him para malibang din.
He grew up too fast. Mag-iisang taon na siya at habang lumalaki at mas lalo kong nakikita ang ama niya sa kanya. Wala na akong nalaman na balita tungkol sa kanya.
“Hindi ba at bawal ang bata dito? Anak mo ba ’yan?”
Natigilan ako sa pagpapunch ang biniling item noong babae nang tanungin niya ako. Suot ang carrier at natutulog sa dibdib ko Shane. Hindi ko siya muna binaba dahil sunod-sunod ang pumapasok sa store. Ilang oras na lang naman ay mag-a-out na ako pagdating ng papalit sa akin.
Napalunok ako. Tiningnan niya ang name bar ko. “O-opo ma’am.” Kinakabahan kong sagot sa kanya.
Hindi na siya muling nagtanong sa akin hanggang sa makuha niya ang binili. Pero kinabukasan ay nakatanggap ako ng complaint mula sa area manager. Nalaman din nila ang tungkol sa pagdadala ako kay Shane sa store. Pero imbes na bigyan ako ng disciplinary action, termination ang binigay sa akin. Naiintidihan ako ng manager namin pero hindi ang management. Nakiusap ako. Kahit sa agency’ng humahawak sa akin ay wala na ring magawa.
Madaling araw ay nasa kalsada pa kami ng anak ko. Hindi na ako pinapasok at balikan ko na lang daw ang back pay ko sa susunod na buwan. Pinunasan ko ang luha kong dumaloy sa aking pisngi habang naglalakad sa gilid ng bangketa. Shane is sleeping on my chest. Tinakpan ko siyang lampin para hindi mahamugan. I lifelessly walk and walk and walk. Nag-abang ng bus pauwi pero para pa rin akong lutang.
Naulit na naman. Tumingala ako sa langit. Nangungusap at nagtatanong. “Bakit ganito? Bakit Mo ba ako palaging pinapahirapan?” I asked. Sabi nila naririnig Niya ang mga dasal ng tao. Ayokong magalit. Ayokong pangunahan ang kung anumang plano Niya sa akin, sa amin ng anak ko. Pero hindi ba parang paulit-ulit na lang?
Halos tulala na ako habang naglalakad pauwi sa apartment.
“Ellie!”
I heard a woman’s voice. Hindi ko iyon agad na nilingon. Pero sa pangalawang beses ay tiningnan ko ang babaeng iyon. It was Erin. She’s waving at me. Nang makita ang itsura ko ay nawala rin ang ngiti niya.
“Anong nangyari sa’yo?” tanong niya. Sinilip niya ang natutulog kong anak kuna.
I told her what happened. At hindi ko na mapigilang umiyak.
Ilang minuto siyang hindi nakapagsalita. Hindi naman kami masyadong close pero ngayon pakiramdam ko ay palagi kaming nag-uusap.
“May aalukin ako sa iyong trabaho. Pwede ka na rin doon tumira kung gusto mo. Libre ang pagkain at ang tubig pati kuryente,”
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Anghel ba siya? Bakit lahat yata ng problema masusulusyunan niya.
Sumandal siya sa upuan at nginuya ang bubble gum. She scanned my apartment and minimal appliances.
“Dapat nga lang ay masisikmura mo ang trabaho,” pinaliitan niya ako ng mga mata. Her dangling earings shone.
Napalunok ako. Wala na yata akong hindi kayang gawin. “A-ano’ng trabaho?”
Bumuntong hininga siya at dumekwatro. “Dancer..sa club.”