Chapter 7
Ellie
Nakangisi akong bumalik sa upuan ko matapos kong sagutan ng tama ang pina-assignment sa akin. Nagpagpag pa ako ng kamay pagkatapos sabihin sa akin ng Teacher ang katagang ‘Tama, Ms Ybarra. You may take your seat.’ s**t. Ang sarap sa tainga. Nagpapalakpakan ang magkabila kong pandinig sa sinabi niyang iyon. Even my classmates are amazed with my comeback attitude. Nako, sisiw.
Maayos akong umupo at binuksan ang notebook ko dahil may quizz na namang ipapagawa sa amin.
Habang nagsusulat ay siniko ako ni Rica at bumulong.
“Ang taray ah, nag-aral?” biro niya.
Napatingin ako sa kanya. She making fun of me but knowing her, she’s not serious about it. Hindi ko nga pala nasabi.
“May nagturo sa akin,” sabi ko. sinulyapan ko ang Teacher namin na nagsusulat sa board.
“Oh? Sino naman? Hindi na kita nahintay kahapon nagmamadali kasi si Mark,”
Napanguso ako. “Do’n sa 4th year na pang umaga,”
“4th year? Sino?”
“Kay Ridge Castillano. Nagpunta ako sa bahay niya kahapon. At may regular tutorial na kami.” Pagmamalaki kong kwento sa kanya. I feel elated right now. Siguro dahil nakabawi ako mula sa pagkakapahiya kahapon. Atleast ngayon, kahit papaano ay nagbabati na kami ni Geometry dahil kay Ridge. I refrained myself for calling him ‘Kuya’ kasi ayaw naman niya.
“Ridge Castillano? Iyong matangkad, macho at matalinong 4th year? Hindi nga? Masungit daw ’yon ah,”
Napangiti ako at muntik nang matawa. “Masungit nga pero sa umpisa lang. Sa kanya na ako nagpapaturo magmula kahapon. Libre pa!”
“Ibig mong sabihin sa kanya ka umuwi kahapon after class? Ano’ng ginawa niyo sa bahay nila? Tapos,tapos?”
Ngumiwi ako sa pagmamadali sa tono ng boses niya. Hindi ko alam na magkakaganito siya 4th year na iyon.
“Wag kang malisosya d’yan. Nasa bahay nila ang notes niya at nandoon din ang Mama niya. At isa pa, hindi ko siya type ’no,” I said.
“Ay sus. Hindi raw type e, nagtitinginan nga kayo kapag tapos na ang klase nila,”
“Sino nagsabi sa’yo niyan?”
“May nakakita lang tapos kinuwento kina Wesley tapos syempre kinuwento rin sa akin. He’s quite popular, Ellie. Napag-uusapan kaagad kapag may kasama siyang girl sa school. Kaya nga maraming nagkaka-interest do’n e. Gwapo, matalino, maganda ang lahi..hindi nga lang mayaman. Pero sa talino niyang iyon baka makapagpatayo pa iyon ng sarili niyang kumpanya someday. Tapos ang swerte rin ang magiging asawa niya,” she said like she was daydreaming.
But even myself. I pictured all the items that she elaborately said with me. Nalaman ko ngang hindi siya ganoong may pera. Iyong bahay nga nila ay parang pinagkatiwala lang din sa kanila. Tapos ang Mama niya ay nagnenegosyo ng masarap niyang bagoong. I tasted it and I can say magiging mabili iyon sa merkado. And after his classes, nagtatrabaho siya bilang bangkero sa Tres. Pampasaherong bangka na nagtatawid mula Malabon papuntang Navotas. Mula sa katanghaliang tapat hanggang sa hapon.
Ridge is a reserved, calmed kind of person. His well built body is a charm for high school students. Sa tangkad niyang iyon, kahit ihalo sa lahat ng estudyante ay mag-istandout siya. His squared jaw look so hard even in his age. Siguro ay nasa lahi ng Tatay niya. Mahinhin at soft features kasi si Tita Lian. Most probably sa father side niya nakuha ang maraming features niya. His nose, eyes, thick brows, brown skin and natural red lips. Kung tutungtung iyon sa College, iba na rin siguro ang level niya. Ang pagiging kalmado lang nakuha niya sa kanyang Mama.
***
I thought a lot of him on the way to Tres. Wala naman kaming tutorial ngayon dahil bukas pa ulit. Pero dahil maganda ang bawi ko sa klase kanina ay binilhan ko siya ng donut pang meryenda niya. My eyes are on the prize kaya kailangang tumaas ang grades ko para makita ni Mama at mabilhan ako ng Laptop. Pinuntahan ko ang dati kong pinuwestuhan noong unang beses ko pa lang siyang hinanap. Nandoon pa rin sa pwesto niya ang matandang lalaking napapalibutan ng mga parrot at hawla. Nakaupo sa kanyang tumba-tumba habang nagpapaypay ng abaniko at nanonood sa maliit na analog TV.
Lumapit ako ng kaunti para makita kung naroon sa bukana ng ilog si Ridge. Eksakto namang may kakadaong lang na bangka at nagbabaan ang mga pasahero. Hindi ko siya matanaw kaya tumingkayad ako habang yakap-yakap ang clear book ko. But I can’t see him. Humakbang pa ako isang beses at tumingkayad ulit. Nasaan na iyon?
“Ridge hinahanap ka ng girlfriend mo!”
“Ay kalabaw!” napatalon ako sa gulat nang biglang sumigaw iyong matanda na akala ko ay hindi ako mapapansin. Agad ko siyang nilingon, hindi pa rin nagbabago ang pwesto. Akala ko ang kalmado pero bigla-bigla na lang sumisigaw. Hindi ko agad pinansin ang tinawag niya sa akin. Narinig ko ang ilang hakbang palapit sa akin.
“Bakit nandito ka?”
Kumiwal sa sipa ang dibdib ko nang marinig ang mababa, matigas at kalmadong boses niya sa gilid ko. I look at him. Husto siyang nakatitig sa akin na para bang manghang-manghang nakita ako rito. This is not the first time but he was still looking so unused seeing me here once again. Pinasadahan niya ako ng tingin. I scanned his looks too. Mukhang siya nga ang nagsagwan sa kakarating lang na bangka dahil pinagpapawisan pa siya.
He’s wearing a white crumpled shirt and a denim shorts. Nakagomang tsinelas lang din siya at isang puting tuwalya na nakalawit sa likuran niyang bulsa.
Hay..bakit ba naging mahirap siya?
“Ellie,” tawag niya ulit sa akin.
Bumalik ang diwa ko at agad na inabot sa kanya iyong donut. “Dinalan kita ng meryenda, Ridge.” Ngumiti ako.
Kumunot ang noo niya at tiningnan ang plastic na pinalalagyan ng donut. Then he look at me again.
“Bakit? Bukas pa ang tutorial natin,” masungit niyang sagot.
Napasimangot ako at ngumuso. “Bakit bawal ba? Gusto lang kitang dalhan bakit ba.” Hindi ko binababa ang kamay ko. Ayokong mapahiya.
He stared at me confusely. Hindi pa rin kinukuha ang donut na dala ko.
“Oo nga. Anong masama kung dalhan ka ng girlfriend mo ng meryenda, Ridge? Kung ayaw mo e akin lang ’yan,”
Napalingon ako sa matanda. Okay ah mas kampi sa akin. Natuwa ako dahil doon—nang biglang agawin ni Ridge ang plastic ng donut kaya agad akong napatingin sa kanya. Akala ko nahablot na ng kung sino. Sayang ang pinambili ko.
Nag-iwas naman siya ng tingin pagkakuha sa akin. Napatitig tuloy ako sa kanya. Ang cute niya kasi. Ang laking tao pero parang nahiya bigla. Parang noong isang araw lang sa garden nila.
“Mga batang ito oh. Nagkakahiyaan pa. Keleg na keleg naman ang binata,” sinabayan niya iyon ng malakas na pagtawa.
Mas lalong humaba ang nguso ko.
“Pauwi ka na? Ihahatid na kita, hintayin mo ko dito kukunin ko lang ang gamit ko,” he said. Magsasalita sana ako pero mabilis niya akong tinalikuran.
Naglakad na lang kami pauwi sa bahay. Kinuwento ko sa kanya iyong nangyari kanina sa Geometry class ko at syempre ang yabang-yabang ko dahil nasagutan ko iyong assignment ko at confident din ako sa mga sinagot ko sa quiz. Part din siya ng tagumpay ko kaya ise-share ko sa kanya ang naging ganap kanina. At habang naglalakad sa gilid ng bangketa at patingin-tingin sa mga nagtitinda ng ipit, pang ponytail na goma, shok-shok pati mga plastic na hikaw at bracelet—minsan ay napapalingon ako sa kanya at kinakain ang binili ko sa kanyang donut. Ang lalaki niyang kumagat. Iyong isang bilog na tinapay ay tatlo o apat na kagatan lang yata sa kanya. Nagpunas siya sa gilid ng labi at saka tinapon sa basurahan ang plastic.
“Favorite mo ba ang donut? Gusto mo dalhan kita ulit bukas?” excited kong tanong sa kanya. Nakakatuwa kasi siyang tingnan habang kumakain. At baka gusto nga iyon pero dahil hirap sa pera ay hindi nakakabili. Mahina pa naman ako sa mga ganyang sitwasyon. At afford ko naman kaya bibilhan ko na lang siya ulit!
Gulat niya akong nilingon. May umbok pa sa isang pisngi niya at hindi pa rin tapos na ngumuya. Umiling siya. Nahihiya pa yata.
“Wag na. Sayang lang ang pera mo, uuwi na rin naman ako at sa bahay na lang maghahapunan.”
Napanguso ako. Biglang nagsungit?
“Di. Okay lang. Saka hindi ka nagpapabayad sa pagtuturo sa akin kaya maliit lang na halaga iyong donut.” Magtitira na ako palagi ng pambili no’n para sa kanya.
Nilunok niya iyong laman ng bibig at saka binuksan ang suot na backbag, naglabas siya ng isang bottled water. Baon niya. uminom muna siya at binalik ulit ang bote sa loob ng bag.
“Stop doing that. I’m not asking you.” Malamig niyang sagot.
“Ang sungit mo naman. Ikaw na nga ang dadalhan d’yan.” Sumimangot ako.
“Mag-aral kang mabuti iyon na lang ang gawin mong bayad sa akin.”
Napangiwi ako. “Ano ka? Magulang ko? Mag-aaral talaga ko kahit hindi mo sabihin. Easy ka lang, baka magka-wrinkles ka kaagad niyan kung makaisip sa future.” Biro ko pa. Naalala ko tuloy sa kanya si Iris. Pwede silang magkapatid. Parehong pang ekonomiya ang iniisip. “Pero..nagustuhan mo ba iyong donut?”
Nilingon niya ako at saka tumango. Napangiti ako.
Kaya sa mga sumunod na araw ay dinalhan ko pa rin siya puro sweets na pagkain. Palagi niya akong pinapagalitan pero kinakain at inuubos niya naman. Bukod sa donut ay dinalhan ko na rin siya ng Hany, Kit-kat, Lala o kaya ay Goya chocolate bar. At nakikita ko palaging inuubos niya iyon sa harapan ko. Kahit pa minsan ay sinabihan ako ni Rica na parang nanliligaw daw ang peg ko sa mga binibigay kay Ridge. Natawa ako doon. Sa susunod ay ililibre ko na lang sila ni Tita Lian sa Jollibee para medyo next level na.
Pero sa totoo lang, ang laking tulong na nandyan si Ridge pagdating sa pag-aaral ko. Iyong mga hindi ko naintindihan sa klase ay sa kanya ko tinatanong pag-uwi. Mas naiintindihan ko kasi kapag siya ang nagpapaliwanag sa akin. Doon kami palagi sa bahay nila nag-aaral. Pati siya ay nag-aaral din kaya nasisilip ko ang mga notes niya at ang pinag-aaralan nila sa 4th year. Ang sabi niya kapag maaga kaming natapos ay ituturo niya rin sa akin ang ilang lessons nila.
Sa kasagsagan ng Prelim, Midterm ay nasa kanya ako palagi. Bihira na ko nang nakakasama sa uwian sina Rica at Mark. Sina Wesly naman ay syempre busy sa kalakaran nila. I didn’t put so much time with them for the few months at madalas si Ridge na ang kasa-kasama ko. Maaga rin akong pumapasok, mas maaga pa kay Iris para una ako sa pila. Sa labas ng classroom at sisilipin ko si Ridge at ngingitian ko siya. He can’t concentrate sometimes kapag nandoon ako. Magme-makeface ako at mouthed sentences na puro kalokohan lang. Nakakatuwa kasi siyang pagmasdan kapag nalilito. Kung sa teacher ba titingin ko sa akin.
Napatakip ako sa bibig nang mahuli siya ng teacher niyang nakatanaw sa akin. Tinawag siya at pinasagot sa board. Infairness, nasagot naman niya. At kapag nakalabas na siya ng kwarto ay hahabulin ko siya at bubuksan ang zipper ng bulsa ng bag niya, lalagyan ko ng notes at isang pirasong Hany bar. He would stop and look at me. Sasalubungan ako ng makakapal niyang kilay pero sa huli at iiling at ngingiti na lang din.
Kinalkal ko ang bag niya para maghanap ng black ballpen. Hinayaan niya lang ako habang nakatalikod siya sa akin. Some students were staring at us, but we don’t care.
“Pahirap ako ng ballpen mo..” may tatlong ballpen naman siya kaya okay lang. kinuha ko iyong My Gel niyang ballpen. “Pahiram ah? Thank you!” I said in glee.
“You’re snatching my pen,” sabi niya habang sinasarado ang zipper ng bag niya.
Ngumuso ako. “Uy hindi ah. Nagpaalam ko,”
He smirked. “Ingat ka. baka iba ang ma-snatch mo sa akin.” he said meaningfully. Pagkatapos ay tinalikuran na ako at umuwi na.
I stared at him in the corridor. He was walking alone, standout among the other students. His lean ang broad shoulders look so appealing. Parang pinanganak na modelo ng magazine. I couln’t take off my eyes from him. Madalas naman ay hindi ko talaga kaya pero ngayon..he look so charming to me..My heart kicked in my chest rapidly.
What is it?
Crush ko na ba si Ridge?
Hindi. Gusto ko siya.
***
Ridge James Castillano..sinulat ko ang papel ang buo niyang pangalan at ginupit pa-rectangle ang hugis. Binuksan ko ang takip ng My Gel niyang ballpen pagkatapos ay nilabas ko iyong pinaglalagyan ng ink. Dinikit ko doon ang papel na may pangalan niya at saka binalik sa loob ang ink. Pinaikot at pinagmasdan ko ang pangalan niya sa loob ng ballpen.
And I smiled on it.