Prologue
Prologue
NAPAIGTAD AKO NANG MULING SUMIGAW sa maliit na bintana ang amo kong sa intsik sa maliit na bintana na naghihiwalay sa kusina at sa kainan. Muntik pang dumulas sa kamay ang dalawang tasa ng lugaw sa tining ng boses niya. My pride was down for now.
“Ano ba naman ‘tong buntis na ‘to! Napakabagal, dalawang lugaw lang ang kukunin! Hala, ilabas mo na ‘yan dito at naiinip na ang customer ko! Dali!” Pinasadahan niya pa ako ng tingin na parang gulong-gulo ang itsura ko. Her rebonded hair looked so firm and almost not moving kahit panay ang paypay niya.
“Lalabas na po madam..” Sagot ko na lang. Ayoko mang nilalait ako’y wala naman akong magagawa. I am too weak and helpless. I’m afraid, na baka pag napuno siya sa akin ay tanggalan niya ako ng trabaho at matutulugan. Ang last resort ko lamang ay itong lugawan niya. Titiisin ko na lamang hanggang sa makapanganak ako.
Kahit nang nasa labas na ako’y panay pa rin ang palatak ng amo ko. Pinaghalong hiya at diskriminasyon ang nararamdaman ko habang nasa gitna ng mga taong kulang na lang ay kunan nila ng camera ang pamamahiya sa’kin ng may-ari. Her litany made me want to run and slap the pain I was feeling right now.
Bakit ‘di na lang siya manahimik nang wala ng problema? Tngina. Nakakagigil na siya.
“Pabuntis kasi ng pabuntis, hindi pala pananagutan ng lalaki! Sinayang mo ‘yang ganda mo at pag-aaral mo! E’di sana’y nakagraduate ka at nag-aapply na ngayon sa malalaking kompanya, tulad dyan sa mga Castillano!”
Isang bigwas ng kirot sa dibdib ang aking naramdaman. Castillano. Hinding-hindi ko makakalimutan ang apelyidong ‘yan. Humawak ako nang mahigpit sa tray at tila namintig ang bawat ugat sa katawan ko.
Ngunit kumalma lamang ako nang madama ang pagsipa ng sanggol sa aking sinapupunan. This is a gift. This baby is a gift. Tinatak ko iyon sa utak ng paulit-ulit. Kahit pa puro paghihirap na ang naramdaman buhat nang mabuo siya.
“Kasabayan mo lang yata ang anak ng may-ari n’on, tapos ngayon ay kumikita na! Tingnan mo ang ginawa mo sa sarili mo, ang laki-laki na ng tyan mo!” She added. Lihim ko siyang inirapan at tahimik na umalis na lamang para matapos na ang paglilitanya niya. Bumalik ako sa kusina para sana kunin ulit ang sumunod na order, ngunit nang aabutin ko ang isang tray na may apat na tasa ng lugaw ay pinigilan ako ni Reah, malapit kong kasamahan dito sa lugawan.
Tipid niya akong nginitian at dahan-dahan na inagaw sa’kin ang dapat sana’y ilalabas kong order, “Ako na dyan at sinabihan ko na si Lily na ikaw na muna ang tumao sa kaha. Para hindi ka na palakad-lakad. Ako ang natatakot sa’yo t’wing nagseserve ka e!”
Tumiim ang pagkakalapat ng aking mga labi. Kaya ko namang tiisin ang panlalait ng amo namin kahit pa halos ang kulang na lang ay tulakin niya ako sa paglalakad. Ngunit sa sinabi ni Reah, tila muli kong naramdaman ang pahalagahan mula sa taong malapit sa akin. Sagana ako sa ganoong atensyon dati. The same pang of guilt and pain gripped in my chest, napalunok ako. “O-Okay lang Reah, saka..baka mapagalitan ka na naman dahil sa’kin, kayo ni Lily. Kaya ko pa naman..” Kumbinsi ko, sa sarili. Pilit ko siyang nginitian at muling kinuha ang tray na may kabigatan.
Kasalukuyan kong pinupunasan ang nagamit na lamesa nang tawagin ako ng isang parokyano, “Miss, pahingi naman ng malamig na tubig.” Tumango ako at tumalima para ikuha sila ng isang pitsel ng tubig.
Sa isang tray na hawak ko’y dala ko ang tubig na kailangan nila at mga baso. Isa-isa ko ‘yong binaba sa lamesa ng mga kumakain nang mahagip ng paningin ko ang pagparada sa labas ng isang magarang sasakyan. Sa wari ko’y taga doon iyon sa katapat naming building na pagmamay-ari ng mga Castillano.
Ngunit napako ang mga mata ko ng bumaba sa passenger seat na iyon mga matagal ko nang hindi nakikitang kaibigan. Nang makita ko siya ay gusto kong manliit sa sarili. Ibang-iba na siya ngayon at wala ka nang makikitang bakas ng kasimplehan. Ang mahahaba at mapuputi niyang hita ay kitang-kita mula sa suot na pulang bestida. Binagayan pa iyon ng itim na clutch bag at high heels. Kumikinang din ang magkabila nitong dyamanteng hikaw, na agaw-pansin din sa paningin. Halos lahat ng lalaki sa paligid ay natuon ang pansin sa kanya. Naputol lamang nang lumabas mula sa driver’s seat ang isang lalaki.
Unconsciously, napahawak ako sa’king mabilog na tyan. Nang magtama ang kanilang mga mata ay tila sa kanila lamang ang mundong ginagalawan nila. He gave her a warm smile that I used to have.
He’s changed too. Sa ilang buwan naming hindi pagkikita ay napakalaki ng kanyang pinagbago. Mula sa nakakabaliw niyang kagwapuhan hanggang sa matayog niyang katayuan.
Matiim muling lumapat ang aking mga labi nang bumadha ang natatagong sama ng loob. Pakiramdam ko n’ong nakita ko silang dalawa ulit ay mas nakadagdag ang sakit sa dibdib ko.
He snaked his arm on her small waist and whispered, she giggled at marahan niyang hinampas sa braso ang kasama.
Napangisi ako. Ganito rin ba ang naramdaman niya noon? Iyong parang tinataga ka sa sakit habang sila’y masaya na sa buhay? At ako’y miserable sa kinasadlakan.
A sorrowful tear escaped from eyes. Narinig ko ang pagtawag sa’kin ng amo ko, pero tila tinadhanang panoorin ko ang dating matalik na kaibigan at ang minamahal kong lalaki.
Bakit mahal ko pa rin?
Ang daya lang, kasi kahit nasaktan na niya ako sa unang beses ay mas minahal ko pa rin siya. Ang daya lang, kasi hindi agad ako nakabangon sa pagkakadapa ko. Ang daya lang, kasi mas pinili niya ang kaibigan ko kaysa sa akin na una niyang minahal.
Ang daya lang.
Hindi nila ako nakita na dalawa at sabay na pumasok sa building na pagmamay-ari niya. Mapait akong ngumiti kasabay nang paglandas ng panibagong bersyon ng aking luha.
Tahimik ko iyong pinunasan at bumalik sa harap ng counter. Nanginig ang mga kamay ko sa gitna ng ingay ng mga kumakain. Sa aking gilid ay mapanuri akong tinitingnan ng amo kong babae. Sa kabila ng mainit niyang pagtitig sa akin ay nagawang ipagsawalang-bahala ang tingin niyang makahulugan. At kung nakita niya man akong nakatingin sa kanila, wala na akong pakielam. Ang damdamin ko ay natural na namanhid sa masasama niyang litanya. Dapat ko po ba iyong intindihin? Dapat nga ay sanay ako.
“Tsk, tsk. Ano? Natameme ka ngayon? Naiinggit ka hano? Suwail ka sigurong anak kaya ka nagkaganyan. Tingnan natin kung may papatol pa sa’yong lalaki nyan.” Palatak niya at sabay ismid sa akin.
Natahimik ang ilang katrabaho kong nakarinig sa sinabi niya. Nag-init ang mukha ko. Eto na naman, sabi ko dapat ay manhid na ko e. Pero may pagkakataon pa lang manipis pa rin ang pangharang ko sa sakit sa mga salita niya.
Pero ramdam ko rin, hindi pa ito ang huling sakit na daranasin ko.