Chapter 9

3870 Words
Chapter 9 Ellie I was standing inside the cold room. It’s an office inside the club that Erin was talking about. Ang puso ko ay tila nagpapalpitate habang tinitingnan, sinusuri ng babaeng nagmamay-ari sa naturang club na iyon. Her name is Amanda. Nasa late 40′s na ang edad pero ang postura maganda at may tindig pa. Her long brown hair was culry and almost a mess. Na para bang kinatulugan na lang ang ayos niya kagabi. Wala pang makeup dahil umaga pa naman. Siguro ay sa gabi humpak na humpak din ang mukha katulad ng kay Erin. Pero ang damit, nakasuot ng spaghetti strap blouse, short shorts at mabalahibong tsinelas-pambahay. Pinasadahan niya ako ng ilang ulit. I was wearing my usual denim jeans and a t-shirt. Sa likuran ko ay nakaupo sa kulay abong sofa si Erin habang kalong-kalong ang anak kong si Shane. “Talaga bang nanaganak ka na sa itsurang iyan? Parang hindi halata ah,” she uttered. Isang beses niyang sinulyapan si Shane ang tyan ko hanggang sa muli na naman siyang lumapit sa akin. Hinawi ang buhok kong nakalagay sa aking balikat. Her hands were soft and lightier. I can’t help but to feel scared at the same time. I look at Erin. Pero tinanguan niya lang ako na para bang pagbutihin ko pa. “O-opo.” I answered. “At bente ka pa lang kamo? Sa bagay, bata ka pa. Pero ang swerte mo sa katawan, hija. You’re blessed,” sabay dugtong ng tawa. Kinikilbutan ako. “Walang sabit? Dalagang ina ka?” tanong niya ulit habang nasa aking likuran. Umiling ako. “Wala po..” Huminto siya sa harapan ko at malapitang pinagmasdan ang mukha ko. her brows shot up. “Maganda ka. Siguro marami sa’yong nababaliw na lalaki. You’ll be great addition to my club, hija.” She said while roaming my face with her eyes. Para akong pinipilipit sa takot nang sabihin niya iyon. I was contemplating habang papunta rito at habang binibigay sa akin ni Erin ang mga detalye sa club na pinagtatrabuan niya. She’s a dancer too. Malaki raw niya ang kinikita niya sa pagsasayaw gabi-gabi. I wanted to ask kung mayroon pang mas hihigit doon at kahit alam ko na ang sagot, still I am taken aback. Instead I told her na baka may ibang trabahong bukas doon maliban sa pagsasayaw. “Mas gusto niyang mag-apply bilang waitress, Tita.” Erin added. Gulat siyang nilingon ni Miss Amanda, “Kung magse-serve ang ganitong mukha at katawan sa club ko, siguradong dudumugin ako ng mga customer para mai-table siya. You can’t be a waitress with that angelic face, oh shut up!” umiling-iling pa siya na para bang sigurado sa sinabi. “H-hindi po ako sumasayaw..at may anak po ako,” She raised a brow at me. “Alam mo hija, walang problema kung hindi ka marunong sumayaw dahil may magtuturo niyan sa’yo dito. At tungkol naman sa anak mo, hindi rin ’yan magiging sagabal dahil hindi naman halata sa katawan mo at hindi rin siya ilalabas sa gabi. Not unless kung ibo-broadcast mo sa lahat. At lahat ng babaeng nagtatrabaho dito, may mga sikreto ring tinatago. That’s not an issue to me basta gumagawa ng pera sa negosyo ko.” I gulped. Nilingon ko ulit si Erin. But she just nodded at me. “Baka po pwedeng sa kusina na lang ako. Kahit taga-hugas lang po ng mga plato,” I begged. Tinawanan niya ako at tinalikuran. Umikot siya sa kanyang mesa at umupo sa office chair. Talaga yatang katawa-tawa ang sinabi ko. She tilted her head. “Inosente pa. But I like you.” She heaved out a sigh. “Sige. Tutal naman ay masyado ka pang bata at hindi pa mulat sa ganitong mundo, tatanggapin kitang dishwasher sa club ko.” nagbukas siya ng drawer at kumuha ng isang stick ng sigarilyo doon. Kinabahan pa ako dahil sa loob din ng office si Shane. But then, she didn’t lit it up yet. She looked at me. “Ang sabi ni Erin ay dito ka na rin makikituloy?” Dahan-dahan akong tumango. “Opo sana” She nodded too. “May isa pa akong bakanteng kwarto do’n sa dulo. Ikaw na lang ang maglinis at kung may kailangan ka pa ay sabihan mo na lang si Erin o sa kahit sinong tauhan ko. Kahit naman ganito ang trabaho namin ay nagtuturingan kaming magkakapamilya, so welcome to the family, Ellie.” Sabi niya sa akin nang nakangiting totoo. Nakaramdama ako ng mainit haplos sa aking didbib. Family. Matagal-tagal ko nang hindi naririnig ang salitang iyan. I don’t have a family anymore. *** Tinulungan ako ni Erin at ng isa pang assistant sa na si Diana. He’s gay at Danny boy daw ang totoong pangalan niya. but he preferred to ba called as Diana. Iyong kwartong binigay sa akin ay halos saktong lang sa aming mag-ina. Halos tambakan na iyon ng kahong-kahon na bote ng mga alak.Nagtagal na lang kami ng mga mauubos na at gagamitin mamayang gabi habang iyong iba ay pinaiwan ko na dahil wala pa yatang maayos na paglalagyan. Their storage room is on renovation. Double-deck ang kama. Pero iyong ilalim lang ang may kutson at iyong nasa taas ay pinaglagyan ng mga kahon. Sa paanan namin ay isang maliit na night stand. There’s nothing on it kaya doon ko inilagay ang isang lalagyan ng mga bote ng gatas ni Shane. Sa ilalim ng kama ko nilagay ang mga bag ng damit namin. Naglampaso at sinuyuran ng linis ang buong kwarto. Kailangan kong malinis ng maayos para sa anak ko. Aaraw-arawin ko ang paglilinis para hindi mapamahayan ng alikabok si Shane. *** Nagsimula kaagad akong magtrabaho kinagabihan. Sa kusina ay tambakan ang mga hinuhugasan ko. i was wearing Shane’s carrier and him habang natutulog siya sa likuran ko. Hatinggabi nang magsimulang mag-ingay sa labas ng club ni Amanda. Kahit sa kusina ay dinig na dinig ko ang nakakatindig balihibong sigaw ng mga lalaki sa tuwing may pinapakilalang babae sa stage. And that night I saw Erin. She’s not Erin on that stage, they call her Saphhire. The Star of the Night. Hindi kaagad ako nakagalaw mula sa malayong pwesto habang pinapanood si Erin sa malapad at mailaw na entabladong iyon. She’s wearing almost nothing. Naka-mascara at tinatago ang mukha sa maraming tao. Ang seksing suot ang nagpapabaliw sa mga lalaking halos magsitayo sa kani-kanilang lamesa. The rounded couches were full of men. On their polos, corporate suits and on simple v-neck shirts. Iba’t-iba rin ang kanilang mga edad. Mayroong matanda na, patanda na at nakakamanghang may mas bata pang pumapasok dito. Maybe on their late 30′s or so. But all are no doubt, rich. I don’t think may class bang matatawag kapag ang isang lalaking mayaman ay pumupunta sa ganitong lugar para manood ng halos nakahubad na babae. Pampalipas oras? Walang magawa? Single? I don’t know the answer. Basta may pera at kayang bayad, they welcome here. Ang ilang couch ay may mga naka-table na babae. Kinilibutan na naman ako nang makakita ng halos naghahalikan na sa mesa. Some hands are exploring on the woman’s leg. Some are whispering and obviously flirting around. But then again, that was their job. To entertain their guests. I looked back at Sapphire. Hinawakan niya ang kanyang bikini at seksing i-iindayog ang kanyang balakang. Naghiyawan ulit ang mga lalaking nanonood sa kanya. There eyes were heated up. Na kung wala lang harang na bouncer sa harap ng stage ay baka sinugod na nila siya doon. They look like an hungry animals. And their prey was teasing them, making them hungrier. Hindi ko na tinapos ang panonood kay Sapphire at bumalik sa kusina. Sinulyapan ko sa aking likuran si Shane. Napangiti ako. He’s peacefully sleeping, nakaawang pa nang kaunti ang kanyang labi. My heart melted. I suddenly remember the first person na ganoon din matulog kapag sobrang himbing. And he looks so much like him. I gasped when a hot liquid formed in the corner of my eyes. Habang buhay ko siyang maaalala nang ganito at iiyakan na lang. I am a messed. Dirty. Broken. And I don’t deserve a man like him. Pero nasasaktan ako para kay Shane. He don’t deserve a life like this. Para na nga kaming pulubi. Kung saan-saan napupuntan para lang mabuhay. But maybe someday. When he get older. He will get to meet his father. At sana ay tanggapin niya itong anak niya. I will raise him well educated at may sinasabi sa buhay. Hindi ko hahayaang ikahiya nito at kung sakaling hindi rin siya tanggapin ng mga Castillano, I don’t mind either. Huwag lang nilang saktan ang anak ko. A mother’s heart is bravier than any men in this world. *** Binaba ko ang dalawang plato na may laman na Spaghetti, fried chicken at isa pang plato na ang laman ay chocolate cake sa lamesa. Natatawa ako habang pinagmamasdan si Rica na sinuyuran ng tingin ang buong club. Today’s Shane 1st birthday. Sarado sa umaga ang club, simpleng handaan lang sana ng iluluto ko pero si Miss Amanda na agad ang nag-suggest na sa loob ng club gawin ang maliit na birthday party ng anak ko. Sila na rin ang nag-ayos dito. Pinangunahan iyon nina Diana at Erin, si Miss Amanda naman ang nagbigay ng pera. Sa stage kung saan nagsasayaw ang babae, doon nila nilagay iyong tarpaulin at birthday greetings kay Shane James Ybarra. May mga lobo rin ng mga cartoon character. Inusod nila sa gilid ang mga couches at pinagtabi-tabi ang mga lamensa, doon naman nila nilagay ang mga nilutong handa ng anak ko. Even Miss Amanda helped me. Sa pagluluto at sa mga dagdag na rekado. I refused but she insisted. Excited lang daw sila na makaranas ng birthday party sa loob ng club niya. Iyong walang nakahubad at wholesome daw ang labas. I almost laughed so hard after I heard that. I invited Rica and Mark. Habang halos hindi makapaniwala si Rica sa napasukang lugar, si Mark naman ay ayos lang. Parang wala nga lang sa kanya itong lugar e. Nag-eenjoy pa nga. Reah, Lily and Gerome are invited too. Ito rin ang unang beses na narating nila ang pinagtatrabahuan ko. They were shocked at first but I told them my real job here. At ayun, nakihabilo na sila kina Erin at Diana na panay ang picture taking sa anak kong si Shane. Hindi na siya sumpungin ngayon dahil kilala na niya ang mga taong nakapalibot sa kanya. Nauna nang kumain si Mark. Pinabayaan na niya ang girlfriend niyang matulala. “Kumain ka na, Rica.” Udyok ko. She look at me. “Magsabi ka ng totoo, ano ang trabaho mo dito?” Nangiti na naman ako. Hayan na siya, nagiinterogate ulit sa akin. “Dishwasher,” I answered. “Sigurado ka? Nako Ellie Oceana Ybarra, malilintikan ka talaga sa akin kapag nalaman kong iba ang trabaho mo.” Banta niya. Kinuha niya ang tinidor at nagsimulang haluin ang spaghetti. “I am not lying. Sapat pa ang kinikita ko dito at nakakaipon pa ako.” She stopped. “So kapag hindi na sapat, gagawin mo iyon?” Nagtaas ako ng mga kilay. “Don’t fret, Rica. I will be fine here.” Hindi ko alam kung paanong iyon ang nasagot ko sa kanya. Maybe she’s just too futuristic. Umayos ng upo si Mark at inakbayan siya. “Kung gusto mo babe, pupunta ako dito sa gabi para i-spy si Ellie,” he suggested while wiggling his brows. But he got a punch on his stomach from her. “Subukan mo at tutusukin ko nitong tinidor ’yang mga mata mo.” “Awts. ’di na mabiro,” sagot niyang nagsakit-sakitan pa sa harap ng girlfriend. Sa huli ay nag-alala rin si Rica pero talagang binibiro lang ni Mark kaya nakatanggap na naman siya ng suntok ng sa tiyan. Natawa ako habang pinagmamasdan ang dalawa kong kaibigan. They look so in love with each other. Ang tagal na rin naman nila kung tutuusin at alam kong sila na rin ang magkakatuluyan sa huli. From the way Mark look at Rica, I knew that will be forever. Ilang sandali pa ay tinawag na kami nina Diana para sa picture taking. Kinatahan din namin si Shane at ako na ang nagblow ng kandali sa cake. Rica took many pictures of us and took some videos. Halos lahat yata sila ay binuhat na si Shane. Hanggang sa mapunta na ulit sa akin. My boy looks so sleepy ang tired. Kaya naman humilig na ito sa akin at nagpaantok pa. Mark stared at him. Humalukipkip at ngumisi sa akin. “He looks so much of his father. No doubt.” Hindi ko na lang pinansin. No one in this club knew about the father of my son. Basta, naanakan lang. “I heard nasa States siya. Dinala ng Tatay.” Wala sa sariling dagdag pa niya. Kumunot ang noo ko. “With Tita Lian?” I asked. Ewan ko, pero pagkatapos ng ginawa ko ay nag-aalala pa rin ako para sa Mama niya. Na kahit kailan ay hindi nagpakita ng masamang ugali sa akin. I’m hoping someday she will get to know about her grandson too. Umiling siya. “I’m not sure. He left with a woman. Pero I doubt kung isasama rin ng Tatay niya ang Mama niya. Anak sa labas si Ridge ’di ba? So hindi matatanggap ang Mama niya.” kibit-balikat ni Mark. Nalungkot ako para kay Tita Lian. Ridge is her strongest ally. Her greastest love, like me for my son. Kung hindi siya kasama ngayon ni Ridge ay nasaan siya? At bakit iiwan ni Ridge ang Mama niya? Ang sabi niya sa akin ay hinding-hindi siya sasama sa Tatay para iwan ang Mama niya. But then again, people changed. Maraming pwedeng mangyari kahit sa loob lang ng isang araw. Nasasaktan ako para kay Tita Lian. I look up at her by the way she raised her son alone. Sana ay magkita rin kami balang-araw. Nagpatuloy ang party n napuno ng tawanan at tugtugan. Iyon nga lang ay nagkamaling i-play ni Diana ang seksing sayaw imbes na birthday song. Natahimik ang lahat. Nanlaki ang mga mata ni Rica pero Mark ay bumulahaw pa ng tawa. Diana immediately stop the songs and play something ‘wholesome’. Hanggang ang tawa ni Mark ay kinahawaan na rin ng lahat. I never knew I would get this scenes in my life. **** “Mommy pwede mo rin po ba ’tong ibili sa akin?” Nilagay ko muna sa grocery basket ang kinuha kong loaf bread at saka nilingon si Shane sa aking gilid. Nagpipigil akong tumawa dahil sa sobrang kakyutan niya. He’s asking me for a chocolate spread. He’s been asking for that pero dahil on tight budget ako nitong mga nakaraan kaya hindi ko sinasama sa listahan ko. Pero talagang ang cute-cute ng anak ko habang nakalabi at katabi na ng mukha niya iyong bote. Hindi ako sumagot at tinuro ang mas malaking bote no’n. Nang lingunin niya nagtatalon na siya sa tuwa at kinuha ang mas malaking lalagyan. Nilagay niya sa basket na dala ko. Iyon ang napansin kong namana niya sa akin, sa matatamis. He likes that too. Pagkatapos no’n at nag-ikot-ikot pa kami at hinanap ang mga nasa listahan ko. I added some para sa stocks ng pagkain ni Shane. Habang lumalaki ay palakas ng palakas na rin siyang kumain. Kaya after kong maghulog ng parcel sa courier services at dumaan na ako ng grocery. I look for some beads too para sa maliit kong negosyo online. After grocery ay nag-ikot pa kami sa Mall at tumingin sa mga tindahan ng jewelry. Tinitingnan ko lang naman ay sinusuri ang istoryang nasa likod ng bawat disenyo. Gumawa ako ng online store ng jewelries ko. Maliit lang naman iyon at mura lang din ang benta ko. Ako mismo ang gumagawa at saka ko pinopost online. Kapag may order ay pinapadala ko thru courier services o kaya naman kung malapit lang ay thru meet up. Nagpapagawa ako ng boxes para presentable rin ang jewelries ko. Na-inspire ako sa mga babaeng sumasayaw sa club at may pangalan mula sa birth stone. Nag-ipon ako para sa puhunan at bumili ng mga materyales. Noong una ay kina Erin ko lang ay pinapakita. Hiniram nila iyon at sinuot. Hanggang sa magsimula silang magpagawa sa akin at bilhin. I put up a online business. Nakakatulong din iyon sa gastusin ko. Pumapasok na rin sa school si Shane. Kinder sa isang pampublikong paaralan. He’s intelligent. Nasabi sa akin ng Teacher niya at napapansin ko rin habang lumalaki siya. Nagtatanong siya minsan sa akin pero madalas mas alam pa niya ang sagot kaysa sa akin. He even amazed all the people in the club. Mabuti na nga lang at tulog na siya kapag nasa kasagsagan ng operasyon ang club. Isang hapon ay pinatawag ako ni Miss Amanda sa opisina niya. Iniwan ko muna si Shane kwarto namin at pinanood ko ng TV. Pagdating ko sa opisina niya ay seryosong mukha ang nakita ko sa kanya. Para bang may mabigat na problemang iniisip. “Miss Amanda,” tawag ko sa kanya. Halos hindi niya yata ako napansin pagpasok ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Hindi pa rin ngumingiti. “Ellie, halika maupo ka dito,” turo sa harapanng upuan. Sinunod ko siya. “Bakit niyo po ako pinatawag?” Umayos siya ng upo at binuksan ang drawer. Kumuha na naman siya ng isang stick ng sigarilyo pero hindi sinindihan. “Gusto kitang alukin ng ibang trabaho, Ellie.” Kumunot ang noo ko. “Po? Anong ibig niyong sabihin?” I asked further. She cleared her throat. “Alam mo naman na magreretiro si Erin sa pagsasayaw. She’s getting older and her boyfriend wants her to stop working here. At malaking kawalan si Sapphire sa club ko, siya halos ang hinahanap sa akin,” Bigla akong nanlamig at kinabahan sa pagsasalita ni Miss Amanda sa akin. Naikwento na nga sa akin ni Erin ang pag-alis niya sa club. She finally found someone na tumanggap sa kanya ng buo at handa siyang pakasalan. Kaya nagpadesisyunan niya na umalis na sa pagsasayaw at bumuo ng sariling pamilya. She continued, “Wala akong napipisil na pumalit sa kanya..maliban sa iyo.” I almost gasped. Ako? Ako ang gusto niyang pumalit kay Sapphire? “Miss Amanda hindi po ako—” “I know. That’s why I’m asking you right now. I have been scouting you to be a dancer pero kahit si Erin ay sinabing ’wag muna dahil bata ka pa..noon. But you’re 26 now.” Umiling ako. “Ayoko po. Hindi ko po kaya.” Matigas kong sagot sa kanya. Bumadha ang kabiguan sa kanyang mukha. “Please Ellie. Hindi ko ito ginagawa para sa sarili kong interest lang. Bumaba ang kinikita ng club this past few months simula nang mabawasan ang number ni Sapphire. Ilang linggo lang ay mawawalan na ako ng pampasweldo sa inyo. Or worse, isasarado ko ang club.” Napaawang ang labi ko. I didn’t see this coming. Hindi na ako madalas na lumalabas tuwing gabi kaya hindi ko nakikita ang sitwasyon maliban sa mga naririnig ingay ng sound system. I never thought na dumadaan sa ganitong sitwasyon ang club ngayon. And it’s breaking my heart na maraming madadamay kung sakali. “Miss Amanda..” halos pabulong kong banggit sa pangalan niya. Yumuko siya at napahagod sa kanyang buhok. She’s stressed. “Maraming nagbukas na ibang club malapit dito. Doon na nagsisipuntahan ang mga dati kong customer mula nang mabawasan ang performance ni Sapphire. Ayoko ring idamay ka sa problema kong ito pero..nalulungkot akong marami ang mawawalan ng trabaho. I will only ask you to dance and nothing more. Iyon din naman ang ginagawa ni Erin. Kahit kailan hindi siya sumama o nagpa-table sa kahit sinong lalaki. I will protect you if you’re afraid, Ellie. Marami ang magpoprotekta sa iyo dito sa puder ko. Pangako ko iyan.” I stared at her. Hindi pa rin ang isasagot ko. Pero nasasaktan akong nakikitang tila pagod na pagod sa problema si Miss Amanda. I want to help her. Pero labag naman sa kalooban ko ang gusto niyang gawin ko. I am torned. “Pag-isipan mo.” ** The more that I become quite the more that I thought about her offer. Kahit sa pagtulog ko ay dala-dala ko sa isipan ang inaalok sa akin ni Miss Amanda. She been a good boss to me. Lahat yata ng may nanganagailangan sa amin ay sa kanya lumalapit. At walang hindi niya ang hindi niya binibigay. Sabi nga nila, we’re blessed to have a boss like her. Pero ang hinihiling niya sa akin, ang bigat-bigat sa loob ko. I can’t concentrate even while designing a new bracelet. Pabago-bago ako ng drawing at pabura-bura. Numipis na nga ang papel na gamit ko. Umaga nang makatanggap ako tawag galing sa eskwelahan ni Shane. Dumeretso agad ako sa opisina ng Principal pagdating doon. Hindi ko maintindihan ang sobrang takot na naramdaman ko. Iba’t-ibang klase ng takot ang lumukob sa akin. When I came in, I saw my son sitting on a sofa all alone and bowing his head. “Shane..” I called him. Agad niya akong nilingon at halos madurog ang puso ko nang mamula-mula na ang kanyang ilong at mga naiiyak na mga mata. Tinakbo niya ako at agad na yumakap sa akin. I hugged him back and caresses his back. “Anak ano’ng nangyari? Nasaktan ka ba?” nag-aalala kong tanong sa kanya. Umiling siya sa akin pero patuloy pa rin sa pag-iyak. “Miss Ybarra,” a woman voice called me. *** Tinakpan ko ang magkabilang tainga ni Shane habang patuloy na sinisigawan ako ng Nanay ng kanyang kaklase. Kasama ang Teacher nila ay pinuntahan namin ang kaklase niyang nabagok ang ulo pagkatapos makipaglaro daw sa anak. His classmates said na nagre-wrestling daw ang dalawang bata at napasama ang bagsak ng kanyang kaklase. They blamed my son. At sa ngayon ay na-admit sa ospital ang bata at inoobserbahan. Her mother was very furious at me. Pigilan man siya at awatin ng Teacher niya huwag ipakita sa bata ang galit ay hindi na siya mapigilan. Pinanlalakihan niya ako ng mga mata. “Tingnan ninyo ang anak ko, hanggang ngayon hindi pa nagigising! Kung sana ay tinuruan mo ng magadang asal ’yang anak mo hindi sana magkakaganito ang anak ko!” duro niya sa akin. “Misis huminahon po kayo. May bata ho,” Teacher Joan said. Maraming siyang sinasabing pampakalma pero parang hindi naririnig ng Ginang. “Patawad po. Hindi naman po sinasadya ng anak ko ang nangyari,” sabi ko sa mababang boses. “Walang ama ’yang anak mo hindi ba? Kaya siguro nanakit ’yan dahil tinukso siyang anak sa labas. Kasalanan ba ng anak ko kung lumabas siyang walang Tatay? Basagulerong bata!” “’Wag mong pasalitaan ng ganyan ang anak ko.” mariin kong sabi. She can humiliate me but not son. She scoffed. “Edi tingnan mo ang nangyari sa anak ko at kausapin mo ang doktor niya!” matigas niyang tinuro ang pinto ng kwarto ng kanyang anak. She cried out loud. “Nang dahil d’yan sa anak mo malaking halaga ang kakailanganin namin dito.” “Hindi ko naman tatalikuran ang responsibildad sa anak niyo,” “Kaya maghanda ka ng isandaang libo para sa gastusin namin dito! Kayo ang sumagot sa lahat ng bayarin namin sa ospital at danyos.” And she turned her back at us. “Pasensya na ho, Miss Ybarra.” Hinging paumanhin sa akin ng Teacher nila. Lumabas ako sa ospital kasama ang anak ko. Nag-iinit pa rin ang mukha ko. Naiiyak ako. Pero ayokong magpakita ng kahinaan sa harap ng anak ko. Hanggang sa hinatak niya ang kamay ko, I look down at him. Naghihintay pa lang kami ng masasakyang jeep. “Mommy sorry po.” Lumabi siya at mabilis na umiyak. Umagos ng mabilis ang mga luha niya sa kanyang pisngi kaya naalarma ako. I squatted and held his tiny face. “Bakit ka nagsosorry?” “K-kasi dahil sa akin..n-nasa o-ospital si Bryan..n-napagalitan pa i-ikaw..” and he cried even louder. Diniinan ko ang lapat sa aking labi. Niyakap ko siya ng mahigpit. Agad ko ring pinunasan ang luhang kumawala sa akin. “Wala kang kasalanan, Anak. Aksidente ang nangyari, hmm. ” “I-ikaw..” “No. Okay lang si Mommy. Ha? ’Wag ka nang umiyak. Gagaling din si Bryan, magpepray tayo.” I assured him. Pagbalik namin sa club ay agad kong pinuntahan sa opisina niya si Miss Amanda. This is the last resort that I have in mind. “Miss Amanda..” Nag-angat siya ng tingin sa akin. Hindi nagsalita at tiningnan lamang ako. After this, there’s no turning back.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD