Chapter 6

3481 Words
Chapter 6 Ellie Muntik ko nang mabitawan ang sinserve kong pitsel ng tubig dahil sa biglaang pagsigaw ng amo ko sa lugawan. Napamura pa ang customer dahil natalamsikan siya ng tubig. Nag-init ang mukha ko, at ang mabilis na t***k ko naghalo-halo na dahil sa pressure. Ang ingay sa lugawan, ang init mula sa kusina at ang panay ang sigaw sa akin ng amo ko. Pinagtitinginan na ako ng iba pang customer. I know, tingin iyon ng naaawa, nakikiuyosyo o nanonood lang na parang ako ay nasa isang palabas. “Pota! Ayusin mo naman Miss ang pabababa mo. Nabasa na ko oh?” nagagalit na sabi sa akin no’ng lalaking customer. Iyong kasama niyang lalaki ay tahimik lang din na nakatingin sa akin. “Pasensya na po, pasensya po.” Sunod-sunod kong hingi ng tawad sa lalaki. Unti-unti ko na rin nararamdaman ang panlalamig ng mga kamay ko at pangangatog nito. Ni hindi ko na nga maiayos itong buhok ko na tikwas-tikwas na sa sobrang gulo ng pagkakapusod ko. I feel so tired and old all the same time. Iyong patong-patong na trabaho at pressure sa akin, nambubulusok sa sobrang dami. I can’t fully concentrate on my job as I continuosly looking back at my child who is crying loudly at the cashier area. “Ellie ang anak mo iyak ng iyak! Nakakaistorbo na ’yan ah!” sigaw ulit sa akin ng amo ko. Nang lingunin ko at bigyan ng hilaw na tango ay nanlilisik naman ang mga mata niya sa akin. Kinuha ko agad ang tray na hawak at dinala sa ordering counter. Nilapitan ako ni Lily at kinuha sa akin ang tray. “Sige na puntahan mo na si Shane at baka naiingayan na ’yon dito. Ako na muna ang magseserve rito.” Bulong niya sa akin. Nakakaintindi niya akong nginitian. Nginitian ko siya at nagpasalamat. Hindi ko na mabilang kung ilang pasasalamat na ngiti ang naibigay ko na sa kanila. Hindi ko na mabiling kung ilang beses nila akong tinulungan sa pag-aasikaso kay Shane at pag-iintindi sa akin. Mapagod man ako ay hindi sila tumitigil sa pagpapaalala na kakayanin ko ang sitwasyon ko ngayon. Habang iniisip ang katayuan, nahihirapan akong lumunok habang malalaking hakbang na nilapitan ko ang cashier area. I used the back of my palm to clean the tears at the corner of my eyes. Nag-aasikaso ng mga nagbabayad at umoorder ang amo ko. Nakatapat sa puno ng alikabok na electric fan ang mukha niya. isang beses niya akong nilingon pero ang sama-sama ng tingin niya sa akin. Nilapitan at binuhat ko si Shane mula sa lamesang pinagbabaan ko dahil iyak ng iyak. Kanina ko pa siya naririnig, walang lumalapit sa kanya dahil lahat ay may kanya-kanyang trabaho. Halos umiyak ako at nabiyak ang puso ko nang makita ko ang kalagayan niya. Pulang-pula ang mukha sa kakaiyak at nauubo na rin sa lakas ng palahaw. Kinuha ko ang lampin niya at marahan na pinunas-punas, padampi-dampi sa kanyang pisngi. Bahagya siyang tumahan nang binuhat ko pero humikbi-hikbi pa rin. “Mommy’s here..ssshh..Mommy’s here na baby ko..” I used my calmed reserved voice para mas mapakalma ko pa si Shane. Inaantok na siya at nagugutom kaya siguro iyak ng iyak. Bukod pa sa mainit at maingay dito sa lugawan, mamaya pa ako makakabili ulit ng gatas niya pagkabigay ng sweldo namin. Kaya naman matyaga ko siyang hinele-hele, palakad-lakad para tumahan siya. Hindi rin ako makakatakas na para i-breastfeed siya dahil pagagalitan ako at sasabihing tumatakas sa trabaho ko. Napatingin ako sa amo ko nang nagdadabog niyang inusod ang bangko. Napaigtad si Shane sa ginawa niyang iyon at umiyak ulit. “Istorbo na ’yang anak mo sa negosyo ko. Ang ingay-ingay. Nabubulahaw ang mga kostomer ko. Mga bwiset.” Naiinis niyang litanya. Lumakas pa lalo ang iyak ni Shane kaya naman kulang na lang ay murahin niya kami. Paulit-ulit kong pinatahan ang anak ko, pero dahil na rin sa init at ingay ay hirap na hirap din akong pakalmahin siya. May kirot sa dibdib ko nang tawagin niya kami ng ganoon. Alam kong palagi siyang nagagalit hindi lang sa amin pero tawagin niyang bwisit pati ang anak ko ay ibang kirot ang naramdaman ko. I can accept if she was only pertaining against me but with my child..it pierced me like a flaming spear straight to my heart. I am a Mother. A single Mom. The last thing I want to hear is to humiliate my child right on my face. But what can I do? I don’t have the means to give him a proper needs. Not even a single diaper. I have to work harder and harder to get a small amount of money for his expensive formula milk, for diapers, food, a clean water, for his clothes and to pay to our apartment. Nasimut ang laman ng wallet ko nang manganak ako. May utang pa nga akong hinuhulugan sa ospital. Kung hindi lang kakilala ni Mark iyong Doctor ko at anak ng may-ari ng ospital ay baka hindi kami palabasin. Ang mga government benefits na hinihingi sa akin doon ay wala ako. Mark and Rica were the one who helped me out from the beginning. Kahit ang pagpupuyat ni Rica para mabantayan ako sa ospital ay kay laking abala na para sa kanya. At nang makabalik ako sa bahay ay ilang araw din siyang nagpaiwan doon para may makasama rin ako. She paid for everything that we need for the first month. Nag-iwan pa siya ng pera bago siya umuwi at sinundo ni Mark. As far as I wanted her to go back home, I don’t have the means to do so. My conscience is lower than my unfailing love for my child. Hindi man nila sabihin. Nararamdaman ko na ang pagiging pabigat kong kaibigan sa kanila. But I couldn’t say no. I couldn’t say please stop doing this or giving this to me. I need it. I beggingly need all the things that they gave to me. If I needed to beg, down on my knees, I would. Kakayanin kong mamalimos para sa anak ko. Shane is nearly four months. Dalawang buwan pagkatapos kong manganak ay bumalik na ako sa trabaho. Noong una ay ayaw pumayag ng amo ko na isama siya sa lugawan pero nang kausapin siya ng kanyang asawa ay pumayag din. Kaya lang ay halos araw-araw kung ipahiya niya ako sa harap ng maraming tao. Lalo na kapag umiiyak si Shane. “Hindi talaga dapat may bata dito sa kainan. Magulo at mainit pa kaya talagang maiirita ang baby niyan,” narinig kong sabi ni Jowell, ang panganay na anak ng amo ko. Tumabi siya sa Mama niya at siniko-siko. Nang hindi pinansin ng Ina ay siya na ang bumukas ng kaha at binilang ang laman niyon. May ilang dadaanin siyang kinuha at binulsa sa kanyang pantalon. Tumayo ang amo ko, hindi nakita ang ginawa ng kanyang anak at nilapitan ako. “Pinagbigyan na kita, Ellie. Bukas na bukas ay hindi mo na pwedeng isama ’yang bastardo mong anak dito sa negosyo ko,” pagduduro niya sa akin. “Pero madam, wala po akong mapag-iiwanan sa anak ko. Patutulugin ko na lang po ’pag nandito na kami,” alam kong imposible ang sinabi ko pero ang isiping malalayo sa akin si Shane ay nabibiyak sa sakit ang dibdib ko. He’s so small ang tiny, I can’t let him be alone or be with someone I don’t know. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya habang si Jowell at ngumingising sinasara ang kaha. “Ilang araw mo nang dinadala dito ang batang ’yan pero ni isang araw hindi tumatahimik ’yan. At kung mamalasin pa ay lalayasan ako ng mga kostomer ko dahil sa ngumangawa mong anak at puro aksidente ang nagagawa mo. Kung palaging gan’yan, pwes hindi na rin pwede dito ang anak mo!” pinagdiinan niya ang huling sinabi. “Madam nakikiusap po ako. Pangako po hindi na po makakaistorbo ang b-baby k-ko,” bumalong na naman ang luha sa mga mata ko. Agad na nanlabo ang mga mata ko pero patuloy pa rin sa paghehele kay Shane. He’s crying even louder that my world crush in an instant. I couldn’t afford this. Inakbayan ni Jowell ang Mama, tinanggal ang subo-subong lolipop at ngumisi sa akin. “May suggestion ako, kung hindi mo rin lang naman kayang buhayin ’yang anak mo ba’t ’di mo ibenta sa mas walang anak? Bukod sa wala ka nang poproblemahin, napagkakitaan mo pa.” Namilog ang mga mata ko. Agad akong nagalit. Gusto kong sigawan si Jowell at kontrahin ang sinabi sa galit na bersyon. How dare he said all that disgusting words without flinching even an inch? Ang Mama niya ay namamanghang nilingon siya at hindi makapaniwalang narinig iyon. Her face looked so curious but not bothered. Siguro dahil magulang na rin siya. “Hindi ko gagawin ’yan.” Matigas kong sagot. Nagkibit-balikat siya at umayos ng pagkakatayo. “Nagsa-suggest lang naman, Ellie,” dinungaw niya ang anak ko. “Ang tangos ng ilong niyang anak mo, maraming aampon d’yan.” Sabay tawa na parang balewala. Saka umalis ng lugawan. Inismiran na rin ako ng amo at tinalikuran na ako. Sa isang sulok at pilit kong pinapatulog si Shane sa kabila ng init at ingay sa lugar. Nang maubos ang mga kumakain ay ako na ang nagkusang maglinis ng mga lamensa. Si Reah muna ang nag-alaga kay Shane habang nagtatrabaho ako. Nagmamadali ko nang tinatapos ang bawat lamensa para makuha na ulit si Shane dahil ’pag nagising iyon at umiyak, ako lang ang makakatahan. Pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho, maghahating gabi na rin nang makuha namin ang sweldo. Hindi ko naman alam kung paano pagkakasyahin ang maliit na kita ko. Sa gatas pa lang ni Shane halos wala nang matitira. Mumurahin na diaper na ang ginagamit niya, mabuti na lang at hindi hinahalas. I can say that I am thankful that his skin is not that sensitive. Nasa halos 400 pesos pa naman daw iyong gamot sa halas ng baby. Pauwi ay dumaan muna kami sa pinakamalapit na Pharmacy para makabili ng gatas. Tulog na tulog na si Shane. Naaawa na ako sa anak ko. Binalot ko na siya ng tuwalya para lang hindi mahamugan. Hinatid kami nina Reah, Lily at ni Gerome ang boyfriend ni Lily. Sa lugawan din nagtatrabaho bilang cook. “Pa’no na ’yan, Ellie? Saan mo iiwan si Shane bukas?” tanong sa akin ni Reah habang kumakagat sa binili niyang soipao. Pati sina Lilyb ay napatingin na rin sa akin. I look down at my son. Natutulog pero kumikibot ang mga mata, tanda na kaunting ingay lang ay iiyak naman siya. Papalahaw sa gutom at lamig. I put my fingers featherly on his cheek and stared at him. He got Ridge’s thick eyebrows. Shane reminds me so much of his father. Hindi ko masabing mas kamukha ko siya dahil sa totoo lang, mas marami siyang namana sa kanya. I’m afraid that if he get older, hindi ko na maitatago ang pagkakahawig nila. He’s born a Castillano. Pero matutulad siya sa Tatay niyang anak sa labas. And it stung in me—big time. I heaved out a sigh. A sigh that can’t determine what’s coming for tomorrow. Just a sigh. “Pakikiusapan ko na lang ulit si Madam.” Sagot ko. sa totoo lang ay nanghihina na ako para bukas. Ramdam ko sa kaibuturan ko na wala nang kahihinatnan ang gagawin kong iyon. “Hindi ba pwede sa kapitbahay mo na lang iwan si Shane? Abutan mo nalang ng kaunti tapos ihanda ang mga gamit niya sa maghapon. Iyong mukha kasi ni Madam parang hindi na nadadala sa pakiusap e,” Reah added. I look at her. Somehow, she’s right. Wala na talaga akong maramdaman na papayag pa ang amo namin. But I can’t risk to leave my son with somebody I barely knew. Hindi ko ka-close ang kapitbahay namin. Bukod sa wala yatang tao dun sa bahay ay sa gabi ko lang nakikita. “Walang tao dun saka hindi ko siya kilala. Nagkakasalubong kami, sa ganitong oras pero hanggang tingin lang. Ni hindi kami nagkakausap man lang.” turo sa babaeng kapitbahay. “Oh? Napansin ko nga sa gabi ’yon palagi lumalabas sa lungga niya. Baka naman call center agent ’yon ’di kaya?” ani Lily. “Edi mas lalong hindi pwede pala si baby Shane don. Tulog sa umaga, gising sa gabi.” Ani Reah. Inakbayan ni Gerome ni Lily at binulungan. Namula naman ang mukha ng girlfriend kaya nag-iwas na ako ng tingin. Nagkaroon na ng sariling mundo iyong dalawa. Pagkarating ko tapat ng bahay at nagpaalam na rin ang mga kasama ko. Ang sasakay pa sila ng tricycle pagkatapos dito. Kaya naman ang laki ng pasasalamat ko sa kanila at ang laki rin ng malasakit sa akin. Saktong paglapag muna sa plastic at baby bag ay siya namang bukas ng pintuan sa katabi kong bahay. Napahinto ako at napatingin don sa babae kong kapitbahay. Napagmasdan ko siyang maigi. Sa araw-araw tuwing lumalabas siya ay palaging maiksi ang shorts na suot niya.Madalas ay spaghetti strap blouse ang suot niya pero ngayon ay pulang tube top na lang. Mataas ang suot na sapatos at kumukinang ang mga suot na alahas sa leeg at tainga. Ang maliit niyang bag ay nakaipit sa kanyang maputing kili-kili. Ang buhok ay nakalugay pero kulot ang mga dulo. Ang bango niya rin. Parang mamahalin sa sobrang bango. Habang nagkakandado ng kanyang pinto ay hindi ko na matanggal ang titig ko sa kanya. Siguro ang laki ng sweldo niya. Sa bagay mukhang nag-iisa lang din siyang nakatira sa bahay. Ang lipstick at makeup niya kitang-kita ang mga kulay. Mag aantay lang siya sa hindi kalayuan at may darating nang sasakyan para sa kanya. She looks so glamorous. And she’s even stunningly beautiful too. She noticed me. Kaya naman agad akong napahiya at hinanap na ang susi ng pinto ng apartment. Gumalaw din si Shane at umiyak na rin. “Nagugutom na ang baby ko? Wait lang anak ha..papasok na tayo sa bahay,” aliw ko sa kanya pero walang effect dahil mas lalo pa siyang umiyak. Nagtahulan na nga ang mga aso sa ilang kalapit pang bahay. “Anak mo?” Kumunot ang noo ko at nilingon iyong babae. Sa akin pa rin siya nakatingin. Nakahalukipkip habang ngumunguya ng bubble gum. “Oo. Pasensya na, nagugutom na kasi,” paumanhin ko kung sakaling naiistorbo namin siya sa iyak. Tumango siya at pinasadahan ako ng tingin. Hindi ako makatingin ng deretso. Ang ganda niya kasi. “Mukhang maaga kang nag-asawa ah. Nasa’n ang asawa mo? Gabing-gabi nasa labas pa kayong mag-ina, delikado d’yan.” Sabay turo sa kalsada. Nginitian ko siya, sa wakas ay nabuksan ko na rin ang pintuan namin. “W-Wala akong asawa. Kami lang na dalawa.” Nahihiya kong sagot. Tumaas ang isang kilay niya. “Kayong dalawa lang d’yan? Ibig mong sabihin sinasama mo ang baby mo sa trabaho? Sa lugawan ka nagtatrabaho ’di ba?” Na-freeze ang ngiti ko. Bahagya akong natigilan. Alam niya kung saan ako nagtatrabaho? And she noticed my reaction too. Kaya naman ay ngumisi siya at inayos ang buhok niya sa kanyang balikat. “Nagulat yata kita. Palagi kasi akong nadadaan doon kaya madalas kitang nakikita. Pero hindi napapansin ’yang baby mo,” Kinuha ko iyong plastic at bag bago ko siya sinagot ulit. “Iniiwan ko kasi siya sa likod ng counter.” Tumango siya at sinulyapan ulit ang anak ko. “Oh, I see. Hindi pa siya pwedeng i-carrier ’no? Masyado pang baby.” And expensive. I already thought of it. May nakita ako no’n sa Mall, nasa isang libo ang presyo. And I need to save up for his christening first. Isang beses pa niyang inayos ang buhok bago nilabas ang isang mamahaling cellphone. Humakbang na siya paalis pero huminto rin agad at nilingon ako ulit. “By the way I’m Erin. And you’re?” tinaas niya ang kamay sa akin pero nang makita na pareho akong may buhat ay binaba niya rin. “Ellie, ito ang anak ko si Shane.” “Nice meeting you, Ellie and baby Shane. Sige na, I have to go.” Tinalikuran na niya ako at naghintay sa dati niyang pwesto. Pinagmasdan ko siya ulit. At tulad ng dati ilang minuto ang lumipas ay may pumarada nang sasakyan sa tapat niya at sumakay siya sa likuran. *** “Hay nako! Sabi nang hindi na pwede ’yang bata dito! Hindi, Ellie. ’Wag mong sagarin ang pasensya ko sa’yo.” Sigaw niya sa akin ng amo ko. pinagbagsakan niya ako ng tasa sa stainless na counter. Lahat ng tao ay nakatingin na sa amin. Pero nagbakasakali pa rin ako. “Madam..parang awa niyo na po,” “Ubos na ang awa ko sa inyo. Kung ayaw mong paalisin ’yang anak mo dito, sisante ka na!” Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nasa bisig ko si Shane at mahimbing na natutulog. “Ma ano ba ’yan? Ang aga-aga nambubunganga ka,” Naiiyak akong napatingin kay Jowell. Kagigising lang at pupungas-pungas pa. “Tungkol ba sa bata ulit? Amina na at ako muna ang mag-aalaga d’yan,” nilapitan niya agad ako at akmang bubuhatin si Shane pero agad kong nilayo ang anak ko sa bigla niyang pagkilos. “Oh? Tutulungan na nga kita ayaw mo pa?” “Ako na lang po.” “Pa’no mo aalagaan e nagtatrabaho ka nga? Ikaw din, mas gusto mo yatang mawalan ng trabaho.” Naglakad siya malapit sa kaha at inabot ang isang stick ng sigarilyo. “Jowell ’wag kang magsigarilyo dito. Dun sa labas!” taboy sa kanya ng Mama niya. “At ikaw na babae ka, kung hindi ka rin lang susunod sa utos at patakaran ko pwes, umalis ka na at maghanap ng ibang trabaho.” “Madam, parang awa niyo na po. Kailangan ko po ng trabaho,” pagmamakaawa ko. Nilapitan ko siya ulit habang nagbibilang ng mga barya sa kaha. “Ma ’wag ka namang masyadong malupit. Amina Ellie, ako ang mag-aalaga d’yan,” sabi niya ulit sa akin. inayos pa niya ang lamensa at isang mantel na nasa ibabaw no’n. I was watching him. “Dito mo na lang ibaba tapos ako na ang magbabantay. Titingnan mo rin naman siya ’di ba?” “Hoy Jowell hindi ka pa nakakahawak ng bata kaya tumigil ka d’yan!” kontra ng Mama. “Ma, babantayan ko lang naman,” “Sabi nang ayoko ng maingay sa negosyo ko!” “Pag umiyak edi lagyan ng gatas. Parang hindi ka nag-alaga ng bata.” Sabay tawa. “Gago!” Nagsisimula nang dumami ang kumakain at kailangan ko na ring magtrabaho. Kahit panay ang suway ng amo ko ay madalas pa ring naaagaw ang atensyon niya sa mga umoorder kaya sa huli, nilapitan ko na lang si Jowell at binaba sa mesa ang natutulog na si Ellie. Hindi pa rin ako panatag sa pagtulong niya pero ayokong mawalan ng pagkakakitaan. Inayos ko ang mga bote ni Shane at sinabi sa kanya na kung sakaling magising at humikbi at ibigay na lang gatas na tinimpla ko na. “Tatawagin na lang kita ’pag nagising.” Sagot niya sa akin. Pinagmasdan ko muna siya. “S-salamat.” Tinanguan niya ako at umupo sa monoblock chair sa tabi ng mesa. “Oo na sige na. Umalis ka na.” He lit up a cigerette, bahagya siyang gumilid para hindi matamaan si Shane. Hindi ako makaalis dahil sa hindi pa rin ako panatag. Nang makita niya ako ay kumuha siya ng karton at tinaas, pinaymapayan ang anak ko. “Okay na? Ligtas ang baby mo dito.” *** Habang nagtatrabaho ay palingon-lingon ako sa pwesto ni Jowell. Nakikita ko siyang nagpapaypay habang nagtetext sa cellphone niya. Hindi ko pa naman naririnig na umiiyak si Shane kaya nagtuloy-tuloy ako sa ginagawa. Pagdating ng tanghali ay dumami ang customer. May ilang beses ko pa ring nililingon si Jowell. Hindi ko na siya nakita kaya agad akong lumapit sa pwesto nila. Wala na roon si Shane. Binalewala ko ang mga tumatawag sa akin at lumapit pa sa cashier area. Parang binundol ang dibdib ko nang hindi ko nakita ang baby ko sa ibabaw ng mesa. Yumuko pa ako at sinilip ang ilalim at baka nahulog. He’s not here. “Madam si J-jowell po?” tanong ko sa Mama niya. “Aba malay ko.” balewala niyang sagot sa akin. Inikot ko ang buong counter. Wala si Shane. Pumasok ako sa kusina at tiningnan baka doon dinala ni Jowell ang baby ko. “Gerome nakita mo ba dito ang baby ko?” nagsisimula na akong manlamig sa takot. Huminto siya sa paghahalo sa malaking kawa at nagpunas ng pawis sa kanyang noo. “Hindi ko napansin. Saka mainit dito, mag-iiyak ’yon agad kung nagkataon.” Biro niya. Nadagdagan na naman ang takot ko. “Reah n-nakita mo ba si Jowell at Shane?” Natigilan siya. “Hindi ko napansin. ’Di ba iniwan mo lang dun sa mesa?” tumingkayad siya at sinilip ang pwesto. Sa dami ng tao ay natatakpan na rin ang cashier area. “Wala sila doon..” isang beses pa akong nag-ikot. Nanlalaki ang ulo ko. Nanlalamig ang mga kamay ko at nangangatog. Lumabas ako at umaasahang pinahanginan lang ni Jowell ang baby ko. Sinuyuran ko ng tingin ang mga nakatambay sa labas ng lugawan. Hinihingal ako. Sinundan ako ni Reah at tulad ko ay hinanap din ang anak ng amo namin. Naglakad ako at tiningnan ang bawat lugar, pwesto na dati niyang tambayan. My chest kicked so loud. Hindi na ako sanay na hindi nakikita ang anak ko. “Ellie si Jowell!” Agad kong nilingon si Reah habang nakatanaw sa papalapit na si Jowell—pero hindi niya dala si Shane. Tinakbo ko siya at sinalubong. “Jowell ang anak ko? Nasaan ang baby ko?!” pasigaw kong tanong sa kanya. Namulsa pa siya at nilingon-lingon ang paligid. “Ang ingay mo naman,” “Nasaan ang anak ko?!” sigaw ko. Nagkamot siya sa kanyang lalamunan. “Haist! Nako,” may dinukot siya sa kanyang bulsa at inabot sa akin. “Bayad do’n sa bata. Limang libo.” Natulala ako. Hindi ko na maramdaman ang sarili. Tama pa ba ang naririnig ko o panaginip lang ito? Sana ay panaginip na lang. “B-binenta mo ang b-baby ko?” words find it hard to slip out from my lips.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD