Chapter 5

2177 Words
Chapter 5 Ellie Mula nang pinunasan n’ya ang luha ko ay hindi ko na nagawa pang kumilos ng maayos. Pinagpatuloy n’ya ang pagsusulat na parang walang nangyaring pagdampi ng balat n’ya sa akin. But since when did I ever care about touching? Heck! I swallowed multiple times. I hope he didn’t notice it. Kahit kababawan ay nagawa kong mawaglit sandali ang nangyaring kahihiyan. Even if I wanted to drown myself right on my chair, I composed myself and remained quite. My cheeks burned. Halos ang langitngit na nagmumula sa ceiling fan lamang ang naririnig sa apat na sulok ng silid. “Tapos na.” Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso dahil sinasalabungan n’ya ako ng titig. Napalunok akong muli at niligpit na ang gamit ko. Nilagay ko ang aking bag sa kandungan ko’t humanda nang umalis, he didn’t talk and watched me fixing my things thoroughly. Bakit ba sa lahat ng makakasama ko’y siya pa? “S-Salamat..” Naisatinig ko lamang. Bumuntong hininga siya. Sinundan n’ya ako hanggang sa makalabas ng gate. Gusto kong ipagpaliban na lang ang tutorial na pinag-usapan namin at umuwi na lamang. Ang bigat pa rin ng naiwan sa’king kahihiyan. Ramdam ko pa rin pati ang ngawit sa mga binti ko. Ngunit hindi ko namang magawang sabihin dahil kasa-kasama ko na siya. Tumayo kami sa waiting shed at nag-abang ng jeep. May ilang mga estudyanteng napapalingon sa’min, meron pang humahaba ang mga leeg at pilit na kinikilala ang matangkad na lalaking katabi ko. I was known for dating handsome boys in school. Ngunit wala pa yatang nakakakita sa’king may kasamang higher year, kay Ridge Castillano pa. Tumikhim ako’t bahagya siyang nilingong nag-aabang ng masasakyan. Pikit-mata kong aaminin..he’s very handsome at his age. His biceps looks so firmed, para bang hindi ko maiisip na mahirap lang siya dahil mas lamang iyong may pera itong pang membership sa gym. Impit akong napaigtad ng bigla n’ya akong nilingon matapos parahin ang jeep. Tumikhim akong muli at nagkunwaring wala lang iyong paninitig ko sa kagandahang lalaki n’ya. Really Ellie? Hinawakan n’ya ako sa aking siko ng magaan at pinaunang sumakay sa jeep. Umupo ako sa side na walang laman, umupo rin siya sa tabi ko. Nang umandar na ang jeep ay agad kong kinuha ang coin purse ko sa bag para magbayad ng pamasahe, ililibre ko na siya tutal ay hindi naman siya nagpapabayad na maging tutor ko. “Bayad po.” Nag-angat ako ng tingin sa kanya nang makitang nag-abot na siya ng pera sa driver. Napaawang ang labi ko sa gulat, nilingon n’ya ako pati ang wallet na hawak. Tumaas ang gilid ng kanyang labi. “Ako na! Palitan ko na lang..” “Hindi na kailangan. Itabi mo na ’yan.” “Sure ka?” Nawala ang ngisi n’ya at mariing lumapat ang labi. Dala ng kawalan sa mood at nagpatianod na lamang ako. Nagtatrabaho na siya kaya siguro maluwag sa pera, pero kahit na! Baka nagtatrabaho siya dahil ang malaki ang pamilya n’ya. Siya ang panganay kaya kahit nag-aaral ay kinailangan n’yang isabay ang pamamangkero sa tres. Nahihiwagaan man ay nagpasalamat na lamang ako. Mas matanda siya sa akin kaya gumalang na lang ako. Or maaaring bumawi na lang ako sa ibang bagay? Like what? A gift? A blowout? I dunno exactly, saka na nga lang! Ang dapat kong unahin ngayon ay ang assignment kong babalikan ko na naman bukas. Natapos ang kahihiyan ko ngayong araw, may part two naman kinabukasan. Ilang minuto ang ang tinagal namin sa byahe, nalaman kong malapit lang pala ang bahay n’ya sa amin. Dalawang kanto lamang ay makakauwi rin ako, lakarin ko na lang mamaya. Nilingon n’ya ako ng huminto siya at binuksan ang kinakalawang na maliit na gate ng bahay. Namangha ako sa tirahang tinutuluyan n’ya, dati ko na ’tong nakikita lumang bahay pero hindi ko akalaing matitirhan pa ito. It was an oldie ancestral house in the metro! Ang puting pintura ng kahoy ay mapusyaw na at unti-unti ng natutuklap sa katandaan. Ang dalawang nakatayong kahoy sa porch ay nakakatakot pagmasdan dahil animo’y mabubuwag na pero nagitla ako ng makita ang isang bahagi ng dingding nito ay sirang-sira na! Nakabukas na iyon at tinakpan na lamang ng plywood sa loob. Sa isang gilid naman ay mayroong nakagaraheng bisekleta. This house reminds of revolutionary era. Iyong bang mahigit sa isangdaang taon nang nakatayo. But then, ang mga ganitong bahay ay marami sa lugar namin. Ang pagkakaiba nga lang, mukhang hindi pa ito nakakaranas ng renovation para mapatibay pa. He opened the gate and let me in first. Excited man akong makapasok pa sa loob ay kinakabahan pa rin ang datingan ko. “Tara. Nasa loob ang mama ko.” Aya n’ya. Gumuhit ang kaba sa’king dibdib. Syempre! Nandito rin ang mga magulang n’ya! Ano pa nga bang inaasahan ko do’n. Baka nga makilala ko rin ang sampu n’yang mga kapatid. Did they own this huge house? Pinapasok pa n’ya ko sa loob ng bahay nila. Kabaliktaran naman ang nadatnan ko sa kanilang sala. Simple man ang kanilang sofa ay malinis naman ito at masinop ang paligid. May stand fan na nakatayo sa tabi ng binatana at may isang maliit na vase ang nakahimlay sa maliit na lamesita. May laman iyong ilang pirasong gumamela. Sa bandang itaas naman ng dingding ay may nakadikit na munting sto. Niño. “Ridge? Ikaw na ba ’yan?” Isang magaan at malamyos na boses ang narinig namin mula sa kabilang bahagi ng bahay. Hinila ako ni Ridge at dinala sa pinanggaliangan ng magandang boses. Maaliwalas na kusina ang bumungad sa’kin. “Ma, may kasama po ako.” Sabi n’ya na siyang nagpalingon sa amin ng ginang. Mula sa pagsusulat sa isang kwaderno ay nag-angat siya ng tingin sa amin ng nakakunot ang makinis na noo. Napaawang ang labi ko. Ang ganda ng mama n’ya. Hindi mahahalatang may anak itong kasing laki ni Ridge! She’s so beautiful. Mahinhing binaba ng ginang ang hawak na ballpen at tumayo. “Bakit hindi mo sinabing may darating ka palang bisita? Naku, hindi ko tuloy kayo napaghandaan ng meryenda! Si Ridge talaga..ano’ng pangalan mo hija?” Kahit ang boses n’ya’y napakaganda rin! “Ellie po ma’am..” Tumibok ng mabilis ang puso ko. Ngumiti siya ng napakabini. “Tita na lang Ellie, Tita Lian. Pasensya ka na sa bahay namin ah? Medyo magulo kasi inaayos ko ang mga paninda kong bagoong. Teka, ipaghahanda ko kayo ng hapunan ninyo. Dito ka na kumain!” Nakita ko ang pagkislap ng mga mata ng mama ni Ridge. Saaagot na sana ako ng pigilan n’ya ako sa’king braso. “Ma, sa silong lang kami ni Ellie. May tutorial po kami.” Agad na niligpit ng ginang ang mga bote ng bagoong sa lamesa. “Okay sige. Tawagin ko na lang kayo kapag nakahain na.” Muli na naman akong hinila sa braso ni Ridge palabas ulit. Nahiya tuloy ako mama n’ya ng nilingon ko siya at naabutang tinatanaw kaming dalawa. I shyly smiled at her. Binaba ko ang gamit ko sa kahoy na lamesang pinandalhan sa’kin ni Ridge. It’s an opened area, tila garahe ng sasakyan ngunit tinambakan lamang ng mga plywoods at lumang kahoy ng bahay. Hindi naman masyadong magulo bagkus ay maaliwalas pa at malamig ang hangin na tumatama sa’kin. Umalis siya sandali, pagbalik n’ya ay bitbit na n’ya ang ilang libro at notebook. Umupo naman ako at nagsimulang ilabas ang notebook ko sa geometry. Ngunit agad din n’yang ginilid ang mga gamit, nagtaka naman ako sa ginawa n’ya. Tiningala ko siya, sinagot na n’ya ako ng nakangiti. “Kumain na muna tayo, tutulungan ko lang si mama na maghain.” Kumunot ang noo ko. “Akala ko..mamaya pa? Sabi mo kanina dito muna tayo..” s**t! Bahagya n’yang tinagilid ang mukha at ang ngiti ay nauwi sa munting ngisi. This is my fault! I sounded like a loving girlfriend! Girlfriend? Oh gosh! Naghahalucinate na ba ako nang dahil sa math! “H’wag kang mag-alala, mamaya magsosolo tayo.” Tudyo n’yang inis ang salo sa akin. Magsasalita na sana ako nang tinalikuran n’ya ako’t iniwan sa silong nila. Ridiculous fate! Naiwan akong mag-isa. Nilibot ng mga mata ko ang bahaging ito ng bahay ni Ridge. Tahimik naman maliban sa pailan-ilang tunog ng dumaraang jeep sa labas. Kung tutuusin, kung maaayos lamang ang landscape nila, maganda ang kalalabasan n’yon. But then again, mukhang wala silang pera para dyan. Pero ang ganda talaga ng mama n’ya. Grabe, ang ganda ng lahi. Inabot ko ang notebook ni Ridge. Binuklat ko iyon at napanguso nang makita ang simpleng lettering sa unang pahina. His geometry notebook last year, ang notes na pinagdamot n’ya sa akin. Sa ibabang bahagi naman ay nakasulat ang buo n’yang pangalan. Ridge James Castillano “Pangalan pa lang matigas na.” “Ano?” Napaigtad ako nang biglang may magsalita sa likuran ko. Napahawak ako sa’king dibdib at kinakabahang tiningnan ang lalaking iyon. “Ano ka ba? Ano’ng ginagawa mo dyan?” Narinig ba n’ya ako? Nakaawang ang mapula n’yang labi at titig na titig sa akin na parang may maling hinahanap. “Ano’ng sabi mo kanina?” “Ang alin?” Napalunok siya at hindi naipirmi ang mga mata sa akin. Para bang nahihirapang huminga o ano. “Iyong tungkol sa..ano..shit!” Nagtatakang pinagmasdan ko siyang parang nahuli sa masamang gawain. Napahilot siya sa kanyang noo at pumikit. Ano’ng problema nito? “May sinasabi ka kanina tungkol sa m-matigas! Ano ba ’yan?!” Natulala na ako sa kanya. Nagalit? Inangat ko ang notebook n’yang hawak at pinakita sa kanya, “Kako iyong pangalan mo pa lang matigas na..” Tinitigan ko siya at napansing namula ang buong mukha n’ya! His ears were so red! Para bang nag-akyatan ang dugo n’ya at mukhang hindi normal iyon! Naalarma ako at napatayo, umamba akong lalapitan siya ngunit pinahinto n’ya ako. Tinaas n’ya ang kanyang isang kamay. “Dyan ka lang. T-Tatawagin kita kapag kakain na.” Wala naman akong nagawa na at sinundan na lamang siya ng tingin. May sakit ba siya? Kaya nang niyaya na akong kumain ni Tita Lian ay hindi ko nakita kaagad si Ridge. Ayun pala ay nanggaling sa kwarto n’ya at naligo na. We were so quite nang bumalik siya, si Tita na lamang ang panay ang kwento at tanong sa akin. “Mabuti at napaunlakan mo itong si Ridge, Ellie. Hindi kasi iyan nagdadala ng mga kaibigan dito, tapos babae pa ang una.” Sinundan iyon ng tawa ni Tita. Nahiya ako at napalingon sa anak n’yang ayaw na yata akong kausapin pa. Praning na yata e. “Magpapatutor po ako sa kanya Tita. Nahihirapan po kasi ako sa Geometry at Chemistry..” Nahihiya kong sagot dito. “Gano’n ba? Aba’y matalino sa ganyan ang anak ko. Sisiw lang iyan sa kanya Ellie, mabuti at nalapitan ka n’ya? Hindi kasi palakaibigan sa mga babaeng kaklase.” “Talaga po?” Tumango ang ginang at sinulyapan ang anak n’yang topakin pala. “Mahiyain ’to e at masugit. Sana magtagalan mo..” Natawa ako. Masungit oo, pero mahiyain? I’m not sure. “Ipagbabalat ko kayo ng singkamas, masarap iyong isawsaw sa bagoong.” Pahabol na sabi ni Tita Lian sa’min ng matapos ang masarap na hapunan. “Salamat po!” Sabi ko, para kasing nagmamadali na si Ridge. Inabot na ako ng dilim sa bahay nina Ridge. Sa silong ay dinalhan n’ya ako ng electric fan para raw hindi malamukan. No’ng magsimula kami ay nagpasalamat ako’t bagong kain kaya may energy pa ako. Dahil kung hindi, malamang ay aantukin ako. Ngunit hindi ko ineexpect na gising ang diwa ko nang ituro n’ya sa’kin ang Pythagorean Theorem. Gamit ang graphing paper n’ya ay seryoso n’ya akong tinuruan. He gave me a new problem solving bago ipasagot sa’kin ang kaninang sinumpa kong tanong sa klase. And I was so shameful na gano’n lang pala kadali iyon! “Palagi mo lang tatandaan ang formula. Basically, you have to multiple by itself then, ililipat mo kabila. At dahil nilipat mo, magiging negative na itong numero, to get the b, you have to subtract these numbers. Ito na ang final answer mo.” Tutok na tutok ako sa ginawa n’ya. Hindi ko na ininda pa ang sobrang pagdikit ko sa kanya para lamang makita ang pagsagot n’ya. Bakit sa kanya naintindihan ko, sa teacher ko hindi? “Kaya na?” Ngumuso ako, “Try ko muna.” Tumango siya at hinayaan akong sagutin assignment ko. Kailangan kong pag-igihan dahil tatayo na naman ako sa harapan bukas. Pero ngayon, mas confident na ako. Pinapanood n’ya ako habang sumasagot. I felt all the powers while writing my answers. Natandaan ko ang tinuro n’ya, at ang swabe n’ya ring magturo. Nararamdaman ko na ang tagumpay ko para bukas! “Correct..” Sabi n’ya matapos makita ang sagot ko. Ngumiti ako at halos yumakap na ako sa kanyang braso dahil sa sobrang saya! Natigalgal ito at tiningnan, namula na naman ang tainga n’ya. Dumikit pa ako sa kanya at malapitang pinagmasdan ang tainga n’ya. “Bakit sobrang makapula ’yang tainga mo?” Nag-iwas siya ng tingin sa’kin, but then, I was suddenly bothered by his skin. Medyo mainit kasi. Kinuha n’ya ang brasong niyakap ko’t niligpit na ang mga gamit sa lamesa. “Never mind me.” Mahina n’yang sagot. Napanguso ako. Kumuha ako ng sliced na singkamas at sinawsaw sa masarap na bagoong ng mama n’ya. Pinanood ko siya habang kumakain. May kakaiba sa kanya. He’s wearing a white T-shirt and maong shorts. Napako ang mga mata ko sa kanyang kandungan pataas sa..natulala ako doon. “Ellie!” Banta n’ya ng mapansin akong nakatingin sa kandungan n’ya. “Bakit?” Painosente kong tanong. Inabot n’ya ang isang libro at tinakip sa baba n’ya. Uminit ang mukha ko. “Tinititigan mo ang baba ko?” Inis n’yang asik sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. “Napatingin lang ako pero hindi ako naninitig!” “Tsk..” “Ang green minded mo.” “Baka ikaw! Ikaw ang nakatitig sa’kin.” “Praning nito..” Bumuntong hininga siya at biglang tumayo. “Ihahatid na kita sa inyo.” Deklara n’ya. Ngunit napatingin na naman ako sa ibaba n’ya. Ngayon, parang mas umumbok pa. “H’wag mo ngang tingnan!” Natawa ako at inangat ang tingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD