Chapter 4
Ellie
Pagkatapos kong planstahin ang uniporme ko ay maayos ko itong sinampay sa likod ng pintuan ng kwarto ko. Inilagay ko na rin sa bulsa ng palda ko ang naplantsa ko ring pink checkered na panyo ko. Iniligpit ko ang mga notes ko at nilagay sa bag. Ang naka-separate ko namang notebook ng dinorowing kong disenyo ng bracelet at kwintas, ay maayos kong tinabi sa drawer.
Kung minsan kapag inaantok ako sa pag-aaral, dinadivert ko ang atensyo ko sa pagdidisenyo ng bracelet at kwintas. Para naman kahit papa’no makaramdam ako ng excitement sa pag-aaral.
I fixed everything on my study table, bago ko kinuha ang platitong pinaglagyan ko ng cookies at baso ng juice. Lumabas ako ng kwarto para sana hugasan na iyon sa kusina, ngunit napahinto ako sa paglalakad nang may lumabas na lalaking walang pang-itaas sa silid ni Tita Flor!
Napatda ako sa gulat. Tila ako’y natuklaw ng ahas nang makakita ng lalaking hubad sa bahay namin. Walang ibang nakatira dito maliban sa’ming magtyahin. Wala rin kasing asawa na si Tita Flor, ang sabi sa’kin ni Mama ay iniwan daw ng asawa niya ang Tita ko dahil hindi sila magkaanak. At dahil wala rin kaming kasama ni Mama ay naisipan na lang niyang isama sa bahay kapatid.
Bata pa naman kung tutuusin si Tita Flor, mas matanda pa sa Mama ko. Pero kasi..iyong lalaking ito ay ’di hamak na mas bata pa sa kanya. At ano’ng ginagawa nila sa silid ni Tita? Sa ganitong oras ng gabi?
Hindi ako nakita no’ng lalaki dahil tinahak nito ang hagdanan at tila may tinitingnan na kanyang mga kamay. Napalingon ako sa bumukas na pintuan ni Tita Flor at nasindak ako nang lumabas itong nakatapis na lamang ng puting tuwalya!
Nag-init ang mukha ko’t mas lalong hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Sa bata kong isipan ay hindi ko maiwasang mag-isip ng kababalaghan sa kaunti ko ng kainosentihan. Lumabas iyong lalaking walang baro at sumunod si Tita na nakatuwalya lamang.
Nagpamasahe? Gosh!
“Gio! Teka, idagdag mo na ’to!” Narinig kong impit na sigaw ni Tita. Hinabol niya at may inaabot, ang hula ko ay pera iyon. Huminto naman ang lalaki at lumingon ito ng nakangisi.
He’s already holding thousands on his palms!
Ngunit bago pa niya maabot ang bigay ni Tita ay nawala ang ngisi niya nang makita akong nakatanaw sa kanila.
“Idagdag mo na ’to dyan sa bayad ko. Pang tuition mo rin ’yan. Nagustuhan ko ang performance mo ngayon.”
Napaawang ang labi ko sa binulong ni Tita, na may halo pang kaunting lambing sa kanyang huling sinabi. Mas lalong uminit ang mukha ko na tila masusunog sa kawalan. The man looked at me, sinipat niya ako. Obviously, estudyante pa ito at ilang taon ang tanda sa akin. By his features, he looked like a college student.
Pero kailan pa nagpapasok dito ng binata ang Tita ko? What performance is she talking about?
“Oh, Ellie! K-Kanina ka pa dyan?” Napansin din ako ni Tita dahil nakatanaw sa’kin ang kausap niya. Napahawak siya sa kanyang dibdib at biglang namula. Tiningnan niya ako pati ang lalaking katabi. Tumikhim siya at sapilitang inabot ang pera, “S-Sige na umalis ka na! Bilis!” Udyok niya sa lalaking tinitingnan pa rin ako. Tinulak pa niya ito para umalis na.
Nang mawala ang lalaki ay saka lamang ako nakalapit kay Tita Flor, “Tita sino po iyon? May boyfriend po ba kayo?”
Napaawang ang labi niya at namula na naman ang mukha niya. Animo’y parang dalagang nakita ang sinisinta sa kanyang reaksyon. Mas lalo tuloy akong na-curious. Sinuklay niya ang buhok niyang magulo at hinawakan ang tuwalya sa katawan.
Isang beses pa niyang nilingon ang direksyong nilakaran ng lalaki, “Wala iyon! Panglipas-oras lang. Pero.. h’wag mo nang mabanggit sa Ate ’yon ah..atin-atin lang ito, Ellie.”
Tiningnan niya ako nang maigi. Alam kong seryoso siya nang sabihin iyon sa’kin. Wala naman na akong nagawa at tumango na lamang. Ito pa lang ang unang beses na makita ko siyang may kasamang lalaki. I want her to be happy too, despite her broken marriage.
Kaya naman hanggang kinabukasan sa klase ay baon-baon ko ang naiwang eksena kagabi sa bahay. Hindi pa nga ako kaagad nakatulog at napuyat pa ako sa kaiisip. Hindi ako mapakali at palaging ginugulo ng nangyari.
Malakas akong siniko ni Rica sa’king kanang braso kung kaya bumuwal ang pangangalumbaba ko sa upuan ko. Muntik ko pa siyang masigawan nang maalalang sa gitna kami ng discussion. I looked at her, nakatingin naman siya ng tuwid sa pisara.
“Miss Ybarra, mukhang ang lalim ng iniisip natin ah..”
Naapayos ako ng pagkakaupo ko nang marinig sa gilid ko ang kanina lang ay nagsasalita sa harapan na teacher namin ng Geometry. Uminit ang mukha ko sa hiya nang magtawanan ang buong klase. Narinig ko ang pagsipol ng ilang lalaki sa likuran. I knew that was Wesley’s group.
“S-Sorry ma’am.” Tugon ko.
Tumango ang teacher namin ngunit alam kong ang poker face niya ay pinaglalaruan lamang ako.
“Miss Ybarra, solve the problem on the board.” Bigla niyang utos sa akin. She even yanked her hand holding the chalk.
Nag-akyatan yata ang dugo sa mukha ko at niluluto ako sa init. Dumagundong ang pintig sa dibdib ko’t inalipin ng kaba. Gustong kong magmura sa hiya at kaba. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang chalk sa teacher namin. Tumayo siya sa gitna ng klase na ang mga kamay ay nasa kanyang likuran.
Nanginginig akong tumayo at nilapitan ang aming pisarang halos mapuno ng ilang nasagutang computation.
“Isa-isa ko kayong bibigyan ng sasagutin sa board. Walang uuwi hangga’t hindi ninyo nakukuha ang tamang sagot. I’m making sure na nakikinig kayo at hindi naglalakbay ang diwa ninyo.”
May ilang nag-ungutan sa mga kaklase ko sa narinig. Samantalang ako’y nanginginig na sa kaba at hiya habang binabasa ang sasagutan ko. Nakinig naman ako kanina pero..bakit wala akong maumpisahan?
I was alone facing the blackboard. My mind is sleeping but my face is drenching with its pile of nervousness and shakiness--I really don’t know what to do with these letters and numbers!
“Use Pythagoras Theorem, with a = 16 and c = 20...” Binasa ko sa sarili. I almost wanted to curse the drawn triangle just to lessen my nervous.
What to do? What to do?
“Miss Ybarra, we’re waiting for you to start. Ang sabi ko’y sagutin, hindi titigan.” Tuya ng guro.
Nagtawanang muli ang mga kaklase ko. I can even hear Rica’s voice pleading to our teacher to make it as our assignment. Pero tumanggi ito at sinabing dapat ay masagot ang nasa pisara.
Tinaas ko ang kamay ko at tinutok ang chalk sa board. Nanginginig ang aking kamay. Halos mangilid ang luha sa gilid ng aking mga mata. Sinumulan kong gayahin ang equation na nasa board. Sinubukan kong i-solve gamit ang instinct, pinabayaan ko ang kamay ko sumulat at magbilang.
I dared myself. I was willing to gain wrong answers just to escape this humiliation.
Pikit-mata kong tinapos ang pagsagot at binulugan ang final answer. Binaba ko ang chalk at tinungo na ang upuan ko. Lahat sila’y tiningnan ang ginawa ko. Tahimik na tinutukan. Hilaw naman akong nginitian ni Rica. Binigyan pa niya ako ng ‘approved’ gesture.
“I wonder kung saan pinagkukuha ni Miss Ybarra ang mga numerong ito. O baka naman may sarili kang formula, Miss? Stand up and review your answer.” Balik sa’kin ng teacher namin.
Matapang akong tumayong muli at inabot ang chalk. I heard giggles from the girls at my left side. Sa kabilang gilid ko naman ay naririnig ko ang mga bulong ng mga matatalino kong kaklase at sinasabi ang tamang sagot.
“Get one-fourth sheet and answer the problem on the board.”
Nalusaw ang bulungan ng magdeklara ang guro. Nilingon ko agad siya para isalba pa ang sarili. Ngunit pinanlakihan pa niya ako ng mga mata.
“I want you to answer the problem on the board, Miss Ybarra.” Dagdag niya.
Ganoon na nga ang nangyari. Nanatili ako sa harapan habang ang mga kaklase ko’y sinagot ang kaparehong tanong sa papel. Wala daw uuwi ng mali ang sagot.
Ilang beses kong binura ang nasulat kong sagot. Wala nang tumutulong sa akin dahil nagkanya-kanya na silang sagot sa papel para makauwi na. I saw Iris stood first, pagkapasa ay kinuha na niya ang mga gamit at lumabas na.
May ilan namang nagpapalit ng papel dahil pinauulit. Hanggang sa isa-isang naubos ang mga kaklase ko. Unti-unting lumamig ang paligid at tumahimik.
Natanawan ko pa sa kanyang upuan si Rica. Alam ko, ako lang ang hinihintay niyang matapos. Ang aming guro naman ay nakapwesto malapit sa pintuan ng silid. Nawawalan na ako ng pag-asa, naiiyak na ako sa pinagsamang ngawit sa binti at hiya. Bigla ko na lang naisip ang mga pinaggagawa ko nitong mga nakaraang linggo.
How I wasted leisure time, how I enjoyed accepting boys hastily. How I answered my mother just to ask something unnecessarily. And how I towered those who’s asking for a chance. Those little things suddenly bothered me while I was facing this board and numbers.
“Ellie kaya mo ’yan! Una na kame sa’yo!”
Hindi ko na nilingon ang mga patuyang banat nina Wesley. Alam kong namumula na ang mukha ko at baka tumulo pa ang luha ko. I didn’t know I have this capable to cry because I can’t write and think of an answer. Halos makabisado ko na ang tanong at pinaikot-ikot ko na ang mga numero nito. At tuwing lilingunin ang guro ko namin para sumuko, maabutan ko lang siyang naiinip o nagpapowder na.
Nagdaanan pa ang ilang estudyante para umuwi. Umingay ang labas ng silid-aralan dahil sa masasayang kwentuhan ng ibang section. Mayroong pang ibang mga kalalakihan na tinatawag ang pangalan ko..I regret being the popular girl in school.
“Ellie..” Rica’s voice.
“S-Sige na..mauna ka na.” Lingon ko sa kanya. Batid kong hinihintay din siya ni Mark sa gate. Bahagya siyang umiling, ngunit mas malakas pa ang loob kong pauwiin na siya. Para kung sakaling sermunan na ako ng guro namin, atleast, ako na lang ang may alam.
Halos limang minuto pagkatapos ng oras ng uwian ay ako na lang ang naiwan sa klase, ang guro ko’y matyagang pinapanood ako at panay ang tingin sa kanyang pambising na relos. Nakailang palit na rin ako ng chalk.
I feel degraded. I was drowning with fool tools. I need to study harder to answer this damned problems.
Ilang sandali pa’y napatingin ako sa labas ng bintana. Doon ay naabutan ko ang isang pares ng mga matang tila kanina pa nakatitig sa akin. My eyes were a bit blurry because of my tears. But his brooding eyes were like my saviour. Hingal ang kanyang dibdib dahil napansin ko ang pagtaas-baba ng kanyang mga balikat.
Ang usapan nga pala namin ay susunduin niya ako pagkatapos ng klase. Pero ’di ko akalaing pupuntahan pa niya ako sa room. Or maybe he got the news that I was still here mourning with this s**t.
Nag-iwas ako ng tingin at muling binura ang huling sinulat. Kahihiyan ko na ’to. Maraming nakasaksi sa kahihiyan ko.
Ilang sandali pa ay tinawag na ako ng aming guro. Paglingon ko sa kanya’y nasa pinto na rin si Ridge at tila katatapos lamang kausapin ang guro namin.
“This is your assignment. Tomorrow, ikaw ulit ang sasagot niyan. Sana naman, sa susunod makikinig ka na sa klase ko. You were daydreaming while I was discussing,” Sermon niya.
Tumungo ako, “S-Sorry po..” Gumaralgal ang boses ko. I wished he was not here to witness myself being scolded. Habang ang taas-taas ng noo no’ng kinausap ko siya.
“Sige na umuwi na kayo. Ang sabi ni Mr. Castillano may tutorial daw kayo, mas mainam pa nga. Go home.”
Tumalikod ako at kumuha na muna ng papel at ballpen para kopyahin ang assignment ko. Halos mapahikbi ako habang nagsusulat. Narinig ko pa ang pamamaalam ng guro namin kay Ridge at umalis na ng silid. I was struggling to write my homework dahil bukod sa puno na ng luha ang mga mata ko, nanginginig pa ang kamay ko. Ni hindi ko na nga mapantay ang sulat ko.
I managed to be okay while I was bothering myself with his footsteps. I bit my lip. Tumayo siya sa gilid ko, panay iwas kong makita ang mukha niya tuwing iaangat ko ang mga mata sa blackboard at saka isusulat sa papel. He’s staring at me. Hindi siya nagsasalita.
Tumigil ako sa pagsusulat at yumuko lamang para kunin ang panyo sa bulsa ng palda ko. Tumulo ang luha ko at ayoko iyong makita niya. Tahimik kong pinunasan ang masagana kong luha nang umupo siya sa paanan ko’t tiningala ang mukha ko.
Agad kong tinago ang mukha ko sa kanya.
“H’wag ka nang umiyak..” Alu niya sa akin ng may banayad na mababang boses. Ipinatong pa niya ang kamay sa’king kandungan.
I almost flinch, but then I was halted with his actions that is too close for me. I reciprocate the moment and continued copying, kahit na paisa-isa na lang ang basa ko sa bawat letra. His presence was too much to manage. Ngayon pang nakadikit pa siya.
Ilang sandali niya akong pinanood. Naaawa lang ’to sa akin e. Matapos ang ilang saglit ay tumayo siya at umupo sa tabi ko, sa kanan kung saan ang upuan ni Rica. Marahan niyang kinuha ang ballpen ko, hinawakan niya ang kamay ko at pinagpatuloy ang ginagawang pagsulat. Dahil doon ay dumikit ang mga balikat namin. Sa upuan ko siya nagsulat ng mabilis nang hindi iniiwan ang kamay kong hawak niya.
I smell his manly scent. Amoy ng sabong mabango at ihip ng sariwang hangin. I wonder how he get to be so cool with wind despite his job. I mean, nakabilad na siya sa araw ay mabango pa rin siya. But his big calloused hand told me that he’s working too hard.
Hinayaan ko siyang sulatin ang assignment ko. Dala ng sobrang dagundong sa dibdib ay kinuha ko ang kamay kong hawak niya at pinunasan ang luha ko. Tumigil siya at muli akong tiningnan.
Hindi ako makapagsalita.
“Tahan na..nandito na ako.” Malambing niyang sambit. Inilapit pa niya ang kanyang mukha sa’kin, gamit ang kamay ay pinunasan niya ang mga bagong landas na luha sa’king pisngi.