Chapter 13

3629 Words
Chapter 13 Ellie “Bakit ngayon pa?” inis kong bulong sa sarili nang sa paglabas ko ng opisina ay bumubuhos pala ang malakas na ulan. Nilingon ko ang mga kaklase kong kasabay kong nag-o-OJT sa isang Travel Agency. May mga dala silang payong pero hindi pa rin umaalis dahil masyado pang malakas ang ulan. “Baha na raw sa Balintawak,” Ana uttered. Nakatingin pa ito sa cellphone niya. Napabuntong hininga na lang ako. Wala pa naman din akong dalang payong. Kaya hinintay ko munang humina-hina ang ulan bago pumara ng jeep. But this would be really a bad day for me. Dahil pagkatapos humina ng ulan ay nahirapan naman akong sumakay ng jeep at palaging punuan. May nakasabit na nga sa labas. Lahat ng dumaraan na jeep ay punuan na. Naglakad-lakad ako at naghintay sa waiting shed. Umabot na akong sa puntong handang makipagbalyahan sa pagsakay pero palagi akong nasisiko o ’di kaya ay hindi na ako nakakasakay dahil sa sobrang sikip. Iyong tipong nasa loob na ako ng jeep tapos no choice at kailangan kong bumaba ulit dahil wala na talaga akong mauupuan. Halos napakandong na nga ako doon sa isang babae pero agad ding nairita. I waited for one—two hours and thirty minutes waiting for the jeepney. Papatusin ko na nga ang mag taxi makauwi lang pero wala na akong nakikitang bumabyahe. Tinatawagan ko si Tita Flor pero hindi naman sinasagot ang cellphone niya. Naiinis na rin ako. Bakit hindi niya ako kinokontak? Hindi ba siya nag aalala sa akin na hindi pa ako nakakauwi sa bahay? O baka naman may kasama na naman siya. I called a million times—still she hasn’t picks up the phone. Napipikon kong binaba ang cellphone ko at tinanaw ang maluwag na kalsada. Hindi ko naman kayang lakarin, dahil kahit mag MRT ako ay malayo pa rin. f**k. “Huy, Ellie. Parang mai-stranded tayo dito, balak na naming magpagabi na lang sa malapit na motel dito,” I looked at Ana. Umiling ako, “Hindi pwede. Hindi sumasagot ang Tita ko. Mag-aalala ’yon e,” or maybe not. “Gano’n ba? Pa’no ’yan? Mukhang hindi titigil ang ulan at tataas pa ang baha. Mag iwan ka na lang ng text message. Tutal naman ay wala tayong pasok bukas,” she suggested. I thought of it. Pero kasi..may isang tao na baka hanapin ako bukas sa bahay tapos ay hindi ako makikita doon. Bukod sa Tita ko ay iniisip ko rin siya. And as if on cue, my phone rang. Agad ko iyong tiningnan at baka ang Tita ko na—but it’s Ridge! “Hello, Ridge,” Agad akong naramdaman ang pag aalala sa boses niya. And his background was a bit noisy. “Nasa’n ka na? Nagpunta ako sa inyo pero ang sabi ng Tita mo ay wala ka pa raw. Are you stranded in your office?” Nangilid ang luha sa mga mata ko. Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita. “O-oo. Nandito pa rin ako. Nahihirapan akong makasakay,” Even if he tried to lower his voice, I still heard him curse. Hard. “Saang lugar ka eksaktong naghihintay?” “Dito sa waiting shed. Tapat ng office,” “Sino’ng kasama mo?” “Mga kaklase ko lang din,” “Okay. Don’t go anywhere, you understand? Susunduin kita,” “Pero Ridge delikado. Malakas pa ang buhos ng ulan—” “Walang akong pakielam. Basta susunduin kita d’yan. ’Wag kang hihiwalay sa mga kasama mo, understand?” “S-sige..Mag iingat ka, Ridge, mmm?” He sighed, “I will. Wait for me.” Napatitig na lang ako sa screen ng phone ko. Hindi makapaniwala na sa gitna ng malakas na ulan ay susunduin ako ni Ridge. I thought of calling him too pero hindi ko ginawa. Busy rin iyon sa school niya at mas mahirap ang kursong kinukuha. But the effort that he’s going to commit, I’m just falling harder. I waited for him. Panay ang text niya sa akin kung nasaan na siya. At tulad ng bilin niya sa akin ay huwag akong hihiwalay sa mga kasama ko. Kaya naman pinakiusapan ko pa sila na samahan muna ako sa paghihintay sa waiting shed. Hours later. Halos mag aalas dose na nang may itim na kotseng huminto sa tapat namin. Tiningnan ko lang iyon. Hindi kasi kita ang loob kaya hindi ko maaninag ang tao sa loob. And when the driver seat door’s opened, bumaba mula doon si Ridge at malalaking hakbang na nilapitan ako. Tumayo ako mula sa bakal na inuupuan at napaawang ang labi habang pinagmamasdan siya. Tiningnan ko ulit ang magarang sasakyan at binalik sa kanya. “Ikaw ang nag drive n’yan?” tanong ko agad sa kanya. Gumalaw ang panga niya. I looked at his eyes and was mesmerized when I found the worries in it. Inabot niya ang bag na dala ko at hinawakan ako sa siko. “Yes. Come with me,” he said in a low good voice that I love most from him. Pinigilan ko siya. Muntik ko nang makalimutan ang mga kasama ko. “Teka, Ridge! nandito pa iyong mga kasama ko,” turo ko kina Ana at sa boyfriend niyang si Gunter. Nilingon ko sila, Ana was staring at Ridge. Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya. Ilang beses pa siyang napakurap-kurap na tila lumipad ang diwa nang makita si Ridge ko. “Ana, Gunter, si Ridge..ahm..” ka-MU ko? Gano’n ba kami? Now, I’m confused. Ridge just looked at them and nod, “Salamat sa pagsama kay Ellie. Saan ang daan ninyo? Pwede ko na kayong isabay,” he offered. Nakita ko ang pagningning sa mga mata ni Ana. “Ah, eh..sa a-no..sa, sa motel kami. Iyong pinakamalapit lang dito.” Nahihiya niyang sagot. Si Gunter na ang nagsabi sa eksaktong lugar noong motel na pupuntahan nila. Tumango naman si Ridge at alam na ang daan papunta doon. At doon na rin naman ang daan at sinabay na namin sina Ana. Ridge opened the door for me, sa passenger seat. Sa likuran namin ay ang dalawang kaklase ko. Tuwid lang akong nakaupo sa loob ng sasakyan habang hinihintay siyang makasakay na rin. Para akong naging inosente pagsakay ko. Ang bango at ang linis pa. I even heard Ana uttered wow. Her boyfriend was quite though. Pagsakay ni Ridge ay namayani ang katahimikan sa loob. Nilingon niya sina Ana at tinanong kung may naiwan pa sila, and then he carefully checked on me. He didn’t ask me. Basta na lang siya lumapit sa akin—sobrang lapit na kinakapos ng hininga ko. Muntik ko na siyang itulak sa dibdib ko kung hindi ko lang naramdaman ang paglagay niya sa akin ng seatbelt. Napasuklay ako ng buhok dahil sa sariling pagkapahiya. Tiningnan niya lang ako at saka pinaandar ang sasakyan. Noong una ay sa labas lang ako nakatanaw habang nagmamaneho siya. Nahihiya pa rin akong tanungin siya kung kanino itong sasakyan dahil kasama pa namin ang mga kaklase ko. Pero hindi ko maiwasang mapasulyap-sulyap sa kanya. Ito ang unang beses na nakita kong nagmamaneho siya at sa magarang sasakyan pa. Sa bawat sulyap ko sa kanya ay palagi niya rin akong nahuhuli. Na parang hinihintay niya palagi ang paglingon ko sa kanya. He knows how to drive. Edi syempre may lisensya siya. Pero bakit hindi niya iyon nabanggit sa akin. kailan pa siya nagkalisensya? He’s two years older than me. Bakit hindi niya sinabi? After almost twenty minutes ay narating namin ang motel na sinasabi nina Ana. Traffic kaya inabot kami ng ganoong oras kahit na malapit lang iyon sa office. Nagpasalamat sila at sinubukan pang ayain ni Gunter si Ridge na doon na rin magpalipas ng gabi. But he politely refused. Well, if he will ask me..baka..I smirked. Nang maisarado na niya ang pinto at muling pinaandar ang sasakyan ay saka ako nagkalakas ng loob na magtanong sa kanya. Tumikhim ako. He one hand was on the steering wheel while the other was on the window. Para bang ang tagal-tagal na niyang nagmamaneho. “Kaninong sasakyan ’to?” I asked. Just out of my curiosity. Hindi niya ako nilingon. “My cousin.” “Ow..taga saan?” Kumibot ng kaunti ang makakapal niyang kilay. “Manila lang.” sobrang tipid at hina ng boses niyang sagot sa akin. Napanguso ako. Wala pa akong nakikitang kamag anak nila. Naku-curious lang ako kahit kahit no’ng mga nakaraang Pasko at Bagong taon ay walang pumupunta sa kanilang mag-ina. Tapos ito pala ay may pinsan siya. “Marami ka bang pinsan?” He shifted on his seat. Feeling uncomfortable. “I’m not sure. Hindi ko pa sila nakikilala lahat.” “Ka-close mo ’yong may ari ng sasakyan? Ano’ng pangalan niya?” “Bakit mo tinatanong? He’s a guy,” “Kasing edad mo ba?” “He’s a bit older than me. You won’t like him.” “Bakit naman hindi? Baka mabait din ’yon tulad mo,” “You won’t find another me. Ako lang, Ellie.” May diin na niyang sagot sa akin na may kasama pang mahinang palo sa manibela. Kumunot ang noo ko. “Galit ka?” Nag-umigting ang panga niya. “Ridge..” tawag ko. Hindi niya ako pinansin ulit. Hala. Biglang nagalit? Nagselos? Nangingiti ako na isiping baka nagseselos nga siya. Bumaba ang tingin ko sa bracelet niyang may letter E. He’s still wearing that kahit ilang buwan na ang nakakalipas. Suot ko pa rin naman iyong may letter R. Hindi ko iyon tinatanggal mula nang sinuot ko. Hindi na namin ulit napag-usapan ang nangyari sa convenience store. Basta nagkakaintindihan kami, iyon lang. Hindi ako nag-eentertain ng mga lalaki, kahit na may ilang nagtatakang manligaw sa akin mula sa school. For the first time, nagtagal ako sa iisang lalaki. At hindi pa kami official na kami. Mutual understanding ang tawag ko doon. I told Rica about Ridge too at syempre masaya sa akin ang kaibigan ko. Dahil sa wakas daw ay dumating na raw ang katapat ko. I feel so contented being with Ridge. Wala na iyong dati kong ugali na isang linggong boyfriend, ilang taon na ba kaming magkasama ni Ridge? And he never had girlfriends too. Dahil palagi ko rin iyong tinatanong sa kanya, siguro halos linggo-linggo. Kung minsan nga ay natatawa na lang siya sa akin. Aba, magkaiba kami ng eskwelahan. Anong malay ko kung mayroon siyang pinopormahan doon na hindi ko alam? Balak ko na ngang ipa-spy sa kanya si Iris e. Baka nakakasalubong niya itong si Ridge. Everything about us became perfect for me. Maliban na lang kapag may ganitong sitwasyon, iyong bigla na lang magbabago ang timpla ng mood niya. Ilang beses ko na yatang nasaksihan ang bigla siyang magagalit. Mananahimik at hindi ako papansinin. He’s always like that when he’s..I smirked again. Nilingon ko siya ulit. Madilim pa rin ang mukha niya. Matalim ang tanaw sa kalsada. Lalo pa siyang naiirita dahil na-stuck kami sa traffic. Kaya isang kapilyahan ang naisip ko. Inisip ko munang maigi ang sasabihin ko bago umayos ng upo at tumimhim, trying to get his attention. “Alam mo kanina sa office, may nag-iwan sa mesa ko ng chocolate bar. Sakto pang paborito ko ’yong nilagay doon kaya tuwang-tuwa ako. Nagtanong-tanong nga ako kung sino nagbigay—ayun pala iyong anak ng may-ari ng agency. Alam mo gwapo ’yon saka—” “I’m gonna kill him!” deretso at walang pasakalye niyang putol sa akin. Napaawang ang labi ko. “Ridge!” “f**k that asshole—” agad kong tinakpan ang bibig niya. I can’t believe this. Parang feeling sobrang galit siya ngayon? “Don’t say bad words! Ano ka ba, joke lang ’yun,” Matalim niya akong tiningnan. Buti na lang at nasa gitna kami ng traffic at kung hindi ay baka atakihin na ako sa puso nito. What a game right, Ellie? You started this idea. Tinanggal ko ang kamay sa bibig niya. Ang tinging pinupukol niya sa akin ay parang nagsasabing, ‘Don’t mess with me’ look. Oh,uh. “Ang bilis mo namang mapikon. Ang KJ mo,” “Hindi totoo ’yon?” Matalim pa rin niyang salita. Napanguso ako, “Mmm..” “Ellie..” I heard a warning tone from him. I giggled, “Hindi nga. Binibiro lang kita,” “Walang lalaking nagreregalo sa ’yo sa opisina?” ngayon parang nag-iimbestiga na sa akin. “Wala po.” “Walang nagtatangkang manligaw?” Meron. Pero inunahan ko na bago pa manligaw. “Wala din po.” “Nagpaparamdam?” Umiling ako. Bumuntong hininga siya. “Good.” Humaba na naman ang nguso ko. “E ikaw? Wala kang ibang babae sa UP?” “Wala.” Malata niyang sagot sa akin. He’s always like that. “Wala kang hinahabol ng tingin? ’Yong sexy saka mas mahaba ang legs kaysa sa akin?” He chuckled, “Wala.” “Walang mas maganda sa akin do’n? ’Yong kasing tanda mo, ah?” pilit kong panghuhuli sa kanya. He looked at me, “Walang mas maganda sa ’yo. You’re perfect for me.” Dumagundong ang dibdib ko. At ang tiyan ko parang nakikiliti. “Weh? Mas marami kayang chiqs do’n. Tapos matatalino pa. Ano ba naman ako kumpara sa kanila? You’re too good for me.” I said. Sinabayan ko iyon ng tingin sa labas ng bintana. Somehow, what I said was true. Ang talino niya, ako wala pa yata sa average ang IQ ko. Syempre balang araw mas gugustuhin niyang may makausap patungkol sa kursong kinukuha niya. At hindi ako makaka-relate do’n kasi, hello? Nagpapaturo pa sa kanya no’n sa Geometry tapos kakausapin niya ako ng tungkol sa Calculus? No freaking way. Mabo-bore lang siya sa akin kaya sa huli, maghihiwalay din kami. Isipin ko pa lang na maghihiwalay kami ni Ridge ay kumikirot na ang puso ko. Ano ba ’yan. Hindi pa nga kami officially nito. Pero territorial kaming pareho. Inabot niya ang isang kamay ko. Napalingon ako sa kanya. He was staring at me when he kissed my hand slowly and passionately. “You’re all I have, Ellie ko.” marahan at malinaw niyang sabi sa akin. Tila tumigil ang ikot ng mundo ko sa katagang iyon. Gusto kong mangiti sa kilig. At ang gapos ng kalungkutan ko kanina lamang ay naglaho na lang bigla. At dahil ayokong mapahiya, hinatak ko ang kamay ko at nagkunwaring walang epekto iyon sa akin. “Ewan ko sa ’yo. May paganyan-ganyan ka pang nalalaman,” sabi ko at buong pigil na huwag mangiti. Kinuha niya ulit ang kamay ko at mahigpit na hinawakan. “Hindi ka naniniwala sa akin?” Tiningnan ko siya. “Ridge gwapo ka, super gwapo mo. Tiyak na maraming nagpapansin sa ’yo dun sa school mo. Mas maganda at matalino pa, paano ko panghahawakan ’yang sinasabi mo sa akin? Initial mo lang ang meron ako,” matapang kong bulalas. Huli na nang mapagtanto ko ang nasabi. Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya. Usad-pagong pa naman kami. “Ang puso ko nasa iyo na. Matagal na, ’di mo ba alam?” Natigilan ako. Iyong pagkatigil ko ay siyang pagsagupa ng malakas na t***k ng puso ko. This kind of heartbeat will ruin me. Nawawala na ako sa tamang pag iisip kapag ganito siyang katapat sa akin. At ang uri ng titig niya, tila hindi papaistorbo sa kahit sino. “Ellie—” “Ridge ano ba tayo?” marahan kong tanong. He stared at me. Ilang segundong titig lang ang ginawa niya sa akin. Napalunok ako. Pero sa totoo lang, okay lang din naman sa akin kahit ganito lang kami. Masaya pa rin akong kasama ko siya kahit MU lang kami. Hinila niya ako ulit, iyong halos yakapin na niya ako. Pero dahil naka-seatbelt ako ay hindi niya iyon magawa at nakitaan ko pa ng inis sa mukha niya. Nagsalubong ang mga kilay. “Hindi pa ba malinaw sa ’yo kung ano tayo? We’re exclusive to each other. You’re not allowed to date any guys and I’m loyal to you too..” “Ano nga ’yon? MU tayo?” Mas lalong dumami ang guhit sa kanyang noo. “What the f**k is that MU? I like you! I like you so much that it hurts to like you! Halos makapatay ako nang dahil sa selos ko sa mga lalaking umaaligid sa ’yo tapos ang iniisip mo lang ay MU tayo? Akala ko..” “Wala ka naman kasing sinasabi sa akin kung ano tayo. Nanligaw ka ba sa akin? Parang ako lang naman ang nanligaw sa ’yo e!” “W-what?” “What! What!” I almost rolled my eyes. “Ako palagi ang pumupunta sa bahay mo. Binibigyan pa kita ng chocolates—kulang na nga lang dalhan na rin kita ng bulaklak e. Iyong iba d’yan nagmamakaawang bigyan ako pero ikaw, ikaw pa ang sinusuyo ko. Itong bracelet, kung ’di mo lang ito nakitang kinuha ko—’di ka rin naman mapapabili. Kaya anong gusto mong isipin ko? Pakiramdaman lang naman tayo.” Sabi ko na halos ikaiyak ko sa lumabas na frustration. Naiinis siyang may kinuha sa bulsa ng patalon niya at iniabot sa akin. Natigilan ako nang makita ang isang parihabang pink na box na may pulang ribbon na nakaikot dito. Bandang taas ay may nakadikit na puting sobre. “A-ano ’yan?” “Open it,” Tinitigan ko muna siya, pero titig din ang pinarehas niya kaya nanghina ako. Inabot ko iyong box, I first took the card out from the envelope. And it says.. Happy 18th birthday, Ellie. Love, R Napaawang ang labi ko. I totally forgot the date today..teka hindi ko pa naman birthday—it’s past midnight already! Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakaramdam ako ng init sa aking dibdib. He never forget my birth date. Binuksan ko ang box, kumalabog na ang puso ko nang mabasa ang isa pang card nandoon sa loob. Will you be my girlfriend? Gusto ko nang maiyak. Nanlalabo na ang mga mata ko. I didn’t expect this to happen..“R-ridge..” my voice shook. He bit his lower lip. Dahil nanginginig na ang mga kamay ko ay hindi ko na magawang makuha pa ang bagong bracelet na laman ng box. Siya na ang kumuha no’n at sinuot sa akin. It’s a silver bracelet na may mga letrang nakaukit sa metal. “Today, gawin na nating official..” pati boses niya ay nanginig na rin. Pagkatapos niyang maisuot sa akin ay pinakita niya ang nakaukit sa bracelet. Off Limits. Ridge’s property And he showed me his new bracelet too that it says..Off Limits. Ellie’s property. My lips parted. Ni hindi ko na maitago ang pagngiti ko at ang pag-iyak ko—baliw na pakiramdam ito. He held my hand and kissed it. “Will you be my girlfriend, Ellie ko?” “R-ridge..” “Sorry kung natagalan. I waited your 18th birthday before I could ever asked you this, will you be mine?” Mas naging emosyonal ako. Baka talagang hindi marunong magpakita ng nararamdaman niya si Ridge. Baka iyong mga panahon na magkasama kami, iyon na ang paraan ng panliligaw niya. Or whatever it was, he’s worth the wait. Dahan-dahan akong tumango, “Y-yes!” I smiled while crying. He smiled too. Iyong ngiti na alam mong genuine. Pinunasan niya ang luha ko, and before I could say any words..his lips landed on my lips. So softly and so tender. He kissed me like I was the most expensive stone. He kissed me like I will never forget his lips. Slowly and emotionally. He locked our lips for the first time. ***************** Niyuko ko at marahang hinaplos ang wrist ko. Mahigpit niya akong hinawakan kanina sa loob ng dressing room. And now, even in the darkness, inside his freaking expensive car, I found and felt the mark he left me. Pinagdikit ako ang aking mga hita. I’m only wearing the lingerie and the robe when he chose to drag in his car. Siya ang nagmamaneho habang ilang tauhan niya ay nakasunod sa amin. I bit my lip and tried not to cry..even roll a single tear. What am I gonna do? Naiwan si Shane sa club. I can trust Miss Amanda to take care of him but—dammit! Paano ako makakabalik? Hindi pwede ito. Mas lalong hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang tungkol kay Shane. Sa estado ng galit niya sa akin, he will snatch away my son from me. Or will do anything to hurt me and use my son. Kaya sa gitna ng nakakabinging katahimikan ay naglakas loob akong kausapin siya. “Ridge—” “Shut up.” May diin niyang bara sa akin. I bit my lip again. “Ridge please..” I begged. Madilim na mukha niya akong nilingon. I can see the anger in his eyes. Whatever I may ask him, he wouldn’t allow it. Hindi niya ako sinagot. Tiningnan niya lang ako na parang pinapatahimik. He bought me. Millions. I didn’t know exactly how much I am for him but he just bought me. Nilingon ko ang labas ng bintana at patagong pinunasan ang lumandas na luha sa aking pisngi. Kumikirot ang dibdib ko. How will I end this f****d up life? Dinala niya ako sa isang malaking bahay. Mahigpit niya akong hawak sa aking braso, may diin. At ang hila sa akin ay halos kaladkarin ako papasok sa loob ng bahay na iyon. I flinched everytime he’d tighten his grip. And I would just gasp after. Nanginginig ang labi ko. Pinapasok niya ako sa isang kwarto at halos tulakin bago bitawan. I see no mercy in his actions. Walang galang. At alam kong lahat ng iyon ay galit para sa akin. “Clean yourself and look for a decent clothes.” Tinalikuran na niya ako at pabalang na sinarado ang pinto. He didn’t lock it, nakahinga ako ng maluwag doon. Seconds later, saka pa lamang ako gumalaw at nag ikot sa kwartong pinagdalhan niya sa akin. It’s spacious. The color of the wall was unisex. Even the bedsheet and how this room was designed. Nilapitan ko ang isang pinto at binuksan, it’s the walk-in closet. Dahan-dahan akong pumasok at naghanap ng damit. I only saw a white t-shirt and a black boxer shorts for me. Ito lang naman ang laman ng closet na iyon, puro panlalaki. Maybe they are his clothes? So, this is his room? Naligo ako at nagpalit ng damit. Kahit naliligo ay ang anak ko ang nasa isip ko. I have to go back, kung hindi man ngayong gabi ay bukas. Hahanapin ako ni Shane. May iba pa akong problemang kailangang solusyunan. Kaya pagkatapos kong makapagbihis ay agad akong lumabas ng kwarto pero sa pagbukas ko pa lang ay isang maliit na babae ang nabungaran ko. Nakatulala sa akin. Napatitig din ako sa kanya. Her hair is short. Nakasuot ng asul na scrubsuit at puting rubber shoes. Very clean and well-disciplined, iyon ang agad kong napansin hindi pa man siya nagsasalita. Then she smiled at me. “Ay sorry po, mam! Natulala po ako sa inyo. Ang ganda niyo po kasi,” she shyly said to me. Dahil din sa kanya ay nagawa kong ngumiti ngayong araw. She looks so shy, at panay pa rin ang tinging matagal sa akin. “Okay lang,” ’Mam, ako nga po pala si Nancy, but call me Nats for short. Naatasan po akong personal ninyong maid ni Sir Ridge.” nakangiti at puno ng ligaya niyang sabi sa akin. “Personal maid?” She nodded. “Opo. Nakahanda na po ang hapunan ninyo. Pinapasabi rin po ni Sir Ridge na pupuntahan niya kayo mamaya dito sa kwarto niya, may kinakausap lang po siya sa baba.” Kumalabog ang dibdib ko. Anong ibig sabihin no’n? And I’m going to stay in his room too. Hindi naman ako pinanganak kahapon para hindi ko makuha ang ibig niyang ipabatid sa akin. “Nasa’n siya?” “Nasa baba lang po, may kausap sa cellphone.” Nagpasalamat ako sa kanya at agad na tinahak ang hagdanan pababa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD