Chapter 12

3894 Words
Chapter 12 Ellie It was a beautiful afternoon. Walang kaming pasok. Nagpadala ang Mama ko ng pera para makapaghanda ako ngayong birthday ko. I told my Tita na gusto ko ng spaghetti, shanghai rolls, fried chicken at Kare-Kare na may pagkamatamis na bagoong. At syempre nagpabili rin ako ng chocolate cake. Inimbitahan ko rin sina Rica, Mark, Alec, Andrew at Wesley sa bahay. Kumpleto sila kaya naging maingay sa bahay. Hapon na nang makahabol at dumating sa bahay si Iris, galing pa raw kasi siya sa Public library. Wow. Hindi ko rin agad pinatagal sa bahay ang mga kaibigan ko kahit na may inuungot sila sa akin. Inuman daw at videoke sa bahay ni Wesley. Tumanggi ako at umayaw. Hindi ako interisado dahil pupunta ako ngayon sa bahay ni Ridge. Hindi ko siya inimbitahan sa bahay dahil nakalimutan ko rin sa sobrang excited kong maghanda at tanging mga kaklase ko lang ang napapunta ko. Though hindi naman iyon talagang matatawag na party kundi simpleng handaan lang. Pero excited pa rin ako sa paghahanda. And I wanna make this day so special. Kaya kumuha ako ng lalagyanan para sa pagkain na dadalhin ko. nagpaalam naman ako kay Tita Flor at nagpatulong na rin sa paglalagay sa mga tupperware. Nasa bahay lang din naman si Ridge. Madalas ko siyang tinetext pero ang tamad naman niya akong replayan. Kaya hindi na ako nagtext na pupuntahan ko sila ni Tita Lian. Pagdating ko sa bahay nila ay isang matamis na ngiti ang sinalubong agad sa akin ng Mama niya nang pagbuksan ako ng pinto. Agad niya akong pinapasok at tuwang-tuwa nang makita ang mga dala kong pagkain. “Happy birthday, Ellie! Naku, ’di nabanggit sa akin ni Ridge na birthday mo pala ngayon. Edi sana ay nakapaghanda rin ako ng regalo para sa ’yo. At ang sasarap nito ah,” nakangiti niyang bati sa akin habang isa-isang binubuksan ang takip ng mga pagkain at nakalatag na sa kanilang lamesa. Pinagsalikop ko ang mga kamay sa likuran ko at halos mapunit ang mukha sa ngiti ko. “Thank you po, Tita. Hindi rin naman po alam ni Ridge na birthday ko po ngayon,” I look around and find a hint of him. “Ang dami nito. Mukhang mapaparami ang kain ng binata ko,” sabi niya at mahinhing napatawa. At para may gawin ay tinulungan ko na rin si Tita Lian na magsalin sa plato. Natapat ako sa cake at talagang dinahan-dahan ko ang paglipat no’n sa plato. Malaking hiwa nga ang dinala ko sa kanila kasi iniisip ko si Ridge. “Mukhang mananaba ako sa laki ng slice ng cake ah,” Napatingin ako kay Tita Lian. I smiled, “Sasabihan ko po si Ridge na ’wag kayong ubusan ng cake, Tita,” biro ko. “Naku. Walang kahilig-hilig ’yon sa matatamis. Kahit ano’ng dessert hindi kumakain ’yong ri Ridge.” Natigilan ako. “Po? Ayaw niya ng matatamis?” And she nodded. “Alam mo bang no’ng minsang inuwian ko ’yon ng donut? Tinabi niya sa fridge at ’di na binalikan. Nakikinabang na lang ang amag kaysa sa kanya. Kaya magmulan noon ay ako na lang ang kumakain ng matatamis sa aming dalawa. He’s not enjoying it. Mana sa ama.” Munting napaawang ang labi ko. Totoo? Ayaw niya ng matatamis na pagkain. I look down at the huge sliced of chocolate cake. Nilakihan ko pa naman din iyon para sa kanya tapos ayaw pala niya ng ganito. Pero bakit noong dinalan ko siya ng donut, kinain niya? Iyong mga kasunod pang chocolate bars, kinain niya rin. Palagi niyang kinakain sa harapan ko. Bakit hindi niya sinasabi sa akin? “Ma,” Bahagya akong napalingon sa biglaang pagdating ni Ridge. Agad na nagtama ang mga mata namin. He’s wearing his usual simple t-shirt and maong shorts. Magulo ang buhok niya. “Oh Ridge, birthday pala ngayon ni Ellie, dinalan niya tayo ng handa niya. Halika at kumain ka na rin,” Lumapit si Ridge sa tabi ko at tiningnan ang cake na katatapos ko lang ilipat ng lalagyan. “It’s your birthday?” halos pabulong niyang tanong sa akin. Kaakibat ng malalim na boses na iyon ay ang dagundong sa dibdib ko. Pero hindi ako makaramdam ng saya na nandito siya. Nagtatampo ako sa kanya. So in the end, yumuko na lang ako at marahan na tumango kahit na nakakalusaw ang titig niya sa akin. “Bakit ’di mo sinabi sa akin?” Nagkibit-balikat ako. Hindi ko pa rin siya tinitingnan. Umalis ako sa pwesto ko para makalayo ng kaunti sa kanya, sinusundan niya ako ng tingin. Lumapit ako sa pamingganan nila at tinulungan ang Mama niya sa paghahain. “Saluhan mo na rin kami dito, Ellie,” aya sa akin ni Tita Lian. I couldn’t say no to her kahit na kumain na naman ako. Kumuha ako ng mga kutsara at baso. Si Tita naman ay naglabas ng isang pitsel ng orange juice at dinala sa lamesa. Nilagyan ko ng mga kubyertos ang mga pinggan. Kahit nagtatampo ay nakakaramdam pa rin ako ng tensyon dahil nand’yan lang si Ridge at mariin akong pinapanood. Para bang kinakabisa ang bawat kilos ko. “Ridge anak maupo ka na,” Doon lang napukaw ang atensyon niya at sumunod sa Mama niya. Umupo siya sa katabi kong upuan. Hindi ako naglagay ng plato doon dahil ayaw ko siyang makatabi at malapit sa akin. Hinatak niya lang plato niya at tinabi rin sa plato ko. Pagkaupo ko ay isang beses pumalakpak si Tita Lian at malaki ang ngiting binati ulit ako. “Happy birthday, Ellie!” “Thank you po.” Nakangiti ko ring pasasalamat sa kanya. Tiningnan niya ang anak niya sa tabi ko, hindi ko na iyon sinundan pa at tumahimik na lang. Na para bang si Tita lang ang kasalo ko. Hindi niya rin naman ako binati. Okay na lang din dahil mahihirapan akong mag-thank you sa kanya sa harap ng Mama niya. Nang magsimula kaming kumain ay naunahan niya ako sa spaghetti, pero imbes na maglagay sa sariling plato ay ako ang nilagyan niya no’n. Tahimik ko siyang pinanood kahit na lumakas ang t***k ng puso ko. “Sabihin mo sa’kin kung okay na,” he whispered. He leisurely put pasta on my plate. Napakayom ako ng mga kamao ko. Nahihirapan nga akong kausapin ka, Ridge! Tapos dikit ka pa ng dikit. Bukod pa doon ay nahihiya rin ako sa Mama niya parang kahit kumakain ay palihim yata kaming pinagmamasdan na dalawa. “T-tama na,” awat ko sa kanya. Nilapag niya iyon at inabot naman ang shanghai rolls at nilagyan din ako ng dalawang piraso sa plato ko. pagkatapos ay nilingon ako. “Rice?” Umiling lang ako nang hindi siya tinitingnan. I started eating. Hindi siya kaagad na gumalaw para kumain, tinitigan niya muna ako. Noong una ay sobrang tahimik namin hanggang si Tita na lang din ang bumasag sa katahimikan at nagkuwento nang nagkuwento. Kanin ang una niyang kinain at Kare-Kare ang ulam. Halos kabundok na kanin ang nasa pinggan niya. Palihim ko siyang pinapanood sa pagkuha. Lalo na nang matikman niya iyong nag-aasukal na bagoong. Ganoong luto ang gusto ko, I’m sure aayawan niya iyon. Pero hindi. Kumuha pa rin siya at tuloy-tuloy na kumain. I even saw his Mother strangely look at him, kalaunan din ay pinagwalang bahala. Kumakain na ako ng shanghai rolls nang makita ko siyang nagsasandok naman ng spaghetti. Alam kong mala-dragon siya kung kumain. Pero nang malaman kong hindi pala siya mahilig sa matatamis ay inaasahan kong hindi siya masyadong makakain ngayon. But it didn’t happen. Lahat naman ng dala ko ay kumain siya. At nang hatakin niya ang pinggan ng cake ay kumunot na ang noo ko. So, magkukunwari na naman siyang gusto niya iyon pero hindi naman? Nag-excuse si Tita Lian at umakyat sandali sa taas. Pagbalik ko ng tingin sa katabi ko ay naabutan ko pa siyang nagsasandok ng para sa akin. He put it on a new plate for me. And get a huge bite of chocolate cake beside me. “’Wag ka na ngang magpanggap.” I started. Parang makakawala na ang tinatago kong tampo sa kanya. Nilingon niya akong ngumunguya. Asus, parang totoong sarap na sarap sa kinakain. Kaya napairap ako ng wala sa oras. “Hmm?” “Maang-maangan ka pa.” Irap ko pa. Kumunot siya at nag-isip. Sige, isipin mo kung anong kalokohan ang ginawa mo. Natapos na niya ang kinakain at nakapagpunas ng labi. He then look at me again. Halos nakaharap na nga siya sa akin na parang binibigay ang buong atensyon. “What is it?” seryoso niyang tanong. Isang irap pa ulit ang pinakita ko sa kanya at sabay nguso sa cake na nasa plato pa niya. “Hindi ka naman talaga kumakain ng matamis. Nagpapanggap ka lang.” inis kong bintang. Sumandal ako sa upuan at humalukipkip. Napakamot siya sa kanyang batok. “Oh. Kaya hindi mo ko pinapansin kanina pa,” Hindi ako sumagot. Ngumiti naman siya at halos marinig ko ang mahina niyang tawa. Masama ko siyang tiningnan. “Ano’ng nakakatawa?” “Ikaw,” “Nakakatawa mukha ko?!” Now he laughed. Napikon ako at malakas siyang pinalo sa braso niya. Nagulat siya sa ginawa ko. Nawala nag tawa niya. “Ang sakit no’n ah..” “Sige tumawa ka pa. Tawa pa.” Udyok ko sa pang-iinis. Natahimik siya at pinagmasdan ako. Inirapan ko siya ulit. Tumikhim siya at bahagyang lumapit sa akin. “Sorry na,” Napanguso ako at hindi siya nililingon. “Bahala ka d’yan.” “Sorry, Ellie.” Mas sincere niyang sabi sa akin. “Hindi ko naman gusto na itago ’yon,” “Hindi mo naman kasi kailangang itago e. Nagkukunwari ka pang gusto mo pero hindi naman pala. Siguro palagi kang taeng-tae ’pag kasama mo ko,” “Your words, Ellie.” “Oh bakit? Totoo naman ah. Sana sinabi mo nang mas maaga para ’di na lang kita dinadalhan,” Inabot niya ang baso ng juice at uminom. Napagmasdan ko kung paano gumalaw ang kanyang panga adam’s apple. It just so manly when it comes to him. Pagkatapos ay nilingon ako nang may nangungusap na mga mata. “Kung galing sa ’yo, hinding-hindi ko tatanggihan. Kahit ayoko pa no’n.” He said directly to me. Pansamantala akong natigilan at nakipagtitigan sa kanya. Naramdaman ko ang pag-init ang mga pisngi ko. Napalunok ako, “Parang sira. Tapos itatae mo pagkauwi.” Tiningnan niya lang ako ng mariin at mabigat na bumuga ng hininga. “Sorry na nga,” “Oh? Ikaw pa ang galit niyan?” damdam ko. Nakita ko ang pagdiin niya sa kanyang labi. “Tss..” bulong ko. “Happy birthday..” Natigilan ako. Mas naramdaman ko na naman ang paghihimutok ng puso ko. Ano ba ’yan, parang bumati lang siya pero katakot-takot na kaba naman ang pinaramdam sa akin. E kasi nga, crush mo siya. I stopped again. Trying to look like it’s nothing. “T-thank you.” All I managed to say. At sa lahat ng bumati sa akin ngayong araw, iyong kanya ang pinakaaabangan ko. Kaloka hindi ba? Kaya napagbuntunan ko ang labi ko at pinipiga ito. “Ellie,” tawag niya sa akin. “Oh?” “’Wag mong ganyanin ang labi mo. Sobrang namumula na,” he said while staring at my lips. Agad ko iyong tinigil. Pero hindi naman ako makatingin na sa kanya. Wala na ako sa tamang pag-iisip. Ang gulo-gulo ko na. We both didn’t speak after that. Ilang sandali pa ay kinain na naman niya iyong cake. “’Wag mong pilitin sabi ng sarili mo, Ridge.” “Gusto ko ’to.” Sabi niya at tuluyang inubos ang laman sa kanyang plato. Napanguso na lang ako. “Bahala ka nga,” Pagkainom niya ng juice ay hinarap na naman niya ako. “Ano’ng kukunin mo sa college?” bigla niyang tanong. Hindi ako kaagad nakasagot. Naiba ang topic namin. Nagkibit-balikat ako. Mas iniisip ko pa nga iyong susuotin ko sa JS prom namin kaysa doon. May isang taon pa naman ako sa high school. “E ikaw ba? May napili ka na?” Sinamsam niya ang mga plato namin at mga kutsara. “Yes,” “Ano?” “Electrical Engineering.” “Oh. Saan ka mag-aaral?” “UP.” Titig sa akin. “Wow. Saang UP?” “Diliman. Doon ka na lang din mag-enroll,” Napangiwi ako. “Hindi kakayanin ng utak ko do’n. ’Di naman magkasing-level ang brains natin,” biro ko na may halong katotohanan. Habang tumatagal ako sa high school palala ng palala ang mga lessons namin. Dinadaan ko na nga lang sa magandang project e. Doon lang ako nakakakuha ng mataas na grade. “Don’t say that. Saka makakasama mo naman ako. Tutulungan kita palagi.” He said. Napakamot ako sa aking leeg. Nahihiya ako. Pero kung iba ang nagtanong sa akin ng ganito, hindi na ako magiging komportable. Si Ridge ito kaya hindi ko iyon nararamdaman kahit medyo personal pa ang pag-usapan namin. “Hmm..interisado ako sa fashion designing. May ganoon bang course sa UP?” curious kong tanong. Napaisip din siya. “I’m not sure. Titingnan ko,” Napangiti ako. “Noong sinabi ko ’yan sa Mama ko, inayawan niya agad ang course na ’yan. Iba kasi ang gusto niyang kunin ko. Tourism daw. Kahit saang school basta iyon ang kursong kunin ko.” I remember how my mother express her feelings matapos niyang ayawan ang gusto kong tahakin na karera. Pang maarte lang daw kasi iyong fashion designing saka mahal. “And it’s expensive kaya mukhang malabo.” I said with finality. Sa iAcademy ko pa naman gusto mag-aral no’n. “Pwede mo pa rin naman gawin ang gusto mo kahit ibang kurso ang kunin mo,” I sighed, “Gano’n na nga lang.” I even cheered up myself. “Saka nakakaganda kapag Tourism ang course ko, ’di ba? Makakakita pa ko ng mga gwapong piloto,” I laughed myself. Pero lingunin ko ay madilim na mukha niya. Para bang nagagalit. Tiningnan kong maigi ang mukha niya, naiirita? “Ridge okay ka lang?” pag-aalala ko. Nag-iwas siya ng tingin at sabay ligpit sa pinagkainan namin. Hindi niya ako sinagot at nagtuloy-tuloy ang pag-iwas niya sa akin. “Ridge,” Hindi niya ako ulit pinansin. “Ridge!” Napaigtad ako nang medyo malakas niyang binaba ang mga plato at nalalaglag pa ang mga kutsara sa sink na stainless. “Uy, Ridge! Nagdadabog ka ba?” grabe, bigla-biglang nagbabago ng timpla. “Pinagdadabugan mo ko, birthday ko ngayon ah?” Doon siya napahinto. Maingay na bumuntong hininga. Nilingon niya ako—ang sama na makatingin sa akin. “Bakit uminit ulo mo?” biro ko. “Ihahatid na kita.” Tumayo ako at lumapit sa kanya. Masama pa rin ang titig sa akin. “Eeh, ayoko pa. Maaga pa naman. Dito muna ako, hmm? ’Wag ka nang magalit,” lambing ko. Humawak ako sa kanyang braso at yumakap doon. And I felt him stiffened. “Stop it, Ellie.” He then warned me. Napalabi ako habang nakatingala sa kanya. “Ayaw ko.” teasing him. “Ellie please..” Nagkatitigan kaming dalawa. Sa huli, ako rin ang natalo at bumitaw na sa kanya. Hindi ko alam kung bigla siyang nagalit. Wala akong maalala na may nasabi akong hindi maganda at kahit lambingin ko ay ayaw na akong pansinin. Kaya pagkatapos niyang maghugas ng plato, nagpaalam na ako kay Tita Lian at hinatid ako ni Ridge sa bahay. ** When the JS prom came, si Ridge ang naging ka-date ko. Well, ako ang nag-aya sa kanya at hindi naman siya tumanggi. Sinama ko siya sa table naming magkakaibigan at pinakilala kina Rica. Sa buong gabing iyon ay wala akong ibang nakasayaw kundi siya rin. Hindi naman ako nagreklamo dahil nag-enjoy akong kasama siya. Wala na akong pakielam sa iba dahil si Ridge ang kasama ko. Nang sumapit ang graduation nila, isa na yata ako sa pinakamasaya dahil siya ang Valedictorian sa batch nila. Nakakaiyak sa sobrang saya at lungkot. Kasi sa pasukan ay wala na siya sa school. Wala na kong guguluhin sa klase nila. Wala na kong mahihiraman ng ballpen niyang my gel. Hindi ko na malalagyan ng pangalan niya ang gamit niya. Parang tanga lang ako pero talagang mamimiss ko siya. Sobra. Kaya nang magkita kami pagkatapos ng ceremony nila ay hindi ko mapigilang mapaiyak sa harap niya. Para akong bata. Tinawanan niya ako at pinunasan ang luha kong lumandas sa aking pisngi. Hinila niya ako at niyakap. “Sssh..tahan na. Ang iyakin mo pala,” pang-aasar niya habang hinahaplos ang tutok nag buhok. Pinunas ko ang panibagong bersyon ng luha ko sa uniporme niya. Sinauli na niya iyong toga niya pagkatapos naming magpicture na dalawa. Suot ko iyong subrero niya. I look up at him, “Magpromise ka na tuturuan mo pa rin ako kahit wala ka na dito ah?” He smiled, “I promise.” Lumabi at unti-unting napaiyak na naman ako, “Ridge naman e!” “Oh bakit? Nagpromise na nga ako,” Umiling-iling habang nakasubsob pa rin ang mukha ko sa dibdib niya. That was one of the heart breaking moment na ayokong balikan. Iyong magkakahiwalay na kami ng school. Iniisip ko pa lang na hindi ko na siya makikita ay naninikip na ang dibdib ko. Iyong tipong nakakatamad nang pumasok kapag wala na doon ang inspiration mo. Na parang hindi ka magsusurvive without his presence. Nakakawalang gana. Pero tulad nga ng pinangako niya, tinuturu-turuan niya pa rin ako sa mga lessons namin. He was already enrolled in UP at nag-aaral din ay pinaglalaanan niya rin ako ng panahon na maturuan sa hindi ko maintindihan. Sinubukan ko namang mag group study kasama sina Wesley kaya lang wala akong mahita sa mga iyon. Sinumbong ko iyon kay Ridge at pinagsabihan niya akong pumunta na lang sa library o lumipat ng ibang grupo. Naiisip ko kaagad si Iris. Kaya kapag kung minsan ay sa kanya ako sumasama kapag may groupings. Nakaka-close ko na nga siya. Mabait pala ’yon. I am still hanging out with my friends. Sa recess ay kasabay ko palagi sina Rica. Rica didn’t mind kung sa iba ako makipag groupings, minsan ay hinihila pa niya ako sa matitino at nagkakasama rin kami. High school didn’t bore me. Lalo na no’ng mag 4th year ako. Para na kaming mga Ate at Kuya sa school. Masaya pati ang mga teachers namin. I can say na mas kinaya ko ngayon kaysa dati. Siguro dahil alam kong nandyan lang si Ridge na matyagang nagtuturo sa akin. I survived. Nang ako naman ang gumaraduate ay kasama ko rin siya. Agad ko siyang niyakap at nakipagpicture din sa kanya. At nang magkaroon ng salo-salo sa bahay niyaya ko na siya. Iyon din ang unang beses na nakatungtong siya sa bahay namin at pinakilala ko kay Tita Flor. Ridge became my bestfriend. Lahat ay nakakaya kong sabihin at ikwento sa kanya nang hindi nahihiya. Noong minsang matagusan nga ako sa entrance exam ko sa University of the East ay siya agad ang tinawagan ko. Mag-isa lang ako noon dahil sa ibang school mag eenroll si Rica. Nagkulong ako sa cubicle ng banyo at mangiyak-ngiyak pa. Kabadong-kabado ako kung paano ako lalabas ng banyo nang ganito..may tagos. But when Ridge came, kinatok niya ako sa cubicle at hinihingal na iniabot sa akin ang isang plastic na may lamang napkin, bagong underwear at denim skirt. He bought all that for me. Para niya akong sinagip sa kahiya-hiyang sitwasyon. Pagkatapos ay sinamahan niya pa akong hintayin ang results ng entrance exam ko. Matyaga niya akong hinintay kahit na halos abutin kami ng dilim bago natawag ang pangalan ko. Nakapasa naman ako. Iyon nga lang ay hindi ko naabot iyong pang scholarship. Si Ridge kasi ay scholar din. Ibang-iba ang environment pagdating ng college. Para akong biglang tumanda. Nagkahiwa-hiwalay kaming magbabarkada. Si Rica at Mark ay sa Adamson nag-aral. Sa Manila lang naman iyon kaya madalas pa rin kaming magkita-kita kapag may time. Sina Wesley ay ewan ko kung ano nang nangyari doon. Si Iris ay sa UP rin pumasok. Nagkaroon ako ng ibang kaibigan. Pero si Ridge palagi ang laman ng isip ko. I always missing him. On my second year in college, habang nasa klase ay wala sa sariling nagtext ako sa kanya. Ako: I miss you. Napagtanto ko na lang ang kalokahan ko nang magreply siya sa akin. Ridge: I miss you too. Para akong bulate na binudburan ng asin pagkatapos ko iyong mabasa. Sobrang nag-init ang mga pisngi at tumodo sa bilis ang t***k ng puso ko. Napapatakip na lang ako ng sariling mukha kahit nasa gitna ng klase. Nakakahiya! At nang sunduin niya ako ng araw na iyon, nakaabang na siya sa labas ng gate at tuwid na nakatitig sa akin habang naglalakad palabas ng eskwela. Hindi ko malaman kung paano ko siya kakausapin pagkatapos kong magtext ng gano’n. Ang awkward. “K-kanina ka pa?” hindi ako makatingin ng deretso sa kanya. “Medyo.” Simple niyang tanong habang nakatitig pa rin sa akin. Napakamot ako sa ulo ko, “Hmm. Nag-overtime kasi ’yung prof namin kaya..uh,” “That’s okay. Tayo na?” Agad akong nag-angat ng tingin sa kanya. “H-ha?” “Tayo na?” aya niya. “Aah..akala ko..tara.” akala ko ibang tono iyong ‘Tayo na’ niya. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang paghawak niya sa kamay ko. He slowly intertwined our hands and passionately caressed my fingers over his. Hindi ko na maintindihan kung nasa tama pa bang katinuan ang t***k ng puso ko nang gawin niya iyon. He held my hand. He held my hand. Pakiramdam ko no’n ay boyfriend ko na talaga si Ridge. Ang sweet niya sa akin. Sobra. Sobrang alaga ang ginawa niya. And when he let go of my hand, I felt emptiness. Ayoko nang nalalayo siya sa akin. Dapat sa akin lang siya. Habang naglalakad kami ay pumasok kami sa convenience store at binilhan niya ako ng meryenda. at habang namimili siya ay may nakita akong simpleng bracelet na may nakasabit na mga letra. Napangiti ako at hinanap agad ang letter R. Gawa sa silver ang mga letra ay itim na tali lang ang sa bracelet. Lumapit ako sa cashier para mabayaran iyon. He’s already para bayaran din ang order niya sa amin. Tinago ko iyong bracelet. Nilingon niya ako at tiningnan ang kamay ko. “Ako na,” turo niya sa hawak ko. Kinabahan ako, nag-init na naman ang mga pisngi ko. Agad akong umiling, “’Wag na, wala lang ’to, nakakahiya na sa ’yo.” Tanggi ko. Saka makikita niya iyong bracelet. Natigilan na naman siya. He hates that. Iyong kapag gusto niyang siya ang magbabayad pero tumatanggi ako. “Let me, Ellie,” Napasimangot na lang ako. “’Wag na, Ridge..” please. Nilahad niya ang palad sa akin. Pina-punch na rin ang binili. Ilang saglit pa ay iyong hawak ko na lang ang hinihintay nila. “Ngayon ka pa ba mahihiya sa akin. Nabili na kita ng napkin,” Namilog ang mga mata ko, “Ridge!” “Akin na ’yan..” he insist. Hindi niya ako titigilan hangga’t hindi niya nakukuha ang hawak ko. At dahil na rin sa hiya doon sa cashier ay inabot ko sa kanya ang bracelet. Kumunot ang noo niya. Hindi pa niya agad inabot doon sa cashier at tiningnan pang mabuti ang itsura no’n. Nagbaga na ang mukha ko nang makita niya ang letter R. Agad na lang akong umalis sa tabi niya at umupo. Nakaharap kami sa glass wall. Pilit kong dinadivert ang atensyon ko sa labas pero ang labong makalimutan ko agad iyon. Saka ano bang malay niya kung bakit R ang kinuha ko. Pwede ko namang sabihin na initial iyon ng paborito kong artista. Hmm..sino bang R? s**t. Binaba niya sa mesa namin ang tray at isa-isa niyang nilipat ang laman no’n. Binaba niya rin sa tabi ko ang bracelet na binayaran niya. Umupo siya sa tabi ko. “Kain ka na,” siya na rin ang naglagay ng straw sa softdrinks ko. He opened the small sachet of the souce and spread it on my bread. Siya na lahat ang nag-asikaso sa akin, kakain na lang ako. “Thank you,” I said. Pakagat na ako nang mapansin kong may suot na siyang bracelet—katulad ng sa akin! Tiningnan ko iyong akin sa ibabaw ng lamesa. Bumili rin siya? Kumagat siya sa tinapay niya at nilingon ako. “Sino si R?” Napainom agad ako sa softdrinks. Heat never left me. “W-wala lang.” sabay kagat ulit sa tinapay. Sa kaba ko tumapon pa ang souce sa labi ko. Aabutin ko pa lang tissue ay pinunasan na ni Ridge ang labi ko gamit ang daliri niya. I stiffened. Pero dahil do’n ay nakita ko ang letra sa bracelet na suot niya. ‘E’ Sumabog na naman ang kaba sa dibdib ko. “S-sino si E?” Nagpunas muna siya ng labi bago nagsalita. “Ellie.” I gasped. He answered me straight on my face! Nilingon niya ako. I can’t explain the pleading on his eyes. “Sino si R mo?” tanong niya ulit. Napalunok ako. “R-ridge.” I tried to copy his tone from the way he answered me but I failed. My voice shook and heart flipped on my chest. Pero wala na yatang mas sasaya pa sa nararamdaman ko ngayon. He held my hand again while we were eating. Walang nagsasalita sa amin. It feels like we both know. There’s no need for long explanation. He has my initial on his bracelet. I have his. He has my heart. I have his. Nang makauwi sa bahay ay doon niya lang binitawan ang kamay kong mahigpit niyang kinulong sa kanyang palad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD