Chapter 14
Ellie
Pababa na ako sa hagdanan nang maramdaman ko ang pagmamadaling pagsunod sa akin ni Nats. Sobrang kaba at kaunting tapang lang baon ko, iyong kilos niya mas nakakadagdag sa takot ko. It was obvious na takot din siya sa Boss niya kaya siya ganito. I even heard the frantic in her voice.
“Mam Ellie, naku ayaw nagpapaistorbo si Sir Ridge kapag may kausap sa cellphone,” payo niya sa akin nang nakasunod.
I still step on my feet. Hindi pwedeng hindi ko siya kausapin ng matino. I cannot stay here longer, may anak ako.
“Gusto ko siyang kausapin,” I answered. Pero kahit sa sarili ay natatakot din.
Mula kanina ay ngayon ko lang napagtanto kung gaano kalaki ang bahay na ito, ang bahay niya. And Nats called him ‘Boss’. He’s the Boss. My hands shook. This is taken me aback. He has millions. Sobrang laki na ng agwat namin ngayon. But then, he’s a Castillano. Dati ko pang alam kung saang pamilya siya nabibilang kaya lang iba pa rin pala kapag nakikita mo na ng harap-harapan. Na makapangyarihan at maimpluwensya ang kanilang pamilya.
I can’t help but to scan his grandiest home. Mula sa nakakasilaw nitong gintong chandelier pababa sa naka-carpet na hagdanan. They were all white from walls to floor. Ang nagbigay kulay lang ang kanyang mga gamit. Ang malaking sofa na parang upuan ng hari ay kulay gray. Ang babasaging lamesa ay itim na may malabong salamin. The furnitures are all has the touch of moderness. Lahat parang mga bago pa. I can’t figure how much it will costs you but definitely kahit pagsama-samahin ko pa ang mga pinagtrabaho ko mula noon sa una ko pang sweldo, kakarampot lamang iyon.
Nasa ikalawang baitang na ako nang marinig ko ang mababa at malalim niyang boses. Hindi katulad kanina na galit ngayon ay mas mahinahon. Kasunod ko pa rin si Nats. Hindi ko malaman kung bakit kailangan pa niyang sundan ako.
Tumapak ang mga paa ko sa sahig at hinanap ang pinaggagalingan ng kanyang boses. There, I found him in the Den area. Nakatanaw sa malaking bintana. Nakapamulsa ang isang kamay sa harapan na bulsa at hawak ang kanyang cellphone sa tapat ng kanyang tainga. Huminto ako at nag-alangan ulit na lumapit. I may be braved in look but coward insides.
He’s nodding his head while listening to whom he is talking with.
“I know. I am sending them back there..” he sighed, not sure if he is smirking too dahil kumibot ang kanyang pisngi. “Thanks, Nox,” then he bid his goodbye.
His aura was now very different. He look tightier than before. Mas nakakatakot kaysa dati. And when he turned his gaze at me, napatuwid agad ako sa pagkakatayo at halos lumabas na ang puso ko sa bibig ko sa bigla niyang paglingon sa akin. I can still feel Nats’ presence at my back. I even heard her whispered frantic voice when Ridge look at us.
“Mainit ang ulo,” she whispered.
I slightly bit my lower lip.
Tumigas na naman ang mukha niya sa akin. “What are you doing?”
Napalunok ako. Now, I am always scared with his voice. Wala na iyong lambing niya palagi sa akin. kinakausap na niya ako na parang ibang tao.
But who am I going to blame, Ellie?
“Uh..R-ridge..pwede ba kitang makausap?” marahan kong salita. Natatakot akong mapigtas na naman ang galit niya sa akin. Dahil alam kong hindi ko na siya kayang kontrolin.
Nagsalubong kaagad ang mga kilay niya. Sinuksok niya ng cellphone sa kanyang bulsa at humakbang palapit sa akin. Tiningnan si Nats sa aking likuran.
“You didn’t tell her what I said, Nancy?” matigas pero mahinahon niyang tanong sa kasambahay.
Shit. Naalarma ako nang balingan niya ang pobreng babae.
“Sinabi ko po, Sir Ridge. P-pero gusto daw po kayong makita ni Mam,” she has the same fear as I am.
Mabigat siyang bumuntong hininga. Kung apoy lang iyon ay malamang na nahaplusan na ako at napaso. He returned his flaming gaze at me. Pinasadahan niya ako ng tingin. He checking out the clothes I am wearing. It’s his. Hindi ko siya matingnan sa mga mata dahil natatakot akong makita ang pag-uuyam na ginawad niya sa akin sa club. It brought stings in my chest and I can’t bear to weigh how disgusting he was by just looking at me.
Napahawak na lang ako sa hem ng kanyang T-shirt. Waiting for him to fire unsaid words.
“Go back to my room.” He said with finality. Ni walang kaplanong-planong pagbigyan ako.
Humakbang siya at nilagpasan ko.
“Pero Ridge. Gusto kong umuwi na,” I almost begged.
He suddenly grabbed my arm and drag me again to the stairs. Nats gasped. I saw her hesitation to walk away or to follow us.
“Ridge!” tawag ko sa kanya habang halos kaladkarin na naman ako paakyat sa hagdanan.
Mahigpit na naman ang hawak niya sa akin. Nararamdaman ko na naman ang sakit sa aking balat. I flinched. Muntik pa akong madapa sa hagdanan. Hindi ko masundan ang paghila niya sa akin. Tumama na rin ang binti ko sa edge ng baitang dahil sa pwersa. Pero hindi niya ako minsan mang nilingon para tingnan. He just dragged me. Galit na naman sa akin.
Tears started to consume me. “R-ridge..” nanginig pa rin ang boses ko. But still, hindi niya pa rin ako nililingon. Alam kong naririnig niya ako.
Ilang kwarto ang nilagpasan namin bago narating ang kwarto niya. He opened the door, pwersahan akong pinasok at pabalang na sinarado ang pintuan. Napatalon ako sa gulat. At patulak akong binatawan. Halos mawalan ako ng balanse dahil doon, kung hindi lang ako napahawak sa gilid ng kama. Siguro ay sasalampak ako sa sahig.
Nanginig ang mga tuhod ko sa tindi ng takot sa kanya. Hindi ko kayang salubungin ang matatalim niyang titig sa akin. Unti-unti akong napahawak sa gilid ng kamay at umupo doon.
“How many times do I have to tell you that I bought you!” pigil niyang sigaw sa akin, “I owned you! You’re mine!”
Kumuyom ang mga kamao ko sa talim ng pananalita niya. Agad kong pinunasan ang tumakas na luha sa mata ko.
“Hindi ko pinagbibili ang sarili ko,” nanghihina pero matapang kong sagot sa kanya.
He sarcastically chuckled, “Yeah? Kaya ba binabalandra mo ang katawan mo sa mga mayayamang lalaki dahil hindi mo binebenta ang sarili mo?”
Napapikit ako. Binebenta ko ang sarili ko. Sumasayaw ako dahil sa pera.
“K-kailangan ko ng p-pera..”
“And you thought that’s the easiest way to get a f*****g money? Ganyan ka ba kaganid sa pera? Kinababaliwan mo pa rin ang mga luho mo? Rurumihan mo ang sarili mo nang dahil sa putanginang pera na ’yan!” galit na galit niyang sabi sa akin.
I felt the loath in every words. In every breath. Hindi ko na nagawa pang punasan ang pisngi nang tuluyang umagos ang masaganang luha sa aking mga mata. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang ipamukha niya iyon. I am to blame. Ako lang. Ako lang naman. Napapikit ulit ako. Ayoko nang balikan ang nangyari sa akin. Maayos na ako. Okay na ako. Ayoko nang maalala ang umpisa ng lahat. And Ridge is just a reminder of my dark past.
Kailangan kong lumayo sa kanya.
So I bravely look up at him. I slowly stood up. Pilit pinapalagpas ang mga patalim na titig niya. If that stares can kill, my heart would lost its life.
“Gusto kong umuwi.” I said. Doon lamang tuluyang tumapang ang boses ko. He’s no good for me.
Pakiramdam ko ay mas lalong uminit ang ulo niya sa akin. At parang hangin na may dumaang ibang emosyon sa kanyang mga mata.
Naglakad patungo sa pinto pero pagkalagpas ko pa lang sa kanya at agad niya akong hinaklit sa braso, huminto ang paghinga ko at ikot ng mundo sa bilis ng mga pangyayari. Gamit ang isang kamay ay hinila niya ako pabalik at tinilapon sa ibabaw ng kama. My heart raced too fast. Bago ko pa siya tingnan ay umibabaw na siya sa akin, he ripped off the T-shirt I am wearing—“Ridge!” I cried his name. Pero parang siyang bingi. His face is so dark. He got bloodshot eyes that I had seen when I was breaking up with him years ago.
Nahati sa gitna ang T-shirt. Hinawakan ko siya sa kanyang mga braso pero nasa kilos niya ang hindi magpapapigil. Tears rolled on my face uncontrollably. Fear runs up in my head. The next thing I knew, pinigtas niya ang strap ng bra ko—I gasped. Natanggal na sa hook at hinagis niya sa kung saan. I covered myself pero hindi pa rin makakilos dahil sa ibabaw ko pa rin siya.
He stared at my breast. Lips lightly parted, panting. But he’s angry.
Sinunod niyang tanggalin ang kanyang suit. He unbottoned his polo and in just a short span of time he’s now half-naked in front of me. The hardness of each corner of his body matched with the hardness of his beautiful face. Hinawakan niya ako sa aking pulso at hinawi ang nakaharang kong mga braso sa dibdib. I’m so exposed. He feasted his eyes at me. Disgustingly. “These are the filthy breast that they were craving for, uh?” he angrily whispered.
Another wave of tears rolled. There’s a pang of pain in my chest when he said that. I bit my lip to lower the chances to cry out loud.
He pinned my hands above my head. “They were first mine..now everyone’s tasting you, tira na lang ang naiwan sa akin.”
I released a sob and stop it again. Ang sakit-sakit na ng dibdib ko. Pinilit kong hilahin ang mga kamay pero madiin ang hawak niya. Wala akong laban sa kanya. “T-tama na..” but he held me tightier. Halos mamanhid na ang mga kamay ko.
He stared at me, “You’re worth of nothing. Materialistic woman. Selfished. Greedy. You deserve what you’re right now. You deserve to suffer and be wasted,”
I closed my eyes. I sobbed. Hindi ko na napigilan pa ang umiyak. Kahit nakatingin pa siya sa akin.
Pinili ko naman ito. I suffered and stil suffering. Wala na akong nakasama simulan noon. Sumama sa ibang lalaki ang Mama ko at hindi na ako inalala pa. My Auntie Flor left me too. I was left alone when I needed them the most. Ridge was with me but I can’t bear to be with him anymore. I broke up with him. I lied and lied and hurted him.
Kaya siguro nga ay tama siya. I all deserve this. The f****d up life. But there’s one thing that keeps me going..my son. Siya na lang ang mayroon ako. Siya na lang ang nagdudugtong sa buhay kong wala namang halaga. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko na gugustuhin pa ang mabuhay.
I cried harder when I thought of Shane. Kung kailangang gumapang ako pabalik sa anak ko ay kakayanin ko. I would give up everything for him.
Seconds later, gumaang ang aking ibabaw. Hindi ko na dinilat pa ang mga mata ko nang umalis siya sa ibabaw. Gumilid ako, I grasped the sheets and crumpled. Even when I cried harder, I still feel the pain, here in my chest. Nilubog ko ang mukha sa kama, expecting it to lessen the scrutining pain. But nothing changes. It’s still here. Hindi ko na mapigil. Sunod-sunod na iyak, sakit sa dibdib at hagulgol ang lumabas sa akin.
They all came back.
Sana matapos na..sana matapos na..
I feel the soreness of my eyes. I remember my son and drifted myself to sleep.
**
Minulat ko ang mga mata. Pinikit ko iyong muli dahil sa paghatak ng antok at bigat pa rin ng mga talukap ko. I stirred and pulled the comforter on my body..I opened my eyes abruptly. Sumisilip na ang liwanang sa bintana. Wala pa rin akong damit pang itaas at tanging ang boxer shorts niya lang ang bumabalot sa akin. Tumihaya ako, nag-iisa ako sa kama.
Pero nakita ko ang gusot sa katabi kong unan at kumot. Tinitigan ko iyon na para bang nakita ko siyang natulog sa tabi ko. I heaved out a sigh.
Bumangon ako at kahit nag iisa lang sa kwarto ay tinakpan ko pa rin ang dibdib ng comforter. Hinanap sa sahig ang bra ko at ang T-shirt. Nakita ko sa paanan ng kama ng bra. Iyong T-shirt niya ang hindi ko makita.
Tumayo ako pinulot iyon. Na-deform na ang kawit ng strap. Maybe I can still wear it strapless. Pero kailangan kong kumuha ulit ng bagong damit sa cabinet niya. Tinanggal ko ang malaking kumot na pinangtatakip ko sa dibdib at hubad na pumunta sa kanyang walk-in closet, napahinto ako sa pagpasok nang makita doon sa loob si Ridge na nagbibihis. Nilingon niya ako. My heart back to its crazy beating. I’m torned between covering myself and turning around o hintayin ko na lang siyang matapos.
Pero naglakas-loob na lang akong pumasok din sa loob at buksan ang cabinet niya. Hindi ko na lang siya pinansin kahit na nakakamatay ang titig niya. Though I’m trembling.
I scanned his clothes and look for another T-shirt. Inabot ko iyong kulay gray na plain T-shirt niya. malambot ang tela at tila malamig kapag sinukot. Sinarado ko ang cabinet at muli ko na namang nakita ang paninitig niya. I ignored him. Binuksan ko ang drawer at namili ng boxer shorts. Pinili ko ulit iyong itim na kulay.
He stopped from he was doing and watching me. Sinarado ko iyong drawer at saka lumabas ng walk-in closet. Lumipat ako sa banyo at doon na pinakawalan ang paghinga. I just couldn’t stand being near with him.
Sa ilalim ng shower at nakita ko ang ilang bakas sa wrists ko. May pasa sa parehong kong wrist. Nagmarka rin ang mahigpit na hawak niya sa aking braso. Pinagmasdan ko iyon at banayad na hinaplos. I look down at my leg. May pasa rin, medyo masakit pa kapag pinisil. Iyon ang tumama sa hagdanan kagabi. Namumugto pa ang mga mata ko. I heaved out a sigh. Atleast, hindi na masyadong masakit ang dibdib ko. Medyo gumaan ang pakiramdam ko nang makatulog.
Paglabas ko ng banyo ay hindi ko na siya nakita. Ayokong tingnan sa walk-in closet niya. Tinuyo ko na lang ang buhok ko ng tuwalya niya at hindi na nagsuklay. Bumalik ako sa kama at nahiga na lang ulit.
Hindi pa man lumilipas ang kalahating oras ay may kumatok sa pinto. Nilingon ko iyon at bumukas ang pinto. Nats peeked in smilingly.
“Good morning po, Mam Ellie. Dinalhan ko po kayo ng almusal ninyo,” magalang niyang sabi.
“Salamat na lang. Wala akong gana.” matamlay kong sagot sa kanya.
Natigilan siya doon. Gumalaw ang mga mata niya at may tiningnan sa kanyang gilid.
“Eh, Mam Ellie, ang bilin ni Sir ay pakainin daw po kayo. ’Wag daw po kayong gutumin,”
I mentally rolled my eyes. Huwag gutumin at busugin sa sakit.
Umiling ako, “Wala akong gana, Nats.”
Hilaw siyang ngumiti, “Mam matatanggal po ako sa trabaho kapag ’di kayo kumain..”
Bumagsak ang balikat ko. Bumangon ako at naupo. I lightly smiled at her, “Ipasok mo na,”
Lumawak ang ngiti niya at nilakihan ang bukas ng pinto. May dala siyang breakfast tray na punong-puno yata ng pagkain. Buong ingat niya iyong nilagay sa kandungan ko.
“Kain na po kayo, Mam Ellie. Espesyal na breakfast po para sa inyo.”
Nginitian ko siya ulit. “Maraming salamat, Nats.”
“Sige po.” Paalam niya.
I sighed. Paano ako kakain kung hindi ko alam kung nakakain ba ng ganito kasarap si Shane? Hindi maaatim na kumain kahit pa gutom na gutom na ako kung hindi ko kasama ang anak ko.
“Uh, Nats,”
Humarap siya ulit sa akin. Alerto nang narinig ang tawag ko. “Yes, Mam?”
Napalunok ako. Nagdadalawang-isip kung itatanong ko pa ba. Pero sa huli ay nagawa ko pa rin.
“Si..Ridge?”
“Kakaalis lang, Mam. Ipapatawagin niyo po ba si Sir?”
Mabilis akong umiling, “’Wag na! Sige, salamat ulit.”
Magalang siyang tumango at lumabas na ng kwarto. Sa kandungan ko ay nakahain ang masasarap na pagkain. But still, walang excitement akong nararamdaman kahit libre na ito para sa akin. How about Shane?
I look around his room. Tinanggal ko ang tray sa kandungan ko at tumayo. I walked in his room barefooted. Yumuko ako at nakita sa ilalim ng kama ang isang pares ng tsinelas. Agad ko iyong sinuot at walang ingay na lumabas ng kwarto. Hindi ako sigurado kung bawal akong palabasin ng bahay. Kaya makasigurado ay lalabas na lang ako nang hindi nila nalalaman.
Nakalabas ako ng bahay nang hindi ako nakikita ng sino man kahit ni Nats. Wala na rin naman iyong mga lalaking kasama niya kagabi. Pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay niya ay nakapagpara ako ng Taxi at nagpahatid pabalik sa Club.
Labis-labis ang kalabog sa dibdib ko.
Pagdating sa tapat ng Club ay pinaghintay ko muna ang Taxi driver at pumasok sa loob. Agad kong nakita si Diana at nanghiram muna ng pambayad. Pinasadahan niya ako ng tingin. Para bang hindi makapaniwalang nakabalik ako ng buhay sa Club. Sumisigaw pa siyang tinawag si Miss Amanda. Lahat ng tao sa Club ay halos matulalang nakita ako.
“Ellie? Paanong...”
“Si Shane po, Miss Amanda?” tanong ko kaagad sa kanya.
“Nasa kwarto ninyo. Ayaw pumasok at panay hanap sa iyo mula nang nagising kanina,”
Nag-alala agad ako at tinakbo ang papunta sa kwarto naming mag-ina. Naabutan kong nakabukas ang pinto. Sa bungad pa lang ay dinig ko na ang pagtangis ng iyak ni Shane. Nadurog ang puso ko nang makita ko siyang nakadapa ibabaw ng kama at nakasubsob ng mukha unan. Umiiyak. “Shane,”
He abruptly look up to where I am standing, “M-mommy!” nilapitan ko siya at niyakap. Inalu at pinahinto sa pag-iyak.
“’Wag ka nang umiiyak. Tahan na..” marahan kong sabi sa kanya. He used to wake up in the morning seeing me.
Mahigpit na yakap ang natamo ko sa kanya. Siniksik ang mukha sa aking leeg. “B-bakit po wala ka paggising ko?” he’s still crying so hard kahit na nakayakap sa akin.
Tumikhim ako. I was with your father. “May..may pinuntahan lang bagong..work si Mommy, Shane,”
Habang lulan ako ng Taxi ay bumuo ako ng mga sasabihin sa anak. There’s a possibility that Ridge will come here and search for me. Hindi ko ipapalam sa kanya ang tungkol kay Shane, hindi ngayon. Galit siya sa akin at hindi ko kakayanin kung kukunin niya ang anak ko sa akin. kung sakaling makakapag-usap kami ng maayos, I will tell him. Hindi ko ipagdadamot sa anak ko ang makilala ang ama niya. Pero iyon lang. At kung sakaling hindi niya kilalanin ang anak, that’s his choice. My son still mine.
Tiningnan niya ako at bahagyang tumigil sa pag-iyak, “W-work? May bago kang work, Mommy?”
I smiled at him and nodded, “Yes, baby. Kailangan ni Mommy ng bagong work para..sa school mo at kay Bryan. Hindi ba kailangan niya iyon para pampagamot niya? Kaya magwo-work muna si Mommy sa malayo..” I bit my lip to suppress a sob.
“Malayo?”
I nodded painfully, “Mmm. Pero madalas kitang dadalawin dito tuwing may libreng oras ako,”
“Hindi po pa ako pwede doon? Hindi ako magulo doon, Mommy!” he begged.
“Hindi pa pwede e. Ipapaalam ko muna sa bago kong boss para isama ka. But I promise you, palagi kitang dadalawin, Shane. Tatawagan din kita araw-araw, mmm? Naiintindihan mo naman si Mommy, ’di ba?”
Huminto siya sa paghikbi. Pinunasan ang mga mata at tuwid akong tiningnan. With his stares, I saw the way Ridge stared at me too. Umiinit ang puso ko habang tinitingnan ang pagkakapareha ng dalawa.
“Mag-iipon ka lang para sa ospital ni Bryan, Mommy? Tapos dito ka na ulit?” he’s making sure na babalik ako. Na babalikan ko siya.
I caressed his red cheeks, “Ofcourse. Babalik ako pagkatapos kong makaipon.” Iyon ang napagkasunduan naming mag-ina.
Matalino si Shane at parang matanda na nakakaintindi sa akin. He then never shed a tear again after our conversation. Agad kong inampake ang mga damit niya at gamit. I planned to bring him to Rica’s apartment. Hindi pa ako sigurado kung papayag siya pero gusto kong sumugal. I know Miss Amanda will understand me.
Iniwan kong may nangungusap na mga mata sa akin si Rica. She welcomed my son with open arms. May kasambahay siya sa bahay kaya kahit nasa trabaho ay mayroon pa ring magbabantay kay Shane. Panatag naman ako ay dahil matagal ko nang kilala rin si Manang. I know that I don’t have her approval for us living in the Club. She’s worried. Kaya naman hindi ako halos nagsasalita at agad niyang ni-welcome ang anak ko.
Nilingon ko si Shane na pinapakain ni Manang.
“Tell me..” Rica said. Alam niya na kahit hindi ko pa man nasisimulan. “What’s going on, Ellie?”
Napayuko ako. “He knew where I am.”
“He? Sino?” then she gasped, holding her breath. “Si Ridge? Alam na niyang may anak kayo?”
“He don’t know, yet. I’m scared to tell him. Galit siya sa akin.”
Pandalian niya akong tinitigan na para bang pinoproseso ang sinabi ko.
“Kaya mo nilalayo si Shane para maitago? Ganu’n ba?”
“He bought me, Rica.”
Natigilan na naman siya. Ilang segundong hindi nakapagsalita bago nagbago ang itsura niya.
“He bought you? Sa Club?”
I slowly nodded.
“What the f**k—”
“Rica..” I warned her because Shane might hear us.
She heaved out a deep sigh. “Are you out of your mind? Ang sabi mo hindi ka lumalabas sa Club na ’yon, iyon pala..”
“I was. Pero kinailangan ko..Sumayaw lang naman ako ng isang beses. Tapos may nag-offer ng date sa akin with the amount that I needed then..I saw him unexpectedly. He’s so mad at me. Sa pangalawang gabi ko, dumating siya sa Club at nalaman ko na lang na binayaran niya raw ako. Everything was so fast. He was even with armed men and he forced me to come with him,”
Napaawang ang labi niya. “He’s not yet over you? I mean, ’di pa ba siya nakaka-move on? It’s been years,”
I stopped there. I can’t tell her all the details. I can’t. Kaya mas pinili kong tumahimik na lang. I never told her the real reason of our breakup.
Bumuntong hininga siya at nilingon si Shane sa dining. “In some point, sa tingin ko talaga hindi agad makakapag-move on ’yang si Ridge. Noon pa man, ikaw lang ang nagustuhan niyan. Hindi lang siya vocal pero pinapakita niya sa paggawa. Sa pagbuntot-buntot sa ’yo. Remember, nu’ng nakipag-break ka, nakaluhod siya sa labas ng bahay niyo para lang balikan mo siya. Awang-awa kami no’n sa kanya dahil nagmumukha na siyang tanga noon para lang balikan mo. Even Wesley wanted me to talk to you about him. We all both know how insane Ridge was for you. Being away from you after all these years, maybe hindi pa rin iyon sapat para makalimutan ka niya. That’s why he still mad at you.”
Napatitig ako kay Rica. She’s not looking at me when she said that. Nakatitig lang ito sa sahig na para bang iniimagine ang nakaraan. And it triggered my tears to form on the corner of my eyes. I remember all of it. I felt the lump in my throat and it took me hard to swallow it.
“If you need something for Shane, don’t hesitate to call me, Rica. I owe you a lot,” pilit kong pinatatag ang boses.
Mabigat siyang bumuntong hininga, “Alam mong welcome na welcome kayo rito sa akin, Ellie. Don’t worry, I’ll take care of him. Kung hindi ay baka ano’ng gawin sa amin ng mga Castillano ’no,” she said. “Nakakakilabot kaya ’yun,”
I smiled at her. Patapos na kami sa pag-uusap ng maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa aking bulsa, “Miss Amanda?”
“Hello, Ellie? Nasa’n ka na ba? Pabalik ka na ba rito? Kasi—” suddenly her voice was cut off.
I look at my phone’s screen. Nasa linya pa naman siya. “Hello?”
“Where are you?”
Kumalabog kaagad ang aking dibdib nang marinig ang malalim na boses na iyon. Inagaw niya ang cellphone mula sa may-ari nito.
Napalunok ako at hindi kaagad nakapagsalita. Ang laman ng tinig niya ay tila nagtitimpi at malapit nang sumabog sa galit.
“Where the f**k are you?” mas dumiin pa ang pagsasalita niya.
“P-pabalik na ko,” agad kong pinatay ang cellphone. Nilingon si Rica na nakataas ang mga kilay. “Aalis na ako, please take care of him,” I asked beggingly.
Niyakap niya ako nang mahigpit, “You don’t need to ask, Ellie. Basta tatawagan kita kung kailangan,”
Nagpasalamat ako sa kanya at saka nagpaalam na rin sa anak ko. Umalis akong may luhang naiwan kay Shane. He watched me walking away from him bravely but I know he’s covering up with a brave look.
Dumaan muna ako sa convenience store bago dumeretso sa Club. Sa labas pa lang ay nanginginig na ako sa takot nang makita ko ang nakaparada niyang itim na sasakyan. He’s alone. Siguro ay nalaman na sa bahay niya na umalis ako. And then they told him. Tanghaling tapat at nandito na siya kaagad.
I walked inside. Nakakabinging katahimikan ang nadatnan ko sa Club. Maingay na napasinghap si Diana nang makita akong pumasok. He look so scared. Sa kanyang harap ay si Miss Amanda at halatang may iniindang tensyon. At sa kanilang harapan, he’s leaning on the edge of the stage. Arms crossed on his chest. Bahagyang nakatagilid ang ulo at deretsong nakatingin sa akin. When I met his furious eyes, fear crept into my nerves. Para bang muling nagparamdam ang mga pasang mayroon ako ngayon sa aking balat.
Diana cut the silence. ” Oh nandito na pala si Ellie. Saan ka ba nanggaling?” he was trying to put light in the tensed air.
Napapunas ako sa suot kong jeans. My palms were wet. “Bumili lang ako ng napkin ko,” I equalled his effort.
Diana laughed, awkwardly. “Ay sus! Sabi ko nga dito kay Miss A na hindi ka naman lalayo, ’di ba?”
Napatitig ako sa kanya. At tumango na lang. Binalik ko ang tingin kay Ridge nang maramdam ang paglapit niya sa akin.
I almost flinched when he’s about to touch me, “May binili lang ako. Saka, kukuha ako ng damit..”
“You don’t need to.” Agad niya akong hinapit sa aking baywang at iniikot papunta sa pintuan.
Nilingon ko ulit sina Diana at Miss Amanda. Diana shakingly waved at me with a worried face. Miss Amanda stared at me and mouthed, ‘Sorry.’