Chapter 11
Ellie
Nagagalit ako. Naiinis. Sa kay August at sa sarili. Pagkalabas ko sa kanyang opisina ay nakita ko pang napatayo ang sekretarya niya. Hindi ko na siya nilingon pa at nagmamadaling tinungo ang elevator. What the f**k? Ni hindi ko na nga naabutan pa sa lift si August, kaya naman naghintay pa ako ng ilang minuto bago nakasakay sa lift.
Pero ang puso ko..tila nabuhay sa matagal na pagkakatulog nito. Humampas ng humampas at hindi maawat sa pagsipa nito. I tried to get hold of myself but it was too difficult to sustain my calmness like what I did before. Ni hindi ko na napigilan ang sarili kong masigawan siya. Ang laki ng pinagbago niya. dapat ay hindi ko na kinagulat iyon. Ang yaman-yaman na niya. He got his family. Ako ang nanliit. When was the last time that I saw him?
When I was still carrying Shane. Nakita ko na siyang papasok sa building ng mga Castillano. At kasama niya si..I gasped. Parang may tumusok bigla sa dibdib ko. Mas ramdam ko ang sakit dahil sa malakas pa ring pagtibok nito. That memories stung in my chest like as if on cue ay mangyayari iyon pagkaalala ko pa lang.
But all I wanted to do now is to escape. To run.
Pagkabukas ng elevator ay may apat na lalaking nakaabang doon. Sa dadaanan ko kaya nag-excuse pa ako para makaraan lang dahil parang ayaw nila akong padaanin. “Excuse me,” I said. Humakbang akong lalabas na—at hindi nga tuminag man lang ang mga lalaking iyon.
“Pasensya na po, Ma’am. Pero hindi pa po kayo pwedeng makalabas ng builidng.” Ang sagot sa akin ng lalaking nasa harapan ko na.
Mangha akong tiningnan sila isa-isa, “At b-bakit?” another wave of bothering beat of my heart came in.
Hindi nila ako sinagot. Sa halip ay pumasok sa loob ng lift kung wala napaatras ako pabalik. Sinubukan kong lumabas pero hinarang nila ang mga likuran sa harapan ko.
“Hindi po pwede ma’am.” He proved.
Sinarado nila ulit ang elevator at may pinindot na numero. That was his floor! f**k! “Excuse me! A-anong ginawa ko at bakit hindi ako pwedeng makalabas? I need to go!” naiirita ko nang sabi sa kanila.
Hindi pa rin nila ako pinakinggan na apat. Nagkatinginan lang at tiningnan ang papaatas na numero.
He did this. Siya ang may utos nito. And when we arrived at his floor, naglabasan ang apat. Agad kong pinindot ang Ground floor pero tila ibon sa bilis ang isa sa mga lalaki at agad na pinigilan ang papasarang elevator.
“Ma’am lumabas na po kayo d’yan,” utos niya sa akin.
But I glared at him. Naiinis na akong dinala nila ako rito pabalik. “No, I won’t! Leave me alone!” angil ko.
Ilang ulit kong pinagpipindut ang GF hanggang sa tuluyan nila akong hinawakan sa mga braso ko at hinila palabas ng lift. I can’t believe this. I tried my best to free myself but they were too tall for me. At apat pa. Para akong magnanakaw na pilit dinadala sa kulungan.
“Bitawan niyo ko!” I forcely get off my arms. But then again, I failed. Hanggang sa maramdaman ko ang pagdiin ng hawak nila sa braso ko.
Hinila nila ako, nakatangang nakatingin lang sa amin ang sekretarya niya sa labas. At nang buksan nila ang pinto ay pilit pa akong umatras para hindi makapasok sa loob. I felt like there were seath of flame and I can’t be able to stand to it. Nakakasulasok na usok na ayokong madama. Iyon ang naging pananaw ko sa maganda niyang opisina. Na kanina lamang ay puro pinuri ko pa.
Naipasok pa rin nila ako sa loob ng walang kahirap-hirap. The cold room lingered on my skin once again. His manly scent assaulted me. Nakita ko siyang nakatayo sa harap ng glasswall, nakapamulsa at tila may malalim na iniisip. Nilingon niya ako. Humampas na naman ang puso ko nang magtama ang aming mata. Again, I felt his dominating, initimidating aura.
Agad nila akong binitawan. Napahawak ako sa sumakit na braso at hinaplos iyon. The grip was too tight. Siguro ay sa likot ko rin.
“Sir,” halos sabay-sabay nilang sabi.
“Leave.” He answer.
Mabilis ding nagtalikuran ang mga lalaki at tahimik na lumabas ng opisina niya.
I looked back. Sinarado na nila ang pintuan. Kung tatakbo agad ako, mahuhuli rin. Lalabas na lang ako at dadaan sa hagdanan. Pero saan nga ba iyon? On the right side? Or left side? s**t.
“Why did you leave me?”
I almost started when he speak again. Hinihingal ko siyang nilingon ulit. He already facing me. Nakapamulsa pa rin at may lalim akong tinititigan. The city lights became his background.
At ang ano tanong niya? Bakit ko siya iniwan?
Matagal bago ko naintindihan ang ibig niyang sabihin. Ano ba ang ibig ipakahulugan doon? Iyong past ba o iyong present? Napalunok ako. It became uneasy for me. Para bang ang general ng tanong na iyon sa akin. At ang tono pa ng pananalita niya ay nag-uusig.
But am I supposed to be emotional right now? No. The f**k.
“I said I’m not done with you.” He added after a while. Not even blinking.
I almost parted my lips but I regained my composure. It was about what what happened a little while ago. And angry runs up in my head.
“And I said f**k yourself!” nagagalit kong sagot sa kanya.
Gumalaw ang kanyang panga. Bahagyang tinaas ang mukha na para bang nagmamataas at binaba rin ilang sandali. Halos kumiwal na naman ang puso ko nang magsimula siyang humakbang palapit sa akin. Tinititigan pa rin ako.
Natatakot ako sa kanya. His face has no emotions. I see nothing but blank page.
Kaya ang tangi ko na lang naisip ay ang tumakbo palayo sa kanya. Bago pa niya ako malapitan ay umatras ako at tumalikod para makatakbo. Malalaking hakbang kong tinungo ang pintuan—pero nahaplos ko lang ang doorknob ng pinto at isang mabagsik na hila ang naramdaman ko. In just one swift move he abruptly pinned me on the door’s frame and jailed me by his large body and strong arms. Hinawakan niya ako sa aking pulsuhan nang napakahigpit. Sobrang higpit na para na akong pinipiga. He almost, almost squeezed my body against his hard body. Medyo nagulantang ako sa tigas ng kanyang katawan. I knew that his body is well-built, pero ngayon parang mas tumigas pa. Well toned at alagang-alaga.
But damn it. He smells so freaking good. I wanted to chastise myself as soon as he touched me. Halos hindi ko kayanin ang ganitong dikit. Dikit na dikit at nakakawala ng hangin. I felt the anger from his dying grip. “R-ridge,” I muttered.
My chest hurt from its beating. Yumuko ako, and he’s towering me.
Nagpumiglas ako. Pero pahigpit nang pahigpit ang hawak niya at pigil niya sa akin. Nasasaktan na ako. “L-let go of me!”
“Akin ka.”
Bahagya akong natigilan. There is firmness of character in his low dangerous voice. Tiningala ko siya at napaso sa nag-aapoy niyang mga mata.
“You’re an escort girl now? Magkano ka ba ngayong gabi? Hundred thousand? Two? Three? What about a million? I can pay you now, name your price. Whore.”
Without thinking—I slapped him. Tila nagpantig ang mga tenga ko sa kanyang sinabi. Hindi siya gumalaw kahit ng sampalin ko. Tumabingi ang mukha niya, nag-umigting ang mga panga. Nanlabo ang paningin ko pero nasinagan ko pa rin ang pagbakat ng palad ko sa kanyang pisngi.
Para akong sinaksak sa sakit. Ang hapdi sa dibdib ko na paratangan ng ganoon. Iyong bang napakababa pala ng tingin sa akin. He called me a w***e. Doble ang sakit dahil sa kanya nanggaling ang salitang iyon. The dirtiest word he ever called me. Something that would marked, left scared in me until the last breath of my life.
Gumaan ang hawak niya kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na makawala sa kanya. Itunulak ko siya, at agad na binuksan ang pintuan. I run faster. Wala na akong pakielam kahit na may makakita pa sa akin na umiiyak. Wala na akong pakielam kahit na mawalan na ako ng poise dahil sa suot ko.
Another wave of hurt summoned me. This became the usual event in entire life, but this was the worse.
Wala nang humarang sa akin kahit na nakita ko pa sa baba ang mga lalaking nag-akyat sa akin kanina. Tiningnan lang nila ako hanggang makalabas ng building na iyon. I didn’t look back. Agad akong pumara ng unang Taxi na nakita. I hopped in and gave the address. My voice is shaking kaya nilingon pa ako no’ng driver. He didn’t ask though.
Pero hanggang sa makauwi ay baon ko pa rin ang tagpong iyon namin Ridge. Ayoko nang isipin ng isipin dahil mas nasasaktan lang ako. Agad na nanlalabo ang mga mata ko. Everything in him changed. From appearnce to atitude.
O mas magandang isipin na ako ang nagpabago sa kanya. I changed him.
**
Hindi ko na kinuwento pa ang totoong nangyari sa akin kina Miss Amanda at Erin. They throw questions at me, pero sinabi ko ang totoong ugali ni August. I was disappointed too. I managed to be normal kahit pinipiga pa rin sa akin ang dibdib ko. Wala silang alam tungkol kay Ridge.
Hindi ko na pinakaelaman ang perang iniwan sa akin ni August. Pinunit ko iyon at tinapon sa basurahan. Mas gugustuhin ko pang sumabak ulit sa pagsasayaw kaysa ang gamitin ang pera galing sa kanya. He’s not a true gentleman. Maybe in physical pero iba rin pala ang tingin niya sa akin.
Pareho sila. They both look at me like a trash. Pero masisisi ko ba? Sumasayaw ako para magbigay ligaya sa mga lalaki. I used my body to allure them for money. Kahit ilang beses kong sabihin na hanggang doon lang iyon, still, this is not a good job for a quick money.
Sinipat ko ang sarili sa salamin. I am all ready again for another night. Pumayag ako ulit dahil kulang pa ang pera pambayad sa ospital. Hindi pa rin nakakapasok sa eskwelahan si Shane dahil nangyari. His teacher advised me dalhin siya counseling para maialis ang trauma. Nanlumo ako. Hindi dapat nasasaktan ng ganito ang anak ko. Nababaliw na ako sa sunod-sunod na problemang lumalatag sa akin.
I was pre-occupied nang bumukas ang pinto at may pumasok. Para akong nakatingin sa kawalan sa dami ng iniisip. Alam kong si Diana lang iyon at baka may kukunin lang pero hindi naman nagsasalita. Hindi ko na rin siya pinansin pa. In five minutes at sasalang na raw ako.
“Let me guess what you’re thinking?”
My attention got by a strong low baritone voice. I looked at the mirror and found his reflection—what the hell?
I was so shocked. He was leaning on the door. Nakahalukipkip at nakatitig na sa akin.
Mahigpit akong napahawak sa armchair nang maramdaman ang natatanging galaw ng puso simula nang makita ko siya ulit. “A-anong g-ginagawa mo dito?” my voice shook because of undeniably shock.
Napatayo ako nang gumalaw siya at mabagal na naglakad. He’s wearing his three-piece suit in black. Pinaikitan niya ng tingin ang aking dressing room. Nagtagal ang kanyang mga mata sa rack ng mga damit na sinusuot ng mga dancer. Iyon ang mga sexy lingerie na pinahiram sa akin ni Miss Amanda. At nakita ko kung paano umigting ang kanyang panga habang nakatitig doon.
Nang ibalik niya ang tingin sa akin at pasadahan ako ng kanyang mga mata—kusang umangat ang mga kamay ko at hinawakan nang mahigpit ang pulang robang nakabalot sa akin. Pakiramdam ko ay inaaninag niya ang suot ko sa ilalim niyon. Para bang namumuo sa isipan niya ang isa mga lingerie sa akin.
“Pa’no ka nakapasok dito? Guest is not allowed here,” I said as I matter of fact. At nasaan ang mga bantay sa labas? Si Diana? Si Miss Amanda? Nakalusot ba ito sa security?
But he didn’t answer me. Huminto siya sa harapan ko at lumagpas ang mga mata sa vanity area. Naroon pa ang mask na susuotin ko pa. I was already wearing my wig and contact lens.
“But I’m not only a guest. I paid for you.”
I gritted my teeth. “Get out.” Mariin kong paalis sa kanya. Hindi siya dapat nandito. Shane is in the same place as him.
Binalik niya ang tingin sa akin. Umangat ng kaunti ang dulo ng kanyang labi. Bumaba na naman ang mga mata niya sa katawan ko. “Ikaw pala ang pinagkakaguluhan sa labas. Are they waiting for you to get naked? Are you stripping for them? Or you wearing nothing inside that robe?”
I sensed the dangerous in his voice. Nangilabot ako at natakot. Gumapang ang kaba sa aking buong sistema.
I gulped. At taas noong hinarap siya. “Wala kang pakielam. Umalis ka dito.”
Bumalik ang mga mata niya sa akin—mas lalo akong natakot nang makita ang galit na namuo doon. Mas humigpit pa ang hawak ko sa roba at pilit pinatatatag ang sarili.
“Ilang lalaki na ang dumaan sa ’yo?” another dangerous tone.
Uminit ang mukha ko..sa galit. He’s humiliating me. He’s angry at me. I felt it in his every words.
“Ridge pwede ba..”
“You have no right to talk to me like that. I owned you.”
“I am not for sale.” May diin kong sagot sa kanya.
I almost saw him scoffing, “You’re just a stripper. You have no quality at all. You’re the dirtiest woman I have ever met. You need more money? Mas malaki ako magbigay kaysa kay Cervantes. Bahay? kotse? Alahas? Sabihin mo, ano ba ang gusto mo? Kaya ko nang ibigay ’yon sa ’yo. Then I’ll f**k you.” Mas tabas ng galit niyang litanya.
Tears immediately formed on the corner of my eyes. Ang mga salitang iyon parang pana na isa-isang nilipad sa akin. Gusto kong bumawi pero hindi ko kaya. I stood still habang ang mga mata niyang nagbabaga ay sinusunog ako. Nanatili ako sa kinatatayuan hanggang sa tuluyan na siyang nakalapit sa akin.
He stared at my face. Nang hinawakan niya ang wrist ko ay agad ko iyong hinila nang pagalit. Pero hinawakan niya ulit iyon, nanlaban ako. “Ano ba!” tuluyang lumandas ang luha ko habang pilit kong kumakawala sa kanya. I was silently crying. Para akong lobo na nabutas at sumabog pagkatapos no’n.
He opened my robe. He saw the sexy lingerie that I was wearing. Sa suot kong ito, para ko nang pinatotohanan ang mga binato niyang masasakit na salita. That I am a w***e. I even labeled myself as what he said. Labis-labis akong nanghina.
Nang makita na niya ay sinubukan ko ulit hatakin ang mga kamay ko pero hindi niya iyon hinayaan at mahigpit pa rin ang pagkakahawak.
“You just want to be fucked.”
Hindi ko na mapunasan ang luha ko. He’s watching me crying, tears rolling on face silently. Siguro ngayon ay nagbubunyi na siya dahil sa nakikita niya. I made him like this before. And now, it’s my turn..again.
Nakikita na niya akong miserable ngayon. Masaya na ba siya? Matagal na akong ganito mula nang maghiwalay kami. Pero baka may sasaid pa rito. “B-bitawan mo n-na a-ako,” nahihirapan kong sabi sa kanya.
Hindi pa rin siya gumalaw. Tinitigan ako. Hanggang sa itulak niya ako, tumama ang likuran ko sa lamesa at siniil ako ng halik sa labi.
Sa unang lapat pa lang ng kanyang labi ay nagprotesta na ako at pilit kumawala sa higpit ng hawak niya. but he didn’t let me. Mas diniinan pa niya ang labi sa akin. There’s no gentleness in his kiss. Mapagparusang halik iyon. I almost felt his teeth kaya mas tinulak ko pa siya, but he’s too strong. Iyon ang ginagamit niya para patuloy akong halikan.
Iniwas ko ang mukha ko, tinaas niya ang mga kamay at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Pinirme para halikan pa. “R-ridge—” tinawag ko ang pangalan niya sa gitna nang pagpupumilit niyang labi.
Tinulak ko siya sa kanyang balikat, there’s no effect. Bumaba ang isang kamay niya at pinaikot sa aking baywang para ilapit pa sa kanya. I gasped. Sobrang lakas niya.
I was stunned when he tried to open my lips by using his tongue. Pero hindi ko iyon hinayaan at diniin ang pagkakasara ng aking labi. But he bit my lip. Doon ako nasaktan kung kaya nawalan ako lakas at gumaan ang pagkakasara ng aking labi. I tasted the rustiness of my blood. I gripped on his suit, crumpled it sa hapdi ng ginawa niya.
He won. His expert tongue made its way into my mouth.
Wala na akong nagawa pa pero patuloy na lumandas ang aking luha. He stopped then and stared at me.
I was glaring at him nang biglang bumukas ang pinto. Sa ganitong posisyon ay gulat na naabutan kami ni Miss Amanda.
“Ay sorry, sorry! Excuse me,” at sinarado ulit ang pintuan.
Nagsalubong ang mga kilay ko. Bakit hindi man lang ako pinagtanggol ni Miss Amanda?
I looked at him again. Patuloy akong tinititigan. “What did you do?” Ni hindi nila ako tinawag para sa performance ko sa labas. May ginawa siyang hindi ko alam.
He licked his lips and look at my own. Doon ako nakakuha ng pagkakataon at mas malakas siyang tinulak. Inayos ko ang suot kong roba at lumabas ng dressing room. Naabutan ko pa sa labas sina Miss Amanda at Diana na may pinagtatalunan.
“Miss Amanda..ano’ng nangyayari?” tiningnan ko ang daan papunta sa stage, nangunot ang noo ko dahil parang may mali.
“Ellie..ano kasi..”
Sa unang pagkakataon ay naringgan ko ng pagkabagabag si Miss Amanda. Then there must be a problem.
Nilingon ko si Diana. And he didn’t hesitate na sabihin sa akin.
“Iyong lalaking nasa loob nagdala ng mga armadong lalaki sa labas kaya wala kaming nagawa at nakapasok siya sa dressing room mo. Tinutukan at pinaalis niya rin ang mga customer natin. And he paid..for you. Ilang milyon din ’yon,”
Napaawang ang labi ko. Tama pa ba ang naririnig ko.
“Ellie mukhang mas malalala ’yan kaysa kay August. He’s threatening us. Ipapasara niya ang club kapag hindi ka namin binigay sa kanya. I’m sorry.” Nanghihinang sabi sa akin ni Miss Amanda. Hinawakan pa niya ang mga kamay ko.
Bumukas ang pinto ay inuluwa niyon si Ridge. Nasa pormal na naman na itsura. “Magpalit ka ng suot mo.” Utos niya sa akin.
Umiling agad ako.
Nagbaga na naman ang mga mata niya sa akin.
Naramdaman ko ang naninimbang hila sa akin ni Miss Amanda. “E-ellie..kami nang munang bahala dito,”
I looked at her. “Ayoko. Hindi ako sasama sa kanya,” pagtutol ko.
Napalunok siya. “I know. Pero hindi rin namin siya kayang pigilan.” Makahulugan niyang sagot.
Para akong pinagbasakan ng mundo. Ganito na iyon. Wala na naman akong magagawa.
May dalawang lalaking humila sa akin. Pinasunod nila ako kay Ridge. I looked back at them. Shane. How about my son?