CHAPTER 5: First Kiss

1946 Words
Alwena Parang sinasabi niya na ako ang may kasalanan, ah. Eh, sino ba 'yong hindi sumipot sa kasal? Sino ba ang nagmukhang tanga, hindi lang sa sarili ko kundi sa lahat ng mga taong nakakita sa akin noong araw na 'yon?! Napakuyom ang mga kamao ko kasabay nang paghinga ko ng malalim. Hindi p'wedeng manaig ang galit ko sa ngayon at saka nakalipas na 'yon. Sobrang tagal na no'n, limang taon na! Bakit ba ako nagpapaapekto pa sa kanya? Muli akong huminga ng malalim bago humarap sa mga taong naririto. Naabutan ko siyang pumapasok na sa pinto at ang mga babaeng naririto ay hindi magkada-ugaga sa pag-selfie sa likuran ng antipatikong bakulaw na ito. "Ahm, p-pasensiya na po pero...i-ibigay niyo na lang ang trabaho sa naunang dumating. Siguro naman po ay siya 'yong mas may chance na makapasok sa kumpanya niyo," sa sinabi kong iyon ay biglang huminto sa paglalakad si Chloe at lumingon sa akin. Naningkit ang mga mata niyang dati ng singkit at nagsimulang mag-igting ang panga niya. Kumabog ng husto ang dibdib ko ngunit hindi ako nagpatinag. Tuwid kong sinalubong ang mga titig niya. Pansin ko naman ang mabilis na paglingon sa akin ng mga kakabaihan at siguro ay nagtataka sa bigla kong pag-atras. "Is that really what you want?" Tuluyan na siyang humarap sa akin. "A'right, I'll call all the agencies in this country and I'll tell them never to hire you in any job 'cause you are a choosy woman, maarte ka at hindi mo kayang gampanan ang lahat ng trabahong maaari nilang ibigay sa iyo." Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. What the-- "Because people who really want to have a job to feed his/her family will do everything--" "Oo na! Ang dami mo pang sinasabi!" sigaw ko sa inis kasabay nang paglapit ko sa kanya. Pansin ko naman sa gilid ng aking mga mata ang pagkagulat ng mga babaeng naririto pero wala akong pakialam. Sumiksik ako sa tabi ng antipatikong ito para makadaan ako sa pinto. "Tabi! Sisimulan ko na ang trabaho ko nang wala ka nang masabi!" Hindi ko na napigilan pa ang galit ko sa kanya. Ang akala ko ay magagalit siya sa inaasal ko ngunit napansin ko pa ang pagngisi niya habang nakatitig sa akin. Nilampasan ko na siya at tuluyan na akong pumasok sa loob ng malawak na opisina. "She's like the woman I want. So, the next company you all go to, you know what you're going to do so that your boss will accept you right away," dinig kong sabi niya mula sa aking likuran. Nilingon ko siya at nakita kong kinakausap niya ang mga kababaihan na kumukutitap ang mga mata sa pagtitig sa kanya. Pero tama ba 'yong narinig ko? Sira-ulo talaga! Huminto ako dito sa gilid ng unang mesa. Napakalawak at pahaba ang opisinang ito. Sa gitna patungo sa dulong bahagi ay nakikita ko ang maraming cubicle at ang ulo ng maraming mga empleyado. Ang iba ay nagsisilinga sa akin at animo'y bago pa lang nakakakita ng sexy at maganda. "Her endorsements and requirements?" Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang may nagsalita sa tabi ko. Para na namang may nagkakarerahang mga kabayo sa loob ng dibdib ko sa bilis ng kabog nito nang mabungaran ko si Chloe na halos isang dipa lamang ang layo mula sa akin. "Nasa kanya pa, Sir. Ilabas mo na dali," sabi naman sa akin ng babaeng sa tingin ko ay secretarya niya. Mabilis siyang lumapit sa akin kaya wala na akong nagawa pa kundi ang kunin sa loob ng bag ko ang envelope na naglalaman ng mga requirements ko. Tiwala naman akong hindi ito magugusot sa loob dahil medyo matigas at flat ang bag ko na mahirap mayupi. Ramdam ko ang mariing pagtitig sa akin ni Chloe kahit hindi ko siya tingnan kaya hindi ko maiwasang mailang. Hindi niya kasi ito ginagawa sa akin noon. Never niya akong tinitigan at kakaiba ang klase ng pagtitig niya sa akin ngayon, masyadong malalim. Pagkakuha ko sa envelope ay mabilis kong inilabas ang mga requirements ko kasama ang endorsement paper at iniabot ko sa sekretarya niya. "Gusto niyo po bang pag-aralan ko muna ito, Sir?" tanong ng sekretarya sa kanya. "No need," sagot naman ni Chloe kasabay nang pag-abot niya dito. "Follow me to my office, woman," baling niya naman sa akin bago tumalikod at naglakad patungo sa hallway kung saan napapagitnaan ng maraming cubicle. "Sunod ka na po, Ma'am," magiliw na ani naman sa akin ng babae habang isinesenyas niya sa akin ang hallway. "Hindi ba ako kakaratehin ng boss mo?" paniniguro ko sa kanya. "Okay lang po 'yan, Ma'am kung masarap naman po siyang mangarate," tila kinikilig niyang sagot kaya kaagad ko siyang tinapunan ng makahulugang tingin. "Oooppss! Sorry po. Hindi naman po ako ang type ni Sir saka, may jowa na po ako. Hehehe." Tinakpan niya ang bibig niya kasabay nang pag-peace sign niya sa akin. Hindi ko na lamang siya pinansin at napagdesisyunan ko nang sumunod kay Chloe. Kung bakit naman sa dinami-dami ng kumpanya dito sa Pilipinas ay bakit sa kanya pa ako napunta?! Nakakainis! Nananadya talaga ang tadhanang 'to! "Si Ma'am Alwena 'yan, 'di ba?" "Oo nga. Ano kayang ginagawa niya dito?" "Di ba, hindi siya sinipot noon sa kasal ni Sir." "Oo kasi ang sabi nila, may ibang girlfriend daw si Sir at iyon daw ang kasama noong gabi bago ang kanilang kasal kinabukasan." "Baka naghahabol na naman siya." "Ano pa nga ba? Sa gwapo at yaman ba naman ni Sir." Nagpanting ang tainga ko sa mga huli kong narinig. Mabilis kong nilingon ang mga cubicle kung saan ito nagmula. Mabilis pa sa alas kwatro naman silang nagsi-upuan at bumalik sa kani-kanilang mga pwesto. Gusto ko silang pagsisigawang lahat pero mahigpit kong pinigilan ang sarili ko dahil ayokong magmukha akong palengkera sa lugar na ito. Pero may araw din kayo sa akin! Makikita niyo! Hindi ako naghahabol sa sira-ulo niyong amo! Isaksak niyo pa siya sa kukote niyo! Muli na lamang akong nagpatuloy sa paglalakad at natanaw kong pumasok si Chloe sa pintong nasa kaliwang bahagi. Ilang pinto rin ang nakahilera doon at ang lahat ng ito ay sarado. Sa labas ng pinto ng kanyang opisina ay may isang mesa at sa tingin ko ay sa sekretarya niya ito na ramdam kong sumusunod sa likuran ko. Pagdating ko sa pinto ay inunahan na niya ako sa pagbukas nito. "Pasok na po kayo, Ma'am," magiliw pa rin niyang sabi habang ngiting-ngiti sa akin. Saglit ko na lamang siyang tinapunan ng tingin saka ako nagpatuloy sa loob. Naabutan kong nakaupo na si Chloe sa swivel chair, sa harap ng kanyang office table at kasalukuyan nang pinag-aaralan ang documents ko. Napalinga ako sa malawak niyang opisina.Napakalinis at naka-organize ang lahat. Malamig at nakakaamoy ako ng mabangong tila lavender. "Sit here." Muli kong naibalik ang paningin ko sa kanya at ngayon ay nakatitig na naman siya sa akin. Hindi pa rin nawawala ang inis ko ngunit sinunod ko pa rin siya. Naupo ako sa upuang nasa harap ng kanyang mesa. "I read your resume and it states here that...you're still single." Napansin ko ang naglalaro niyang ngiti sa kanyang natural na mapupulang mga labi. Darn, Alwena! Huwag ka d'yan tumitig! "So? Kasama po ba 'yan sa mga qualifications ng isang maintenance?" Hindi ko mapigilan ang maging sarkastiko. Mas lalo naman siyang ngumisi at muli na namang lumitaw ang mga dimple niyang una kong kinahumalingan sa kanya noon. Ngunit noon lang 'yon. "Yes." Biglang napaikot ang mga mata ko sa sinabi niya. "Eh, paano ba 'yan? May boyfriend ako at malapit na kaming magpakasal," nakangiti ko namang sagot sa kanya. Doon naman biglang nag-iba ang timpla ng mukha niya. "Pero siguro naman po ay sasapat ang ilang buwan kong pananatili dito bilang single hanggang sa matapos ko ang contract ko." Muli kong napansin ang mahinang paggalaw ng kanyang panga. Napapaisip tuloy ako kung ano ang nangyari sa noo niya. Bakit may gasa? Malakas siyang bumuntong-hininga at sumandal sa kanyang swivel chair. Muli siyang tumitig sa akin habang pinaglalaruan ng kanyang kamay ang hawak niyang ballpen sa mesa. "Sure. No problem with me. I'll even make sure you're married before you finish your contract here." Muli na namang nagbalik ang kakaiba niyang ngiti sa mga labi. Ako naman ngayon ang natigilan at napaisip. Ano na naman kaya ang tumatakbo sa isipan ng bwisit na ito? "Mind asking you how old is your daughter?" Bigla akong kinabahan sa tanong niya. Muli niyang binasa ang mga dokumento ko. "S-Siguro naman po ay labas na 'yon sa trabaho ko," kaagad kong sagot. "Four years old." Muli siyang tumunghay sa akin. Ilang beses akong napakurap at napalunok. Pakiramdam ko ay biglang nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko matandaan kung saan sa mga dokumento ko nakasulat ang tungkol sa anak ko. "Kung gano'n ay matagal na kayo ng boyfriend mo. Four years, five years? Oh, noong araw na hindi natuloy ang kasal natin?" "Wala ka nang pakialam do'n! Personal na buhay ko na 'to at labas na 'to sa trabaho ko." Bigla akong napatayo sa inis. "...Or it could be your boyfriend before our wedding day." Tumaas ang mga kilay niya habang nakatitig sa akin. "As far as I remember, I told you that we would still continue our wedding that day but you refused and ran out of my unit." Mas lalo akong napanganga sa mga sinabi niya. "Wow! Just wow, Mister Delavega! So, ako pa ang sinisisi mo ngayon kung bakit hindi natuloy ang kasal?! Ako pa ang may kasalanan? Sino ba ang nagpakalasing noong gabing 'yon? Sino ba ang nakipagtalik sa ibang babae?! Sino ba ang nagmukhang tanga sa harap ng simbahan at sa harap ng maraming tao?! Ikaw ba?!" napasigaw na ako at hindi ko na talaga napigilan pa ang sarili ko. Ngunit kakatwa namang kampante pa rin siya mula sa pagkakaupo sa silya niya at tila nag-e-enjoy pa siya sa pagtitig sa akin. Napaatras ako nang bigla siyang tumayo at humakbang palapit sa akin. "It seems like you're still affected na hindi natuloy ang kasal natin." Umikot siya sa harapan ko at ako naman ay napasandal sa mesa. "Hindi ako apektado! Binabaligtad mo lang ang mga nangyari sa atin noon. Nakalimutan ko na nga 'yon eh, ipinaalala mo lang kaya ikaw ang hindi makalimot!" Mas lalo naman siyang nangiti habang patuloy sa paglapit sa akin hanggang sa ma-corner na niya ako sa gilid ng mesa. Tinangka kong umalis ngunit mabilis niyang naituon ang mga kamay niya sa mesa, sa magkabila kong tabi. Mas bumilis ang t***k ng puso ko at nagsimulang mangatog ang mga tuhod ko. Ano bang ginagawa niya?! "You know what?" Marahan niyang hinawakan ang baba ko at iniangat hanggang sa magtagpo ang aming paningin. "You look sexy, Sweetheart while you're fighting with me." Nalulon ko ang sarili kong dila at hindi ko nagawang umimik. Ramdam ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi at hindi ko mai-alis ang pagkakatitig ko sa mga labi niya. "Cat got your tongue?" bulong niya at nalanghap ko ang mabango niyang hininga sa halos isang inches na pagitan na lamang ng aming mga labi. Hindi na ako nakagalaw at para bigla na lang akong nahipnotismo ng mga labi niyang tila nang-aakit. "Silly girl. I like how you stare at my lips, Sweetheart." Umakyat ang paningin ko sa mga mata niya at bago pa ako maka-angal ay mabilis na niyang nahapit ang baywang ko, malakas na kinabig ang batok ko at siniil ng mainit na halik ang mga labi ko. Natulala ako at hindi nakakilos sa bilis nang pangyayari. Sa loob ng limang buwan naming magkarelasyon noon ay ito pa lamang ang unang beses na hinalikan niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD