Alwena
Sinubukan ko siyang itulak sa dibdib ngunit mas humigpit lamang ang pagkakayakap niya sa akin. Maging ang pagkakahawak niya sa batok ko ay dumiin at mas lumalim pa ang kanyang mga halik.
"Uhmmnnn.." ungol ko bilang pagprotesta ngunit tila iba ang naging dating niyon sa kanya dahil mas naging agresibo pa ang mga labi niya.
Wala akong magawa sa lakas niya kung kaya't mahigpit na lamang napakapit ang mga kamay ko sa tela ng long sleeve niya sa dibdib.
Dahil sa pagpupumilit na makapasok ng dila niya sa loob ng aking bibig ay wala na akong nagawa pa kundi ang ibuka ito. Malayang gumalugad ang dila niya sa loob ng bibig ko at inabot ang sarili kong dila.
Nanghina na ang mga tuhod ko. Para akong nalalasing. Tila hinihila niya ang katinuan ko at namalayan ko na lamang ang sarili kong sumasabay na sa bawat galaw ng mga labi niya at dila niya.
Kusa ko nang naipikit ang aking mga mata at hinayaan ang sarili kong makulong sa init ng kanyang mga braso at damhin ang init ng mga halik niya.
"Baby...uhmnn.." bulong at ungol niya sa pagitan ng aming mga halik. "W-Why your... lips...uhhmnn... seem... f-familiar?"
Sa sinabi niyang iyon ay tila binuhusan ako ng isang baldeng tubig na napupuno ng yelo.
Bigla kong naidilat ang aking mga mata at tangka ko na siyang itutulak muli nang mapansin ko mula sa gilid ng mga mata ko ang pagbukas ng pinto ng kanyang opisina.
"Sir? Oooppss...waaaaahhh!!! Sorry, Sir!"
"f**k!" mahina ngunit mariing mura ni Chloe kasabay nang pagluwag nang pagkakayakap niya sa akin.
Sinamantala ko naman ang pagkakataong iyon upang tuluyang humiwalay sa kanya at lumayo.
"Goddammit, Shynn! Wala ka bang kamay para ipangkatok?!" singhal ni Chloe sa sekretarya niya at bakas sa kanya ang sobrang pagkainis.
Napayuko naman ako dahil sa kahihiyan at alam kong nangangamatis na ngayon ng sobra ang pisngi ko!
"Eh, kanina pa nga po ako kumakatok, Sir eh. Halos gibain ko na nga 'yang pinto niyo. 'Yon pala nasa langit na pala kayo kaya hindi niyo 'ko naririnig. Masarap ba, Sir?"
Halos malaglag naman ang panga ko sa tinuran ng sekretarya niya habang todo-ngiti.
"Hindi mo naman siguro gugustuhin na ito na ang maging kahuli-hulihang araw mo dito sa kumpanya ko?"
"Ikaw naman, Sir. Hindi ka na mabiro. May mga documents lang po na kailangan niyong pirmahan para maipadala ko na po sa messenger natin."
Mabilis na lumapit ang sekretarya sa mesa at ipinatong ang mga papeles niyang dala.
"Hindi ba makakapaghintay 'yan?" inis pa ring tanong ni Chloe sa kanya pero kaagad na rin naman itong dumampot ng ballpen sa mesa at inisa-isang pirmahan ang mga papel.
"Eh, nagbigay po kasi ng time schedule si Sir Prince dahil may out of town daw sila ng family niya."
"Langya talaga 'tong Jeong na 'to. Istorbo talaga."
"Thank you, Sir! P'wede niyo na po ulit ituloy ang paglipad niyo sa langit. Hihihi!" saad ng sekretarya na animo'y bulate ang katawan dahil sa likot at hindi magkaintindihan sa paglingon-lingon sa aming dalawa ni Chloe.
"Tss.." singhal ni Chloe na bakas ang pagkabugnot dahil sa naunsiyami niyang langit, kung langit nga bang matatawag ang ginawa niya sa akin kanina.
Mabilis na dinampot ng sekretarya ang mga papel sa mesa. Bigla naman akong nataranta nang akma na siyang aalis.
"Aah, s-saan ba ako mag-uumpisa. M-Magsisimula na ako," aniko kasabay nang mabilis kong paglapit sa sekretarya at hinawakan siya sa braso niya.
Sana naman ay maramdaman niya ang nais kong ipahiwatig.
Kaagad namang napalingon sa akin si Chloe na tila mas lalo yatang nainis dahil nagsisimula nang dumilim ang anyo niya.
"Stay--"
"Oo nga naman, Sir! Tanghali na. Kailangan na niyang magtrabaho dahil makalat na sa labas. Para na tayong nasa basurahan!" putol kaagad ng sekretarya sa sasabihin niya na ipinagpasalamat ko ng sobra.
Napanganga naman si Chloe at tila hindi makapaniwalang tumitig sa aming dalawa.
"But--"
"Halika na! Ikaw na lang ang magturo sa akin." Kaagad ko nang hinila ang babaeng ito palabas ng opisina dahil mukhang aalma pa si Chloe.
Ayokong makulong dito na kasama siya dahil baka hindi lang halik ang gawin niya sa akin!
"Wena!"
"Dadalhan na lang kita ng kape, Sir nang magising 'yang diwa mo!" sigaw muli ng sekretarya sa kanya kasabay nang pagsasara niya ng pinto.
Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Mukhang magkakasundo naman kami ng babaeng ito.
"Salamat," aniko sa kanya.
"Wala po 'yon, Ma'am. Pero bakit ayaw niyo? Mukhang masarap pa nama--" Kaagad ko siyang tiningnan ng matalim. "Ah, eh...hehe. M-Magtrabaho na nga lang tayo. Tara po sa pantry."
Nauna na siyang naglakad habang kakamot-kamot sa ulo niya.
Matangkad, balingkinitan ang pangangatawan, morena at makinis ang balat niya at maganda siyang babae. Hindi malayong magkagusto sa kanya ang boss niya.
Ilang taon na kaya siyang nagtatrabaho dito? Wala pa bang something-something sa kanila?
"Anong pangalan mo nga ulit?" naisipan ko siyang tanungin.
"Shynn Beera po but just call me Shynn. Surname ko lang po kasi 'yong Beera. Parang bampeera pero masarap naman po akong mangagat. Hehehe." Bahagya niya akong nilingon habang patuloy siya sa paglalakad at ako naman ay sumusunod lang sa kanya.
"Huh? May lahi ba kayo?" kunot-noo ko namang tanong sa kanya.
"Lahing ano po?"
"Lahing aswang."
Pinigilan ko ang matawa nang bigla niya akong lingunin habang nakanganga at nanlalaki ang mga mata.
"Naku naman, Ma'am. Sa ganda kong ito, ha. Mukha po ba akong aswang? Joke lang po na nangangagat ako."
"Marami namang aswang ang nagbabalat-kayo at ang karamihan ay magaganda pang nilalang."
Mas lalo pa siyang nagpakanganga-nganga sa sinabi ko.
"Hehe. I-Itatanong ko na lang po kay nanay ko ang tungkol d'yan. G-Galing po yata kayo sa bundok. A-Ang dami niyong alam." Bumakas ang takot sa kanyang mukha bago siya mabilis na tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.
Napansin ko naman ang pamilyar na lalaking makakasalubong niya na lumabas mula sa isang pinto.
Chase?
Isa siya sa anim na magkakapatid na Delavega at sumunod kay Chloe.
Kilala niya naman ako pero mukhang hindi niya pa ako napapansin dahil ang paningin niya ay nakatutok sa sekretaryang nasa unahan ko na patuloy pa rin sa pagsasalita habang nakalingon sa akin at patuloy pa rin siya sa kanyang paglalakad.
"Ewan ko ba sa nanay ko kung saan nila napulot ang last name nilang 'yon. Hindi nila ba alam na binuli-bully ako sa school dahil d'yan? Lalo na noong Elementary ako at naranasan ko ang mabungi! Bampira daw ako! Nakakainis--AY! BUNDOK MONG BAKLANG NABUNGI!" napasigaw siya nang muntik na siyang sumubsob sa sahig ngunit kaagad naman siyang nasalo ni Chase.
"Tss...can you look where you're walking?" singhal ni Chase sa kanya ngunit nasaksihan naman mismo ng aking mga mata kung paano niya tinalakid ang mga paa ng dalaga noong magkakabanggaan na sila.
"S-Sorry, Sir. A-Andyan pala kayo." Mabilis na bumitaw si Shynn kay Chase at kaagad na lumayo.
Napansin ko naman ang paggalaw ng panga ni Chase sa hindi ko malamang dahilan. Kung sa pagkakabanggaan ba nila o sa mabilis na paglayo sa kanya ni Shynn.
"Suot-suot ng high heels, hindi naman bagay," saad ni Chase sa kanya habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa.
Hindi naman nakaimik si Shynn at nakasimangot na hinubad ang suot niyang high heels. Walang sapin niyang iniapak ang mga paa niya sa malamig na tiles.
Napansin ko ang magagandang hugis ng mga daliri niya at mukhang bagong pedicure ang mga kuko niya. Kulay black ang color ng nail polish niya na bumagay pa rin sa kanya kahit morena siya.
"Tsk." Tumaas lang ang sulok ng labi ni Chase bago tinalikuran si Shynn.
Nagulat ako sa inasal niya dahil hindi ko naman siya nakilalang ganyan noon. Never siyang nambastos ng babae. Kahit sa akin o sa kaibigan kong si April ay maayos ang pakikisama niya.
"Good morning, Sir," mahina kong bati sa kanya at doon pa lamang natutok ang paningin niya sa akin.
Kaagad na namilog ang mga mata niya at bakas ang pagkagulat sa mukha niya.
"Wena?! Holy, s**t! Ikaw nga!" Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Nagulat din ako nang bigla niya akong ini-angat sa ere!
"C-Chase!" Napalingon ako sa buong opisina at lahat ng mga empleyadong naririto ay nasa amin na ang paningin. "I-Ibaba mo na 'ko."
Bahagya ko siyang tinapik sa magkabila niyang balikat. Kaagad din naman siyang sumunod.
"Damn! I f*****g miss you!" sigaw pa rin niya kasabay nang pagsapo niya sa magkabila kong pisngi at paghalik niya sa mga ito. Halos mahalikan na rin niya ang mga labi ko!
Nagulat ako at hindi kaagad nakapagsalita. Bukod doon ay nakikita ko rin si Shynn sa likuran niya na kumikibot-kibot ang nguso na tila ginagaya niya ang sinasabi ni Chase habang tumitirik-tirik ang mga mata at walang tamang direksyon kung saan ito nakatingin.
"Saan ka ba nagsusuot? Do you know we've been looking for you for f*****g decades?!" bulalas ni Chase sa harapan ko. Nagawa niya ring pagmasdan ang hitsura ko.
"Ah, eh."
Napakamot ako sa aking ulo.
"A-Ang o.a naman ng decades mo at saka, hindi naman ako nawala. Hindi lang talaga tayo nagkita dahil sa iba ka nakatingin," sabi ko habang pa-simple kong iniaalis ang mga kamay niya sa pisngi ko.
Bigla naman siyang natigilan at napanganga sa akin.
"Charot lang," kaagad ko namang bawi.
Ngumiti din naman siya kaagad pero napansin ko ang paglingon niya sa likuran niya. Naroroon pa rin si Shynn at tila bored na mula sa pagkakasandal niya sa pader.
"So.." Muling bumaling sa akin Chase. "Nagkita na ba kayo ni Kuya? Nag-usap na ba kayo? What now? Matutuloy na ba ulit ang kasal? You know you're very welcome in our family. If you don't like my brother, I'm here. I am completely FREE."
Napansin ko ang pagdiin niya sa salitang free. Pasimple kong sinulyapan si Shynn sa kanyang likuran pero muli lang tumirik ang mga mata nito habang kumikibot-kibot ang nguso. Pumasok na rin ito sa pintong nasa kanyang tabi.
Napansin ko ang muling paglingon ni Chase sa likuran niya pero hindi na niya inabutan pa doon si Shynn.
"Ahm, n-narito lang ako para sa trabaho," sabi ko nang tangka siyang lalapit sa pinto kung saan pumasok si Shynn kaya muli siyang lumingon sa akin.
"What?" Kumunot ang noo niya at muling lumapit sa akin.
"Oo. Hindi ko naman alam na kumpanya niyo pala itong mapupuntahan ko." Napansin ko ang pagsulyap niya sa likuran ko.
"B-But you don't have a husband yet, do you? So, you and my brother still have a chance."
Hindi kaagad ako sumagot at huminga muna ng malalim.
"W-Wal--"
"Wala na." Namilog ang mga mata ko at mabilis na lumingon sa tabi ko.
Muling kumabog ng mabilis ang dibdib ko nang mabungaran ko doon si Chloe na walang emosyong nakatitig sa akin.
"She already has a boyfriend and they have a child. She's four years old. So, who am I to chase her? Magiging kawawa lang ang bata kapag pinaglayo ko sila ng kanyang ama. Masasaktan lang ang anak niya at hindi ako gano'n kasama para hadlangan ang kaligayahan nila."
Tagos sa puso ang tinuran ni Chloe. Biglang lumarawan sa isipan ko ang mukha ng anak ko. Napayuko ako at hindi ko naiwasang kwestunin ang sarili ko.
Masama ba akong ina? Sarili ko nga lang ba ang iniisip ko? Alam ko kung ano ang kailangan ng anak ko pero hindi ko iyon magawang ibigay sa kanya.
"So, I'm giving you the decision to choose. Whether you leave my company...or you stay."
Napatingala ako kay Chloe at hindi nakapagsalita.
"If you choose to stay here with me, hindi ko maipapangako sa iyo na magiging tahimik ang buhay mo dito."
"A-Ano?"
Napakurap ako habang nakatitig sa kanya. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.
Mas lumapit pa siya sa akin at isinumping sa tainga ko ang ilang hibla kong buhok na nagkalat sa pisngi ko.
"Because if you choose to be here, I'll make sure you never get out of here. Because you...will be one of my possessions," bulong niya habang mariing nakatitig sa mga mata ko.
Natulala na lamang ako at hindi na nakahanap pa ng isasagot.
Hanggang sa talikuran na niya ako.