bc

The Wedding Betrayal (Tagalog-R18)

book_age18+
73.7K
FOLLOW
557.6K
READ
billionaire
escape while being pregnant
arrogant
single mother
drama
bxg
office/work place
betrayal
virgin
wild
like
intro-logo
Blurb

[SPG/MATURE CONTENT]

Nagsimula ang lahat noong maging kapareha ko sa kasal ang pangalawang anak ng bilyonaryong si Mister Charlie Delavega na si Chloe Delavega. Siya ang best man ng kapatid na panganay niyang si Charles at ako naman ang maid of honor ng bestfriend kong si April.

Tampulan kaming dalawa ng tukso lalo na noong ako ang makasalo ng bouquet ni April at si Chloe naman ang nakasalo ng garter ng bride.

Ayon sa mga matatanda noong una ay kung sino daw ang makasalo ng mga bagay na ito ay ang siyang susunod na ikakasal.

Hindi lingid sa kaalaman ko na malaki ang pagkakagusto ni Chloe kay April. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata habang ikinakasal ang kapatid niya sa babaeng gusto niya at narito naman ako para maging sandalan niya.

Inalok niya akong subukan naming dalawa, baka daw sakaling mag-work. Pumayag ako dahil gusto ko siya at baka ako ang maging dahilan upang makalimutan niya si April na ngayon ay hipag na niya.

Noong una ay matamis, puno ng tawanan, biruan, asaran at lambingan. Ngunit sa pagdaan ng mga araw, linggo at buwan ay nag-uumpisa na rin siyang manlamig na isa sa pinakamalaking kinatatakutan ko.

Dahil tuluyan nang lumalim ang pagtingin ko para sa kanya at alam kong mahihirapan na akong makaahon pa.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE:
Alwena "Ayos ka lang ba? T-Tinatawagan na ni Charles si Chloe. Baka nasiraan lang 'yon o kaya ay naipit sa traffic. B-Basta, relax ka lang muna d'yan, ha. Darating din 'yon." Ilang beses akong tumango sa sinabi ng kaibigan kong si Uno. Maging sa kanya ay nararamdaman ko na rin ang tensyon at pagkataranta katulad ng mga magulang at mga kapatid ni Chloe na paroo't parito sa labas ng simbahan habang naghihintay sa pagdating ni Chloe. Muli kong binuksan ang bote ng tubig na hawak ko at tinungga ito. Kitang-kita ko ang pangangatal ng aking kamay na kanina ko pa pinipigilan. Muli akong huminga ng malalim at pilit iniibsan ang paninikip ng aking dibdib. Paulit-ulit ko na ring kinukurap ang aking mga mata upang hindi dumami ang pamumuo ng mga luha sa aking mga mata. Naibaba ko ang aking paningin sa hawak kong pumpon ng bulaklak. Sa kaliwa kong kamay, suot ko ang isang magarang engagement ring. "Nasaan na ba kasi 'yang kapatid mong 'yan?! Aalis na ang Pari dahil halos isang oras na tayong naghihintay sa kanya! Pati ang mga bisita ay naiinip na at nagrereklamo na rin!" Halos humagulgol na si tita Lhevyrose sa labas ng sasakyan. Nananatili naman akong nakaupo dito sa loob ng kotse at hindi ko na magawa pang magsalita. Nagugusot ko na rin ang puting palda ng suot kong gown dahil sa hindi ko mapigilang ikuyom ang aking kamao. Ngayon ang araw ng aming kasal pero mukhang pagluluksa ang ipagdiriwang ko sa araw na ito. "I don't know, mom! Alam kong umalis siya kagabi pero ang sabi niya ay uuwi naman daw siya kaagad!" sagot naman ni Charles sa kanyang ina. "K-Kuya, u-umalis na tayo," mahinang ani ko sa driver na nasa unahan. "Ma'am, h-hindi na po ba natin hihintayin si sir?" "P-Pupuntahan na lang natin siya." "Sige po." Kaagad tumalima ang driver at mabilis na pinaandar ang kotse paalis ng simbahan. "Weng, saan ka pupunta?! Bumalik ka rito!" Nakita ko ang ginawang paghabol ni Uno sa aming sasakyan. "Kuya, pakibilisan." Kaagad namang sumunod ang driver hanggang sa tuluyan na kaming makalayo ng simbahan. Umabot lang ng halos kalahating oras ang aming binyahe bago narating ang condo na alam kong may unit si Chloe. Mabilis akong lumabas ng sasakyan at walang pakialam sa lahat ng mga taong naagaw ko ang atensyon. Sino ba naman ang hindi? Napakagara at mamahalin ng gown na suot ko pero nasayang lang ang lahat ng ito. Mabilis kong tinungo ang elevator. Nagkanda-sabit-sabit na ang kahabaan ng suot kong gown at nasira na ang mga laylayan nito ngunit wala akong pakialam. Hinubad ko na rin ang suot kong sapatos at iniwan na lang kung saan. Ilang minuto lamang ay naririto na ako sa tapat ng pinto ng unit ni Chloe. Huminga muna ako ng malalim bago pinindot ng paulit-ulit ang doorbell. Hindi rin nagtagal ay kaagad din itong bumukas at bumungad sa aking harapan ang mumukat-mukat pang lalaki. Wala siyang anumang saplot sa katawan. Tadtad ng chikinini ang leeg at dibdib at mantsa ng lipstick sa pisngi at mga labi. Nasilip ko rin sa loob ang mga nagkalat pa na bra at panty ng babae sa sahig. "W-Wena..." Bakas ang pagkagulat sa kanyang mukha nang masilayan na niya ako. "H-Hi..." Gumaralgal na ang aking tinig ngunit nagawa ko pa ring ngumiti. "f**k! W-What time is it now? A-Am I late? Dammit! I-I'm sorry, I'll just get dressed. Don't worry, I'll be quick." Bigla siyang nataranta at mababakas ang guilt sa kanyang mga mata. "N-Nakauwi na silang l-lahat," mahina kong sabi. Napahinto naman siya at lumingon sa akin. Pinilit kong pigilan ang nagbabadyang pagbagsak ng aking mga luha. Mabilis kong hinubad ang engagement ring na aking suot at lumapit sa kanya. "H-Heto na." Kinuha ko ang kanyang kamay at ipinatong doon ang singsing. "W-Wena..." Napatitig siya sa akin. Puno nang paghingi ng tawad ang kanyang mga mata. "O-Okay lang. O-Okay lang ako. A-Alam ko naman na h-hindi ako ang nararapat na magsuot niyan." "W-Wena, you're wro--" "Ssh," kaagad kong putol sa kanya. "O-Okay lang talaga ako, huwag mo akong intindihin. Kailangan ko na rin umalis. Pasensya ka na sa naging abala ko sa 'yo. H-Huwag kang mag-alala, magpapakalayo-layo na ako." "W-Wena..." Pinanatili ko ang maganda kong ngiti sa aking labi. Tumingkayad ako at binigyan siya ng magaang halik sa kanyang pisngi. "Paalam." Mahal na mahal kita. Sa aking pagtalikod, kasabay niyon ay pagbuhos ng mga luha sa aking pisngi. Umasa pa rin ako na hahabulin niya ako at pipigilan ngunit nakapasok na ako sa loob ng elevator at hanggang sa magsara ito ay walang Chloe ang pumigil sa akin. Napangiti na lamang ako habang sumasabog ang aking mga luha. Mahal kita, Chloe at hiling ko ay maging masaya ka sa naging desisyon mo. Alam kong ito ang gusto mo. Tinulungan lang kita upang hindi ka na mahirapan pa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
839.3K
bc

My Innocent Boyfriend(TAGALOG SPG18+)

read
390.2K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
475.5K
bc

Fight for my son's right

read
149.3K
bc

Wildly and Desperately (TAGALOG/SPGR18+)

read
641.6K
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
635.1K
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
553.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook