Third Person "So, what was the result?" tanong ng dalagang si Yesha Mcfadden sa pinsan nitong si Karl Aragon nang sila ay magkita sa lobby ng condo kung saan may kanya-kanya silang unit. Kasalukuyan nang papasok noon si Yesha sa loob ng elevator habang sakay ng wheelchair niya at itinutulak ng isa ring Doctor. Samantalang si Doctor Karl naman ay palabas upang magtungo sa office ni Mister Chloe Delavega. "It's confidential." Iniwanan lang ng isang kindat ni Karl si Yesha at bahagyang tinanguan ang kasama nitong Doctor bago ito tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad. Napahabol naman ng tingin sa kanya si Yesha bago sa huli ay ngumisi at nagpatuloy sa pagpasok sa loob ng elevator. "Sundan na lang natin kaya siya? I want to know how Chloe will react when he finds out the contents of the DN