Alwena Inabala ko ang sarili ko sa pagluluto sa kusina. Naka-lock ang pinto ng silid ni Chloe kaya't hindi ako nakapasok sa loob. Sa palagay ko ay ayaw niya akong papasukin sa loob kaya't hindi na lang ako kumatok. "Dade! Aalis ka po?!" Napabaling ako sa pinto ng kusina nang marinig ko ang malakas na tinig ni Charleigh sa labas. Kaagad akong nagtungo doon upang sumilip sa sala. "May pupuntahan lang si daddy. Babalik din ako." Natanaw ko doon si Chloe na bihis na bihis ngunit wala naman siyang dalang anumang bag. "Dade, bili mo 'ko jobee, ha?" "Sure. Kiss muna ni daddy." Kaagad silang nag-kiss sa lips. "Babay, Dade! Ingat." "I will, baby." Bago tuluyang tumalikod si Chloe at magtungo sa pinto ay lumingon muna siya sa kinaroroonan ng kusina. Nagtama ang aming mga paningin ngunit