Alwena Hindi ako mapakali. Paroo't parito ako sa loob ng buong unit habang ang anak ko naman abala sa paglalaro sa sala kasama ang mga toys niya. Muli kong ni-diall ang contact number ni Ligaya ngunit out of coverage pa rin ito hanggang ngayon, simula pa kaninang umaga. "Bakit ba hindi niya binubuhay ang phone niya?" Napatingin akong bigla sa pinto. Mabilis akong lumapit doon at sumilip sa peephole. Walang katao-tao sa labas. Tumingin din ako sa orasan na nakasabit sa wall, sa itaas ng t.v. Ala una na ng tanghali at katatapos lang din namin magtanghalian ni Charleigh. Nagdadalawang-isip ako kung pupuntahan ko na lang kaya si Ligaya sa bahay nila. Alam ko naman ang address niya. Kailangan ko siyang makausap. Mabilis ko munang kinontak ang phone number ni Chloe upang magpaalam sa kanya