Alwena "Mamaaa!" Napalingon ako sa pinto ng kusina at nabungaran ko doon ang pagpasok ni Chloe habang buhat si Charleigh. May bitbit ang anak ko ng isang malapad na lollipop candy at kasalukuyan na niya itong kinakain-kain. "Bigay ni tito Kar. Lollipop. Hmm, sarap! Gusto mo po, Mama?" Saglit akong napahinto sa sinabi niyang 'yon. Nagkaharap din sila ni Karl. "Dapat mamaya mo na lang 'yan binuksan, anak. Kakain na tayo ng kanin." "Luto na ba 'yan?" tanong naman ni Chloe habang sinisilip niya ang ulam na niluluto ko. "Luto na ito. Maupo na kayo, kakain na tayo." Kaagad din naman silang tumalikod at nagtungo sa mesa. "Nand'yan pa ba sila?" tanong ko matapos kong patayin ang gas range. "They're gone," mahinang sagot naman niya na parang wala lang. Naupo na sila sa mga silya nguni