Alwena "Yey! Ang galing!" Hindi magkamayaw sa saya si Charleigh habang sakay kami ngayon ng isang giant ferris wheel. Nanlalaki ang mga mata niya habang pumapalakpak at nakatingin sa ibaba. "Come, baby." Kaagad naman siyang hinila ni Chloe at iniupo sa kandungan niya. "Dade, ang taas-taas na natin! Para na tayong nasa langit!" "Yeah. Nakikita mo ba 'yong mga 'yon?" Itinuro niya ang mga nagtataasang mga gusali sa hindi kalayuan na natatanaw namin. "Alin po?" "Yong mga malalaki at matataas na building." "Opo!" "Pag-aari ang lahat ng 'yan ni daddy." "Wow! Ang galing!" Kaagad namang nanlaki ang mga mata ni Charleigh si sinabing iyon ni Chloe. "Gusto ko makarating do'n, Dade!" "Malilibot mo rin ang lahat ng 'yan paglaki mo." "Ibig sabihin ang yaman-yaman mo po?!" Napangiti naman