Mabilis na lumapit sa amin ang lalaking kasama ni Alwena at kinuha mula sa mga braso ko ang batang babae. Ngunit bago iyon ay mabilis na humalik muna sa pisngi ko ang bata habang nakayakap sa leeg ko ang isa niyang braso.
"Thank you, po!" she roared before finally moving into the arms of the man she called Papa.
I stared at her innocent face and couldn't understand why I felt something strange in my chest.
"It's alright, baby," I answered while gently caressing her cheek. "Next time huwag ka nang lalayong muli sa Papa mo at sa...M-Mommy mo."
"Opo!" magalang niyang sagot bago tuluyang yumakap sa leeg ng lalaking mariin ang pagkakatitig sa akin ngunit hindi ko mabasa ang nais ipahiwatig ng mga mata niya.
Muli kong nilingon si Alwena ngunit hayan na naman siya. I could no longer read any emotion on her face and in her eyes even though she was also staring at me.
"Thanks," saad ng lalaki sa akin bago tuluyang tumalikod at lumapit na kay Alwena. "Let's go, baby."
Hinapit nito sa baywang si Alwena at hinila na papalayo.
I couldn't move from where I was standing and just kept staring at them. Isang masayang pamilya sila kung titingnan habang ako ay tila isang malaking talunan mula sa isang giyera.
Naikuyom ko ang mga kamao ko at hindi ko mapigilan ang pagtagis ng bagang ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang sikip-sikip ng dibdib ko.
Parang gusto kong magwala sa hindi ko maintindihang dahilan.
***
I just found myself in a bar here still in McKinley.
The Delavegas also have their own bars here in Mckinley ngunit hindi ko na nagawa pang magtungo doon at basta na lamang akong pumasok sa unang bar na nadaanan ko.
"What's yours, Sir?" asked the girl bartender mixing the wine.
"Do you have Spíritus Stawski?"
"Meron naman, Sir pero limited lang." Naglabas siya ng isang bote nito at tangka na sanang kukuha ng isang shot glass na nakahilera sa gilid nang mabilis ko nang inagaw ang bote mula sa kamay niya.
"I can manage," I answered, then quickly opened it.
"Hmmn...wala naman siguro kayong balak na magpakalasing, Sir, hindi ba? I'm just reminding you that it's one of the strongest hard drinks of all."
"I know right. You don't even have to tell me that. Just go back to your crazy stuff. I'll pay more than your price." Kaagad kong tinungga ang laman ng bote. Mabilis namang humagod ang init nito sa lalamunan ko pababa sa sikmura ko.
"Oh, I'm sorry if I offended you, Sir. This is just a good reminder for all our customers here so that they can still be safe on their way home, lalo na kung sila ay magmamaneho pa ng kanilang mga kotse," kibit-balikat niyang sagot bago muling bumalik sa kanyang gawain.
Tsk. Ang daldal.
Hindi ko na lang siya pinansin at muling tinungga ang hawak kong bote.
The scene earlier in Venice came back to my mind. Halos wala pa rin namang nagbago sa kaniya. She's still a simple woman just like before. Parang kahapon lang nangyari ang lahat.
Ngunit ang hindi ko matanggap ay ang katotothanang may sarili na siyang pamilya, na nakuha niya sa iba at hindi sa akin. Bullshit!
Muli kong tinungga ang laman ng bote. Ilang sandali lang ay kaagad na akong nakaramdam ng pagkahilo.
I've been looking for her and waiting for her for f*****g five years! Pero ito lang pala ang ibubulaga niya sa akin!
At sino 'yong bastardong lalaking 'yon? Saan niya nakilala 'yon? The mere fact of him touching my girl makes me want to kill him! Damn it!
Suddenly, I heard something shatter, and my hand ached.
"Sir!" sigaw ng girl bartender kasabay nang mabilis niyang paglabas sa bar counter at paglapit sa akin.
Napatingin ako sa kamay ko at doon ko nakitang nadurog na pala ng kamao ko ang leeg ng boteng hawak ko at kasalukuyan nang nagdurugo ang palad ko. Siguro ay sa tindi ng galit ko.
Wala sa sarili kong binitawan ang bote ngunit nalaglag naman ito sa sahig na siyang tuluyang ikinabasag nito.
Nagkalat sa sahig ang mga pinong bubog nito.
"Please don't move, Sir. Baka po mas masugatan kayo," said the girl bartender as she picked up large chunks of broken bottles. "Tony! Patulong kay, Sir! Nasugatan ang kamay niya!"
Napansin kong may ilan nang lumapit sa amin. Tumayo ako ngunit umikot ang diwa ko.
Namalayan ko na lamang na may mga braso nang nakayakap sa akin. I quickly looked at whoever this f*****g bastard was behind me, and I saw this man, but he looked gay while smiling at me like a fool.
"s**t. Don't f*****g touch me, you motherfucker!" Mabilis at malakas ko siyang itinulak ngunit dahil sa hilo ay natumba ako at sumubsob sa sahig.
Tila tumama sa isang matalas na bagay ang noo ko at nakaramdam ako ng munting hapdi.
"God, Sir! Help!" dinig kong sigaw ng girl bartender ngunit dahil sa kalasingan ay hindi ko na nagawa pang tumayo. Nararamdaman ko rin ang pagkakagulo ng mga tao sa paligid at mga yabag nilang masakit sa ulo.
"Ang dami niyang dugo! Call ambulance!"
"Ambulance! Ambulance!"
Sino bang dadalhin sa hospital? Mga lintek.
I scratched my eyebrow, but I felt something sticky on my forehead. In my blurred vision, I stared at my fingers and saw a lot of red liquid.
"Buhatin niyo na siya!"
I gasped as I stared at my fingers. What the f**k is this? Is it blood?
Bago tuluyang magdilim ang paningin ko ay pinagtulungan na akong buhatin ng mga hindi ko kilalang mga tao sa paligid.
***
"Ano na naman ba ang pinaggagawa mo sa sarili mo, Chloe?! Ganyan ka na lang ba lagi?! Kailan ka ba magbabago?!" pagpuputak ni Mommy ang bumungad sa akin matapos kong magising sa isang silid ng hospital.
Napahilot ako sa sentido ko. Mas lalo pa yata itong nanakit dahil sa bunganga niya. Nakita kong balot ng gasa ang kaliwa kong kamay at may nahawakan din ako sa noo ko.
"Lagi na lang tayong laman ng mga hospital dahil sa kapabayaan mo sa sarili mo! Gusto mo na bang magpakamatay?!" Narinig ko ang paghikbi niya kaya't nakadama na naman ako ng guilty sa dibdib ko.
Yeah, right. Totoo naman.
Ilang beses na nga ba akong naho-hospital sa tuwing nalalasing ako? Lagi akong laman ng bar gabi-gabi at bihira ang mangyaring hindi ako napupunta sa hospital dahil sa pakikipagbasag-ulo ko.
I became stubborn after five years. Simula noong hindi matuloy ang kasal namin ni Alwena. Hindi ko rin alam kung bakit naging ganito na ang buhay ko, imbes na magsaya ako dahil wala naman akong nararamdamang pagmamahal para kay Alwena noon.
"Huwag mo naman akong pahirapan ng ganito, Anak! Kahit ano pa ang gawin mo, hindi mo maiaalis sa akin ang mag-alala dahil anak kita!"
Nakaramdam ako ng awa para sa mommy ko nang makita kong umagos ang mga luha niya sa pisngi.
"I'm sorry, Mom," I softly answered as I bowed my head in front of her.
Hiyang-hiya na rin ako sa kanila dahil sa mga pinaggagagawa ko sa buhay ko ngunit sa tuwing tinatamaan ako ng lungkot ay hindi ko pa rin mapigilan ang maglasing at ibaling sa iba ang mga nararamdaman kong hindi ko maintindihan sa sarili ko.
"Lagi mo na lang ding sinasabi 'yan pero paulit-ulit mo rin namang ginagawa!"
I didn't answer because I knew I was wrong.
Ayoko ring mangako dahil baka hindi ko na naman matupad, especially now that I've found Alwena. But what's worse is that there's no hope that I can get her back because she already has a family.
Pakiramdam ko ang dating miserable ko nang buhay ay mas lalo pang lumala, ngayong natagpuan ko na siya matapos ang limang taon.
Bumukas ang pinto ng silid at pumasok ang mga nakababata kong mga kapatid na lalaki habang nakangisi sa akin at ang iba ay binibelatan pa ako. Mga lintek.
***
DAYS PASSED
Alwena's POV
"Sige na naman, Marekoy. Para namang hindi tayo magkumare niyan, eh. Babayaran ko rin naman sa susunod na sahod ni kumpare mo. Ang ganda-ganda talaga nito! Saktong-sakto sa dibdib ko!"
Lihim na lamang akong napasimangot sa tinuran ni Tinay habang hindi siya magkada-ugaga sa pagsukat ng push up bra na hawak niya, na in-order niya sa akin.
Bagong order na naman niya 'yan pero 'yong in-order niyang panty noong nakaraang dalawang buwan pa ay fifty pesos pa lamang ang naihuhulog niya sa halagang six hundred twenty-five pesos! B'wisit.
Tapos ngayon ay dadagdagan na naman niya ng bra na nagkakahalaga ng four hundred fifty pesos.
Tinatawag niya akong kumare kahit nabinyagan na ang anak niya at hindi naman niya ako kinuhang ninang. Ni hindi nga niya ako inimbita o nagpadala man lang ng kahit isang pirasong shanghai. Samantalang, magkatapat lang naman kami ng inuupahang apartment!
"Oh sige, pero last na 'yan, ha? Bayaran mo muna ako bago ka ulit kumuha. Inabunohan ko na 'yon sa Natasha, eh. Pambili sana iyon ng gatas ng anak ko. Paiinumin ko na lang muna siguro siya ng milo." Sinadya kong kunsensyahin siya dahil sa inis ko pero ang totoo ay may gatas pa namang maiinom ang anak ko.
"Naku naman, ang laki-laki na ng anak mo. Pinaggagatas mo pa rin? At saka ang taba-taba na niya. Hindi na niya kailangan 'yon." Tumayo na siya at handa nang umalis dahil naririto lang naman kami nakatambay sa pinto ng apartment ko.
"Kahit naman ang matatanda, umiinom pa rin ng gatas at saka ayokong maging malnourished at magkasakit ang anak ko kaya kinukumpleto ko ang gatas at mga vitamins niya." Sinadya ko ring paringgan siya dahil ang mga anak niya ay sobrang papayat at parang hindi nila pinakakain.
Inuuna kasi ang kapritsuhan niya at pag-iinom nila ng asawa niya.
"Oo na, oo na. Basta, babayaran ko rin kaagad 'to. Huwag kang mag-alala. Malay natin, manalo sa mahjong si kumpare mo mamaya eh 'di, mababayaran kita kaagad, ha? Aalis na ako at maghahanap pa ako ng mauulam sa talipapa. Sige, Marekoy!"
Hindi pa ako nakakasagot ay mabilis na niya akong tinalikuran at pumasok sa kanilang apartment.
Tsk. Napahinga na lamang ako ng malalim sa sobrang gigil!
"Hinding-hindi ka na talaga makakaulit!" mariin kong sabi sa sarili ko habang nakatanaw sa nakasarado na nilang pinto.
"Mama, may tumatawag!" Napalingon ako sa anak ko na lumapit sa akin habang hawak ang cellphone ko.
"Patingin, anak." Kaagad ko itong kinuha sa kanya at nakita kong landline number ang nasa screen at totoo ngang tumatawag.
Bigla akong kinabahan. Sino kaya ito?
Kahit maraming telephone number ang inaasahan kong tatawag sa akin sa bawat araw dahil sa trabaho kong direct seller at mula sa kumpanyang in-apply-an ko ay hindi ko pa rin maiwasang hindi kabahan. Lalo na nitong mga nagdaang araw at hanggang sa ngayon.
Pakiramdam ko ay bigla na lamang kaming bubulagain dito sa aming apartment ng anak ko ng kung sino man.
"Sino po 'yan, Mama? Bakit ayaw mo pa pong sagutin?" tanong ng anak ko na apat na taong gulang pa lamang ay usisera na.
"Halika ka nga dito." Hinila ko siya patungo sa sofa at iniupo sa kandungan ko. "Huwag kang maingay, ha. Baka boss itong tumatawag. Ayaw niya ng maingay na bata kaya quiet ka lang, okay?"
"Opo!" Kaagad siyang tumango at sumandal sa dibdib ko.
Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang sinagot ang numerong tumatawag.
"H-Helow?" Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at pakiramdam ko ay nadidinig iyon ng anak ko.
"Hellow, good morning! Is this Miss Alwena Addison, Ma'am?" Isang babae ang sumagot mula sa kabilang linya kung kaya't nakahinga ako ng maluwag.
"O-Opo. Sino po ito?" Ang unang pumasok sa isip ko ay ang agency na in-apply-an ko kahapon lang.
"Ma'am, this is from the ROHO Job Manpower Agency. I want to let you know that you passed the exam you took yesterday, February 02."
Kaagad na namilog ang mga mata ko sa narinig ko.
"T-Talaga po?!" Bigla akong nakaramdam ng excitement. Maging ang anak ko ay bumangon mula sa pagkakasandal niya sa dibdib ko at tumitig sa akin.
"Yes, Ma'am. You must report to the office tomorrow at 9 a.m. with your complete requirements."
"Yes, Ma'am! Thank you po talaga! Aaagahan ko po bukas."
"Okay, Ma'am. And please wear proper formal attire."
"Yes, Ma'am. Salamat po!"
Pagkaputol sa linya ay kaagad kong niyakap ng mahigpit ang anak ko.
"Oh, my God, anak! Magkakatrabaho na si Mama!"
"A-Aray, Mama! Ang higpit naman ng yakap mo po!" Mabilis din naman akong napabitaw sa kanya at nakita ko siyang nakasimangot.
"Sorry agad." Pinaghahalikan ko ang kanyang napaka-cute na nguso.
"Bilhan mo na po ulit ako, Mama ng maraming coloring book, ha! May work ka na eh."
"Hmmn...s'yempre, mabibilhan na kita ng higit pa sa coloring book kapag may sahod na si mama. Wala pa akong pera ngayon, anak. Papasok pa lang si mama sa work at ipag-pray mo na sana ay matanggap ako bukas doon sa company na pupuntahan ko."
"Sige po! Basta marami, ha?!"
"Aha, kaya halika na. Mag-shower na tayo habang maaga pa dahil mamaya ay maniningil pa ako sa mga may utang sa atin." Dinala ko na siya sa maliit naming banyo para paliguan.
Kahit maaga akong nainis sa kapitbahay naming pala-utang ay may maganda pa ring balita sa araw na ito.
Lahat na ng direct selling ay pinasok ko na para kumita at masuportahan ko ang gastusin naming mag-ina. Kahit nga ang pag-uukay-ukay ay ginagawa ko na rin.
Basta, lahat ng pwede kong pagkakitaan, kahit ten pesos lang ang patong ko ay okay na 'yon. Pera pa rin 'yon. Makakabili pa rin 'yon ng talbos ng kangkong.
Bukod sa pagkain ay nagbabayad pa kami ng renta sa apartment. May bayarin pa sa ilaw at tubig at hindi na talaga sasapat ang kinikita ko lalo na't ang iba ay mga buraot. Ni hindi man lang makaisip magbayad! Mga b'wisit!
Sana ay matanggap ako bukas sa kumpanyang pagdadalhan sa akin ng agency. Baka sakaling makakuha pa ako doon ng mga customer at good payer.
Hmm...tama! Ang ganda ng ideyang naisip ko!