As I came out of the bathroom, I heard a soft knock on my door. Lalapitan ko pa lang sana ito nang kaagad na itong bumukas at dumungaw si May-may.
"Magandang umaga! Narito na ang mga damit mo. Naayos ko nang lahat," she chirped. She continued to enter my room and carried my clothes on hangers.
She didn't even bother to see me in a boxer. Kunsabagay, sa loob ng isang taon niyang pananatili dito sa mansion na ito, hindi pa ba siya masasanay?
"Ang sipag mo talaga. It's too early," I replied while scratching my eyebrow.
"Mas mabuti na ang maagap para mas marami pa ang magawa." Nagpatuloy siya hanggang sa aking closet room. Sanay na sanay na talaga siya sa mga ginagawa niya.
Si Chane ang nakaisip ng idea na 'yan na isama dito sa mansion ang nakababatang kapatid ni April upang maging yaya niya. 'Yon nga lang, imbes na si Chane lang ang asikasuhin niya ay idinadamay na rin niya ako at ang iba pa kaya wala akong masabi sa kabaitan niya at kasipagan niya.
Parehong-pareho sila ni April ng pag-uugali.
She's now eighteen years old at masasabi kong dalagang-dalaga na. Isinasama rin siya ni Chane sa school every day at ang balita ko ay ang magaling kong kapatid na rin ang nagpapa-aral sa kanya ngayon kahit masama ang trato nito sa kanya.
Masyado siyang sinusungitan at pinahihirapan ng sira-ulo kong kapatid.
"May-may!"
I arched my eyebrows as I caught Chane's furious voice outside my bedroom door. Segundo lamang ay marahas din itong bumukas at pumasok ang humahangos kong kapatid.
Hmn... just like I said just seconds ago.
"Where's May-may? Alam kong naririto na naman siya! May-may!" sigaw niya at mabilis niyang ginalugad ang buo kong silid.
"You're getting paranoid again, idiot," I replied, then I returned to the bathroom and decided to shower.
Alam ko kasing maririndi na naman ang tainga ko sa pagtatalo ng dalawang ito. Si May-may naman ay hindi ang tipikal na babaeng mananahimik na lamang sa isang sulok kahit alam niya ang katayuan niya sa mansion na ito.
Sinasagot niya palagi ng pabalang si Chane na mas ikina-iinit naman ng ulo ng kapatid ko.
We are a family of six siblings: five boys and one girl. Our eldest brother is Kuya Charles, followed by me, then Chase, Charm, and Chane, who may sometimes act childish despite being twenty-one years old.
Dinaig pa ang batang palaging naaagawan ng lollipop.
Si Charlotte naman ang pinakabunso sa lahat at nag-iisang prinsesa namin kaya lang mukhang lumaki na rin ang ulo at isa na ring war freak spoiled brat.
"Pinlantsa ko na 'yon!"
"Gagawin mo pa akong bulag?! Tingnan mo do'n!"
"Malamang, ginusot mo lang 'yon ulit!"
"Are you saying I'm a liar?"
"Totoo ang sinasabi ko! Halos masunog na nga 'yon sa sobrang unat!"
"Im warning you, May-may. Get the f**k out of there! I'm your boss! Bakit pati sila inaasikaso mo?!"
"Amo ko kayong lahat!"
"Amo? Ganyan ba ang tamang asal ng katulong sa isang amo?"
"Eh, 'di uuwi na 'ko sa amin!"
"I'm the only one who owns you, and I'm the only one who will decide everything about you!"
"Hindi mo 'ko asawa!"
"Sinabi ko bang asawa kita? Ang kapal din ng mukha nito."
Napapikit ako ng mariin nang kumalabog ng malakas ang sa tingin ko ay pinto ng aking silid.
Tsk. Sinasabi ko na nga ba't sasabog na naman ang eardrum ko sa dalawang 'to. Hindi ba sila naririndi? Pagsabungin ko kaya ang mga bunganga nila para manahimik.
Minabuti ko nang tapusin ang panliligo ko. Naalala kong may kailangan akong puntahan ngayong araw na ito.
***
Pagbaba ko sa living room ay naabutan ko pa ring nagsasabong ang dumalaga at ang tandang. Bahala nga kayong mapagalitan ni mommy.
"Anak, saan ka pupunta? Hindi ka ba muna kakain?"
"Mom." I almost jumped in shock when Mom suddenly came in the door, carrying two bags, and looked like she had come from the market.
She was followed behind her by two maids who both also carried bags.
"Sunday ngayon, sana naman ay mag-stay ka muna dito sa bahay natin kahit minsan lang, anak." She pouted as she stared at my well -dressed posture.
Casual lang naman ang suot ko. Dark-coloured jeans with a blue shirt semi-fitted sa maganda kong katawan and a pair of leather shoes. Gwapo lang talaga ako kaya malakas ang dating ko.
"Uuwi na lang ako ng maaga, mom." Lumapit na rin ako sa maganda kong mommy at humalik sa kanyang pisngi.
"Ilang ulit mo nang sinabi 'yan?" She glared at me wickedly.
"Ng-ngayon pa lang." I suppressed my smile.
She's annoyed with me again, and I understand her. She misses her handsome son.
"Hindi na ako nakikipagbiruan sa 'yo, Chloe." Napahinto naman ako dahil mukhang seryoso talaga siya at mukhang hindi ko siya madadala sa biro ngayon.
"Yeah. I'm sorry, mom. I promise, uuwi talaga ako ng maaga." I just bit my lip and scratched my eyebrow when she ignored me and turned her back on me.
I just rested deeply. Alam ko naman na hanggang ngayon ay isinusumpa niya pa rin ako dahil sa nangyari noon. Halos atakehin siya noon sa puso dahil sa galit sa akin nang umuwi ako ng mansion after not attending my own wedding.
Even Dad was so disappointed with me too.
Hindi ko sila masisisi lalo na't naging malapit din sila kay Alwena. Ako lang talaga itong sobrang tanga. Nasa kanya na ang lahat, pinakawalan ko pa. Ngayon ay wala akong mahanap na katulad niya.
Sumakay ako ng aking sasakyan at nagbyahe patungong Venice Grand Canal, kung saan palagi kong tambayan. Limang taon na akong nagbabakasakali na baka maligaw siya doon.
That's where Alwena and I used to hang out after office hours. I also promised to take her to the Grand Canal in Italy after our wedding and give her an unforgettable honeymoon there.
Pero dahil sa lintik na babaeng dinala ng mga kaibigan ko sa akin noong gabing iyon ay naglaho ng parang bula ang mga pangarap ko. Pangarap naming dalawa.
Kaya hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nahahanap. Mananagot siya sa akin. Bigyan niya ako ng napakagandang dahilan kung bakit niya ginawa iyon. I know she meant it para hindi matuloy ang aming kasal.
But why hide after all she did? If I was her intention, where would she be now?
Muli akong napahinga ng malalim. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko siya natatagpuan!
I turned my car towards Venice Piazza where there is a parking lot. Maaga pa kaya naman hindi pa gaanong napupuno dito ng mga sasakyan at maswerte pa ako.
After I parked my car, I went inside the mall and walked until I came to a long river. I stopped here at the replica Rio bridge, which was Alwena and my favourite spot back then.
In the middle of the river are a few boats with couples aboard and exploring the water.
Bakit sa balintataw ko ay parang kaming dalawa ni Alwena ang sakay ng isa sa mga bangka at masayang isinasagwan ang mga kamay sa tubig. Maraming position din kaming dalawa na kinukuhanan ng larawan.
Suddenly, I grabbed my phone from my pocket and opened it. There were still a lot of pictures of us, and I can't understand why I haven't been able to delete them until now.
Damn!
I suddenly zoomed one of our photos towards her face. Ngayon ko lang napansin ang natatangi niyang ganda. Her unique beauty is not far from being noticed by other men.
Why? Dahil ba noon ay hindi ko siya nagagawang titigan? Dahil ba mas abala ako sa kung ano lang ang mga ginagawa niya sa akin at hindi sa totoong siya.
Fuck! Napakalaki ko talagang gago.
"Good morning, sir." Bigla akong napalingon sa kanan at nabungaran ko ang isa sa mga pamilyar na skipper na siyang mas malimit na mag-assist sa amin noon ni Alwena at hanggang ngayon din naman.
"Hey. Good morning," balik kong bati sa kanya kasabay nang bahagyang pagtango.
"Magbabangka po ba kayo ngayon, sir?"
"Ahm... next time na lang siguro. Hindi rin naman ako magtatagal." Napainat ako mula sa aking kinatatayuan at lumingon sa paligid.
"Sige po, sir."
"Yeah, thanks."
Sabay kaming nagtanguang dalawa bago siya nagpatuloy na rin sa paglalakad. Muli akong lumingon sa paligid at kinilala ang mga mukha ng mga taong naririto.
Ni isa sa kanila ay wala man lang akong makilala.
Umalis na ako sa bridge at naglakad sa kahabaan ng hallway. Napadaan ako sa mga italian restaurant at nakaamoy ng mga masasarap na pagkain. Suddenly, my stomach growled.
Naalala kong wala pa nga pala akong almusal simula noong umalis ako sa mansion kanina.
"Aaaahhh!!! Mamaaa!!!" isang matinis na tinig ng bata ang aking narinig.
Pagbaling ko sa aking harapan ay eksaktong sumalubong sa akin ang batang babaeng takot na takot. I suddenly stopped when she hugged my thighs tightly and her body trembled with fear.
"Mamaaa!! Mamaaa!! Mamaa!"
Muli akong tumunghay sa aking harapan at nabungaran ko doon ang isang gritty na mascot na mukhang balak pang lapitan ang bata.
"Hey, stop that! Can't you see she's scared?!" sigaw ko dito. Napansin ko naman ang paglingon ng karamihan sa amin.
"S-Sorry po." Biglang hinubad ng taong ito ang suot niyang mascot at isang binatilyo pala ang nasa loob nito. Mabilis din itong tumakbo palayo.
"Mamaa... Mamaa..."
"Hey, baby. Don't be afraid. He's gone." Kaagad akong binuhat ang batang babae na sa tingin ko ay nasa tatlo o apat na taong gulang pa lamang.
"Mamaaa..." hagulgol pa rin niya at basang-basa na ng luha ang kanyang pisngi. Namumula na rin ang kanyang ilong na animo'y kamatis lalo na't may kaputian siya na hindi nalalayo sa akin.
"Nasaan ba ang mommy mo?" tanong ko habang pinupunasan na ang kanyang pisngi. Hindi ko maiwasang mangiti. Napaka-cute niyang bata.
"N-Nandoon po," sagot niya habang humihikbi.
"Charleigh?!"
"Mamma!" she shouted again, looking behind me while raising her arms.
"Anak! Saan ka ba nagpupupunt--"
Mabilis kong nilingon ang pamilyar na tinig ng babae at halos huminto ang mundo ko nang mabungaran ko ang babaeng kay tagal ko nang hinahanap at hinihintay sa lugar na ito.
"A-Alwena.."
Maging siya ay natigilan din at napahinto sa paglapit sa amin.
"C-Chloe.."