Kabanata 2

1810 Words
“HI…” nakangiting bati ko sabay lapag ng kape sa mesita sa verandah. Nilingon ako ng taong nag-iisang nakaupo roon. “What are you doing here?” Hindi ako nagpatinag sa pagngiti kahit salubong na salubong ang mga kilay ni Orion nang tingnan ako. Ganito na ito mula pa kaninang ipinakilala kami ni Mama Rowan sa isa't isa at habang kumakain na kami nang sabay-sabay. Wala itong kibo sa dinner. Nagsasalita nga lang ito sa tuwing may itatanong si Mama Rowan. Naiintindihan ko at hindi ko naman masisisi si Orion. Sabi kasi sa'kin ni Papa, at ayon na rin kay Mama Rowan, madalang silang magkausap na mag-ina kaya noon lang nalaman ni Orion ang tungkol sa relasyon ng mga magulang namin. Siguro nga ay nabigla ito. “Dinalhan kita ng kape. S’abi kasi ni Mama Rowan, gusto mo raw na umiinom ng kape pagkakatapos kumain ng hapunan.” “You don’t have to. Paalis na rin ako kaya hindi ko na ‘yan maiinom," malamig na sagot niya. “Gano'n ba? Sige, okay lang. Ako na lang ang iinom." Dinampot ko ang tasa ng kape at sinimulang inumin iyon. Hindi na rin ako nagpapigil. Umupo ako sa katapat na silya ni Orion. Tiningnan niya ako. Umangat ang mga kilay niya. "Anong ginagawa mo? Hindi ka pa ba aalis sa harapan ko?" Ibinaba ko muna ang tasa ng kape bago sumagot. "E... gusto ko rin kasing mag-sorry sa'yo sa ginawa ko noon sa club kaya ako nandito," panimula ko. Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako. "Pasensiya ka na. W-wala naman talaga sa plano kong buhusan ka ng alak-” “Hindi sa’kin galing ang wine.” Natigilan ako sandali. “H-ha?” Umismid siya. “Gaano ka ba kaganda sa tingin mo para isiping interesado ako sa’yo?" Hindi ako nakaimik. Pakiwari ko ay biglang nangapal ang aking mga pisngi sa sinabi niya. “E-e… k-kasi ang sabi ng kasama mo-” “Naniwala ka naman?” putol ulit niya. "Just for the record, I've met a lot of women, but I never offered anything to any one of them. I don't even have plans to. Sanay na 'kong babae ang lumalapit sa'kin kaya hindi ko kailangang magpapansin.” Hindi lalo ako nakasagot. Napahiya ako nang husto. Bakit nga ba hindi ko muna kinumpirma ang tungkol do'n? Maya-maya lang ay tumayo si Orion at nilampasan ako. Mabilis din akong tumayo para habulin siya. “K-Kuya-” Napahinto ako sa sasabihin nang bigla siyang humarap. Pinagmasdan niya ako. Nakita ko ang pagdaan ng matinding disgusto sa mga mata niya. “Will you stop calling me 'kuya'?" magkahalong inis at pandidiring wika niya. "Naaalibadbaran kasi ako. Patira ka lang dito sa bahay ng nanay ko, pero hindi kita kaano-ano. Maliwanag ba?” Naiwan sa isip ko ang sinabi ni Orion. Sinisisi ko ang sarili ko sa naging pakikitungo niya sa akin. Siguro, kung hindi ako nagpadala sa emosyon at maayos na ibinalik ang wine, baka hindi gano’n ang kinalabasan ng first meeting namin. May mali rin ako. Medyo assuming nga ako sa part na ‘yon. Gayunman, hindi ako nawawalan ng pag-asa. Kung kailangang magpalakas ako sa kaniya at suyuin siya ay gagawin ko. Gagawin ko ang lahat para sa pangarap kong magkaroon ng isang buong pamilya. Bumalik sa Batangas kinabukasan sina Mama Rowan at Papa, pero pagdating ng Linggo ay lumuwas ulit sila. Inaya niya akong magpa-parlor habang si Papa ay nagpaalam na may pupuntahan. "Saan ka naman pupunta, Pa?" tanong ko sa tatay ko pagkatapos kaming iwan ni Mama Rowan dahil may kukunin sandali sa kwarto nito. "Bakit hindi mo na lang kami samahan ni Mama sa parlor?" Sa totoo lang, mas okay sa akin kung kami lang ni Mama Rowan ang magkasamang aalis para mas masaya ang bonding namin. Kaya lang ay naiisip ko si Orion. Nagpapalakas ako rito at kung sakaling dumating ito mamaya, gusto kong malaman nito na hindi talaga iniiwan ni Papa si Mama kahit saan ito magpunta. "Importante ang pupuntahan ko, Anak. May kakausapin akong tao." "Sino po? Nandito tayo sa Maynila. Wala akong alam na kakilala mo na nandito." "Hindi ko lang nabanggit sa'yo, pero taga-rito ang isa sa mga kumpare ko. Kayo na lang muna ng Mama mo ang umalis. Ipagmamaneho kayo ng driver mo. Gagamitin ko ang kotse ni Rowan." "Po?" sambit ko. "Pa!" May pagtutol sa boses ko. "O, bakit? Pinahiram ako ng Mama mo. Ako rin naman ang laging nagmamaneho kapag aalis kami kaya parang akin na rin 'yong kotse niya." "Pa, naman! Hindi ka ba nahihiya?" "Sa magiging asawa ko, mahihiya ako?" balik-tanong niya. Medyo galit na nga rin ang boses nito at nangyayari lang iyon kapag nakukulitan na siya sa akin. Hindi ako nakakibo. "H'wag kang mag-alala at maingat akong magmaneho. Sige na. Pupuntahan ko lang ang Mama Rowan mo sa itaas para makaalis na kayo." Umalis na rin kami maya-maya ni Mama Rowan. Nakita kong hinalikan siya ni Papa bago siya sumakay ng kotse at tumabi sa akin. Ang ganda ng ngiti ni Mama Rowan. Ramdam ko ang saya niya sa piling ng tatay ko. “Mama, ikaw ang magiging pinakamagandang bride sa paningin ni Papa sa araw ng kasal n’yo.” Lalong lumapad ang ngiti niya sa sinabi ko. “I’m sure, Hija.” Hindi basta parlor kundi isang mamahaling spa at aesthetic clinic ang pinuntahan namin ni Mama Rowan. First time kong makapasok sa ganoong lugar. Sobrang na-excite ako sa dami ng serbisyong ino-offer nila. “Natural nang makinis ang balat nitong anak ko. Wala na ring kailangang idagdag at baguhin sa mukha niya dahil napakaganda niya, hindi ba?" "That's right, Miss Domiguez!" nakangiting sang-ayon ng manager ng clinic. "By the way, it's a pleasure meeting your daughter. You are both equally beautiful. I apologize for a misunderstanding. Ang alam kasi namin dito ay iisa lang ang anak mo at lalake." "Well? At least, now you know about my second child." I smiled. Tiningnan ko si Mama Rowan. Nakita ko sa mukha niya ang pagmamalaki sa'kin kaya hindi ko napigilang yumakap sa kaniya. Panay ang amoy ko sa robe na ipinasuot sa amin. Sobrang lambot sa balat at ang bango. Halata ngang mayaman lang ang nakaka-afford sa ganoong klaseng lugar at mga serbisyo. Nagpa-masahe muna kami ni Mama Rowan. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Pagkatapos doon ay pareho naman kaming sumalang sa facial. Mas nauna lang akong natapos dahil may iba pang ipinagawa si Mama Rowan sa mukha niya. Nagpa-manicure at pedicure ako. Gel polish naman kay Mama Rowan. Sa dami ng pinagawa namin ay mahigit apat na oras yata kami sa spa kaya doon na kami inabutan ng lunch. May pagkain din naman na sine-serve ang staff nila. Pagkatapos ng huling hair treatment namin ay nagyaya nang umuwi si Mama Rowan. “Sa susunod na tayo mag-shopping. Baka magahol tayo sa oras. We have to prepare for our dinner tonight," sabi niya habang nasa biyahe na kami. "By the way, Hija, hindi ko pa naitanong sa’yo, pero ano palang napag-usapan n’yo ni Orion no'ng gabing dinalhan mo siya ng kape?” Hindi ako agad nakasagot. Pinag-isipan ko muna kung sasabihin ko ba ang totoo kay Mama Rowan o ililihim na lang. Hangga’t maaari, ayokong magsinungaling lalo na kay Mama Rowan. Pero ayoko namang pagmulan ng anumang pagtatalo ang masasakit na salitang binitiwan ni Orion para sa akin. “W-wala po kaming gaanong napag-usapan ni Kuya Orion. Nagmamadali na kasi siyang umalis.” Tumango si Mama Rowan. “I see. Hayaan mo, mamayang gabi naman ay makakasama ulit natin siya.” Napabuntung-hininga siya matapos sabihin iyon. “To tell you honestly, Orion was shocked and a little bit disappointed about the news of my relationship with your father. Nalaman niya ‘yon hindi sa’kin kundi sa secretary ko. He called me that same day and asked to meet him. ‘Yon ang dahilan kaya kami napaluwas ng Papa mo no'ng isang araw.” Natahimik ako. Mukhang malaki pala ang magiging problema ko kung gano’n. Mahihirapan yata akong suyuin si Orion para tanggapin ako bilang stepsister. “Anyway, hindi ko na lang binanggit ang tungkol doon during our dinner dahil ayokong masayang ang pagkakataon na magkakasama tayong apat. I just hope that it will be different tonight. Nagpapasalamat din ako na marunong magpasensiya ang Papa mo.” Ngumiti ako. “H’wag kang mag-alala, Mama. Magiging okay rin ang lahat. Mare-realize din ni Kuya Orion na masaya kayo ni Papa sa relasyon n'yo.” Nasa bahay na si Papa nang dumating kami. Mabuti naman dahil kanina ay nagte-text ako sa kaniya at inaalam kung nasaan na ito, pero hindi man lang nagre-reply. "Kumusta ang pagkikita n'yo ng kumpare mo?" tanong ni Mama Rowan. "Okay naman. Masaya. Kumustahan. Kwentuhan. Gano'n lang," nakangising sagot ni Papa. Tumango si Mama Rowan. "That's good to know." Nagpaalam sila na aakyat sa kwarto para magpahinga. Nakipagkwentuhan naman muna ako kay Lucy bago umakyat. Nagpalit ako ng damit-pambahay. Nag-check ako ng social media accounts pagkatapos at kinuwento kay Jenny ang pinuntahan namin ni Mama Rowan. Alas tres pasado nang bumaba ako para tingnan sana kung anong meryenda mayro'n sa kusina. Nagulat ako nang pagdaan sa living room ay makita roon ang dalawa sa tatlong lalake noon sa club. Nakita rin nila ako. Nanlaki ang mga mata ng isa habang nabitin naman sa ere ang tinidor na isusubo sana ng isa pa. "Oh, you!" turo sa'kin ng una bago tumayo. Ito ang lalakeng nagsabi na kay Orion daw galing ang wine. "Ikaw 'yong girl sa bar, hindi ba? What are you doing here?" "Scholar siya ni Mama." Napatingin ako sa sumagot na walang iba kundi si Orion. Kagagaling lang niya sa kusina at may dala siyang tatlong bote ng mamahaling beer. Mabuti na lang pala at naalala ko agad na mga kaibigan niya ang dalawang lalake kaya hindi ako nag-overreact nang makita ang mga ito. "W-what!?" halos sabay na sambit ng dalawa. Gulat na tiningnan ako ng mga ito. "Ibig sabihin, kakilala mo na pala siya noon pa?" tanong ng nagturo kay Orion. "No. I just met her here a week ago." Binalingan ako ni Orion. Ramdam ko ang lamig ng tingin niya, pero hindi ko iyon ininda. "Scholar siya ni Tita, pero dito rin siya nakatira sa bahay n'yo. Maybe you two are related, right?" curious na tanong naman ng isa. "Of course not." Sumabay ang pagsasalubong ng mga kilay ni Orion sa pagsagot. "Hindi nga? So mag-ano kayo?" Kumunot ang noo ng lalake sa'kin. "Bukod sa scholar, ano ka ng mga Dominguez? Bisita? Inaanak ka ba ni Tita? Family friend? Which one?" Nagbukas ako ng bibig. "A-actu-" "How ever you may call it," sagot ni Orion na inunahan ako bago iritadong tiningnan ang mga kaibigan. "Will you guys stop asking? You're only wasting your time. Basta alam n'yong hindi ko siya kaano-ano at nakikitira lang siya sa bahay ko. End of conversation."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD