Kabanata 3

2045 Words
“SO that explains why she didn't come back after that night,” wika ni Drei. Mula sa living room, lumipat kaming tatlo sa garden at doon nagpatuloy sa kwentuhan. Papalubog na ang araw kaya maya-maya lang ay uuwi na rin ang dalawa. Maiiwan naman ako para sumalo sa dinner sa bahay. Wala akong balak pumunta, pero naisip kong hindi pala ako pwedeng maging invisible sa mag-amang Baluyot. They must know who they are messing with. Pagkatapos ng mga nalaman ko tungkol sa lalakeng karelasyon ni Mama, wala akong nasabi kundi baliw na ang nanay ko. "But I noticed that she's even hotter without her makeup," Drei continued. Ito lang ang kanina pa salita nang salita at tungkol kay Victoria ang mga sinasabi. "Isipin pang nakapambahay na damit lang siya. She really got something!" "I agree. Maswerte itong si stepbro!" biro ni Zaldy sabay siko sa'kin. Hindi ako sumagot. Tiningnan ko lang ito nang masama at lumagok sa bote ng beer. “Interesado ako kay Tori. Gusto ko siya.” Nabitin sa ere ang paglagok ko. Ibinaba ko ang bote sa mesita at saka nag-angat ng tingin kay Drei. “What did you say?” Ngumiti siya at nagtaas ng mga kilay. “What's that, bro? Hindi mo ba talaga narinig o nagulat ka lang? I mean, nagulat ka pa gayong alam mo na ako talaga ang nagpabigay sa kaniya ng wine." "Right! Pero ako ang itinuro mo para maligtas mo sa kahihiyan ang sarili mo. Siraulo ka rin, e!" He laughed. "I didn't plan to. I swear, napaatras talaga ako nang makita kong kakaiba si Tpri. Parang babaeng tigre," nangingiting sabi nito at nagkibit-balikat. "Nevertheless, I like her and I am plannning to court her.” Natahimik ako saglit. Parang may pumintig sa magkabilang sentido ko dahil sa sinabi niya. "Magpapaalam muna ako siempre sa tatay. At para mas malakas ang backer, kakausapin ko rin si Tita Rowan." “Gago ka ba?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Natigilan tuloy si Drei at seryosong pinagmasdan ako. "What do you mean by that, Orion? Are you mad?” I frowned. Huminga ako nang malalim bago sumagot. “Malaki na ang problema ko sa mag-ama, Drei. H’wag ka nang dumagdag, okay?” “Bakit sa'kin ka galit?" He grinned. "Anong masama sa gagawin ko? Bro, wala akong kinalaman sa problema mo sa mag-ama.” Hinampas ko ang mesita at dinuro siya. “You still can't do that, f*ck you!" "Oh, wait, wait!" pigil ni Zaldy nang tumayo na ako. "What's happening here, huh?" Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa amin ni Drei. "Stay away from that woman! Sisirain mo ang plano kong ilayo si Mama sa kanila.” Tumawa si Drei at tumayo para harapin akong mabuti. "Ah! So ayaw mong ligawan ko si Tori dahil galit ka sa tatay niya? I understand. Pero paano kung gusto ko pa ring ituloy?” Nagtagis ang mga bagang ko. “Hinahamon mo ba’ko?” Ngumisi si Drei at hindi sumagot. Marahas akong nagbuga ng hangin at hinablot ang bote ng beer sa mesita bago naupo. Naupo rin ang dalawa. “Alright, bro. I'm sorry if it upset you. But just to make it fair to both of us, totohanin na lang natin ang napag-usapan no'ng gabing 'yon.” Napahinto ako sa paglagok. Nilingon ko siya. “Anong sinasabi mo?” kunot-noong tanong ko, pero agad ding naalala ang tinutukoy niya. I smirked. "No way!" Sinundan ko ng mga pag-iling ang sagot. "Yes way, bro! Come on, don't be unfair to me! Tinatanong mo kung hinahamon kita? That's the answer! Yes, Orion Lei, hinahamon kita ngayon! Let's do it. Let's bring it on a bet.” Natahimik ako. Seryoso ang tingin ng dalawa sa akin. Mahaba-habang sandali ang ginugol ko sa pag-iisip ng isinagot ko kay Drei. Pumasok na ulit ako pagkaalis ng dalawa.. Naabutan ko sa living room si Mama kasama ang tatay ni Victoria. Inaayos ni Mama ang kwelyo ng kasama. Nakita nila ako. “Hijo! Umalis na ba ang mga kaibigan mo?” tanong ni Mama na sinagot ko ng tango. Pagkatapos, dumirecho na agad ako sa hagdan. I have my own flat, pero kapag naiisipan kong umuwi sa bahay, sa dati ko pa ring kwarto ako tumitigil. Pag-akyat ko ay nasalubong ko naman sa pasilyo si Victoria. Mukhang kagagaling lang sa kwarto nito dahil nakabihis na. Everyone was required to wear their formal attire during dinner. It’s one of rules and a part of family tradition. Mula pa sa grandparents ni Mama ay gano’n na ang nakagawian tuwing magsasalo-salo sa hapunan. Napahinto sa paghakbang si Victoria nang makita ako. Lalampasan ko sana siya nang tawagin na naman niya ako sa kinaiinisan kong tawag niya sa’kin. “Kuya, pwede ka bang makausap?” “About what?” Iritado ko siyang nilingon. “Tungkol sa mga sinabi mo kanina sa kaibigan mo. Hindi ko 'yon gusto.” I smirked. “Really? Why not? May masama ba sa mga sinabi ko? I just told them the truth. Why do you hate the truth?” “Kapag kinasal na sina Papa at Mama Rowan, magiging parte na rin ako ng pamilya mo. Kahit hindi tayo magkadugo, magiging kapatid mo na rin ako.” Natigilan ako. Iba. Iba talaga ang isang ito. She’s got the full confidence of saying that to my face. O baka iyon na ang goal nilang mag-ama? Ang maging parte ng pamilya namin dahil iyon ang aahon sa kanila sa kahirapan. The hell. “Ano bang dapat kong gawin para tanggapin mo'ko?” Nahimigan ko ang pakiusap sa tanong na iyon ni Victoria, pero hindi noon natinag ang dibdib ko. “Nothing. Kahit anong gawin mo, hindi na magbabago ang isip ko tungkol sa inyo.” “Ayaw mo bang mabuo ang pamilya mo? Hindi ka ba nalulungkot na dalawa lang kayo ni Mama? Kasi ako, malungkot ako na kami lang ni Papa. Gusto kong magkaroon ng nanay. At si Mama Rowan ang pangarap kong maging nanay.” “But of course!" Hindi ko napigilan ang paglapad ng ngisi ko. "Bakit ka nga naman pipili ng magiging nanay na ka-level n’yo lang? You would definitely choose someone who is wealthy and successful. Someone who could send you to good universities and who would provide you all the material things on earth.” “Sobra ka na, Kuya Orion," may halong pagdaramdam ang sagot ni Victoria. "Hindi dahil sa pera ni Mama kaya gusto ko siya. Marunong siyang magmahal at ni minsan, hindi niya ako tinuring na iba. Mabuting tao si Mama Rowan.” "Na sinasamantala n'yo naman?" Natigilan siya saglit. "Ang sama pala ng ugali mo. Anak ka ba talaga ni Mama Rowan? Bakit ang bilis mong husgahan ang kapwa mo? Hindi mo kami kilala kaya wala kang karapatang paratangan kami nang ganiyan." “You think so? Well, I did a background check on your father and I found out about his past relationships with several women. Hindi ba sapat 'yon para sabihin kong kilala ko na kayo?" "Nakaraan na 'yon. Oo, inaamin ko marami-rami siyang naging karelasyong babae noon. Gusto lang naman niya na may makasama sa buhay kasi nga iniwan na kami ng nanay ko. Hindi mo dapat ibinatay lang roon ang pagkakakilala mo sa amin ni Papa." "My basis are enough, Victoria to say that your father's no different from a gigolo. Kung may pagkakaiba man, hindi alam ng mga babaeng pinerahan at ginamit niya kung anong klaseng tao siya. And obviously, hindi rin 'yon alam ng nanay ko.” “Hindi ‘yan totoo," kontra ni Victoria. "Hindi manggagamit ang Papa ko. At higit sa lahat, hindi niya ginagamit si Mama Rowan. Mahal ni Papa si Mama.” “You wanna bet on that?” Hindi siya nakasagot. Tingin ko nga ay bigla siyang natakot. I smiled. Humakbang ako palapit at pinagmasdan si Victoria. I admit she’s pretty. Hindi siya maputi at hindi rin mestisa, pero kitang-kita na makinis ang morenang balat niya. She also got those perfect natural curves. Hindi ko masisisi si Drei na nagkagusto rito. "Ano bang... sinasabi mo?" tanong niya pagkatapos na bahagyang umatras. Huminto ako sa paghakbang at sumeryoso. "Pustahan tayo, Victoria, magloloko 'yang tatay mo. Maghihiwalay sila ng nanay ko at hindi sila mauuwi sa kasalan." Nagusot ang noo niya at napaawang ang bibig. "Bakit ganiyan ka mag-isip? Dahil ba 'yan ang gusto mo? Kung 'yan ang gusto mong mangyari, p'wes hindi ako." "Then place your bet, Victoria. Pumusta ka sa pinaniniwalaan mo." "Ayoko," mariing iling niya. "Hindi isang laro ang pag-ibig nina Papa at Mama. Tigilan mo na 'yan. Kung hindi-" "Ano?" I cut her off. "Isusumbong mo'ko kay Mama?" "Oo!" walang kakurap-kurap na sagot niya. "Pinagtakpan kita noong una, pero kapag hindi ka tumigil, sasabihin ko na kay Mama ang lahat." "Subukan mo. Malalaman din ni Mama ang totoong kulay ng tatay mo." "Bakit ba ganiyan ka? Anong kasalanan namin sa'yo para magalit ka? Hindi mo pa nga kami kilala." "Kilala ko na kayo. Kilala ko na ang tatay mo. I told you, right? Pinaimbestigahan ko siya. And you know what? May mga bagong pictures pa nga na ipinadala ang detective. You want to see them?" Hindi ko na hinintay na sumagot si Victoria. Dinukot ko agad ang cellphone ko upang ipakita sa kaniya ang ilang larawan ng tatay niya kasama ang isang babae. She stared at the screen. Inisa-isa kong ilipat ang mga larawan. Napaawang nang bahagya ang mga labi niya. May ilang sandaling natigilan pa ako sa pagtitig sa bibig na 'yon, pero nag-angat bigla ng tingin si Victoria. "Malisyoso ka lang. Binigyan mo agad ng ibang kahulugan. Asawa 'yan ng kumpare niya at malamang no'ng time na kinuhanan 'yan ng imbestigador mo, nasa rest room ang kumpare niya kaya dalawa lang sila sa mesa." I smirked. Alam kong gawa-gawa lang niya 'yon at hindi siya sigurado. Pero hindi ko mapigilang mamangha sa bilis niyang mag-isip. At akalain ko bang may sariling abogado si Manolo Baluyot? "You really believe in that, huh?" nananantiyang tanong ko. Matapang niya akong tiningnan. "Oo! Kaya kahit ipakita mo 'yan kay Mama, walang magbabago. Hindi sila maghihiwalay ni Papa. Matutuloy ang kasal nilang dalawa." "Kung gano'n, bakit parang takot kang pumusta?" tanong ko. Hindi siya nakasagot. I smirked. "What do you say now? Pupusta ka pa ba sa ipinagmamalaki mong pagmamahal ng tatay mo sa nanay ko?" Ilang sandaling katahimikan pa ang dumaan bago siya nagtaas ng mukha at may kumpiyansang tumango. "Sige! Payag ako. Pero ano bang nakataya rito? Kapag napatunayan ko bang malinis ang intensiyon ni Papa kay Mama Rowan, titigil ka na? Tatanggapin mo na ba kami? Papayag ka na bang tawagin kitang kuya?" I nodded. "Fine. Kung 'yan ang gusto mo at kung ikaw ang mananalo, gagawin ko. Pero oras na magloko ang tatay mo, ako ang unang tututol sa kasalan na 'yan." "Hindi 'yon mangyayari. Mahal ni Papa si Mama. Sa ayaw at sa gusto mo, magiging isang pamilya tayo. At isa pa, hindi ka pwedeng mag-aakusa lang ng walang batayan. Kagaya ng mga pictures na 'yan. Walang ibig sabihin 'yan." "Sana nga," sagot ko. "Pero oras na masaktan ang nanay ko dahil sa kagaguhan ng ama mo, hindi lang ang hiwalayan nila ang gusto kong mangyari. Masyadong magaan ang isang 'yon." "A-anong ibig mong sabihin?" "May isa pang nakataya rito, Victoria. Hindi pwedeng aalis lang kayo sa buhay naming mag-ina. You also have to pay for it." Hindi siya agad nakakibo. Napalunok siya at nag-aalangang tumingin sa'kin. "Gusto ko lang ipaalala sa'yo na wala akong trabaho. Estudyante pa lang ako at wala akong pera." "Don't worry about it. Marami akong pera kaya hindi ko kailangan niyan." Natahimik ulit siya. Nakita ko ang pagbaha ng kaba sa mukha niya. "K-kung gano'n, a-ano pang sinasabi mong nakataya rito?" I smiled. "Ikaw." She froze. "H-ha?" gulat na sambit niya. "A-anong... ako?" "Gagawin mo ang lahat ng gusto ko at hindi ka pwedeng tumanggi. Pero para hindi mo naman isiping lugi ka, hindi muna 'ko magsasalita kay Mama. I will give your father another chance. Malay natin, magbago. Fair enough, right?" Humakbang ulit ako at muling pinagsawa ang mga mata ko sa mukha niya. "That's it, Victoria. You'll do everything as I say. At ako, mananahimik pansamantala habang nagbabayad ka sa pustahan nating dalawa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD