"HI, Hija! It's been two weeks since the classes started. Kumusta ang pag-aaral mo?"
Nasa screen ko si Mama Rowan. Sa background niya ay ang opisina sa factory. It's past eight in the evening, pero naging routine na namin ang magtawagan kada gabi bago siya umalis ng office. Malapit lang sa compound ng pabrika ang bahay ni Mama Rowan sa Batangas. Second hand daw niya binili ang property, pero isa iyon sa pinakamagagandang bahay sa aming lugar.
"Okay naman po, Mama Rowan," sagot ko at saka marahang nagbuga ng hangin. "Actually, ang gaan-gaan po ng lahat. Ganito pala kapag walang gaanong iniintindi sa araw-araw. Hindi po gaya ng dating buhay ko, ang problema ko na lang ngayon ay kung paano ipapasa ang lahat ng subjects ko."
Ngumiti siya. "Well, I'm glad to hear that! Bata ka pa kaya dapat lang na puro pag-e-enjoy muna ang ginagawa mo. But of course, mag-aral ka ring mabuti dahil para naman 'yan sa future mo."
"Thank you po talaga. Ikaw po ang dahilan kaya komportable ako ngayon at ang convenient ng lahat sa'kin."
"Don't mention it. You deserve the best, Hija," sagot niya na nagpangiti naman sa akin. "By the way, naalala mo ba 'yong nabanggit ko sa'yo minsan? Tungkol sa anak ko?" pag-iiba ni Mama Rowan sa usapan.
"Yes po. Nakwento mo pong nasa ibang bansa siya at nagma-masteral?"
"Glad you remember, Hija. But guess what? He had just finished it. Buong akala ko ay sa susunod na taon pa niya matatapos, pero may isang buwan na pala mula nang umuwi siya ng Pilipinas. And he has actually started working for his new position in our company."
Naguluhan ako nang bahagya. "Talaga po? Paano pong hindi n'yo alam ang tungkol do'n? At saka... wala pong nadating rito sa bahay n'yo na nagpakilalang anak n'yo. Dapat po sana ay umuwi na siya rito kung totoong nakabalik na siya ng bansa."
"Hindi talaga siya uuwi riyan, Hija. May sariling bahay si Orion, and he's been living separately from me for almost five years now."
"Gano'n po ba? Parang... ang lungkot naman noon," komento ko. Kung ako kasi ang anak, hindi ako hihiwalay ng tirahan sa nanay ko lalo na kung kagaya ni Mama Rowan.
"Sinabi mo pa. Madalang na kasi kaming magkausap ni Orion kaya hindi ko na halos alam ang nangyayari sa buhay niya. 'Yong posisyon naman niya sa kompaniya ay matagal na naming napag-usapan bago pa siya umalis papuntang ibang bansa. Anyway, magkakaroon pa rin ng official announcement ang DT&C tungkol doon."
"Gusto ko po siyang makilala, Mama Rowan," di-napigilang sabi ko. "Pangarap ko rin po kasi na magkaroon ng kapatid. Saka hindi po ba, magpapakasal naman kayo ni Papa, so ibig sabihin, magiging stepbrother ko siya?"
"That's right, Hija. At 'yan din ang gusto ko- ang magkakila-kilala kayo. Kaya nag-decide ako na lumuwas kami ng Papa mo sa Linggo."
"Sa Linggo? Sa Linggo na pong darating? Wow! Gusto ko po 'yan! Nakaka-miss po kasi ang mahabang oras na kwentuhan natin."
"I miss that too! At sana ay available si Orion sa Sunday para makasama natin siya sa dinner. Ang sabi ng secretary ko sa main office ay lagi itong busy."
"Sa palagay ko po, pupunta siya. I'm sure, na-miss ka rin niya," sagot ko at banayad na nagbuga ng hangin. "Excited na po'kong dumating ang Sunday, pero bigla akong kinabahan. Sana po magustuhan ako ni Kuya Orion bilang stepsister."
"Oh, Hija! You don't need to feel that, because there's nothing to not like about you. So, I'll see you on Sunday?"
Napangiti ako. "Yes po, Mama."
Gumising ako kinaumagahan nang pasado alas ocho. Naligo at nagbihis na rin ako para pumasok sa school kahit nine thirty pa ang simula ng first subject ko sa araw na ‘yon. May nakahain nang almusal pagbaba ko sa dining. Sa totoo lang, nahihiya pa rin ako sa mga kasama ko sa bahay sa ginagawa nilang pagsisilbi sa akin. Aminin ko man kasi o hindi, hindi pa ako legal na kapamilya ng may-ari kaya maituturing pa ring bisita sa bahay na ‘yon. Pasalamat na lang ako na gaya ni Kuya Bon, mabait din ang tatlong kasambahay na babae kasama na ang mayordoma. Mukhang tanggap naman nila kung sino ako sa buhay ni Mama Rowan.
“Sigurado ka ba riyan, Tori?”
Namimilog ang maliliit na mga mata ni Lucy, ang pinakabatang kasambahay ni Mama Rowan. Nasa kusina ako at naglalagay ng ulam sa plastic container para siyang baunin ko sa school. Nitong mga nakaraan kasi, naiisip kong magbaon na lang ng pang-lunch kaysa bibili pa ako sa canteen. Ilang beses na akong nakasubok kumain sa canteen ng university, pero masasabi kong mas masarap na di-hamak ang luto ng kusinera ni Mama Rowan. Isa pa, ganito na rin ang nakagawian ko sa dating school. Ang kaibahan lang, gumigising pa ako nang mas maaga para magluto ng pambaon ko samantalang ngayon, areglado lagi ang mga ulam at lahat halos ng klase ng makakain.
"Ibabaon mo ‘yan sa school n'yo?"
“Oo naman!” sagot ko kay Lucy. Napahinto ako sandali nang may biglang maisip. “Bakit? Bawal bang maglabas ng pagkain na galing dito? Nagagalit ba si Mama Rowan?”
Umiling ang kasambahay. “Hindi sa gano’n. Nagugulat lang ako. H’wag mong sabihing kulang ang allowance mo sa school kaya ka magbabaon ng pagkain?” dudang tanong niya.
“Hindi, ah!” tanggi ko naman. Kung baon at baon lang din, sobra-sobra pa nga ang natatanggap ko mula kay Papa at Mama Rowan. “Naisip ko lang, hassle kung pipila pa ako sa canteen para bumili. Isa pa, mas masarap talaga ang mga pagkain n’yo rito. Wala rin naman sa regulasyon ng university na bawal magdala ng sariling pagkain ang mga estudyante kaya bakit hindi?” katwiran ko at tinapos na ang paglalagay ng ulam sa container. May kanin din ako na nakabukod at mainit-init pa iyon. Anyway, sanay naman ako na nababahaw ang lunch ko sa dating school. Pero baka bumili ako ng insulated lunch box.
“Hindi ba ‘yan masisira bago mo makain?” tanong pa rin ni Lucy.
“Hindi 'yan. Eleven thirty ang vacant ko kaya ‘yon na rin ang lunchtime ko.” Ningitian ko siya. “O, paano, aalis na’ko? Pwede bang pakisabi kay Manang na lumakad na'ko?”
“Sige, ako nang bahala. Mag-iingat ka.”
Lumaki ang ngiti ko. “Salamat, Lucy.”
Mabilis na lumipas ang maghapon. Alas kwatro pa lang ay nag-text na si Kuya Bon na sinasabing naro'n na ito sa parking sa harap ng university at naghihintay sa'kin. Alas kwatro y media ay lumalabas na ako ng campus. Hanggang sa mga oras na iyon, nawiwindang pa rin akong isipin na may sarili akong driver. Naalala ko pa inaabot ako ng ilang minuto sa pila sa sakayan ng tricycle sa tuwing papasok sa school at nakikipag-unahan naman sa pagsakay sa jeep kapag pauwi. Ngayon, hindi ko kailangang mag-commute. Pinadali talaga ni Mama Rowan ang buhay ko kaya sobra akong thankful sa pagdating niya.
Papasok kami ng gate ng bahay ay natanaw ko na ang isang pamilyar na puting sasakyan. Namilog ang mga mata ko. Isa pang itim na kotse ang napansin kong nakaparada sa gilid ng driveway, pero mas natuon ang pansin ko sa sasakyan ni Mama Rowan.
“Nandiyan po si Mama Rowan?” tanong ko sa driver.
“Mukhang kararating lang, Tori. Wala pa sila nang umalis ako kanina.”
Na-excite ako. Ipinaparada pa nga lang ni Kuya Bon ang kotse ay binubuksan ko na ang pinto ng backseat. Dali-dali akong bumaba at pumasok sa bahay. Si Papa ang naabutan ko sa living room. Nakita ako nito kaya naman tumayo siya mula sa pagkaka-de-kwatro sa sofa.
“Anak, nandito ka na pala?”
“Pa, bakit hindi po kayo nagsabing darating kayo ngayon?" bungad ko at luminga sa paligid. "Nasa’n po si Mama Rowan? Ang sabi niya ay sa Linggo pa raw kayo luluwas."
Nagkibit ng balikat si Papa. “Biglaan. Nasa study room niya ang Mama Rowan mo. Hintayin mo na lang dito. Halika, maupo ka muna!” anyaya niya sa'kin.
Hindi ako sumagot. Nilingon ko ang patungong study room. Siguro ay tungkol sa negosyo kaya sila napaluwas bigla.
"Mabuti pa siguro magbihis ka muna," suhestiyon ni Papa. "Sigurado namang aakyatin ka ng Mama Rowan mo kapag nalamang dumating ka na."
Sandali pa akong nag-isip at kalaunan at tumango. "Sige po, Pa," sagot ko at humakbang na patungong hagdan, pero hindi ako natuloy sa pag-akyat. Namataan ko kasi ang paglabas ni Mama Rowan mula sa pasilyo na patungo sa kaniyang study room. Mabilis na lumapad ang ngiti niya nang makita ako.
"Hija!"
"Mama Rowan!" Ibinaba ko ang mga gamit ko at sinalubong siya. Mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa babaeng para sa'kin ay totoong nanay ko na. Hindi lang dahil sa mga materyal na bagay na binibigay niya sa'kin kundi higit pa roon ay ang pagpaparamdam niya na hindi ako iba sa kaniya. Hindi ako anak lang ni Manolo. Anak din niya ako.
"Nasorpresa po ako sobra!" sambit ko pagkatapos naming magyakapan. Umaapaw ang saya at excitement sa'kin. "Ano pong nangyari? Bakit napaaga ang pagluwas n'yo? Anyway, hindi naman 'yon importante, 'di ba po? Ang importante binisita mo'ko! Na-miss po kita, Mama!" tuloy-tuloy na sabi ko.
"Oh. Nice."
Natigilan ako saglit. Bagong boses iyon at bihira akong makarinig ng malalim na boses ng isang lalake kaya nilingon ko ang nagsalita. At tila iisa ang reaksiyon namin ng lalakeng naka-eye-to-eye ko. Pareho kaming nagulat at hindi nakapagsalita.
"Uh, Hija, ito pala ang dahilan kaya kami napaluwas agad ng Papa mo. I want you to meet my son, Orion."
Napatingin ako kay Mama Rowan. Dinagsa ng malalakas na kaba ang dibdib ko. Napakurap ako nang ilang beses at tumingin sa kaniyang ipinakilala. Nasa bandang likuran niya ito. Iilang metro ang pagitan namin kaya halos malaglag ang mga panga ko habang nakikipagtitigan sa kaniyang-
"A-anak.. ?" Parang hindi dumaan sa lalamunan ko ang salita. Hindi naman kumibo ang lalake at bagkus ay nagsarado pa nang husto ang mga labi. Naaninag ko rin ang pagpintig ng mga pisngi nito.
"Hijo, ito naman ang anak ni Manolo na si Victoria. But you can also call her Tori, right, Hija?
Pinilit kong lumunok. Hindi ko malaman kung paanong pagngiti ang gagawin ko ngayong kaharap ko ang lalakeng sinabuyan ko ng alak mag-iisang buwan na ang nakalipas at malamang ito pala ang magiging stepbrother ko. Ngumiti ako kahit alanganin.
"H-hello... Nice meeting you... K-Kuya Orion."
Naalala ko pa kung paano umangat ang makakapal na mga kilay nito noong gabing iyon sa club. At iyon din mismo ang una nitong reaksiyon pagkatapos ng mga sinabi ko.
"So I am not important, huh?"