Kabanata 5

2454 Words
HUMAPDI ang palad ko pagkasampal kay Orion. First time kong may nasampal at hindi ko akalain na mapapalakas nang gano’n. Pag-angat ko ng mukha ay nasa akin na ulit ang tingin ni Orion. As expected, umaapoy ang mga mata niyang nakatunghay sa'kin. Nakaramdam ako ng takot kahit paano, pero hindi ako nagpatinag sa mabagsik na tingin niya. “Alam mo na siguro kung ano ang sagot ko sa tanong mo,” matapang na sabi ko at ilang saglit pang nakipagtagisan ng titig sa kaniya bago tumalikod para umalis, subalit nahawakan agad niya ako sa braso bago pa ako makahakbang. Dumagundong ang dibdib ko sa panibagong kaba. "A-ano-" Hindi ko na nagawang pumiglas nang inisang-hilahan ako ni Orion. Pinalibutan agad niya ng isa pang braso ang manipis na bulto ko dahilan para ako makulong sa katawan niya. "Bitiwan mo'ko!" asik ko sabay tulak. Pero kahit anong lakas ng pagtulak ko ay hindi man lang madagdagan ang espasyo sa pagitan namin bagkus ay lalo pa akong napapadikit sa kaniya. Gustong manayo ng mga balahibo ko nang masamyo ang panlalaki niyang bango. “So you prefer we continue the bet, am I right?” “O-oo!” Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Kaya alisin mo sa utak mo ang akala mong gusto kitang akitin dahil kahit sa panaginip, hindi ko 'yan naiisip!" “Fine. Pero pa'no 'yan? Naka-isang puntos na’ko laban sa’yo. That means you have to do as I say.” Nagusot nang husto ang noo ko. “Anong pinagsasabi mong naka-isang puntos ka na?” “I’m talking about the picture of your father with unknown woman. One point for me, right?” “Hindi nga babae ni Papa ‘yong nasa picture!" mariing wika ko. "At isa pa, kasasabi mo lang na bukas magsisimula ang pustahan natin. Ano 'to, hindi ka makapaghintay?” “No. I just missed the time and now I realized that it’s already Monday. Look." Pagkasabi no'n ay inalis niya ang isang brasong nakapulupot sa akin at dumukot sa bulsa. Sinubukan ko namang alisin ang isa pa niyang braso, pero bigo ako. Isang braso lang ni Orion ay kaya na akong kulungin. He pulled me even closer against his body kaya ramdam na ramdam ko ang katigasan ng katawan ni Orion. Umilaw ang cellphone niya at maya-maya ay hinarap niya sa akin ang screen at ipinakita sa akin ang oras. Sumimangot ako. Kahit hindi ko naman iyon tingnan ay alam kong madaling-araw na. Ibinaba na niya ang cellphone. "See? Ang bukas na sinasabi ko, ngayong araw na pala mismo.” “E, ano naman? Hindi pa rin babae ni Papa ang nasa picture kaya at hindi mo 'yan mapapatunayan kahit kailan,” kalmadong wika ko kahit ang totoo ay gusto ko nang isambulat sa pagmumukha ni Orion kung sino ang babaeng kasama ni Papa. Ang inaalala ko lang ay ang kasunduan namin. Kapag sinabi ko kay Orion na si Papa mismo ang nagsabi na biological mother ko ang kinatagpo niya sa restaurant, siguradong magdududa si Orion. Tiyak na iisipin nito na sinabi ko rin kay Papa ang tungkol sa pustahan namin kahit hindi naman. “Hindi ba talaga natitinag ang paniniwala mo?" nanliliit ang mga matang tanong niya. "I think you're not really sure what you're saying. Fine. I’ll just help you think and decide what you should believe in.” Itinaas niya ulit ang cellphone at binuksan. Iniharap niya sa'kin ang screen no'n. Napanganga agad ako nang makita ang retrato. "I kept this earlier for another purpose, but I guarantee you that this isn't edited." Hindi ako sumagot. Bahagya pa akong nanginginig habang nakatingin sa larawan. Hindi na iyon kuha sa loob ng restaurant kundi sa parking lot, pero ang babae pa rin ang kasama ni Papa. Mas malinaw na rin ang mukha nito sa larawan kaya kitang-kita ko na bata pa ang babae. Baka nga matanda lang nang kaunti sa'kin kaya imposibleng ito ang nanay ko. At ang higit sa lahat na nagpatulala sa akin, hindi lang basta magkaharap at nag-uusap sina Papa at ang kasama niya- they were kissing! “Ngayon mo sabihin na walang relasyon ang tatay mo sa babaeng kinatagpo niya, Victoria." Napalunok ako. Nangatal ang mga labi ko nang magbukas ng bibig upang sagutin sana si Orion. "Kung igigiit mo pa rin na hindi ito babae ng tatay mo, then I think we need someone else to judge it. Si Mama na lang ang tanungin natin.” “H-h’wag!” mabilis na tutol ko. Nagkatinginan kami ni Orion. “Please... h’wag mong ipapakita kay Mama Rowan ‘yan. K-kuya-” "Stop calling me that," matiim na utos niyang pumutol sa sasabihin ko. Natigilan ako saglit. “O-okay. Orion. Please, Orion, h’wag mong ipapakita kay Mama Rowan ang picture. Nakikiusap ako sa'yo. Ayokong masaktan si Mama.” “At mas gusto mong niloloko siya ng tatay mo, gano’n ba?” "Hindi," mariin akong umiling. “Hindi ko ‘yon gusto at hinding-hindi ko papayagan na gawin 'yon ni Papa. Nagkamali siguro ang tatay ko, pero alam kong mahal niya si Mama Rowan. Pangako. Ako ang gagawa ng paraan para mawala ang babaeng ‘yan. Aalamin ko kung sino siya at ako mismo ang kokompronta sa kaniya.” Isang mahabang sandali ang lumipas na lalong nagdulot ng takot sa akin. Higit sa anuman, ang iniiwasan ko ay ang masaktan si Mama. Ang saya-saya nito. Ayokong masira ang pagtitinginan nila ni Papa dahil lang sa kung sinong babae. Ako na lang ang bahala kay Papa. Titiyakin ko ring hindi na mauulit ang ginawa niya. “Fine." Maya-maya ay nagsalita si Orion. "Pagbibigyan kita dahil may usapan naman tayo. I'll give your father a chance. Kapalit no'n, kailangan mong sumunod sa gusto ko.” “Anong gusto mong gawin ko?" mahinahon kong tanong. Kailangang kong maging mabait kung ayaw kong magalit si Orion at ipakita kay Mama Rowan ang picture ni Papa. "May palalabhan ka ba sa'kin? May ipapaplantsa, ipapalinis mo ang kotse mo, alin sa mga 'yon?” “Victoria, lahat ng sinabi mo, pwede kong iutos sa maid kahit sabay-sabay pa." Natigilan ako. "So ano ngang gagawin ko? Saka pwede bang bukas na lang natin pag-usapan ang tungkol diyan? Hindi naman ako tatakas kaya wala kang dapat ipag-alala." "Oh, I don't worry about it. Pwede kitang ipahanap kahit saang sulok ng mundo ka pa magtago kaya hindi ka talaga makakatakas.” Natahimik ako ng ilang segundo. Bukod sa umahong inis at sama ng loob ko para kay Papa, hindi ko na mailarawan ang kakaibang kaba sa dibdib ko habang hawak ni Orion. "A-ano bang gusto mo? Sabihin mo na para kung kaya kong gawin ngayon ay magawa ko na at nang matapos na." "Kiss me." Pakiwari ko ay nabingi ng sinabi ni Orion. "A-ano?" "Gusto mong ulitin ko pa?" Napalunok ako. "H-hindi ko yata ga'nong narinig..." "Kiss me, Victoria." Doon na ako natulos nang husto. Ilang segundo ang lumipas bago ako nakasagot. "A-ayoko..." Sinamahan ko 'yon ng pag-iling. At bagaman naguguluhan at natatakot, hindi ko mailarawan ang isa pang damdamin na kumikiliti sa isip ko. "M-may girlfriend ka na..." "I'm not married. Hahalikan mo'ko o mas gusto mong ako ang mauna?" Hindi ako nakasagot. Seryoso ba si Orion? Baka mamaya ay pinagtitripan ako nito. Baka kapag hahalikan ko na siya ay bigla niya akong pagtawanan. Hindi kaya 'yon ang plano niya? At bago pa ako magdesisyon sa dapat na gawin, namilog ang mga mata ko nang walang alinlangang bumaba ang mukha niya sa mukha ko at sumayad ang mga labi sa mga labi ko. Naestatwa ako nang tuluyang halikan ni Orion. Hindi ko alam kung paano o alin ang unang ikikilos. Nakakuyom ang dalawa kong palad sa dibdib niya at tahimik na dinadama ang bawat pagdiin ng malambot na labi ni Orion sa mga labi ko. Maya-maya ay iniwan niya ang paghalik sa’kin. Napamulagat ako. “H’wag mong damhin lang. You have to kiss me back.” Pagkasabi noon ay inilapat na ulit niya ang bibig sa’kin. Hindi naman ako nagdalawang-isip na sundin ang sinabi ni Orion. Ginaya ko ang kilos ng mga labi niya at gumanti ng halik. Parang sa alak ang halik ni Orion. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay nalalasing ako sa masarap na paraan. Hindi ko rin namamalayan na lumilikha na pala ng tunog ang aming halikan. Nanunulas na pati ang mahihinang ungol sa aking lalamunan. “Anong ibig sabihin nito?” Kapwa kami mabilis na napabitiw nang may magsalita. Parang tinakasan ako ng aking kaluluwa nang paglingon ay makita si Mama Rowan sa gilid namin ni Orion. Nalaglag ang mga panga ko. Namimilog naman ang mga mata ni Mama Rowan. "'M-Ma?" Si Orion na kagaya ko ring nagulat. Pilitin ko man, hindi ako nakapagsalita. Parang nililindol ang kinatatayuan ko, pero ang masaklap, hindi pa bumuka-buka ang lupa at kainin na lang ako dahil 'yon mismo ang hinihiling ko sa mga sandaling ‘yon. “’M-Ma… let me explain-” Isang malutong na sampal ang muling tumama sa pisngi ni Orion, pero this time, galing na kay Mama Rowan. Nag-alab ang takot at kaba sa dibdib ko dahil sa nasaksihan. Nilingon ako ni Mama Rowan. Halos magtubig na ang mga mata ko sa samu’t saring damdamin una na ang kahihiyan, pero hindi ako umalis sa pagkakatayo at inantay na tamaan din ng palad niya. Ngunit hindi gano’n ang nangyari. Hinila ako ni Mama Rowan sa braso at pagkatapos ay galit na nilingon ulit si Orion. “We will talk in my office! Now!” Mistula akong lumulutang habang hila ni Mama Rowan papuntang opisina niya. Gusto kong magsalita, pero hindi ko alam kung saan magsisimula. Pakiramdam ko ay napakahaba ng gabing iyon. Noon ko pinagsisisihan na bumaba pa ng kusina. Sising-sisi rin ako na nakipagpustahan kay Orion. Nakarating kami’t lahat sa office ay tikom ang bibig ko at nanlalamig ang mga palad at talampakan. Sinasamahan pa ng panginginig ng mga binti ko kahit nakaupo na. Nilakasan ko ang aking loob. “M-Mama…” Unang bukas ng bibig ko, pero sinenyasan ako ni Mama Rowan. “Save it, Victoria. Hinihintay pa natin ang magaling kong anak.” Natahimik ako. Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto ng office at pumasok si Orion. Nagtama ang mga tingin namin. Kung takot at hiya ang nasa mga mata ko, pagsisisi at galit naman ang nasa kaniya. Isinarado niya ang pinto at mabilis na lumapit sa mesa ni Mama Rowan. “Ma, I’ll tell you what happened. Kung anuman ang nakita mo, hindi ‘yon gaya ng iniisip mo.” “I don’t need to know what really happened. Hindi sinungaling ang mga mata ko. Shame on you, Orion Lei! Parang hindi ka beinte ocho anyos! Paano na lang kung si Manolo ang nakakita sa inyong dalawa? Siguradong malaking gulo kung nagkataon!” “Ma, makinig ka muna!” apela ni Orion. Nasa boses niya ang desperasyon. “Oo, inaamim ko ang ginawa ko! Kung anong nakita mo, totoong nangyari, pero alamin mo muna kung bakit nangyari ‘yon.” Nilingon niya ako at nakita ko sa mukha niya ang determinasyong sabihin ang totoo. Bumaha ang pagtutol sa'kin. “So what happened before that?" tanong ni Mama Rowan. "Don’t tell me it was just an accident.” “No. Ang totoo niyan, 'Ma... Tori and I are-” Bigla akong tumayo. “May gusto po ako kay Orion, Mama!” sambit ko kasabay ng pagbukal ng luha. Natigilan sila pareho at napatingin sa'kin. At bago pa ako kainin ng hiya at bawiin ang sinabi ay nagdire-direcho na ako. “W-wala po kaming relasyon. A-ako lang po… ang may gusto kay Orion, Mama. H-hindi ko po nasabi sa inyo, pero… nagkita na kami noon… sa club. Remember no’ng inaya ako ni Jenny? Nando’n din siya sa lugar na pinuntahan namin. Unang kita ko pa lang sa kaniya, nagkagusto na ako." Nilingon ko sandali si Orion. Gulat ang imahe niya habang pinanonood ako. At bago pa niya kontrahin ang sinasabi ko ay nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Hindi ko alam na anak mo siya, Ma. Nanghihinayang po ako. Itinago ko na lang ang nararamdaman ko, pero… kanina… hindi ko po napigilan. Ang totoo… ako po ang unang humalik kay Orion. ‘Yon po ang naabutan mo, Mama. Kaya please, kalimutan na po natin itong nangyari. H’wag na pong makarating ito kay Papa. Walang kasalanan si Orion. Ako lang po talaga ang may gusto no’n…” wika ko sabay pahid sa mga luhang naglandas sa mga pisngi ko. “Oh, Hija!” Umiiling na sambit ni Mama Rowan. Dali-dali siyang tumayo at umikot patungo sa'kin. Niyakap niya ako. “H’wag kang umiyak. Wala kang kasalanan.” Hindi ko alam ang isasagot. Malaking kasalanan ang nagawa ko, pero kahit ibitin ako ni Orion, hinding-hindi ko babawiin ang mga sinabi ko. Binitiwan ako ni Mama Rowan. Hinarap ulit niya ang anak. “Now, it’s clear that you took advantage of Tori’s feelings. Ganiyan ba kita pinalaki, Orion?” “Anong sinasabi mo, ‘Ma? Wala akong pinagsasamantalahan.” “Kung totoong wala, then be responsible enough. Pakasalan mo si Tori!” Para akong tinamaan ng kidlat. Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko. “M-Mama?” "What?" May kasamang inis ang maiksing tawa niya. “Why should I? ‘Ma, alam mo ba ang sinasabi mo?” “Yes, son. Ikaw, alam mo ba kung anong ginawa mo?” “Wala akong kasalanan! It was just a kiss.” “Na siguradong nauwi na sa kama mo kung hindi ko kayo nahuli, tama ba?” Hindi nakasagot si Orion. Nagkatinginan kami saglit at hindi ko na nakita pa kung anong nasa mga mata niya. “Pakakasalan mo si Tori or I will disown you? Mamili ka.” Napaawang ang bibig ko sa banta ni Mama Rowan. “What? No." Halatang hindi makapaniwala si Orion. "Ni isang sentimo, wala kang makukuha oras na takasan mo ang ginawa mo. Kung anuman ang meron ka ngayon, ‘yon lang ang maiiwan sa’yo, tandaan mo 'yan." "This isn’t true, right?” Nagtatagis ang mga bagang niyang tanong. “No, son. Hindi ako nagbibiro. Hindi rin ako nananakot. Mawawala ang lahat sa'yo pati na ako na nag-iisang magulang mo." "M-Mama..." sabat ko at hinawakan si Mama Rowan sa magkabilang braso. "Mama, hindi po 'yon kailangan. Please, tama na po? Palampasin na po natin itong nangyari?" pakiusap ko. "Mama... halik lang po 'yon. Promise, wala po kaming relasyon. Mama, please, h'wag ganito?" Halos lumuhod na ako pakinggan lang nito, pero mariing umiling si Mama Rowan. "No, Victoria. You, two, will marry and that’s final!” Hindi ako nakakibo. Napatingin ako kay Orion at nakita ko na puno ng galit ang mga mata niyang nakatuon sa'kin. Gumapang ang mas matindi pang takot sa dibdib ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD