“O-ORION!” sambit ko pagkatapos humagis ang katawan ko sa kama. Hindi ako nagkaro'n ng pagkakataong makabangon. Bago ko pa man kasi magawa iyon ay nasa ibabaw ko na si Orion. Nahawakan agad niya ang magkabilang pulsuhan ko. Inipit niya ang mga iyon sa aking ulunan at saka tuluyang dumagan sa'kin. Namilog ang mga mata ko at hindi agad nakapalag. Kasama ng kaba at takot, naguguluhan na rin ako sa ginagawa niya. Dahil lang sa hindi niya ako mapasunod na manatili sa bahay ay nagagalit na siya at animo papatayin ako. Parang gamundo ang kasalanan ko sa kaniya. Pinilit kong kumalma upang makausap siya nang matino. “Orion, nagpaalam ako nang maayos sa'yo. Ayaw mo'kong paalisin. Ano bang problema mo?!" Umismid siya. "Why don't you ask yourself, dear wife? Hindi ba dapat alam mo kung anong probl