Kabanata 10

2162 Words

PAHABLOT kong kinuha ang baso ni Papa. Tumapon ang kalahati ng lamang alak noon sa sahig ng balkonahe. Halos magdikit ang mga kilay ni Papa nang tingnan ako. Mag-isa lang siya sa balkonahe at sinadya ko talagang abangan siya. Nasa kwarto na nito si Mama Rowan at nagsabing magpapahinga. “Ano na namang problema mong bata ka? Pinag-aaral ka, pero lumalaki kang bastos!” “’Pa, kung sinabi sa’yo ng Dianne na ‘yon na tumawag ako kanina, hindi ka dapat nagtatanong sa’kin kung anong problema. Ayokong mawalan ng respeto sa’yo, pero sumosobra ka na! Ano bang ginagawa mo, ‘Pa? Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Hindi ka nahihiya sa’kin? Hindi ka nakokonsensiya sa panloloko mo kay Mama?” Sandali siyang hindi nakakibo bago ang-iwas ng tingin. “Wala kang alam, Victoria, kaya tumahimik ka na lang.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD