Kabanata 8

2662 Words
“THIS is my house. And since we’re getting married, ituring mo na ring sariling bahay mo ito.” Iginala ko ang paningin sa buong kabahayan. Isa iyong bungalow na may modernong disenyo mula sa labas hanggang sa loob. Maluwang ang bahay. Maaliwalas. Kulay krema ang mga dingding at mga kisame na may ilang detalye ng dark brown at itim. Halatang mamahalin ang mga materyales pati na ang mga kagamitan sa loob.Natural lang naman. Dahil nasa loob ng isang mamahaling residential complex ang bahay ni Orion. "You like it?" Pinilit ko ang isang normal na ngiti at nilingon si Orion. “Maganda. Mukhang komportable ang pagkilos at safe ang paligid.” "That's true. Mahigpit ang security ng complex kaya hindi basta-basta nakakapasok ang hindi naman residente rito." Tumango ako at muling ngumiti. “Nakita ko na ang bahay mo. Pwede na ba akong umuwi?” Hindi siya sumagot. Nanatili lang ang seryoso niyang anyo habang nakatuon sa akin ang malalalim niyang mga mata na siyang dahilan para lalo akong kabahan. “You didn’t like it here?” Napaawang sa gulat ang bibig ko sa tanong niya. Mabilis akong umiling bilang paunang sagot. “Gusto ko. Sabi ko nga 'di ba, maganda. Okay sa’kin. Actually, walang problema kahit saan pa tayo tumira basta-” “Basta matuloy ang kasal natin, gano’n ba?” Natigilan ako. Hindi ko sigurado kung may laman ba ang tanong niya, pero para wala nang mahabang pag-uusap ay tumango na lang ako. Totoo rin naman ang sinabi ko. Hindi issue sa akin kung saan nakatira si Orion. Kung magpapakasal kami at magsasama, titira ako kung nasaan siya. Ngumiti siya. Ngiting gaya ng dati ay hindi man lang umaabot sa mga mata. “Let’s stay for a while. Maaga pa naman kaya mamaya na kita ihahatid. Come with me. I’ll tour you around.” Para matapos na lang ay ginawa ko ang utos ni Orion. Sumunod ako sa kaniya patungo sa isang malaking pinto sa gawing kaliwa ng bahay. Pagdating doon ay hindi niya binuksan agad ang pinto. Huminto muna siya at nilingon ako. “This will be our room. Malaking tingnan itong bahay, pero nag-iisa lang ang kwarto rito.” Medyo nagulat ako roon. Hindi ko nga alam ang isasagot kaya tumango na lang ako. “Ano bang tinatayo mo pa riyan? Samahan mo’ko sa loob.” Para akong aatakehin sa puso sa ginagawa ni Orion. Ibang klaseng takot ang sumasanib sa akin habang hinihila niya ako papasok sa kwarto niya. Hindi naman ako ipinanganak na duwag. Natutunan kong maging alerto lagi at marunong din akong kumilala ng posibleng panganib sa paligid ko. Palibhasa ay lumaking independent at laging mag-isa, alam ko kung paano poprotektahan ang sarili ko, pero sa pagkakataon iyon, pakiramdam ko ba ay katapusan ko na. “This is already a queen-size bed. Pero kung gusto mong palitan, pwede naman.” “H-hindi na. Okay na ‘yan. Hindi naman ako malikot matulog kaya wala kang dapat ipag-alala. Pwede na ba’kong umalis?” “Bakit ba nagmamadali ka? Do you think you’re in danger?” “H-hindi ko lang kasi alam kung bakit kailangan mo pa akong dalhin dito.” “Just admit it. Natatakot ka na mapag-isa kasama ako. Nasaan na ang tapang mo, Victoria?” “Orion… hindi ko alam kung bakit mo ginagawa ito, pero aminado akong malaki ang kasalanan ko. Hindi ko naman itatanggi ‘yon. Pero sana maisip mo rin na may partisipasyon ka sa mga nangyari. H'wag mo namang isisi sa'kin lahat.” “Do we have to talk about it now?" kunot-noong tanong niya. "Tapos na ‘yon. Nagsisimula na nga ulit tayo ng panibago.” “Pero iuwi mo na’ko. Hindi na kasi ako komportable.” Ilang sandaling tumahimik si Orion bago muling nagtanong. "Why do you feel that way, Victoria? Magiging asawa mo na’ko. Dapat masanay ka na lagi sa tabi ko.” “Alam ko.” “At alam mo rin dapat ‘yan sa simula pa lang. Bago ka pa nagplano na pikutin ako.” Nagulat ako sa tinuran niya. “Hindi 'yan totoo. Wala akong ganiyang intensiyon.” “Kaya ba kailangan kitang pakasalan ngayon?” “Ikaw ang may gusto na halikan kita. Kung hindi ‘yon ang pinagawa mo, hindi dapat tayo nandito.” “Kung hindi kayo dumating na mag-ama sa buhay ni Mama, wala tayo rito.” “Orion, please?" Nagmamakaawa ang boses ko. "Sa maniwala ka’t sa hindi, ang pangarap ko lang ay magkaroon ng isang buo at masayang pamilya. Ang magkaroon ng nanay.” Natahimik siya muli. Pinagmasdan niya ako. “Uuwi na'ko. S-saka mo na ako dalhin dito sa bahay mo kapag kasal na tayo.” “Alright." Inisang hakbang niya ang distansiya namin. "Let's get married first." Itinaas niya ang isang kamay at hinawakan ako sa baba dahilan para mapigil ko ang aking paghinga. "Let's get married, now." Halos malaglag ang mga panga ko sa narinig. "H-ha?" Sobrang bilis ng mga pangyayari. Ang naalala ko ay umalis ulit kami ng bahay ni Orion at pagkatapos ay tumigil kami sa isang pang-mayaman na boutique. Pinatulungan ako ni Orion sa isang sales assistant sa pagpili ng susuotin ko. Habang nagsusukat sa harap ng malaking salamin, napansin kong panay ang tawag ni Orion sa cellphone at parang ang daming kinakausap. "Perfect! Ang ganda-ganda mo naman, Ma'am!" sambit ng sales assistant. Nakita ko sa salamin nang lumingon si Orion. Lumapit siya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Akala ko ay paghanga ang nakita ko sa mga mata niya at umasa akong pupurihin niya sa ayos at bihis, pero hindi iyon ang lumabas sa kaniyang bibig. "Let's go." Naka-uniform ako nang sunduin ni Orion sa school kanina. Ngayon naman ay isang white dress sa simpleng tabas at disenyo at off-white na sapatos ang suot ko. Pagkagaling sa boutique ay dumirecho naman kami sa opisina ng isang kilalang mayor. "Siya ba ang tinutukoy mo, Orion?" tanong ni Mayor Romeo Loyzaga. "Napakaganda naman pala ng nobya mo! No wonder you're in a hurry." Ngiti lang ang naging tugon ni Orion sa sinabi ng opisyal. Ipinakilala niya kami at maya-maya ay pinag-usapan na ang gagawing pagkakasal sa amin. Para akong lumulutang. Sa oras na ring iyon ay sinimulan ng mayor ang pagkakasal sa amin. Dalawang saksi ang pinaakyat sa opisina nito. Isang maliit na kahon naman ang inilabas ni Orion mula sa bulsa ng coat niya at inilapag sa mesa ng opisyal. Alam kong iyon ang wedding ring namin, pero hindi ko alam kung paano nakabili agad si Orion. Kanina ba habang nagsusukat ako ng damit? "Ipinabili ko secretary ko kanina habang papunta tayo rito," bulong niya nang mapansin marahil ang pagtataka sa mukha ko. Ilang mga paalala at pagpapayo tungkol sa pag-aasawa ang binasa ng opisyal at maya-maya ay salitan na nitong ipinasuot sa amin ang mga singsing. Nakakamangha lang na sumakto sa daliri ko ang sukat noon. Pagkatapos ay inanunsyo ng rin mayor ang pagiging ganap naming mag-asawa. "At ang pinakahihintay na sandali ni Orion..." tudyo ng opisyal na marahang tinawanan ng dalawang saksi. Nakangiti rin si Orion habang nag-iinit naman ang mukha ko sa magkahalong hiya at pagkailang. "You may now kiss your wife." Parang niyayanig ang paligid ko. Halos mapapitlag pa ako nang hapitin ni Orion sa baywang. Nakulong ang tingin ko ng malalalim na mga mata niya. Hinawakan niya ako sa leeg. Bumaba ang mukha niya sa akin at siniil ako ng halik. Narinig ko ang palakpakan ng mga saksi. Buong panahon yata ng pagkakasal sa amin ay para akong nasa loob ng isang panaginip. Maya-maya pa ay natagpuan ko na ang mga sarili namin na pumipirma sa marriage certificate. "Congratulations, Mr. and Mrs. Orion Lei Dominguez!" bati sa amin ng mayor at ng dalawang saksi. Halos tulala ako pag-alis namin ng city hall, pero nagawa ko namang ngumiti at magpasalamat sa iilang staff na bumati rin sa amin ni Orion. "H-hindi man lang natin nasabihan si Mama..." Nasa daan na kami at iyon ang una kong nasambit nang mapag-isip-isip ko ang mga nangyari. Para akong nawala sa sarili. Hindi man lang ako nakaangal ni isang beses. Nagpaanod lang ako at ngayon ay kasal na talaga kami ni Orion. Kasal na ako sa anak ni Mama Rowan. "Don't worry about it. Ako na ang bahalang magpaliwanag. Hindi naman niya ikakagalit ang ginawa natin." "B-binigla mo ako," di-napigilang pahayag ko. Nabigla ako at sa sobrang kabiglaan, hindi na ako nakatanggi man lang. Umismid siya. "Really? Bakit hindi ka tumutol kanina no'ng dalhin kita kay Mayor Loyzaga?" Hindi ako nakasagot. Bakit nga ba? "You had the chance to back out from our wedding, Victoria, but you didn't do it. Ginusto mo rin ang nangyari." Wala nang saysay na makipagtalo sa kaniya kaya tumahimik na lang ulit ako. Wala rin namang dapat pagtalunan. Nangyari na ang nangyari at ngayon ay mag-asawa na talaga kami. "Where do you want to eat?" tanong ni Orion paglipas ng mahabang sandali. "Sa bahay na lang. Busog pa naman ako." "Okay " Buong akala ko, uuwi na kami sa bahay ni Mama Rowan, pero nakita ko ang kalsada na papunta sa residential complex kung saan ang bahay ni Orion. Magsasalita pa sana ako nang mapag-isip-isip ko ang sinabi kanina. Hiniling ko nga pala sa kaniya na saka na ako dalhin sa bahay niya kapag naikasal na kami. Kasal na kami ngayon. Asawa na niya ako. Wala nang dahilan para hindi ako sumama sa kaniya. Hininto ni Orion ang kotse sa mismong garahe ng bungalow. Nanatili naman akong walang imik pagbaba at hanggang sa makapasok na ulit kami. "Magluluto muna ako ng kakainin natin. Magpahinga ka muna. Tatawagin kita mamaya." "H-hindi ba muna natin ipapaalam kina Mama at Papa ang tungkol sa atin? Baka nasa bahay na sila. Baka magtaka sila na hindi pa ako umuuwi." Nilingon niya ako. "Kung nakabalik na sila, sasabihin ni Manong Bon na ako ang sumundo sa'yo. I told you to not worry about it. Ako ang bahalang kumausap sa kanila." "Paano ang mga damit ko?" Kung may dala man akong pag-aari ay ang damit na suot ko kanina at school bag na naiwan sa backseat ng kotse ni Orion. "Uuwi muna kaya ako para kunin ang mga gamit ko?" "Uuwi tayo pareho para kunin ang mga gamit mo mamayang gabi. Mag-a-assign na rin ako ng kasambahay na mag-eempake ng mga damit mo para hindi na tayo matagalan." "Bakit mamaya pa? Pwede namang ngayon at pwede naman na ako na lang kung may gagawin ka." Marahang nagbuga ng hangin si Orion at muli akong hinarap. Nasa mukha niya ang pagkabagot na marahil ay dahil sa pangungulit ko. "Pagtatalunan pa ba natin ang tungkol diyan? It's a waste of time." "Hindi ko naman gustong pagtalunan natin. Nagsa-suggest lang ako ng mas madaling paraan." "Iyon ba talaga o gumagawa ka lang ng paraan para makaiwas?" Hindi ako nakaimik. Pakiramdam ko, nasapol ako ni Orion. "Mamaya na tayo ulit mag-usap. Magluluto na ako para makakain tayo." Hindi ako mapakali. Umupo at tumayo ako at saka magpapalakad-lakad sa loob ng kwarto. Kahit sinabi ni Orion na siya ang bahalang magpaliwanag sa mga magulang namin, nagdesisyon akong tawagan na si Mama Rowan para sabihin ang lahat. Ring lang ng ring ang phone niya. Naisip kong baka busy, pero inulit ko ang pag-contact. Hindi pa rin siya nasagot. Nagpasya akong si Papa na ang tawagan. Malamang naman na magkasama sila. I feel a little bit guilty habang naghihintay ako ng sagot ni Papa. Ito ang magulang ko, pero mas una kong naalala na sabihan si Mama. "Hello?" Natigilan ako. Hindi si Papa ang sumagot dahil boses ng isang babae ang nasa kabilang linya. Babae, pero sigurado akong hindi si Mama Rowan. "Sinong Tori? Ano ka ni Manny?" mataray na tanong ng babae. Nabuhay agad ang inis ko, pero bigla ko ring naisip na kailangan kong magpakahinahon. Walang mangyayari kahit magwala ako sa cellphone dahil kahit dulo ng buhok ng babaeng 'yon ay hindi ko mahahawakan. "Sino ka? Tinatanong kita!" Inipon ko ang lahat ng pasensiya at pagtitimpi na natitira sa katawan ko at maayos na sumagot. "Hello, Ma'am. Tori po, anak ni Manolo Baluyot." Ilang saglit na natahimik ang babae. "Ah, ikaw pala 'yon? Victoria, tama?" "Yes, Ma'am. Pwede bang malaman kung bakit nasa 'yo ang cellphone ni Papa?" "Ah, oo. Nasa banyo kasi ang Papa mo kaya ako na ang sumagot ng tawag mo." "Girlfriend ka po ba ni Papa?" tanong ko pa rin kahit malakas na ang hinala ko. "Yes, Tori. Ako si Dianne. High school batch mates kami ng Papa mo at matagal na kaming magka-text at magkatawagan bago pa man ako umuwi ng Pilipinas." Namuo ang matinding sama ng loob sa dibdib ko. Paano nagagawa ni Papa ang gano'n kay Mama? Hindi na yata siya magbabago. Galit na galit siya kay Orion sa nangyari, pero kung tutuusin naman ay mas masahol pa siya rito. Niloloko niya ang babaeng nagmamahal nang totoo sa kaniya. "N-nasaan pala kayo ni Papa? Kasi... may kailangan po ako sa kaniya." "Nandito kami sa apartment ko," sagot ng babae at binanggit kung saan ang apartment na iyon. "College ka na, hindi ba? Don't worry, sasabihin ko agad kay Manny paglabas niya ng banyo." "S-sige. S-salamat..." Ang masayang mukha ni Mama Rowan ang una kong naalala pagkatapos kong kausapin ang babae ni Papa. Awang-awa ako kay Mama at ako ang nakokonsensiya sa ginagawa ng tatay ko sa kaniya. Hindi deserved ni Mama Rowan ang ganito at hindi ko kayang hayaan si Papa. Kailangang may gawin ako. Hindi ako basta tatayo at mananahimik lang sa isang tabi. Kokomprontahin ko si Papa. Ipapamukha ko rin sa Dianne na 'yon na may karelasyon na ang lalakeng nilalandi niya. "Hindi ka pa nagpapahinga?" Naestatwa ako nang marinig ang boses ni Orion. Sa lalim ng iniisip ay hindi ko namalayan na nabuksan ang pinto ng kwarto. Nilingon ko siya. "Hindi na pala ako nagluto. Nagpapa-deliver na lang ako ng pagkain. Gutom ka na ba?" "Aalis ako." Natigilan nang ilang saglit si Orion. "Saan ka pupunta?" Nag-apuhap ako ng isasagot. "S-sa... bahay kaibigan ko... si Jenny. May kailangan lang akong gawin." "Anong gagawin mo sa bahay niya? Kakakasal lang natin. Hindi ka pwedeng umalis." "Hindi ako magtatagal! May kailangan lang akong gawin!" iritadong sagot ko. Sa bawat pagpigil sa akin ni Orion, lalong umaalpas ang gigil ko para sa tatay ko at sa babae nito. Makikita nila! Ako ang gaganti para kay Mama Rowan! "Like what?" usisa ni Orion, mukhang iritado na rin. "Bukas na lang kung ano man 'yan. Hindi ka ba makakapaghintay?" "Hindi!" matigas na sagot ko. "Kaya kahit hindi ka pumayag, aalis pa rin ako!" May determinasyon sa boses ko nang sabihin iyon. Hindi na rin ako naghintay ng sagot mula sa kaniya. Nagsimula na akong humakbang para lampasan si Orion, subalit hinablot niya ako sa braso at ibinalik. Nasalo ko ang galit na mga mata niya. Gumapang ang kilabot sa akin. Inagaw rin niya ang cellphone sa kamay ko na siyang ikinasinghap ko. "Hindi ka aalis! I am now your husband! Kung anong sabihin ko, 'yon ang gagawin mo! Kaya kapag sinabi kong dito ka lang, dito ka lang!" "Bitiwan mo'ko!" Hinila ko ang braso ko, pero bigo akong mabawi iyon. "Bakit ba ayaw mo akong paalisin? Asawa mo nga ako, Orion, pero may sarili pa rin akong buhay kaya ako pa rin ang masusunod sa sarili ko!" "I own you!" Halos isigaw ni Orion ang mga kataga sa mukha ko. Natigilan ako at hindi makapaniwalang sinalubong ang mga mata niya. "The moment you trapped me in this marriage, I already own you!" "Hindi 'yan totoo!" paasik na sagot ko. "Hindi ko sinadya ang nangyari! At uulitin ko sa'yo na asawa mo lang ako, pero hindi mo'ko pag-aari!" "Sa akin ka, Victoria!" mabilasik ang titig niya na nagpakaba sa akin. Naiwan sa lalamunan ko ang pagsagot. "Gusto mong patunayan ko 'yan sa'yo? Manood ka!" Pagkasabi noon ay itinulak lang ako basta ni Orion at bumagsak ang katawan ko sa kaniyang kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD