Kabanata 7

2190 Words
INIHANDA ko ang sarili sa pagpasok ni Drei. Kausap ko siya sa cellphone kanina habang nasa biyahe ako papuntang opisina. He was asking a lot of things about my ‘almost stepsister’. Halos mamura ko na siya sa dami ng sinasabi. Umaga pa lang, sinusubukan na agad ang pasensiya ko ng mga tao sa paligid ko. Kaya para mas maayos kaming makapag-usap, inimbitahan ko na lang siyang pumunta sa opisina ko. Katatawag lang sa akin ngayon ng secretary para sabihin ang pagdating nito. “Bro!” ngiting-ngiti si Drei paglapit sa mesa ko. I kept a neutral reaction. “Have a seat.” Inilahad ko ang isa sa mga swivel chairs sa harapan. Bumukas naman ulit ang pinto ng office at pumasok ang secretary na si Michelle dala ang hiningi kong dalawang tasa ng kape. Hinintay ko munang mailapag nito ang mga tasa at makalabas bago ko hinarap si Drei. “So what’s up?” pagbubukas ni Drei sa usapan matapos tumikim sa kape nito. “You know what, I’m acting foolishly lately. Ewan ko ba! Ni-stalk ko pa sa social media niya ang stepsister mo and I think I’m beginning to like her even more. Pumayag ka na kasi sa pustahan natin para may permiso na akong makadalaw sa kaniya.” A lopsided smile formed my lips. Akala talaga siguro ni Drei ay papatusin ko ang pustahan na sinasabi niya para nga naman kapag natalo ako ay malaya na siyang maligawan si Victoria. “Sorry, bro. Huli na ang lahat.” Natahimik siya at biglang nawala ang ngisi. “What do you mean? Don’t tell me na may boyfriend na si Tori. I won’t believe you.” “Oh. Of course not." Tumayo ako at nagsimulang maglakad patungo sa harapan. Huminto ako sa likuran ng isa pang swivel chair sa tapat ni Drei at kalmadong itinukod ang dalawang palad sa sandalan noon. "As you know, she has no boyfriend since birth, but unfortunately, she’s getting married very, very soon.” He smirked. “Niloloko mo ba’ko, Orion? Walang boyfriend, pero ikakasal. What is that? Arranged marriage?” “We can say that. And as a matter of fact, kaharap mo ngayon ang mapapangasawa niya." Natulala si Drei sa huling sinabi ko. "A-ano? F*ck you, brother." Sinundan niya iyon ng tawa kaya umiling ako. Sumeryoso ulit siya. "This is a joke, right?" "I'm not joking, bro," sagot ko. "Kaya mas mabuting kalimutan mo na ang pustahan na ‘yan dahil manalo o matalo man ako, wala ka nang magagawa pa. Ikakasal sa’kin ang babaeng gusto mo.” Ilang minuto nang nakakaalis si Drei, pero hindi pa rin ako bumabalik sa trabaho. Nakaupo lang ako. Nakatingin sa pinto ng opisina habang iniisip ang mga nangyari kanina sa bahay at ang mga sinabi ko kay Victoria. Halos mapaniwala ni Manolo si Mama na tutol ito na ikasal kami ng anak. It was his forte. He was good at pretending at iyon ang ginagamit niya para manloko ng mga babae. I still couldn't believe that my mom got involved with those kind of people. Hindi ba talaga nararamdaman ng nanay ko ang pagigng peke ng mag-ama? Napailing ako sa umaapaw na naman na disappointment. Mahihirapan na talaga akong alisin sa buhay namin ang dalawa. Alam ko ring hindi na ako makakatakas sa sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon. My mom wouldn’t let me. At kung sakali, ako naman ang aalisin niya sa buhay niya at lalong magdidiwang ang mga Baluyot kaya hindi na ako tumututol sa gusto ni Mama. Tuloy na tuloy ang kasal namin ni Victoria. Good thing na may pinanghahawakan ako na usapan namin ni Mama a few years back. Nagbitaw siya noon ng pangako na oras na magkaanak ako ay ilalaan niya agad ang fifty percent ng lahat ng kayamanan at ari-arian niya sa bata. At walang pwedeng makagalaw sa kayamanan na iyon maliban sa magiging anak ko pagtuntong nito sa tamang edad. I then thought it was a crazy idea. Masyado pang maaga para magdesisyon si Mama tungkol sa bagay na 'yon. Besides, nag-iisa niya akong anak at solong tagapagmana kung tutuusin. Kung anuman ang maiiwan niya sa'kin, iyon din ang iiwan ko sa magiging mga anak ko. Kaya kung ibibigay niya ang fifty percent ng kayamanan niya sa magiging panganay ko, paano naman ang mga susunod ko pang anak? May mali talaga sa sinabi ni Mama noon, pero nang tutulan ko naman, nagtalo lang kaming dalawa. It was clear that she was firm with it kaya iyon din ang pinanghahawakan ko ngayong ikakasal ako kay Victoria. Kailangang mabuntis ko agad siya at nang magkaroon na ako ng anak. Isang anak lang. At kapag dumating ang panahon na hihiwalayan ko na siya, titiyakin kong sa akin mapupunta ang custody ng anak namin. Then I would make sure that I would always be there beside my child. Hanggang sa paglaki niya ay naroon lang ako. Hindi ko hahayaan na may makikialam dito kahit sino lalo na si Manolo. Kahit si Victoria ay hindi ko rin papayagan na makinabang sa mamanahin ng anak ko. Walang mapapala ang mag-amang Baluyot at kung may makukuha man sila, maliit na parte na lang ng kayamanan ni Mama. Napukaw ang pag-iisip ko ng ringtone ng aking cellphone na nasa ibabaw lang ng mesa. Nakita ko agad ang pangalan ng caller kaya dinampot ko na iyon at sinagot. “Jeri.” “Surprise!” Nagsalubong ang mga kilay ko. “Surprise what? Don’t tell me nakauwi ka na.” “Uhm, not yet. But I’m going home the day after tomorrow and it’s no longer a surprise. Alam ko naman na ayaw mo nang ginugulat ka, right, sweetie? Oh, Lord, I miss you so bad!” “Really?” sambit ko at napangisi. “Didn’t we break up before you left, Jeri? No more sweetie this time.” “Oh, come on, Orion! I just had to make a decision because you didn’t want me to leave. At nakapag-isip-isip na ako. Pagbalik ko riyan, I promise, hindi na ako aalis ulit. Hindi na kita ipagpapalit sa trabaho ko.” Hindi ako kumibo. For more than seven months of our relationship, pinakamadalas na dahilan ng pagtatalo namin ni Jerica ang tungkol sa trabaho niya. She's a model. Matagal na rin niyang pangarap na makasali sa mga pinakasikat na international fashion shows. “Will you meet me at the airport? Ikaw ang una kong tinawagan para ipaalam ang pag-uwi ko. So I’m expecting that you’re gonna be the one to fetch me.” Marahan akong nagbuga ng hangin. “Fine. Ako ang susundo sa’yo.” “Great! I'll see you, soon, sweetie!” ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ “ANO?! Ikakasal ka sa magiging stepbrother mo?!” Pinagulong ko ang mga mata ko at nagbikit ng balikat. May klase pa dapat ako sa oras na iyon, pero wala ang professor namin. Saktong bakante naman si Jenny kaya nagkita kami nito sa cafeteria ng deparrment niya. Mas malapit kasi ang building nila sa mga daan palabas ng campus kaya roon na kami tumambay habang naghihintay ako ng aking sundo. Nang magkita, hindi na ako nagdalawang-isip na sabihin dito ang lahat ng mga nangyari. Mula umpisa hanggang sa pinakahuli. And as expected, gulat na gulat ang kaibigan ko. "My gosh, nakakaloka! Ano ba 'yan, girl? Hindi ba dapat ang Papa mo at si Miss Rowan ang ikakasal? Paano na 'yan? Double wedding ba?" "Hindi ko alam. Basta ang alam ko, hindi ako makakapalag sa anumang sasabihin ni Mama Rowan. Jen, ang laki ng kasalanan ko sa kaniya. At sobrang laki ng gulong dinala ko sa pamilya namin. Hindi ko na 'to malulusutan kaya pangangatawanan ko na lang. Bahala na. Nagkasubuan na, eh!" "Uula-ulaga ka naman kasi! Bakit ka ba nagpahalik sa Orion na 'yon? 'Yan tuloy! 'Yong soon-to-be-stepbrother mo lang sana, magiging future husband mo pala! Hay, masisiraan ako ng ulo sa'yo!" Hindi na ako umimik. Hindi ko naman masisisi si Jenny sa naging reaksiyon nito. Kung ako nga, halos mabaliw na rin sa kakaisip kung paanong napunta kami sa ganitong sitwasyon. Hindi nga madali. Lalo na at may kondisyon pang hiningi si Orion. Ang balak ko pa naman sana ay maging asawa lang niya sa papel. Nothing more. Dahil alam naman naming pareho na hindi namin gusto ang isa't isa. "Gwapo ba si stepbro- I mean, future husband?" Napatingin ako kay Jenny. Hindi ko alam kung bakit kailangang matagalan ang pagsagot ko sa simpleng tanong niya. Oo, gwapo si Orion. Unang kita ko pa nga lang sa kaniya noon sa club, nagwapuhan na ako sa kaniya. Tumango ako. Biglang lapad naman ng ngiti ni Jenny. "Ay, hindi ka naman pala luge! Totohanin mo na, girl!" Sumimangot ako sa sinabi niya. "Anong totohanin? Bakit? Akala mo ba, mapepeke namin ang kasal?" "Hindi 'yon ang tinutukoy ko. Ang sinasabi ko, totohanin mo nang gustuhin siya. Tutal gwapo naman pala. Madali na 'yon." "Jenny, hindi ang panlabas na anyo lang ng tao ang mahalaga. Gwapo si Orion. As in wala ka nang maipipintas sa hitsura niya, sa tangkad, sa kung paano manamit. Pero ang ugali... naku, sobrang nakakasura! Kung gaano kabait si Mama, gano'n naman kasama ang ugali niya. Kamag-anak yata 'yon ni Satanas, eh." Nagpaalam na sa akin si Jenny pagkatapos ng isang oras. May isa pa raw siyang klase bago ang uwian habang ako naman ay naglakad na palabas patungo sa parking lot at hinanap ang driver. Hindi nagtagal ay nakita ko ito. Nakita rin ako ni Kuya Bon at agad akong sinalubong, pero hindi pa ako nakakaisang salita ay may humawak na sa aking siko. Gulat akong napalingon at agad sinalakay ng kaba nang makita si Orion. Naka-office attire pa ito minus the coat. "A-anong ginagawa mo rito?" Hindi ko ininda ang maliit na kuryenteng tila dumadaloy mula sa mga daliri niya patungo sa siko ko. Hinubad niya ang suot na sunglasses saka bumaling sa driver at ito ang kinausap. “Mauna ka na. May pupuntahan kami ni Tori. Ako na lang ang maghahatid sa kaniya pauwi.” “Sige po, Sir!” alertong sagot naman ni Kuya Bon bago bahagyang nagyuko ng ulo at umalis. Nilingon ko si Orion. “Bakit ikaw ang sumundo sa akin? Bilin ba ni Mama?” kalmado ang boses ko nang magtanong, pero ang dibdib ko, mistulang minamaso. Isinuot niya ulit ang sunglasses. “Mamaya na tayo mag-usap. Halika na sa kotse.” Wala akong nagawa nang hilahin na niya ako papunta sa kinapaparadahan ng sasakyan niya. Hindi naman nakaligtas sa pansin ko ang mga kapwa ko estudyante at iilang staff ng university na nakakakita sa amin. Pinanonood kami ng mga ito partikular na si Orion. Halata nga ang admirasyon sa mga mata ng mga ito para sa kasama ko. Kusa na akong sumakay sa unahan ng kotse pagkabukas ni Orion sa pinto noon. Tumingin ako sa labas at naroon pa rin ang mga babaeng halos luluwa na ang mata sa pagtingin sa lalakeng mapapangasawa ko. Bigla akong natigilan sa naisip. At bago ko pa maanalisa ang tungkol doon, nagulantang na ako sa pagsara ng pinto ng driver's seat. Parang uminit bigla sa loob ng kotse nang makasakay na si Orion. O sumikip lang ang pakiramdam ko dahil nga ang laking tao niya lalo sa loob ng kotse? "Buckle up." Hindi ako kumibo at sumunod na lang sa utos. Maya-maya ay umaandar na kami paalis ng parking lot. Nasa highway na kami nang tumikhim ako. "Pasaan pala tayo?" tanong ko dahil wala nga akong ideya sa sinasabi ni Orion na may pupuntahan kami. "Sa bahay ko." Natigilan ako ng ilang segundo bago marahas na lumipad ang tingin sa nasa manibela. "S-saan?" "Gusto kong makita mo ang titirhan mo pagkatapos ng kasal natin." Napakurap-kurap ako sabay lunok. "K-kailangan ba? Hindi ba pwedeng pagkatapos na ng kasal tutal makikita ko rin naman 'yon?" Kung kanina ay mainit lang ang pakiramdam ko, ngayon, tila ako inaapuyan. Ramdam ko ang pagpapawis ng noo ko at ng leeg. Gusto ko ngang ipaypay ang blouse ko sa sarili kung hindi lang ako mahahalata ng aking katabi. "Ngayon mo na tingnan." Nilingon niya ako sandali. "Hindi naman tayo magtatagal kaya h'wag kang matakot." Sumimangot ako. "Hindi ako natatakot. Ang sinasabi ko lang, pwede namang sa ibang araw na 'yan. Idirecho mo na ako ng uwi sa bahay. Baka hinihintay na'ko nina Mama." Umiling si Orion. Pansin kong napakakalmado niya kanina pa. "Wala siya sa bahay. Tumawag ako kanina." Hindi ako nakaimik nang ilang sandali. "P-pero iuwi mo na rin ako. Saka ko na titingnan ang bahay mo." Parang hindi naman ako narinig ni Orion. Nagbibingi-bingihan na siguro ito. Lalo akong kinabahan. Hindi ko naman masisi ang sarili ko na makaramdam ng takot dahil malaki ang kasalanan ko sa nangyari at alam kong galit sa'kin si Orion. Baka mamaya ay may hukay pala na naghihintay roon at itutulak na lang niya ako saka tatabunan ng lupa at tapos ay sesementuhan. "O-Orion." May bahagyang nginig sa boses ko. Sinulyapan niya ako at bahagyang naggusot ng noo. "What's the problem? I'm not going to hurt you, Mrs. Orion Lei Dominguez." Napaawang ang bibig ko dahil sa itinawag niya sa'kin. Hindi ako nakasagot. "Kumalma ka lang. Malapit na tayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD