KASABAY ng unti-unting pagdilat ng mga mata ko ay ang pagbukas ng pamilyar na pinto ng isang kwarto. Isang malabong imahe ng babae ang pumasok at lumakad papunta sa kinahihigaan ko. Sandali pa ulit akong pumikit para palinawin ang paningin. This was me in the morning whenever I got hang over. Nahihirapang mag-adjust ang mga mata ko at kailangan ko pang pumikit at magmulat ng ilang beses bago maging malinaw ang lahat. When I opened my eyes again, I realized that I was in my own bedroom. Hindi nga lang sa bahay namin ni Victoria kundi sa bahay ni Mama. "Good morning, baby!" Natigilan ako. Pagkarinig ko pa lang sa boses na iyon ay sunod-sunod na ring nagbalikan sa alaala ko ang mga nangyari kagabi. Hindi si Victoria ang pumasok sa kwarto ko. Hindi rin ako umuwi ng bahay kagabi. I was w