NAGPAHATID ako sa taxi sa mismong address na ibinigay ng nag-text sa'kin. Habang nasa daan ay paulit-ulit kong sinubukan na tawagan si Orion, pero hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang townhouse ay hindi ko pa rin siya ma-contact. Nilingon ako ng driver. "Nandito na po yata tayo, Ma'am," anito. Hindi ako sumagot. Ang lakas ng kaba ko. Bukod sa dis oras ng gabi, hindi ko alam kung tama bang sumugod ako basta sa lugar na iyon- sa sinasabing bahay raw ni Drei. Sa sobrang pag-aalala ko kay Orion, hindi na ako gaanong nakapag-isip. Idagdag pang hindi ko siya ma-contact. Wala naman akong alam na pwede niyang puntahan sa oras na iyon. Hindi ko rin ma-imagine na maghihintay lang ako sa bahay dahil minu-minuto ay para akong pinapatay sa nerbiyos. "Tama naman po ang address, 'di ba, Ma'