NAAALA ko na inaantok-antok ako kanina sa sasakyan ni Orion. Maya’t maya nga ang paghikab ko at pinipigilang makatulog, pero na-realize kong nakatulog din pala ako at nagising hindi sa loob ng sasakyan kundi sa isang malamig at maluwang na silid. Pabalikwas akong bumangon nang makitang hindi pamilyar ang lugar. Natakot pa ako nang una, pero nang matanaw ko si Orion sa likod ng isang malapad na mesa habang nakatutok ang mga mata sa screen ng laptop ay nakahinga ako nang maluwag. Nasa office na pala niya kami. Hindi ko man lang namalayan. Iginala ko ang tingin ko pagkatapos at sinuri ang kabuuan ng modernong opisina. “Gising ka na.” Bahagya akong napaigtad nang magsalita siya. Nilingon ko siya at nagkatinginan kami. “Anong gusto mong kainin?” “Paano ako nakarating dito?” May hula nam