THE START

786 Words
Shocks! Ang guwapo niya! Labas pa ang dimples sa magkabilang pisngi. Naitulos ako sa kinatatayuan ko. Nang mahimasmasan ako tumingin ako sa paligid. Walang ibang tao sa hallway kundi ako kaya siguradong ako ang tinawag niya. Tumingin ako ulit sa room. Nakatingin pa rin siya. Mabilis na lang akong naglakad palayo. Shocks! Alam niyang ako ‘yong sumusulat sa kanya. Paano? Gosh! Hindi ko alam kung magdidiwang ako o magtatago na lang. Ang awkward lang! Pagdating ko sa library, hindi ko naman magawang magkuwento sa mga barkada ko dahil bawal ang maingay sa loob. Unti-unti kong kinalma ang sarili ko. Kaharap ko pa man din sila sa table. Gustong-gusto kong sabihin ang nangyari pero hindi ko rin alam kung papaano umpisahan. Tahimik ang mga ito nagsusulat. Busy sila sa paggawa ng book reports nila. Hay, bakit ba kasi hinihintay pa nila ang deadline bago gumawa? Huminga ako ng malalim. Nang kumalma ay inumpisahan ko na lang magsulat sa experiment notebook ni Mark kahit nawiwindang pa rin ako. Hindi ko namalayang tapos na pala ang sinusulat ko. Busy parin ang apat na bruhilda kaya pumunta na lang ako sa canteen para ibigay kay Mark ang notebook niya. Nasa bukana pa lang ako nang biglang may sumundot sa pisngi ko at tumatawa pa. Alam kong si Mark ‘yon. Siya lang naman ang nangti-trip sa pisngi ko! At dahil nagulat ako, pinaghahampas ko siya ng notebook. Tawa lang naman siya ng tawa habang umiilag. Natawa na lang din ako. Para tuloy kaming mga paslit. "Tara kain na tayo!" sabi niya sabay hila sa kamay ko. Kumuha siya ng tray at hinila na ako para makapili ng pagkain. Walang pila kasi one hour before lunch pa at sections A lang ang pakalat-kalat. Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko habang nasa counter kami. Ang gaan ng feeling ko ngayon. Epekto ng pagtawag sa akin ni Andrei ng "Marimar". Ang sarap pala sa feeling na nag-eexist ka sa mundo ng taong pinapangarap mo. "Hoy Eljay! Pili na!" untag ni Mark. Sinundot na naman ang pisngi ko na agad kong pinalis. "Hmp! Adik to!" biro ko sabay hampas sa braso niya. Natawa naman ito kaya napatawa rin ulit ako. Siyempre dahil eat-all-you-can, madami akong pinaorder. Hehe! "Sige, hindi tayo aalis ng canteen hangga't hindi mo nauubos ‘yan!" sambit niya nang ilapag sa mesa ang tray na puno ng pagkain. Napangiti ako ng malapad. Hinostage pa ako ng loko. Dahil sa dami ng pagkain na, pasado ala una na ay nasa canteen pa kami pero naenjoy ko naman dahil kung ano-ano ang napagkukuwentuhan namin. Kahit politika ay napasama pa sa kuwentuhan at batuhan ng opinyon. Nag-sipasok na sa klase ang ibang mag-aaral, nandito pa rin kaming dalawa. Kanya-kanya kasing mundo kapag ganitong nagra-rush ng requirements. Alas tres na nang pumasok kami sa classroom kasi darating na ang mga teachers para mag-check ng requirements at projects. *** Saturday (Sa Bahay) "Ate may naghahanap sa ‘yo sa labas classmate mo raw," saad ni Jopet, kapatid kong nasa grade 5. Hindi ako naniwala noong una pero lumabas na lang din ako. Natanaw ko sa harap ng gate namin si Mark. "Oh? Hi!" bati ko. Nagtaka ako dahil hindi naman ito nagpupunta sa bahay. Sa ibang barangay kasi ito nakatira. Para naman itong napatda pero nagsalita rin nang makabawi. "Hi Eljay! Pahiram naman ng notebook mo sa Math, ipapa-photo copy ko lang," nahihiya nitong saad. "Akala ko ba complete na notebooks mo?" tanong ko. Ang alam ko experiment notebook lang niya ang kulang kaya ipinasulat sa akin. Napakamot siya sa batok. "Hindi naman kasi nag-checheck ng notebook ang Math teacher natin kaya hindi ko na kinumpleto" nahihiyang niyang pag-amin. Napatango naman ako. "Ok, sige. Sandali lang kunin ko tutal third day pa naman i-eexam ibalik mo na lang sa Monday.” Tugon ko. Magsasalita pa sana siya pero pumasok na ako sa loob ng bakuran. Pagbalik ko nakatayo pa rin siya sa labas. "Heto na!" Iniabot ko ang notebook. Ngumiti naman siya. Ang guwapo rin lang talaga ng isang ‘to. "Balik ko bukas!" aniya. "Sa monday na lang.” nakangiti kong tugon. Nag-alangan pa ito. “Papasyalan mo ba si Allene?" bigla ko na lang naitanong para may masabi. Sa kabilang barangay lang naman kasi ang bahay nila Allene. Para namang nagulat siya sa tanong ko pero tipid na sumagot. "Oo, bukas!" tugon niya. Napatango na lang ako hanggang sa nagpaalam na siya. Nang makaalis siya, saka ko lang napagtanto na hindi ko man lang pala siya niyayang pumasok sa bahay. Napailing na lang ako. Eh kasi naman baka isipin nila manliligaw ko. Nakakahiya. Ang guwapo pa naman niya, hindi bagay sa akin. Si Andrei na lang para mas guwapo! Hehe! Mas bagay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD