HEARTBREAK

976 Words
Sa mga sumunod na tatlong araw, kami ni Mark ang magkasamang nagmemeryenda kasi iba ang room assignment ng top 10 sa klase at dahil mabilis kaming sumagot maaga kaming nag-iisnacks pero kapag lunch kasama namin ang kani-kaniyang barkada. *** Thursday Back to regular class ulit. Para maiba, nagbaon kaming limang magbabarkada ng lunch. Picnic style kami sa lilim ng puno sa likod ng building namin. May mga table kasi na puwedeng kainan. Ang saya lang lalo na't hindi ko pa rin makalimutan ang pagtawag ni Andrei sa akin ng "Marimar". Hindi ko pa rin pala nakukwento sa kanila. Akin na lang muna. Nagpapahinga na kami dahil tapos nang kumain nang humarap ako kay Allene. "Allene, dinalaw ka ni Mark ‘nong Sunday ‘no?" nakangiti kong tanong. Aasarin ko sana pero umiling siya at nag-blush. Honest si Allene kaya alam ko agad na hindi nagpunta si Mark nang umiling ito. Nanahimik na lang ako. Bago kami bumalik ng classroom nagpaalam muna akong dadaan sa canteen para bumili ng ballpen. Pagpasok ko narinig ko ang tawanan ng mga grupo ni Andrei sa isang table. Naglakad ako papuntang school supplies at napatingin ako sa lugar kung nasaan sila. Nagkatinginan kami ng ilang segundo pero naagaw ng tingin ko ang babaeng katabi niya at tinutulak ng barkada niya palapit sa kanya. Magkatabi sila sa upuan. Si Honey, classmate ko rin. Siya ang isa sa pinakamaganda sa klase namin – matangkad, maputi at sexy. Parang may sumundot sa puso ko kaya nag-iba na lang ako ng tingin. Mabilis akong bumili ng kailangan ko saka agad na bumalik na sa classroom. Hindi ako makahinga. Hindi mawaglit sa isip ko ang eksenang nakita ko. Kumikirot ang mumunti kong puso. Kaya pala naisip naming huwag kumain sa canteen, nagpaparamdam pala ang hindi magandang mangyayari... Kahit noong nagka-klase na kami, hindi na ako maka-concentrate. *** 10-minute break namin ng 3:00 nang mapadaan si Andrei sa classroom. Bumilis ang t***k ng puso ko pero pinilit kong itago ang emosyon ko. Feeling ko tumingin siya sa akin bago kay Honey. Guni-guni ko lang siguro ‘yon dahil nagkantiyawan na ang mga classmates namin. Kinukulit si Honey kung nanliligaw na ba si Andrei sa kanya. Wala kasing napapabalitang gf no’n kahit marami ding nagkakagusto. Kilala siya dahil sa galing niyang mag-basketball. Hinintay ng lahat ang sagot ng isa kaya kahit ako ay nakihintay na rin. Pakiramdam ko ay muling natusok ng karayom ang puso ko nang tumango ito. Lahat nakisaya maliban sa mga barkada ko dahil alam nilang masasaktan ako. Napatingin din si Mark sa akin. Ngumiti na lang din ako para itago ang sakit na nararamdaman ko. Ang siste wala naman akong karapatang masaktan. Lumabas na ang ibang mga classmates namin. Kaunti lang kami sa loob. Wala akong ganang lumabas. Naiwan din pala si Mark. Himala ngayon lang siya hindi lumabas. Dati naman ‘di yan nagpapaiwan sa mga kabarkada niya kapag breaktime. Napatingin kami sa pinto ng tumambad doon si Andrei. May hawak itong cheesecake at coke in can. "Uhm, Elaijen!"tawag niya sa akin habang papasok ng room. Napakislot ako. Kilala pala niya ako? Pero masakit pa rin na si Honey ang gusto niya. "S-si Honey ba ang hinahanap mo?" tanong ko bago siya tuluyang makalapit. Pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko na para bang hindi nasaktan kani-kanina lang. Hindi siya nakaimik. Tamang-tama namang pumasok si Honey sa classroom. "Oh, Hi Drei! Para sa akin ba ‘yan?" agad nitong tanong at humarap sa aming dalawa. Ang lapad ng ngiti niya habang nakatingin kay Andrei. Grabe! Drei pa talaga ang tawag nito. Tumingin si Andrei sa akin bago siya tumango at iniabot kay Honey ang dala. "Sige, una nako!" sambit ni Andrei. Ngumiti siya. Hindi ko alam kung sa akin o kay Honey. Muli na naman akong nakaramdam ng paninikip sa dibdib. How ironic? Cheesecake pa talaga! Iyong paborito ko pa. Isinusumpa ko hindi na ulit ako kakain ng cheesecake! Pinilit kong umakto ng kaswal habang pumupuwesto sa upuan ko. Sana katulad na lang din ako ni Honey –maganda, sexy at maputi! Bagay sila ni Andrei! Sino ba naman kasi ako para magustuhan niya? Maitim… Morena na lang! Hindi matangos ang ilong... Hindi rin naman flat nose! Mahahaba ang pilikmata ko? So what? Mukha namang masungit ang mga mata ko! Matangkad din ako, balingkinitan pero flat-chested naman! Hay...wala pa rin! Tiningnan ko lang si Honey habang nakangiting hawak ang binigay ni Andrei. Feeling ko malalaglag ang mga luha ko. Tumingala na lang ako parang kunwari may tinitingnan sa ceiling… Parang tanga lang. Naramdaman kong unti-unting may umupo sa tabi ko pero ayokong ibaba ang tingin ko baka tuluyang magwala ang puso ko sa sama ng loob. "Ang ganda ng mga stars ‘no?" narinig kong saad ni Mark. Siya ‘yong tumabi sa akin. "Baliw! bobeda naman ‘yan eh!" sagot ko pero nakatingala pa rin. Feeling ko talaga malalaglag ang luha ko kapag ibinaba ko ang tingin ko. "Akala ko kasi may mga stars kaya ka nakatingala," biro niya. Alam kong nararamdaman niya ang lungkot ko. Hindi na lang ako umimik.. "Mahilig ka pala sa cobwebs!" sambit nito. Doon yata tuluyang umatras ang luha ko. Napatingin ako sa kanya. "Adik ka talaga!" sambit ko na lang sambay hampas ng mahina sa balikat niya. Tumawa naman ito ng mahina. Tumingala na lang ako ulit. Ganoon din siya. Maya-maya'y dumating ang iba naming classmates kasama ang barkada namin. Nakitingala din sila at hinahanap kung anong tinitingnan namin. Noong mapansin namin na halos lahat na nakatingala, nagkatinginan na lang kami ni Mark sabay tawa. Ang epic lang! "Mga baliw kayo!" hiyaw ng mga classmates namin at pinaghahampas kami ng barkada nang ma-realize nila na wala naman talaga kaming tinitingnan. "Ano ba’ng trip niyo ha!?" asik nila. Tumawa na lang kami pareho. Somehow gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD