LETTERS SENT

620 Words
After 3 days nakita naming magbabarkada na may nakaipit na Card sa notebook ni Allene. Iyon na siguro ‘yong nanggaling kay Mark. Ewan ko bigla akong nalungkot. Siguro dahil baka magkagustuhan na sila halata naman kay Allene na gusto niya rin. Malandi rin kasi ang isang to eh! Hehe! Joke. Buti pa sila. Ako naman? Heto walang lovelife. "Jen, gawa ka na ulit ng letter para kay Andrei" wika ni Kaye. Tatahi-tahimik pero nakikiayon din sa usapang trip. Nakiusyoso rin ang iba pa naming barkada. "Hmp! Ayoko na ‘no! Pinagbigyan ko na kayo kaya wag na!" irap ko sa kanila. Pero sa totoo lang nakagawa na ako ng lima pa. Isi-send ko ‘yon everyweek pero hindi ko na sasabihin sa barkada. Baka makantiyawan pa ako. Somehow nakakagaan din kasi sa kalooban ang isiping nababasa niya ang nilalaman ng dibdib ko kahit hindi niya alam na ako ‘yong sumusulat no’n. *** Napadala ko na lahat ng letters kay Andrei sa limang magkakasunod na linggo pero hindi ko naman maramdaman na naghahanap siya kung sino man ang sumusulat sa kanya. Sana sinabi ko na lang kasi ang pangalan ko. May codename pa kasing nalalaman. Marimar ang ginamit kong pangalan. Sikat na sikat kasi ngayon ang mexicanovela ni Thalia at Marimar ang pangalan niya. Palihim ko siyang iniistalk. Dalawa lang naman ang tambayan nilang magbabarkada, kung hindi basketball court, sa bilyaran malapit sa school pero parang wala namang pinagbago sa kilos niya. Matatapos na ang third grading at ibinigay sa amin ang friday na ‘to para mag-complete ng requirements at notebooks bago ang exam sa Monday. Puwede kaming mag-stay sa library o sa canteen pero for section A lang ang ganitong set-up. ‘Yong iba sa classroom lang. Papalabas na sana ako ng classroom nang tawagin ako ni Mark. Five weeks na din pala pagkatapos niyang naibigay ‘yong card kay Allene. Hindi ko na inalam ang progress basta ang sinabi ko kay Allene boto ako kay Mark. Bahala na sila. "Saan ang punta mo?" saad niya habang papalapit. "Sa library nandoon ang barkada ko," tugon ko naman. "Uhm, tapos mo na ‘yong mga requirements mo?" tanong ulit niya. "Yup, ikaw?" balik-tanong ko. "Hindi pa nga eh! Patulong naman,” sambit niya. Napangisi ako. Kaya naman pala ako pinansin magpapatulong pala. "Ano ba ‘yon?" tanong ko na lang. Tutal naman guwapo siya kaya pagbigyan. Hehe! May kamukha nga siyang artista. "Kulang ako ng dalawang experiments, puwedeng pasulat? Ikopya mo lang tong answers ng groupmate ko." "Tss! Ang talino hindi naman nagsusulat sa experiment notebook." Kunwari’y galit kong sambit. Nagsalubong ang kilay ko. Ngumiti naman ito. "Sige na! Libre kita sa canteen mamaya, eat-all-you-can!" pang-eengganyo niya sabay kindat at tusok sa pisngi ko. Ngumiti siya ng matamis. Lumabas pa ang mumunting dimple niya sa kanang pisngi. At naglaway naman ako sa ngiti niya. Hehe! Joke! Naglaway ako sa eat-all-you-can siyempre! Choosy pa ba ako?? Kinuha ko na lang ‘yong notebooks na hawak niya. "Sige kita na lang tayo sa canteen after one hour," saad niya at naglakad na palabas ng room nang nakangiti. Ang loko binigyan pa ako ng time frame. Binuklat ko ang notebook niya. Ako talaga pinagsulat niya paano kasi halos magkapareho ang penmanship namin. Parang sulat-kamay ng engineer. (Hehe! Asa!) Pangarap ko talagang maging engineer. Inayos ko ang gamit ko at lumabas na rin ng room. Naglalakad ako sa hallway nang may biglang sumigaw ng "Marimar!" Galing iyon sa nadaanan kong room. Hindi ko alam pero awtomatikong napatingin ako sa taong nagsalita. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo. Mula sa nakabukas na bintana ng classroom nakatitig at nakangiti sa akin si Andrei.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD