LOVE POEM

680 Words
"Hi Eljay!" bati ni Mark habang papalapit sa puwesto ko. Humarap siya sa katabi kong si Chad. "Chad, doon ka muna sa upuan ko may sasabihin lang ako kay Eljay," wika ni Mark. Yeah, Eljay ang tawag niya sa akin, hinayaan ko na lang siya. Nagsimula namang nag-discuss ang teacher namin sa English. Hinayaan lang siya ng teacher namin na lumipat dahil siya ang top 1 sa English. Hay naku unfair! Haha! "Uy, anong sasabihin mo?" bulong ko sa kanya. "Basahin mo to! Sabihin mo kung maganda ha?" saad niya sabay abot ng notebook niyang nakabukas sa bandang gitna. May drawing itong rose at noong binasa ko ang nakasulat, isa itong love poem. Tiningnan ko siya saka binasa ang huling linya. "If they will just see how your smile looks to me, Maybe they'll see how you glow when I met thee..." "Ano pasado ba sa’yo?" tanong nito sabay kindat. Bigla pang sumikdo ang puso ko pero pinigilan ko ang sarili ko. Sabi kasi ng barkada niya kaya lang siya lumalapit sa akin kasi type niya si Allene at dahil ako ang lider ng barkadahan namin kaya siya nagpapalakas sa para ilakad ko siya. Sabagay okay lang naman. Mabait si Mark at bagay sila ni Allene. Pareho silang anak-mayaman, sa katunayan sina Allene at Kaye ang madalas taga-libre namin ng barkada. Si Mark naman, anak ng engineer at may hardware business sila sa bayan. "Uy, ano na?" Napapitlag ako dahil sinundot niya ng daliri niya ang pisngi ko. "Oo na! Gusto mo lang namang malaman kung papasa to kay Allene eh!" tugon ko at nginitian siya. “Ah! Oo eh! S-sana!" pautal niyang saad sabay kamot sa batok. Ngumiti na lang ako. Napangiti rin siya ng matamis. Natuwa siguro dahil alam niyang papasa kay Allene ang poem niya. *** Kinabukasan, sinalubong ako nina Kaye at Allene sa pinto ng classroom. "Uy Jen, pabasa na ng ginawa mong letter para kay Andrei" agad na ungot ni Kaye na sobrang lawak ang ngiti. "Oo nga amin na!" sabay pang sambit nina Anne at Charm na parang kabuting sumulpot sa likuran ko. Talaga naman ang aga-aga kinukulit ako, maipasa nga kay Allene ang usapan. "Uy, Allene! Maganda ba ‘yong love poem na ginawa ni Mark para sa ‘yo?" nakangiti kong tudyo. Nag-blush pa siya sa sinabi ko. "Wala ‘no! Wala siyang binigay!" agad niyang depensa. "Ang damot naman. Basahin lang namin!" baling agad ni Charm kay Alllene. "Sige na. Pabasa!" segunda naman ni Anne sabay hila sa uniform ng isa. "Wala talaga! Promise!" tugon naman ng isa. Nagtaas pa ito ng kamay. Tumango na lang ako at ngumiti sabay punta sa upuan ko. "Siguro nga hindi pa nabigay," saad ko nang makaupo. Nagtinginan lang ang apat. "Teka lang Jen, ‘wag mo ngang ibahin ang usapan" baling ulit ni Charm sa akin. Kahit kaillan hindi mo talaga siya mauutakan. "Oh siya sige pero paano n’yo ito ibibigay?" sambit ko at iniabot na sa kanila ang letter. Hindi rin naman sila titigil hangga’t hindi nila nababasa. "Isesend namin sa post office para mahirapan siyang ma-trace kung kanino galing." Sagot ni Kaye. Binasa niya ang unang linya sapat lang na kami ang makarinig. Andrei, I know this might look unlady-like… But I just wanna let you know that somebody from afar appreciates your existence... Hindi na niya itinuloy dahil tinakpan ko ang bibig niya at pinandilatan siya... Binasa na lang nila nang tahimik. "Pa-mysterious effect, pasok sa plano...Tingnan natin kung paano siya luminga-linga para tingnan kung may stalker siya" saad ni Anne matapos basahin ang liham. Nagtawanan naman ang iba. Natigil lang sila nang makitang paparating na ang guro namin. *** Recess Time Bago kami lumabas ng recess time, nilapitan ko si Mark. "Hindi mo pa pala naibigay ‘yong poem," bulong ko sa kanya. Tumitig naman siya sa akin ng ilang saglit bago nagsalita. "Uhm, tuma-timing lang!"napapailing niyang sabi. Nginitian ko na lang siya. "Hmm, sorry excited lang!" sabi ko saka naglakad na paalis. "It's ok!" narinig kong sambit niya bago ako tuluyang nakalayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD