Habang hinihintay namin ang order namin pansin kong parang may gusto siyang sabihin. "What? Spill it?" untag ko. He looked at me puzzled. "I know may gusto kang sabihin... Say it!" pilit ko pa rin. Tiningnan niya ako na parang tinatanya bago nagsalita. "Pinagpaalam ko nga pala kanina sa parents mo na bukas ng hapon tayo uuwi,” ngumiti siya ng alanganin. Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya. “Overnight tayo dito. Nagpa-reserve na ako ng two rooms," agad niyang dugtong bago pa man ako makapagsalita. "Sa akin nagpaalam ka ba?" agad kong salo. Pakiramdam ko ay biglang nag-init ang dugo ko. Napalis ang ngiti niya pagkarinig sa tanong ko. "Alam kong hindi ka papayag pero wala ka nang magagawa dahil hindi kita ihahatid,” confident niyang saad. I looked at him in disbelief. Hindi ako maka