December 26 Hindi ko alam kung sasama pa ako kay Andrei. Pakiramdam ko, lipas na ‘yong pagkakataon para sa kanya. Dapat noon ‘to nangyari. Magkukunwari na lang ako na nakalimutan ko. 9:45 AM May bumusinang sasakyan sa harap ng bahay. Alam kong si Andrei na ‘yon. Pagkalipas ng ilang saglit, kumakatok na si inay sa pinto ng kwarto ko. Kaharap lang ng sofa sa sala namin ang kwarto ko kaya kita agad paglumabas ko. “Good morning! Bakit ‘di ka pa nakabihis?” tanong ni Andrei pagkakita sa akin. Nagkunwari naman akong bagong gising. “Ha? Bakit?” Nagkunwari akong clueless sa sinasabi nito. “Ahy, oo nga pala. Sorry, nakalimutan ko. Puwedeng sa susunod na lang?” sunod-sunod kong wika nakunwari’y naalala na saw akas ang imbitasyon niya. Napatayo naman siya bigla sa sinabi ko ngunit ngumiti pa r