At 9:35 the following morning tumawag si Andrei. Alam yata niya ang break time namin. Itinanong lang niya kung baka sakaling nagbago ang isip ko pero muli akong tumanggi. Siguro sa inakto ko kagabi hindi pa nga ako ready na harapin siya. Whattddaa?! Ten years have past at hindi pa rin ako ready? Engot lang? *** Friday Night Tumawag ulit siya. Kinukulit ako kung puwedeng magkita kami ng Saturday or Sunday kasi magiging busy na siya in the next two weeks. Magchri-Christmas na kasi. Busy raw ang mga radio stations before christmas kasi magda-dubbing sila for radio dramas. Ayaw ko pa talaga siyang makita kaya muli akong tumanggi. Ang immature, parang teenager lang. Kaya para bumawi nag-promise na lang ako na makikipagkita sa kanya after Christmas kapag hindi na siya busy. Wala na siyang na