March 31 Today is my 26th birthday. Mahigit isang buwan na rin nang naging kami ni Andrei. Ayoko sanang i-celebrate ang birthday ko. Gusto ko kasing umuwi na lang sa bahay at makasama ang family ko kaso mapilit si Andrei magdi-dinner date lang daw kami tapos ihahatid na ako sa bahay. After dinner binigay niya ang gift niya. Bracelet version ng kwintas na binigay niya. May marimar din at Elaijen kabilaan. *** Hinatid niya ako sa bahay. Nakaupo kami sa sofa nang mapansin naming pareho ang dalawang rose na nakapatong sa center table. Tamang-tama namang lumabas si inay mula sa kusina. "May dumating na namang roses para sa ‘yo dalawa na lang ngayon ah!"ani Nanay bago kami iniwang dalawa. Napatingin naman si Andrei sa akin. Nagkibit-balikat lang ako. "Kanino galing? Puwedeng tingnan?" pa