I was excited! First summer vacation namin ni Andrei at 3 days kami doon. Nakasandal lang ako sa balikat niya noong nasa eroplano kami. Mabilis lang naman ang biyahe from Manila to Ilo-Ilo, mga less than an hour lang. May sumundo sa aming shuttle van sa airport papuntang daungan ng bangka na magdadala sa amin sa Guimaras Island. Pagdaong, may van ulit na sumundo papuntang resort. Guimaras is known for the sweetest mango in the country. Ipinagbabawal ang pagdala sa isla ng ibang mango seedlings. Para ngang ang sarap kainin ng mga nadadaanan naming manga. In season kasi. May mga ibang nagha-harvest na. Pagdating sa resort, tanaw ko na ang puting buhangin at asul na karagatan. Nasa second floor ang room namin at may veranda kung saan tanaw na tanaw ang dagat at mga mumunting isla. Isa lan