Napukaw ang pagmumuni-muni ko nang tumawag si Andrei. “Uhm, ano?” bungad ko. Huminga ako ng malalim at hinintay ang sagot niya. “I just got home and I missed you kaya tumawag na ako.” tugon naman niya. “Hmp! mambobola ka lang nagsayang ka pa ng load,” sambit ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napangiti. “No really, I missed you. Punta ako diyan bukas ha?” diretsa nitong sabi. “Ano ba kasing trip mo?” mahinahon kong tanong. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit bigla na lang siyang naging ganito sa akin? Does he like me? O nangti-trip lang? “I’m too old para mang-trip, and besides, you’re too smart to be tricked,” tugon nito. “Talaga lang ha?” Tumaas ang kilay ko pero may isang parte ng utak ko ang gustong maniwala sa sinseridad niya. “Yeah, sige pahinga ka na. I love you! G