Chapter 3
BEBANG…
MAAGA AKONG nagising, kailangan ko kasing maglaba ng mga damit ko. Saka para na rin samahan ang cook namin dito sa bahay ampunan. Mamimili kasi siya ng mga kailangan sa kusina para sa isang linggo stock. May sakit pa rin kasi si Thalia, siya naman kasi dapat ang kasama ng cook namin, at siya ang magaling sa Math sa aming dalawa.
“Bebang, tara na tanghali na. Baka wala tayong maabutan na sariwang isda sa palengke nito. Iyon pa naman ang request ni Sister,” yagak sa akin ni Ate Helen.
“Sige po, kukunin ko lang po sandali ang payong ko.”
Pinagtaasan niya ako ng kilay saka niya ako tinignan mula ulo hanggang paa. Alam ko naman ang titig niyang iyon, parang sinasabi ng titig niya na isa naman akong ulikba pero kung makapayong ako akala mo ‘ke puti-puti ko.
“Hindi na kailangan, Bebang. Hindi ka naman na tatablan ng sikat ng araw.” Sabi pa nito bago tumawa nang malakas.
Sanay naman na ako sa mga biro nilang ganito sa akin. Alam ko naman na hindi ako maputi, itong buhok ko daig pa ng sinulad, para kasing wire sa tigas. Bihira lang naman kasi ako makapag-shampoo, madalas sabon na panlaba lang ang ipinaghuhugas ko sa buhok ko. Kaya hindi na rin nakakapagtaka na matigas at maraming slit ends.
“Sige na nga po,” sabi ko naman, nakitawa pa ako.
Kaya lalo akong nagiging tampulan ng tukso, kasi akala nila mahina ang utak ko. Na hindi ko alam na iniinsulto na nila ako, ang hindi nila alam ayoko lang nang gulo. Ako na lang ang iiwas sa gulo at hayaan silang isipin ang gusto nilang isipin sa akin.
Sa paglabas namin ng ampunan, may naghihintay nang tricycle na maghahatid sa amin sa bayan. Si Mang Cardo na madalas na arkilahin ng Bahay ampunan sa kung saan man pwedeng pumunta tulad ng simbahan o kaya sa bayan.
“Aba! Nasaan si Tata? Bakit si Bebang ngayon ang kasama mo Helen?” takang tanong ng matanda.
Napangiwi ako sa utak ko, iyong pagkagulat ba naman sa mukha ni Mang Cardo parang nakakita ng multo. Sa ganda ‘kong ‘to mapagkakamalan akong multo ng matandang ‘to.
If I know, gusto niya kasi ang kaibigan ko. as in nagpapalipad hangin itong si mang Cardo kay Tata, hindi lang pansin ng kaibigan ko kasi puro pera ang nasa utak ng babaeng iyon.
Sa aming dalawa, si Tata naman talaga ang ligawin, hindi lang talaga pinapansin ni Tata. Kasi sa aming dalawa siya ang mistisa at mahubog na ang katawan. Maganda din talaga ang kaibigan ko na ‘yon, pwedeng ilabang ng Miss Barangay Singkikiti.
“May lagnat, masyadong masipag mag-isip ng pera ang batang iyon.” Sabi ni Ate Helen.
Sumakay na sa loob ng side car si Ate Helen, medyo may katabaan pa naman si Ate Helen. Wala na akong space sa loob para maupuan. Kaya siguro gustong-gusto naman ni Mang Cardo na si Tata ang kasama ni Ate Helen kasi sa likod mauupo ang kaibigan ko. Medyo healthy pa naman ang dibdib ng babaeng iyon.
“Ne, sa loob ka na lang sumakay.” Sukat ba naman sabihin sa akin ni Mang Cardo.
“Wala na ‘hong mauupuan doon.” Bulong ko naman, baka kasi marinig ni Ate Helen ma-offend ko pa siya.
“Meron ‘yan, doon ka na lang maupo.” Pamimilit ng matanda.
Nanghahaba ang nguso ko na nagpunta na nga sa tapat ng side car. Ipinilit kong sumakay sa loob, ending doon sa may maliit na extension na upuan ako naupo. Nakakangalay kayang dito maupo, pang bata lang naman itong upuan na ito. Hindi man ako matangkad, mahirap pa rin na maupo dito.
“Cardo, mamaya mo na lang kami balikan. Tulad dati, mga isa o dalawang oras. Kapag wala pa kami dito, alam mo na namimili pa kami. Madami kaming ipamimili ngayon at magpa-foundation day na naman.” Narinig kong bilin ni Ate Helen kay Mang Cardo.
Kinuha ko na ang dalawang bayong na dala namin ni Ate Helen, habang iyong basket naman ang hawak ni Ate Helen. Nagsimula na kaming maggalugad sa loob ng palengke. Inuna namin ang mga karne ng baboy, sunod ang manok, at ang huli ang mga isda. Puno na agad ang isang bayong na hawak ko, at mahigit kalahati naman ang isa. Wala pa ang mga gulay at ang grocery, pero mukha na akong kargador nito.
“Hi Ganda,” bati sa akin ng isang lalaki.
Hindi ko pinansin baka kasi hindi naman ako iyong sinasabihan na ganda. I know my limit, natawa ako ng lihim, English iyon nakaka-nose bleed.
“Ang suplada mo naman ngayon,” sabi na naman no’ng lalaki.
Doon ko pinagpasyahan na lumingon sa tabi-tabi, kasi wala akong narinig na nagsalitang babae. Umandar na naman ang pagiging tsismosa ko, curious lang naman ako.
At sa paglingon ko sa kanan ko, ganoon na lang ang gulat.
“Ay! Puta!” bigla kong naibulalas.
Kamuntik-muntikan ko ba namang mahalikan ang sira-ulong lalaking nasa tabi ko. sobrang lapit ba naman ang mukha niya sa mukha ko, mabuti na lang mabilis akong nakalayo sa kanya. Kung hindi sasayad ang nguso ko sa nguso niya.
“Sayang,” narinig kong sabi noong lalaki.
Inirapan ko nga ang gago, nakilala ko na itong lalaking basta na lang lumapit sa akin. siya iyong lalaking tumawag sa akin na maganda doon sa karinderya ni Aling Ester kahapon.
“Mukhang ang bigat na n’yang dala mo, tulungan na kita.” Pagprisinta nito.
“Naku, hijo hindi kami kukuha ng kargador. Wala akong ibabayad sa ‘yo,” sabad ni Ate Helen.
Narinig pala niya ang sinabi nitong lalaking ito, at talagang nakatingin siya sa amin.
“Free naman po, mukhang nabibigatan na si Ganda.” Sagot naman ni ano na nga ang itinawag sa kaniya ni Aling Ester kahapon.
“Kung libre sige bahala ka hijo,” sabi naman ni Ate Helen at naglakad na papunta sa may bilihan ng mga gulay.
Kinuha naman sa akin iyong mga dala-dala ko nitong si Ano. Kahit papaano nakahinga na ako ng maluwag ay mapapahinga ang mga kamay ko.
“Ang bigat nga, hindi ka dapat nagbubuhat ng ganitong kabigat na bayong.” Ani Ano…
“Anong pangalan mo na?” tanong ko sa kaniya.
Ngumiti siya, iyong totoong ngiti, paano ko nasabing totoong ngiti? Basta ngumiti siya iyong magandang ngiti na lumabas ang mga biloy niya sa pisnge.
“Calixtro Matapang at your service Miss Beautiful.” Pakilala nito sa akin.
Ang ganda ng pangalan niya bagay sa kanya na gwapo at mukhang artista. Sa totoo lang alangan siya sa lugar namin, pero hindi ako tsismosang tao para…
“Bakit nandito ka? Mukha ka pa namang mayaman, pwede ka rin artista alam mo ba ‘yon? Hindi ka bagay dito sa palengke.”
Malakas na tumawa si Calixtro, lalo tuloy siyang naging gwapo sa paningin ko.
“Saan ako bagay Miss? Sa ‘yo? Pwede ba akong mag-apply sa ‘yo?” anito.
Inirapan ko siya, gago ‘to, kinikilig ang pempem ko. este ako lang, ako lang ang kinilig walang ibang parte ng katawan ko. pero ako rin naman ang pempem ko, parte siya ng katawan ko so meaning…
Tangina ang gulo kong nilalang, si Calixtro lang ang nagpapagulo ng utak ko.
“Ewan ko sa ‘yo,” nakairap ako. pero iyong labi ko may sarili yatang utak, ngumiti ang loka.
“Naku mamaya na ang landi, Bebang marami pa tayong bibilhin. At ikaw naman lalaki, bata pa itong si Bebang saka ka na mangligaw kapag disi-otso anyos na ito.” Saway sa amin ni Ate Helen na nakikinig pala sa amin.
Nauuna na nga siyang maglakad sa amin, medyo may layo siya sa amin. Pero may radar yata ang tenga ni Ate Helen at narinig pa talaga ang mga banat ni Calixtro sa akin.
“Ito namang si Ate Helen, ngayon na nga lang may nabulag sa akin.” bulong ko na nanghahaba ang nguso.
“Anong sinasabi mo, Ganda?” tanong sa akin ni Calixtro.
Oh ‘di ba ang bilis ko talagang nakapag-adjust, parang matagal ko nang binabanggit ang pangalan niya. sanay na sanay ang dila ko na banggitin ang pangalan niya, ay hindi lang pala dila ko, utak ko rin pala.
“Wala, sabi ko bilisan mo at marami raw kaming ipamimili pa. Kung magbabagal ka, ako na lang ang magbubuhat n’yan nakakahiya naman sa ‘yo.”
Akmang kukunin ko na ang dalawang bayong na dala niya, pero iniiwas niya ang mga ito.
“Sus, ito naman ang bilis magtampo.” Anito saka lumapit na naman sa akin. “liligaw pa rin naman ako kahit na ayaw nila, ikaw naman ang liligawan ko hindi sila. Kaya ngumiti ka na, mas lalong gumaganda ka kapag nakangiti ka.” Bulong niya sa akin.
Ang bilis tuloy ng pintig ng puso ko nang dahil sa mga sinabi niya.
Ito na ba talaga iyong panahon na magkaka-lablayp na ako? iyong masasayaran na ng nguso ng iba ang nguso ko.
Na may bibiyak na nang pinya ko, este ng pinya para sa akin.
Tinignan ko si Calixtro, mukha naman siyang seryoro.
Naku ha, kailangan ko yatang bumili ng helmet para sa ‘yo. Baka mauntog ka biglang luminaw ang mga mata mo at magising ka sa katotohang isang ulikba ang nasa harapan mo.