Chapter Two
BEBANG...
"HOY BEBS!" sit-sit sa 'kin ni Thalia.
Nakahiga na kami, nakapikit na ako para matulog. Matapos ang mahabang sermon sa amin ni Madam Soledad, pinarusahan niya kami na maglinis ng buong shelter at maglaba ng mga damit ng mga bata. Iyon ang ginawa namin sa buong maghapon kaya pagod na pagod na ako. Ang gusto ko na lang ngayon ay matulog, para bukas may lakas na naman ako.
"Bebs," sit-sit na naman ni Thalia.
Buntong hininga naman ang sinagot ko. Hindi ito titigil, hindi ito magpapatulog kaya kailangan ko na siyang haraparin para matapos na ito at nang makatulog na ako. Bago ako tumagilid paharap sa kanya malalim na bumuntong hininga na naman ako, pero bago pa man ako makaharap sa kanya nagulat na lang ako na nakahawak na siya sa dibdib ko.
"Ikaw Thalia susuntukin na kita eh. Alisin mo nga iyang kamay mo," saway ko sa kanya ng pabulong.
Baka kasi magising ang ibang mga bata sa tabi namin kapag sumigaw ako. Kainis talaga ang babaeng ito, hindi ito ang unang na ginawa ito sa akin ni Thalia.
"Ginising lang kita, ayaw mo akong pansinin eh," bulong niya
Tumagilid na ako para humarap sa kanya. Hindi pa naman ako natutulog, kaya hindi nito kailangan na hawakan ang dede ko para gisingin ako.
"Ano ba kasi iyon?" tanong ko sa kanya.
"Tuloy pa rin natin 'yong plano. Mag-iipon tayo para kapag nag-eighteen na tayo pwede na tayong magpaalam kay Madam Soledad, may pera tayo pangluwas ng Maynila." aniya.
Huminga ako ng malalim, "sigurado ka ba doon Tha? Baka kasi tama si Madam Soledad. Baka mahirapan tayo kapag nagpilit tayong umalis agad dito," alanganin kong sagot sa kanya.
Biglang nalukot ang mukha niya bago niya akong mahinang kutusan sa noo ko.
"Sira ka talaga, magkasama naman tayo walang iwanan hanggang sa pagtanda. Kaya bakit ka matatakot, dalawa naman tayo. Isa pa madaming trabaho doon. Madali tayong yayaman doon," pang-iingganyo niya na naman sakin.
Buntong hininga na naman ang sinagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.
"Nagpunta ako kay Aling Ester kaninang umaga. May bakante raw siya dalawa, kasi nagpaalam 'yong dalawang namamasukan sa kanya na uuwi raw at magbabakasyon. Pagkakataon na natin," excited na sabi niya.
Kahit naman tumanggi ako wala rin akong magagawa kasi hahatakin at hahatakin niya ako papasok sa trabaho na iyon.
KINAUMAGAHAN NGA nagtuloy kami sa karinderya ni Aling Ester. Madali lang ang trabaho kahit na all around ang gawain, magsisilbi ka, maghuhugas ka, magtatakal ka ng ulam at kanin tapos magbibigay ng libreng sabaw.
Sahod namin dito ay seventy five pesos, mula alas diyes ng umaga hanggang alas tres ng hapon lang naman. Iyong mga oras na madaming kumakin kaya ayos na sa amin ang sahod namin na iyon tapos libre naman kami ng tanghalian.
Naka-isang linggo na kami, isang linggo na lang tapos na ang side line namin dito. Pero sabi nga ni Aling Ester pwede naman kaming umekstra paminsan-minsan kapag kailangan niya ng tao. Masisipag naman daw kaming dalawa ni Thalia kaya pwede kaming bumalik-balik sa karenderya ni Aling Ester.
Sa ngayon, buong atensyon namin ni Tata ay sa pag-iipon lang. Malapit na kasi kaming mag-eighteen. Lalo na ako anim na buwan na lang birthday ko na. Kaya doble kayod kami ni Tata para may malaki kaming ipon kapag nagpaalam na kami sa shelter.
Ang daming tao, hindi kami halos magdandamaway sa trabaho dahil talagang dinadayo ang karenderya ni Aling Ester.
"Miss, free ba ang soup niyo dito?" tanong ng isang lalaki.
Ano ba naman iyan? akala ko naman tapos na. Napapakamot pa ako sa sarili kong ulo bago ko harapin ang bagong costumer. Iniwanan na ako sa harapan ng karinderya ni Aling Ester at wala naman ng mga constumer na bibili.
Pagtingin ko sa kanya napataas ang kilay ko, kasi nakayuko siya habang tinatakpan ang mukha niya ng sumbrero niya. Tingin ko binatilyo lang din itong nagtatanong, medyo maliit pa kasi ang katawan.
"Oo, ano bang order niyo sir?" magalang kong tanong.
Turo kasi iyon sakin ni Aling Ester, tatawaging kong Sir o Ma'am ang bawat costumer na lalapit at mag-o-order.
"Isang kanin at soup..." sabi ng lalaki.
Napakamot naman ako sa ulo sa order niya.
"Ano pong ulam niyo?"tanong ko ulit.
Doon naman nag-angat ng tingin ang lalaki, parehas pa kaming parang nabigla ng magkatinginan kami.
"'Nak nang, bakit ngayon lang kita nakita dito miss? ang ganda mo naman," bulalas nito na parang magandang-ganda sa akin.
Pero sabagay sabi nga niya maganda ako.
Ako naman nawalan na ng masasabi kasi sa totoo lang kinilig ako bigla. Tapos tinawag niya akong maganda. Ay paulit-ulit naman ako.
"Hoy! Matapang, nambola ka na naman d'yan. Ako na dito Bebang, doon ka na sa kusina at tulungan mo na sila doon na maghugas ng mga plato." Utos sakin ni Aling Ester.
Ayoko sanang umalis doon, kahit pa bolahin niya ako ng bolahin ng binata na iyon ayos lang. Feeling ko kasi siya na ang love of my life, ang icing ng ibabaw ng cupcake ko. s**t naman ang gwapo niya para sabihan ako nang ang ganda ko, kinikilig tuloy ang panty ko ay este ako pala.
"Aling Ester naman, pinaalis pa si Miss beautiful 'di tuloy ako nakaporma," narinig ko pang reklamo ng binata.
"Naku bata pa iyon, wag siya Matapang," sagot naman ni Aling Ester.
Nilingon ko siya, nakita kong nakatanaw din siya sa 'kin. Nang magtama ang paningin naming dalawa kinindatan niya ako.
"Ayos nga iyon Aling Ester, bata pa rin naman ako," sabi pa niya sabay ngiti sa 'kin.
Kinikilig na naman ang panty ko este ako ang kinikilig.
Pero may naalala ako habang nagkakatitigan kaming dalawa.
Napailing na lang ako sabay irap sa kanya at talikod. Hindi ko kailangan ng lalaki ngayon sa buhay ko. Isip muna Bebang bago magkerengkeng sa lalaki, kailangan ko munang isipin ang kinabukasan ko. Kasi sarili ko lang ang inaasahan ko ngayon, wala na akong magulang para umintindi sa 'kin.
Isip muna bago panty este puso pala.
...............................