Four

1913 Words
Chapter 4 BEBANG… LINGON SA KANAN, lingon sa kaliwa, iyan muna ang gagawin ko bago ako dahan-dahan na lalabas sana ng bahay ampunan. “Hoy! Bebs, anong drama mo?” sita sa akin ni Tata. “Ay palakang ligaw!” sigaw ko naman. Napahawak ako sa dibdib ko, ang bilis ng kabog ng dibdib ko. para akong nahuling akyat bahay nito, guilty agad ang hatol ni Judge Katakutan sa akin. Sino naman itong si Judge Katakutan? Wala lang imbento ko lang, wala naman akong kilalang Judge. “Natatae ako,” sabi ko kay Tata. Pinagkunutan niya ako ng noo, titig na titig siya sa akin na parang hindi naman niya ako paniniwalaan. Hindi naman kasi kapani-paniwala, dahil may sarili kaming banyo sa loob ng kwarto namin. “Saan ang punta mo?” tanong niya sa akin, hindi talaga siya naniwala sa sinabi ko. Umayos na ako ng tayo, tumingin sa labas, na parang may-x-ray vision ang mga mata ko. Baka nasa labas na si Calix, hinihintay ang kagandahan ko. Naiinip na siya habang pabalik-balik ang lakad niya kasi nag-aalala na siya sa kalagayan namin ng magiging anak namin— teka bakit napunta sa panganganak ang imagination ko. “Nagugutom talaga ako, Tata.” Sabi ko na lang sabay hawak sa tiyan ko. Ngumiti na si Tata, doon ko lang napansin na nakabulsa ang isang kamay niya. Nang inilabas niya ang kamay niya mula sa bulsa, hawak nito ang wallet niya. “Tara nagugutom din, bili tayo ng fishball sa may kanto.” Sabi ni Tata sa akin. Wala na akong nagawa ng yakagin na niya ako at hawak na niya ang isang braso ko. Wala namang pumansin sa amin dalawa nang lumabas na kami ng gate. Kahit naman nang madaanan namin ang ibang mga batang kasama namin ‘di rin kami pansin. Sa paglabas nga namin nasa may gate na si Calixtro, agad siyang ngumiti sa akin pero nag-iwas ako ng tingin. Sa pag-iwas ko ng tingin kay Calixtro may nauna na ako kay Tata, ako na ngayon ang humihila sa kaniya. “Gutom na gutom lang Bebs,” sita sa akin ni Tata, na may kasama pang pagtawa. “Oo, gutom na gutom na ako.” Totoo naman kasi ang sinabi ko, gutom naman talaga ako at hindi ako kumain ng maayos kaninang hapunan. Kasi nga may balak ako, may balak akong makipag-date. Ito naman kasing si Tata, nakabuntot na sa akin, magaling na hitad. Iyong first date ko sana, napurnada pa kasi nakadikit na nga sa akin si Tata. May usapan kami ni Calixtro, mula nang magkalapit kami sa palengke isang linggo na ang nakakaraan. Palagi na kaming palihim na nagkikita sa labas ng ampunan. Palagi niya akong pinupuntahan kung saan man ako naroroon. Hindi ko alam kung paano, parang may radar kasi ang lalaking iyon. Ang dali niya akong nahahanap kahit saan ako magpunta matutunton niya ako. Kaya ito, opisyal na kaming nagliligawan. Hindi pa jowa, pero malapit na kaming maging mag-jowa. Dapat nga ngayon iyon, kung hindi lang ako sinamahan ni Tata na lumabas. Balak ko na siyang sagutin, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa doon din naman ang punta namin. Ako pa ba ang choosy, eh ako ang panalo sa magiging relasyon namin ni Calixtro. Siya ang talo kasi magkakaroon siya ng jowa na uling. Pasimple akong lumingon sa likuran namin, nanghihinayang na hindi natuloy ang date sana namin. buong akala ko wala na si Calixtro sa likuran, pero pasimple pala siyang nakasunod sa amin. Nang magtama nga ang mga tingin namin, ngumiti siya saka kinindatan ako. “Bebs, saan ang punta mo?” saway sa akin ni Tata. Nagulat ako sa tanong niya, pagtingin ko sa paligid ko lagpas na pala kami sa pupuntahan namin. Lakad lang kasi ako nang lakad, habang panay ang lingon sa likod ko. “Kakain,” sabi ko na lang kay Tata. Sana lumusot ang sinabi ko, na mukhang okay lang kay Tata kasi nakaharap na siya ngayon sa may nagtitinda ng fishball. Kanya-kanya na kami ng kuha ng plastic na baso at barbecue stick para kumuha ng bagong luto na fishball at kikiam. Nilingon si Calixtro kung saan ko siya nakitang nakatayo kanina. Pero wala na siya doon, lilingon sana ako sa ibang derekyon ng may lalaking pumuwesto sa likuran ko. “Kuha ka lang ng gusto mong kainin, ako na ang magbabayad.” Bulong nito sa akin. Kilala ko na agad ang nasa likuran ko, si Calixtro. Napaigtad pa ako nang umabot siya ng baso na halos dikit na dikit sa akin. Ene be, kenekeleg ne nemen eke! Pigil kong ngumiti, na iniipit ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko. Hindi ko magawang kumuha o tumusok ng fishball o kikiam, kasi para akong naiipitan sa kilig na nararamdaman ko. Para lang naman kasi nakayakap sa akin si Calixtro mula sa likuran ko. “Hoy! Bebang, halika nga rito.” Tawag sa akin ni Tata. Nakatingin pala siya sa amin, sana hindi niya napansin ang ginawa ni Calixtro. “Minamanyak ka na d’yan oh!” dagdag pa ni Tata. Doon ko lang nilingon si Calitro na nasa likuran ko lang talaga. Hindi naman niya ako minamanyak, feeling ko pa nga pinoprotektahan niya ako. Napilitan akong lumayo kay Calixtro nang hilahin na ako ni Tata papunta sa gawi niya. hanggang nakaw na tingin na lang tuloy ako kay Calixtro at ganoon din siya sa akin. pero kahit na ganito ang sitwasyon namin, parang lalo ko tuloy gustong makasama siya ng solo. “Tata, nand’yan ka lang pala. Pinapatawag ka ni Sister, hilutin mo raw ang likod niya.” tawag ni Boy, kapwa namin ulila na sa ampunan na lumaki. Mas matanda lang sa amin ng ilang buwan si Boy, balak na rin nitong umalis ng apunan tulad namin. “Sandali, kumakain pa ako.” reklamo ni Tata. Pero wala na siyang nagawa nang hilahin naman siya ni Boy, “ang takaw mo, saan mo ba dinadala ang kinakain mo. Ang liit lang naman ng katawan…” Nakalimutan nila ako, nakatanaw lang ako sa dalawang papalayo na at nagbabangayan pa habang naglalakad. natanaw ko rin silang pumasok na nang tuluyan sa loob ng bahay ampunan nang hindi ako naalala ni Tata. “Sa wakas masosolo ko na ang reyna ko,” bulong ni Calitro sa tabi ko. Nakadikit na rin siya sa akin, na kulang na lang umakbay na sa akin. “Bakit sinagot na ba kita at reyna na ang tawag mo sa akin. huwag kang feeling at ano d’yan Calitrox Matapang,” pagtataray ko, pero may lihim na ngiti sa labi ko. “Ang ganda mo talaga,” sabi naman nito. Hindi ako nagsalita, inirapan ko pa nga siya, pero iyong irap na may kasamang kinilig na ngiti. “Keshe nemen eh! Super ganda ko ba?” kinikilig na tanong ko sa kanya. Tumango lang siya bilang sagot sa akin, pero andoon ang ngiti sa labi niya. “Sobrang ganda mo talaga,” sabi na naman nito na nakatitig sa akin. Wala na hulog na hulog na talaga ang panty ko, este ako pala. Hulog na hulog na ang buong damitan ko, hubo na nga ako sa paningin niya. Susme! Ano ba naman itong mga pinagsasabi ko, may gayuma nga yata ang lalaking ito. MATAPOS NAMIN sa fishball stand sa may malapit na kanto sa bahay ampunan. Nagpunta kami sa park ni Calixtro, hindi naman kalayuan ang park na pinuntahan namin. Nilakad nga lang namin ang papunta sa park, hulas na ang kagandahan ko. mainit pa naman ngayon, kahit gabi na tagaktak ang pawis ko. “Pasiyensya ka na, hanggang sa lakad lang muna kaya ng budget ko.” ani Calixtro sa akin. Napansin niya siguro na panay ang punas ko sa noo at leeg ko. “Okay lang, ako rin naman walang pang-tricycle.” Natahimik naman kaming dalawa, maya-maya lang tumayo si Calixtro, tumakbo siya papunta sa may malapit na tindahan. Pagbalik niya may dala na siyang softdrink na nasa supot ng yelo na may straw. “Oh, ito na lang muna ang inumin mo.” sabi niya nang iabot na niya ang binili niya. Nahiya naman ako, hindi naman ako nagrereklamo na nauuhaw ako. Pero tinanggap ko na rin at ininom, kasi nauuhaw naman talaga ako. hindi naman kasi kami uminom ng samalamig sa kinainan namin ng fishball kanina. Tinignan ko siya nang naupo siya sa tabi ko, wala siyang binili para sa sarili niya. nakatingin lang siya sa akin na para bang nauuhaw din siya ay nakikilunok na lang sa akin. “Hati tayo,” sabi ko sa kanya nang iniaabot ko na sa kanya ang softdrink na binili niya para sa akin. Umiling siya, “sa ‘yo na iyan. Mamaya hahanap ako ng bukas na karinderya d’yan makikinom ako.” “Wala ka bang bahay?” Ngayon ko lang siya natanong, sa mga araw kasing nagkikita kami palagi lang na panakaw ang sandali namin. kumbaga magkikita lang kami, kikindat siya at ipapakita ang mga dimples niya sa akin, tapos na kinikilig na ako maghapon noon. Ngayon lang talaga kami nakapagsolo na dalawa na may date nga na nangyayari sa pagitan namin. “Meron, nakikita mo ba ‘yong jeep doon malapit sa may simenteryo? Bahay ko ‘yon.” Pagmamalaki pa niya talaga. “Ibig sabihin wala ka talagang bahay,” sabi ko sa kanya na nakairap. Tawa lang ang loko nang tawa, “ilang taon ka na reyna ko?” “Seventeen,” sagot ko naman sa kaniya, “ikaw?” “Eighteen, parehas na may teen so med to be tayo.” Aniya na nakakindat na naman sa akin. “Meant to be, hindi med to be.” Pagtatama ko pa sa kaniya. Ang saya niya lang, tawa lang nang tawa ang sagot niya sa akin. “Alam ko, gusto ko lang naman na patawanin ka. Kaso ako lang naman ang tumatawa dito, paano ko pa pangingitiin ang reyna ko?” Parang tumabling ang puso ko, kanina ko pa naririnig sa kaniya na tinatawag niya akong reyna niya. Pero ngayon kasi seryoso siya kaya mas lalo akong kinilig sa pagtawag niya sa akin na reyna. “Kung ngingiti ba ako ngayon anong gagawin mo?” balik tanong ko sa kaniya nang makabawi ako mula sa kilig. “Mamahalin kita lalo, at ibibigay ko sa ‘yo ang buong buhay ko.” Ohlala! Mag-iipon na talaga akong pambili ng helmet, baka maumbog magising na nang tuluyan ang isang ito. “Sige, kapag nakita mo akong ngumiti, tayo na. jowa na kita, jowa mo na ako. pangungunahan na kita, selosa ako, ang akin ay akin lang, kapag nakita kitang may ibang pinupormahan na babae, lagot ka sa akin.” banta ko sa kaniya. Itinaas pa niya ang kamay niya na parang nanunumpa, “pangako, ikaw lang ang mamahalin ko. hanggang sa dulo nang walang hanggan. Promise cross my heart, kahit mamatay na ang kuko ko sa mga paa.” Para naman siyang nanggagago lang sa akin, hanggang sa kuko lang ba ng mga paa niya ang beauty ko? “Alam mo naman na kailangan kong maglakad-lakad lang, kaya kapag namatay ang mga kuko ko sap aa ibig sabihin mamamatay na rin ako kasi hindi na ako makakalakad.” Biglang paliwanag nito. Hindi ako nagsalita, ngumiti na lang ako saka biglang natawa na nang tuluyan. Iyong gwapo niyang mukha, parang mas lalong naging gwapo sa gulat na reaction niya. namalayan ko na lang nagtatatalon na siya sa harapan ko habang sumisigaw nang yes!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD