Prologue
BEBANG...
"MISS, MAY sabaw ba kayo dito?"
Kanina pa ako nahihilo sa karinderyang ito, ang daming kumakain ang sarap naman kasi ng pagkain dito tapos mura pa. Kaya hindi magkamayaw ang pagdating ng mga kumakain.
"Miss, extra rice pa nga," hiyaw ng isang costumer.
"Soup po!" sigaw na naman ng isa pa.
Tatlo lang kaming serbidora ngayon dito, hindi ko pa nakasama si Tata kasi may sakit siya kaya ako lang ang nag-side-line rito.
Panay raket lang naman kami, walang permanenteng trabaho kasi under age pa kami para sa legal na trabahador. Nakikiusap lang kami sa mga may-ari ng mga pinapasukan namin kung pwede kaming mag-part-time lang. Mababa nga lang ang sahod dahil sa para kaming mga puslit o mga takas.
"'Andyan na!" sigaw ko naman.
Dala ang tray na puno ng umuusok pang mga sabaw nagmamadali na akong magserve sa mga costomer. Ang dami naman talaga kasi ang kumakain dito, kahit na ang daming nakahilerang mga kainan sa paligid.
"Bebang, pagkatapos mo d'yan ikaw nga muna sa harapan at magbabanyo lang ako. Alam mo naman na ang pagtatakal, hingin mo muna nang bayad bago mo ibigay ang ulam," bilin ni Aling Ester ang may-ari ng karinderyang pinapasukan ko.
"Opo."
Nang maibigay ko na ang huling mangkok ng sabaw sa costumer mabilis akong lumapit sa harapan ng karinderya kung nasaan ang mga display ng mga ulam. Madami pa ding pumipila para mag-order kahit na pasado ala-una na ng hapon. Hindi na nga kami magkandamayaw sa pagkuha ng order, tinulungan ko na rin si Aling Ester ng nakabalik na ito galing banyo.
"Hay! sa wakas," daing ko.
Napamasahe pa ako sa balikat ko nang matapos ang pagdagsa ng mga tao sa karinderya. Sa dami ng tao kala mo hindi mauubos ang mga taong labas-pasok sa loob ng karinderya ni Aling Ester. Ang sakit tuloy ng likod at paa ko, isama pa na nagugutom na ako.
"Miss, free ba ang soup niyo dito?" tanong ng isang lalaki.
Ano ba naman iyan? akala ko naman tapos na. Napapakamot pa ako sa sarili kong ulo bago ko harapin ang bagong costumer. Iniwanan na ako sa harapan ng karinderya ni Aling Ester at wala naman ng mga constumer na bibili.
Pagtingin ko sa kanya napataas ang kilay ko, kasi nakayuko siya habang tinatakpan ang mukha niya ng sumbrero niya. Tingin ko binatilyo lang din itong nagtatanong, medyo maliit pa kasi ang katawan.
"Oo, ano bang order niyo sir?" magalang kong tanong.
Turo kasi iyon sakin ni Aling Ester, tatawaging kong Sir o Ma'am ang bawat costumer na lalapit at mag-o-order.
"Isang kanin at soup..." sabi ng lalaki.
Napakamot naman ako sa ulo sa order niya.
"Ano pong ulam niyo?"tanong ko ulit.
Doon naman nag-angat ng tingin ang lalaki, parehas pa kaming parang nabigla ng magkatinginan kami.
"'Nak nang, bakit ngayon lang kita nakita dito miss? ang ganda mo naman," bulalas nito na parang magandang-ganda sa akin.
Pero sabagay sabi nga niya maganda ako.
Ako naman nawalan na ng masasabi kasi sa totoo lang kinilig ako bigla. Tapos tinawag niya akong maganda. Ay paulit-ulit naman ako.
"Hoy! Matapang, nambola ka na naman d'yan. Ako na dito Bebang, doon ka na sa kusina at tulungan mo na sila doon na maghugas ng mga plato." Utos sakin ni Aling Ester.
Ayoko sanang umalis doon, kahit pa bolahin niya ako ng bolahin ng binata na iyon ayos lang. Feeling ko kasi siya na ang love of my life, ang icing ng ibabaw ng cup cake ko. s**t naman ang gwapo niya para sabihan ako nang ang ganda ko, kinikilig tuloy ang panty ko ay este ako pala.
"Aling Ester naman, pinaalis pa si Miss beautiful 'di tuloy ako nakaporma," narinig ko pang reklamo ng binata.
"Naku bata pa iyon, wag siya Matapang," sagot naman ni Aling Ester.
Nilingon ko siya, nakita kong nakatanaw din siya sa 'kin. Nang magtama ang paningin naming dalawa kinindatan niya ako.
"Ayos nga iyon Aling Ester, bata pa rin naman ako," sabi pa niya sabay ngiti sa 'kin.
Kinikilig na naman ang panty ko este ako ang kinikilig.
Pero may naalala ako habang nagkakatitigan kaming dalawa.
Napailing na lang ako sabay irap sa kanya at talikod. Hindi ko kailangan ng lalaki ngayon sa buhay ko. Isip muna Bebang bago magkerengkeng sa lalaki, kailangan ko munang isipin ang kinabukasan ko. Kasi sarili ko lang ang inaasahan ko ngayon, wala na akong magulang para umintindi sa 'kin.
Isip muna bago panty este puso pala.
......................................